Chapter 5

Kasalukuyan...

Pagkalabas sa tinutuluyang boarding house ay bitbit na lahat ni Kristine ang mga gamit.

Hindi niya alam kung saan na naman siya pupunta, pagod na siyang magpalipat lipat ng tirahan magmula ng maghiwalay sila ni Jake, at 1 month pagka galing niya ng Cebu ay hindi na siya nakahulog ng renta sa boarding house ni Aling Minda kaya dalawang buwan na ang balanse niya sa upa.

Isang buwan lang siya nanatili sa Cebu dahil agad naman nakakuha ang Bar na yun ng regular band na tutu-tugtog kaya nakauwi siya kaagad sa Manila.

Naisip niyang tawagan ang kaibigan niyang si Aira para makahingi ng tulong.

She dialed her friend contact number at nag-riring naman ito at maya maya ay sinagot na ng kaibigan ang tawag niya.

"H-hello Aira." Bungad niya sa kabilang linya.

"Hello bhe, ano napatawag ka? Tanong ni Aira kay Kristine.

"I need your help bhe." Garalgal ang tinig na tugon niya sa kaibigan.

"B-bakit? Anong nangyari? Tanong ni Aira.

"Pinalayas ako ni Aling Minda, Aira a-at wala akong mapuntahan." Maluha luha na niyang turan sa dahil talagang desperada na siya sa mga sandaling yun.

"Ha?--- Okay halika muna dito sa apartment ko at dito tayo mag-usap, hihintayin kita." Saad ni Aira trying to calm her dahil talagang nagsisimula nang pumatak ang luha niya dahil sa nararamdamang habag sa sarili sa mga sandaling yun.

Nagpaalam na siya sa kaibigan at sinabing pupuntahan na lamang niya ito.

"Ano ba kasing nangyari Kristine,? bakit ka pina-alis akala ko ba na-settle mo na yung bayad sa boarding house mo?" Tanong agad ni Aira sa kanya pagkaupo niya sa sofa pagpasok sa apartment nito.

"Nagipit kasi si Nanay, yung ibabayad sana niya sa tuition fee ni Karla ay nagamit niya, kaya siya nanghingi sa akin ng tulong.---
Hindi kasi makakapag exam yung kapatid ko kapag hindi nakabayad, k-kaya yung pambayad ko ng upa yun muna ang  pinadala ko."Nahihiyang sambit  niya sa kaibigan.

"Ayun na nga ba ang sinasabi ko eh--- Anong balak mo ngayon?" Aira asked her.

"Hindi ko alam Aira. Walang wala na talaga ako ngayon eh, hindi ko alam kung saan ako pupunta." At tuluyan na ngang bumagsak ang luha niya sa labis na dinadalang problema.

Hinagod naman ng kaibigan ang likod niya at pilit siyang pinapakalma subalit masyado nang naipon iyon sa loob niya at idagdag pa ang problema niya tungkol kay Jake na hindi pa rin siya tinitigilan hanggang ngayon at sa tuwing nakikita niya ito ay bumabalik lamang ang sakit ng ginawa nitong panloloko sa kanya.

"Tahan na bhe, dito ka muna tumuloy habang di ka pa nakakahanap ng boarding house.-- Pero okay lang ba na dito ka sa sala matutulog? Alam mo naman bhe na kasama ko dito ang jowa ko." Alok ni Aira sa kanya.

Tumingin siya dito habang humihikbi at dahil masyadong matindi ang emosyong nararamdaman ay bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo at pakiramdam ng pagsusuka.

Napatakbo siya agad sa banyo ng kaibigan at doon nagsuka ng nagsuka pero puro tubig lang naman ang nailalabas niya.

Aira followed her in the toilet at titig na titig ito sa kanya.

"Kristine okay ka lang ba?" Tanong nito habang hinahagod ang likod niya.

At nang mahimasmasan ay binalingan niya si Aira.

Hindi lang kasi ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng pagkahilo at pagsusuka dahil pangatlong araw na siyang matamlay at laging hilo at nagsusuka kaso pinagsasawalang bahala niya lamang dahil sa kailangan niyang maghanap buhay para sa pamilya niya.

"Siguro sobrang stress at pagod lang 'to Aira." Saad niya sa kaibigan sabay ngiti ng tipid dito.

"Sigurado ka ba? Eh sobrang putla mo kaya bhe, magpacheck-up ka kaya kasi you really look stressed." Suhestiyon ni Aira, pero naisip niyang magiging dagdag na naman sa gastusin kaya wag na lang.

"Baka pagod lang to bhe. Mamaya magiging okay na ako. Salamat ha sa lahat ng tulong." Nakangiting saad niya sa kaibigan sabay yakap dito.

Pagsapit ng gabi ay kinailangan na naman ni Kristine na magtungo sa kanilang regular gig sa isang sikat na bar sa Makati at kahit problemado ay pinilit pa rin niyang maging masaya sa harap ng mga taong nanonood pinanindigan niya ang kasabihang nila na "the show must go on" ganun ang buhay nilang mga performer.

"So guys thank you for coming here in Groove Resto Bar and we will be singing this final song for this first set so hope you guys enjoy this song..."

