#3: Ampo
Sa Basilica Minore Del Santo Niño sa Cebu, makikita natin ang mga nagtitinda ng kandila. Nag-aalok sila ng sayaw ng Sinulog para sa ating mga hangarin sa panalangin. Kung ang isang tao ay naghahangad ng mabuting kalusugan at kaunlaran, ang mga nagtitinda ng kandila ay magdarasal para sa mabuting kalusugan sa ngalan ng taong naghahanap nito. Sila ay tunay na kahanga-hanga.
Ngunit paano ang kanilang mga petisyon? Sino ang nagdarasal para sa kanila? Sino sa ngalan nila ang magdarasal kapag may hinihiling sila? Kaya ngayong Sinulog Festival, ipagdasal natin ang mga nagtitinda ng kandila na nagdarasal para sa iba maliban sa kanilang sarili. Ipagdasal natin ang mga nagtitinda ng kandila—tulad ng aking ina.
Date Started:. March 25, 2023
Date Finished: March 25, 2023
Mula pa man noong bata ako, si Mama na ang nagturo sa ’kin ng lahat ng mga bagay na maaaring natutunan ng isang bata. Ninais kong maging masaya noong bata pa lang ako, pero hindi yata ’yon ang plano ni Mama.
“Trina! Tulungan mo ako rito, hanguin mo ’tong mga kandila!” sigaw ni Mama.
Ito ang parati niyang sinisigaw sa ’kin sa tuwing malilibang ako sa mga ginagawa ko rito sa bahay, palagi niya akong pinaghahango ng mga kandilang ginagawa niya mula sa nilusaw na pagkit.
“Samahan mo ako sa Basilica Minore, ipapabasbas ko ang mga kandilang ’yan.” Masugi niya akong pinapakusapan upang samahan siya sa Basilica Minore Del Santo Niño.
Kapag nabasbasan na ng pari ang mga kandilang ginawa ni Mama ay binibigyan niya ako ng ilang mga piraso. Iniiwan ako parati ni Mama sa harapan ng Basilica Minore at parati niya akong pinagbibilinan.
“Itulos mo ang kandilang ’yan sa tulusan do’n sa Krus ni Magellan. Hilingin mong parati kang pagpalain ni Señor Santo Niño.” Ngiti niya parati sa ’kin.
Tumatango ako sa kan’ya at nginingitian ko rin siya sa mga pagkakataong gano’n, pero taliwas sa sinasabi niya ang mga ginagawa ko. Dahil gusto kong pati rin si Mama ay makinabang sa mga grasyang ipigkakaloob sa ’kin ni Señor Santo Niño.
Palayo na si Mama, sinusundan ko siya nang dahan-dahan patungo sa puwesto kung saan ay nagtitinda siya ng kandila. Oo, candle vendor si Mama dito sa Basilica Minore.
Hindi ko ikinakahiyang gano’n ang trabaho ng aking ina, bukod kasi sa ito’y marangal ay talagang isa pa itong instrumento upang mas lalong mapalapit sa Diyos.
Sumasayaw si Mama para sa mga intensiyon at petisyon ng mga mananampalataya. Nagdarasal habang sinasayaw niya ang mga hakbang sa pagsayaw ng Sinulog. Sumasayaw si Mama kahit walang indak ng musika, basta’t para sa petisyon ng bawat mananampalataya, siya’y kumikita ng sapat.
Ayos na para sa ’ming dalawa ni Mama ang perang kinikita niya sa araw-araw bilang isang candle vendor. Iniwan kasi kami ni Papa kaya walang katulong si Mama sa pagbuhay sa ’kin, ayaw niya rin naman akong patulungin sa trabaho niya kasi ayaw niya akong bata pa lang ay nagta-trabaho na.
Kaya sa halip na sundin si Mama sa mga inutos niya na humiling ako kay Señor Santo Niño ng prosperidad para sa sarili ko ay magandang buhay para kay Mama ang hinihiling ko.
