Baryo Mystica

Emerald's pov

 

"Baryo Mystica"  bulaslas ni Clyde habang binabasa yung road sign

"Dito na ba yung patungo sa inyo angel?"  Tanong ni bailon

"Oo, dito na nga " nakangiting sagot ni angel

Na we'weirduhan ako at nahihiwagaan sa pangalan ng baryo . 

Magtatanong nalang siguro ako kay angel mamaya.

Nagpatuloy sa pagdrive si clyde hanggang  sa may nadadaanan na kaming mga kubo.

Malayo ang distansya ng bawat bahay, di gaya sa maynila na halos magkadikit na nga ang mga bubong. Nagsilabasan ang mga tao nang marinig nila ang tunog ng sasakyan.

Lihim akong napatawa sa sarili ,

Siguro di pa nakakakita ng sasakyan ang mga tao rito. Mayamaya ay narating  na namin ang bahay nina angel.

Sobrang laki ng bahay nila , maganda ang disenyo.

Natitiyak kong yari sa mamahaling materyales ito.

Bumaba na kami sa sasakyan  tapos  nag unat.

"Urrrghhh, sakit ng likod ko !"  Bulaslas ni henry

"Ikaw lang ba? Kami rin kaya " nakangiting sabi ni genelyn 

"Tara na guys, pasok na tayo sa loob  Ipapakilala ko kayo sa family ko"

Nakangiting sabi ni angel sabay hatak kay bailon.

"Kami daw oh, pero si bailon yung hinatak, Suss angel alam ko na yang style mo"

Nakangising sabi ni clyde

Nagtawanan na lang kami lahat  habang sumusunod kay angel at kay bailon.

Mas lalo pa akong humanga  sa ganda ng bahay nang makapasok na kami.

"Wow, ang ganda !" Yan lang ang tanging salita sa lumabas mula sa bibig ko

"Oo nga no,  "  sang ayon ni aira na tila manghang mangha rin sa ganda  ng bahay.

"Guys, ayaw nyo bang umupo?"

Sabi ni clyde mula sa likuran namin. Liningon namin sya. Nakaupo siya sa sofa habang nakasandal yung paa nya sa maliit na mesa.

Dali daling hinatak ni angelie si henry  sa sofa.

"Well, gusto ko na rin umupo , nangangalay na  kasi yung paa ko eh"  sabi ni angelie tapos sabay sila umupo ni henry

Kanina pa talaga yung dalawa nayan, -.-  di mapag hiwalay! Hay nako ,

Lumapit ako kay clyde.

"Hoy clyde, mahiya ka nga "

Inalis ko yung paa nya sa mesa tapos binatukan ko sya.

"Aray!" Bulaslas ni nya

"Hahaha, hayaan mo nalang sya Em . Teka, tatawagin ko muna  yung family ko, dito lang kayo hah? "  nakangiting paliwanag  ni angel sa amin.

Umakyat  sya hagdan habang kami naman ay naiwan.

Mayamaya  ay bumaba na si angel, nasa likuran nya ang dalawang matanda na sa tingin ko ay yung lolo at lola nya.

Nang makababa na sila ay agad na ipinakilala ni angel sa amin ang dalawang matanda. 

"Hi guys, meet my lolo  Jeyan and my lola Rochelle" nakangiting sabi ni angel, nagmano kami sa lolo at lola nya.

"Lola, sila po yung sinasabi ko sa inyo "  nagkatinginan ang dalawang matanda sa sinabi ni angel, pagkatapos ay  ngumiti sila sa isa't  isa.

Weird!

"Pasensya na at natagalan kami mga hijo't hija"  tumingin kami sa nagsalita  dun sa may hagdan, Nagmadaling  Bumaba ang isang babae na may kasamang lalaki  Pakiramdam ko sila yung parents ni  angel.

"Ako nga pala si divina , ako ang mama ni angel at heto naman si lyle,  asawa ko"

nakangiti sa amin ang mama ni angel ganun din ang kanyang papa

"Kumusta kayo? Sana ay maging masaya kayo sa pananatili nyo rito"  sabi nung papa ni angel

Mukhang mababait sila,

"Ok lang po kami"  halos magkasabay na sabi namin  

"Angel, dalhin mo na sila sa kwarto na tutuluyan nila. Tatawagin ko nalang kayo  pag luto na ang hapunan." Sabi ng mama ni angel

Sumunod  kami kay angel na umakyat sa taas .

"Okay guys,Para magkasya kayo  tig da'dalawang tao kada kwarto. Double deck kasi yung kama. Ayos lang ba sa inyo?" Sabi ni  angel sa amin

"Well okay lang, gusto kong makasama ay si bailon " sabi ni clyde.

"Kami nalang ni aira partner" sabi ko sabay hila kay aira

"Ok lang ba sayo? " tanong ko kay aira

"Okay lang" nakangiting sagot nya

"Gusto ko mag solo!" Nakangising sabi ni henry,

"Well no choice tayo, kayo ni genelyn ang partner angelie. Okay lang ba sa inyo "  sabi ni angeL

Tumango lang ang dalawa.

Pagkatapos nun ay pumasok na kami sa napili naming kwarto.

Pagkapasok , ay  agad akong umakyat sa ibabaw na kama.

Sinabi ko kay aira matutulog ako sandali dahil napagod ako sa byahe.

Sya naman ay inayos yung gamit namin at inilagay sa cabinet.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #horror