She said to the audience habang nasa stage performing.

Put away the pictures
Put away the memories
Ive poured over and over throug
my tears
Ive held them till Im blind
They kept my hope alive
As if somehow might keep you here
Once you believed in a love forevermore
How do you leave it in a drawer

Now here it comes
The hardest part of all
Unchain my heart that holding on
How do I start to live my life alone
Guess Im just learning, learning the art of Letting go.

Halos mabigik sa lalamunan nya ang bawat salita ng kantang Art of letting go ni Mikaila,.

Nagbalik ang sakit ng pagtataksil sa kanya ni Jake, na kung bakit naman ang dali para dito ang itapon ang dalawang taong pagsasama nila.

Sometimes she wondered why he came into her life and made her fall in love with him kung sa bandang huli ay sasaktan at lolokohin lang din siya nito.

She tried to erase him on her mind at bumaba na ng stage para pumunta sa dressing room doon siya maghihintay ng susunod na set nila.

Habang pababa si Kristine ay agad siyang nakaramdam ng pagkaliyo at mistulang umiikot ang paligid kaya napakapit siya sa balustreng nasa gilid ng stage.

"Kristine ayos ka lang ba?" Tanong ni Ed ang drummer sa banda nila.

"Nahihilo ako." Saad niya at doon na nagdilim ng tuluyan ang paningin niya, nawalan siya ng malay-tao.

*****
She woke up at the hospital na malapit sa Bar, dinala siya doon ng mga kasama  niya.

"A-Aira--- bakit ako nandito?" Tanong agad niya sa kaibigan nang mabungaran ito.

"Nahimatay ka bhe.--- at nagpanic ang lahat including kay Boss kaya dinala ka dito. Pag-imporma ng kaibigan.

"U-uwi na tayo Aira okay na ako, baka kasi maningil sila ng mahal." Tugon niya at pinilit tumayo subalit bigla din siyang napahiga dahil naliyo pa rin siya.

"Bhe---- m-may dapat kang malaman, k-kaya madalas kang mahilo dahil--" Pambibitin ni Aira.

"Dahil ano?" Kunot noo at kinakabahang tanong niya dito.

"Dahil---- Buntis ka Kristine!, yun ang sabi ng doctor." Bulalas ni Aira na siya namang ikinatigagal niya.

Buntis daw siya?Hiyaw ng isip niya, subalit talagang ayaw tanggapin ng utak niya ang sinabi  ng kaibigan.

Umiling iling siya kasabay ng pagbalong ng luha sa mga mata.

Hindi maari! She can't be pregnant-- No!!!'., Pilit na tanggi ng isip niya dahil sa matinding takot.

Takot dahil nagbunga ang minsang pagkakamaling ginawa niya na pilit na niyang ibinabaon sa limot.

It's been two months nang mangyari iyon and she promised herself na hinding hindi na niya iyon babalikan dahil isa lamang itong matinding pagkakamali.

"H-hindi totoo yan di ba Aira? Niloloko mo lang ako eh." Pilit niyang pinapagaan ang pakiramdam subalit sinasalakay na siya ng matinding pangamba.

"Hindi kita niloloko Kristine, yun ang resulta ng pagsusuri sayo ng doctor kanina.---
Si Jake ba?" Seryosong tanong ni Aira na may bahid na awa ang tingin nito sa kanya.

Dalawang buwan na silang wala ni Jake nung may mangyari sa kanila ng estrangherong lalaki na nakilala niya noong magtrabaho siya ng isang buwan sa Cebu at sigurado siyang hindi si Jake ang ama dahil lagi itong may proteksyon kapag nagniniig sila.

"A-Aira---  Hindi si Jake ang ama nito." Tugon niyang nagsisimula nang manlumo.

"Ano?!!!---- Eh kung hindi si Jake sino?" Gulat na tanong ni Aira.

"H-hindi ko kilala eh,. Nung pumunta ako ng Cebu m-may nakilala akong lalaki at m-may nangyari sa amin." Pag amin niya, nakita niyang nanlaki ang mata ni Aira sa sinabi niya.

"Ano?!!! Paano nangyari yun Kristine?-- dahil ba sa malungkot ka kaya kung sino na lang na lalaki ang sinamahan mo para lang makalimot?" Hindi makapaniwalang tanong ng kaibigan.

"Hindi ko alam Aira---- magulo lang yung isip ko nun." Umiiyak nang tugon niya.

"Paano ngayon yan? Anong gagawin mo? Jusko naman Kristine, ikaw nga hindi mo alam kung saan ka titira tapos ngayon magkakaanak ka pa?, Ewan ko sayo hindi ko alam ang sasabihin ko."

Naiiritang tugon nito sabay tampal sa sariling noo.

Bigla siyang nakaramdam ng hiya para sa kaibigan dahil mukhang pati ito ay  na-stress sa problema niya.

"Wag kang mag-alala Aira, aayusin ko 'to.-- pasensya ka na ha pati ikaw naabala pa." Apologetic niyang tugon dito.

Nilapitan siya ng kaibigan tsaka niyakap pilit siyang inaalo at alam niyang naiintindihan siya nito.

Please vote for updates❤❤❤

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top