Para siya ang mabigyan ni Señor Santo Niño ng kalakasan sa mga pagsubok na kinakaharap niya, para mabigyan siya ng sapat na pahinga sa araw-araw, at para mabigyan ko siya ng maayos at magandang buhay sa hinahanap paglaki ko.
Sa pag-indak ko kahit walang musika, isinasayaw ko ang kandila bago ito sindihan. Ipinananalangin ko nang malakas ang mga intensiyon ko, at kapag sindihan ko ang kandila ay ipinapalagay kong natatanggap ko na ang mga ipinagdasal ko.
At lahat nga ng mga iyon ay natanggap ko na ngayon...
“Trina Larida, cum laude, Bachelor of Elementary Education.” Nakamit ko rin ang pangarap kong makapag-tapos upang mabigyan si Mama nang magandang buhay.
Tumayo ako sa kinauupuan ko, sabay kami ni Mama na pumunta sa stage upang sabitan niya ako ng medalya. At imbis na sa leeg ko isabit ’yon, sa leeg ko niya ipinagkaloob ang medalya na simbolo ng aking tagumpay.
“Salamat, Anak.” Ngiti sa ’kin ni Mama noong mga oras na ’yon.
Sa mga oras na ’yon ko lang naramdaman ang gano’ng klaseng saya, sa oras na ’yon ko lang naislayan ang inay kong nakangiti dahil sa labis na kaligayahan. Kaya’t nais kong mas lalo pa siyang pasayahin upang lagi ko siyang nakikitang may ngiti sa kan’yang labi.
Makalipas ang ilang buwan, kumuha ako ng pagsusukut upang magkaroon ako ng lisensiya upang maging isang ganap na guro. Sa mga dasal ni Mama at sa pamamagitan ng pagsayaw niya at pag-aalay niya ng kandila ay naipasa ko ang eksaminasyon.
“Trina Larida, LPT!” Iyan ang sigaw ko nang ako’y makapasa sa Licensure Examination for Teachers.
Sa ngayon ay ginagawa ko na ang lahat upang maging isang master teacher, at sa mga susunod pang taon ay pinapangarap kong naging isang principal. Ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Mama, para hindi na siya mahirapan sa araw-araw at para mapagkalooban siya ng isang magandang buhay.
Ngunit na sa kalikasan ni Mama ang magsayaw, kaya’t kung maaari ay pinababayaan ko na siya sa pagdarasal para sa ibang tao. Ngunit hindi ko naman siya pinababayaan dahil ako ang nagdarasal para sa kan’ya.
Sa Basilica Minore Del Santo Niño sa Cebu, makikita natin ang mga nagtitinda ng kandila. Nag-aalok sila ng sayaw ng Sinulog para sa ating mga hangarin sa panalangin.
Kung ang isang tao ay naghahangad ng mabuting kalusugan at kaunlaran, ang mga nagtitinda ng kandila ay magdarasal para sa mabuting kalusugan sa ngalan ng taong naghahanap nito. Sila ay tunay na kahanga-hanga.
Ngunit paano ang kanilang mga petisyon? Sino ang nagdarasal para sa kanila? Sino sa ngalan nila ang magdarasal kapag may hinahangad silang mga bagay na nais nilang makamit? Kagaya iyon ng aking ina.
Ako ang nagdarasal para sa kan’ya, at siya naman ay nagdasaral para sa ’kin at para sa iba pang mga tao. Kaya’t ngayon ay masaya na ’kong nakikita si Mama na ginagawa pa rin ang nakasanayan niya.
Alam kong mahirap bitiwan ang panatang ito sa Banal na Bata, kaya’t hindi ko na sasabihin kay Mama na tumigil siya sa pagsayaw at panalangin para sa ibang tao.
Dahil sa huli, siya naman din ay nakatatanggap ng mga biyaya ni Señor Santo Niño bilang kan’yang mensahero.
---Wakas---
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top