Clyde..
Clyde's Pov
"Angelieee!" Malakas na tawag namin kay angelie pero walang sumasagot...
"Baka nauna nang umuwi yun" si Emerald..
"Ano ba kasing problema nya?" Tanong ni henry...
"Ewan! Ipapadala ko sana sa kanya yung maliit na bag eh binangga lang ako! Mukha syang galit!" Paliwanag ko sa kanila..
"Eh baka naman nagalit dahil pinapadala mo yung maliit na bag!" - si bailon
"Imposible naman yun dahil hindi nya ako pinatapos magsalita !" - ako
"Alam nyo , umuwi nalang kaya tayo para mapag alaman natin kung nandon na ba si angelie.." suggestion ni aira...
"Mabuti pa nga" pag sang ayon ni angel...
======×××======
"Ano ? Hindi pa umuwi si Anglie?" Gulat ba sambit ni Emerald....
Nandito na kami ngayon sa bahay nila angel tinanong namin kay aling divina kung umuwi ba rito si angelie pero di daw
"Totoo hija, hindi sya umuwi rito... O sha, aalis muna ako sandali .... Pupuntahan ko lang si mareng dona... Angel , michael kayo nang bahala rito..." sambit ni aling divina sabay alis...
"Naku, pano na yan? Baka may nangyari nang masama kay angelie" - aira...
"Oo nga..!" Pagsang ayon ni Genelyn....
"Alam nyo guys, wag kayong negative thinker ... Bukas nalang natin sya hanapin..." kalmadong sabi ni angel...
"Ang mabuti pa'y magpahinga muna kayo ngayon... " si michael
Nagsi akyatan kaming lahat at nagtungo sa kanya kanyang kwarto...
Nasan kaya si angelie ngayon? Sa tingin ko naligaw yun sa gubat.....
Siguro takot na takot na yun...
"Sa tingin mo bailon ok lang kaya si Angelie ngayon?" Tanong ko kay bailon..
"Aweee , concern!" Nataawang sabi ni bailon....
"Bakit? Masama ba ? Tol, barkada natin sya natural lang na mag'alala ako sa kanya...."
Sambit ko sabay titig ng masama kay bailon...
"Talaga lang hah? "
Ngumiti ng nakakaloko si bailon...
"Ewan ko sayo" nag galit galitan ako sabay akyat sa itaas na kama
Double deck kasi yung kama rito...
Humiga na ako habang si bailon ay tumatawa...
Pinikit ko yung aking mata at unti unti akong nakatulog....
======×××======
Mga bandang alas 3 ng madaling araw ng bigla akong nagising....
Hinihingal ako at pawis na pawis
Napanaginipan ko kasi si Angelie...
Gumagapang sya sa daan.. Punong puno siya ng kalmot at taga... Itinaas nya yung kamay nya at Humihingi sya ng tulong saakin
Aabutin ko sana yun ng biglang may humila sa kanya palayo...
Tanging nakakapangilabot lang na sigaw ni angelie ang narinig ko...
Ay doon ay bigla akong nagising
Kahit pilitin kong matulog ulit at di ko nagawa..
Nag aalala na talaga ako kay angelie....
Aaminin ko , matagal na akong may gusto sa kanya Di ko lang ito masabi dahil baka di na nya ako pansinin..
Selos na selos nga ako sa tuwing kasama niya si henry ...
Bumangon ako at bumaba sa kama... Nag ingat akong mabuti para di magising si bailon..
Nagsulat ako sa sticky note at dinikit ko yun sa closet...
Pagkatapos ay kumuha ako ng flashlight at tuluyan ng umalis...
======×××====
Napahalukipkip ako sa sobrang lamig...
Binabagtas ko ngayon ang daan patungo sa falls .... Di ko na ginamit ang dala kong flashlight
Sapagkat maliwanag ang buwan...
Mayamaya pa, nakarinig ako ng hakbang ng paa pakiramdam ko, may sumusunod sa akin...
Tumigil ako para mapakinggan ito ngunit tunog lang ng kulisap ang ang naririnig ko .
Nang maglakad ulit ako ay narinig ko na naman yung hakbang ng paa..
Nagsimula ng gumapang ang Kilabot sa katawan ko....
Pakiramdam ko, may mga matang nakamasid sa akin...
Lumingon lingon ako sa likuran ngunit walang tao...
Pagharap ko ay bigla akong napatigil ng may nakita akong babae... Nakatalikod sya abang nakaharang sa daan
Anong ginagawa nya rito sa ganitong oras?...
Nilapitan ko sya
"Miss! Anong ginagawa mo rito?" tinanong ko sya ngunit di sya sumagot....
hahawakan ko sana yung balikat nya ng bigla syang Tumawa... Nakakilabot ang tawa na yun...
Nang humarap sya sa akin ay nagulat ako sa hitsura nya...
Pula ang nanlilisik nyang mata, matulis ang kanyang ngipin, at mahaba ang kanyang kuko...
Kinabutan ako ng ngumiti sya sa akin... May mantsa ng dugo ang ngipin nya ... Pati ang kanyang damit may dugo rin...
Bago pa ako makatakbo ay kinalmot nya yung mukha ko ...
Pa ulit ulit nya akong kinalmot hangang sa natumba yung katawan ko...
Lumuhod sya sa gilid ko pagkatapos ibinaon nya yung mataas nyang kuko sa aking dibdib .. Pumalahaw ako sa sakit... natigil lang yun nang dinukot nya ang puso ko....
Unti unting nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nalagutan ng hininga
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top