Ang pagtatapos(Part 4)
"Michael?" Galit na sambit nung lalake...
Si michael ba yang nasa harapan ko? Ang bilis naman yata gumaling nung sugat nya at Mukhang mas malakas na sya ngayon di gaya kanina . Siguro may espesyal na gamot syang inilagay sa sugat nya kaya ganun.
"Mi..michael?" Naluluhang sambit ko...
Salamat naman at maayos lang sya.
"Patayin nyo ang taksil na yan! Isama nyo pati yung babaeng parati nyang ipinagtatanggol Gagawin natin syang agahan bukas."
Kinilabutan ako sa sinabi nung lalake.
"Michael, natatakot ako!"
Napaatras ako ng biglang mag'ibang anyo yung mga tao. Naging malaking aso sila.
Naglalaway nila akong tinitigan.
Sinunggaban ni michael yung isang aso at naglaban sila.
Nagtataka ako dahil mas lumakas pa si michael . Madali nyang napatumba ang kanyang kalaban.
"Grrrrr" galit na tinitigan sya nung malalaking aso...
Nilundagan sya ng mga ito at naglaban na naman sila.
Nakaramdam ako ng takot....
Takot na baka masaktan si michael. Takot na baka sa pagkakataong ito di na sya gumaling. PEro gayun paman, alam kong magiging maayos lang sya.. Malakas sya, at alam kong lalaban sya para sa aming dalawa. Alam kong makakatakas kami rito at mamumuhay kami ng matiwasay.
Marami rami nang napatumba si michael. May natamo syang mga kalmot pero konti lang.
"Ano ba kayo? Wag nyong hayaang makaligtas si michael !" Nanggigigil na sigaw nung lalake na philip yung pangalan.
"Grrrrrr"
Sabay sabay nilang nilundagan si michael.
Pinagtulungan nilang kalmutin at kagatin sya...
"Arrrrwwww" palahaw ni michael..
Naawa ako sa kanya ngunit wala akong magawa... wala akong laban sa mga halimaw na gaya nila.
Napa iyak lang ako habang pinagmamasdan silang sinasaktan si michael...
"Michael , lumaban ka please! Mahal na mahal kita!Ayokong mawala ka sa akin"
Sigaw ko sa kanya..
Kinagat ni michael ang leeg nung asong kumalmot sa tiyan nya. Kinalmot nya ang iba pa at Unti unti syang bumangon. Natumba yung mga kalaban nya.
Natuwa ako dahil lumaban sya... Hindi nya hinahayaang pigilan nila kami... makakatakas na kami rito.
Wala nang makakapigil sa amin.
"Michael, makaka alis na tayo !"
Naluluhang sambit ko...
Tumakbo ako papunta kay michael at niyakap ko sya ng kay higpit.
"Tara na!"
Nagsimula na kaming lumakad ni michael. Ilang hakbang pa lang ang nagagawa namin nang biglang...
"Arrrrwwww" isang matalim na bolo ang tumusok sa tagiliran ni mi michael.
Hawak ito ni philip..
"Arrrwwww" unti unti nyang binunot ang bolo at
Natumba si michael .
"Michael?"
Gulat na sambit ko, di ako Makakilos sa gulat.
"Lapain nyo sila" galit na sigaw nya.
Natauhan ako ng biglang may lumundag malaking aso kay Michael.
Kinagat nito ang leeg nya.
Pumalahaw ng iyak si michael.
Kailangan ko syang tulungan. Naghanap ako ng bagay na maaring ipampalo ko sa aso.
Nakakita ako ng kapirasong kahoy .. patakbo akong pumunta dun.
Sa pagmamadali ko, ay nadapa ako at Nasugatan ang aking tuhod ...
"Arrrghh ang sakit"
"Grrrrr" nagulat ako sa aking narinig mula sa aking likuran.
Paglingon ko,
napapalibutan ako ng mga malalaking aso. Naglalaway sila habang nakatitig sakin.
Napa iyak ako sa takot...
Katapusan ko na yata .
Lumundag sa akin ang aso ngunit, biglang may sumalo sa pag atake na yun...
Si michael pala.....
Kahit nang hihina siya , pilit pa rin nya akong Ipinagtatanggol.
Bawat pag atake nung mga aso sakin, sya ang sumasalo...
Di pa rin tumitigil ang luha ko sa pagpatak...
Pakiramdam ko wala akong kwenta kasi di ko manlang nagawang tulungan si michael.
Sinunggaban ni michael yung isa sa mga aso at naglaban na man sila. Pinagtulungan nung iba pa na kalmutin si michael
"Papatayin kita..." napalingon ako ng may nagsalita sa aking likuran ..
Si philip. May hawak syang itak.. "hindi kayo makakatakas ni michael "
Napahawak ako sa aking bibig nang unti unti nya itong itinaas...
Napa iyak ako habang ipinikit ko ang aking mga mata.
"Paalam michael..!"
Hinataw nya ang itak sa akin at
.
.
.
.
.
.
.
.
"Awohhhhhhhhh"
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
TO BE CONTINUED.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top