Chapter 3

Kasalukuyang nag-eempake si Kristine dahil lilipad siya patungong Cebu,. 2 months after niyang iwan si Jake ay sinunggaban na niya agad ang offer ng isa niyang kaibigang manager sa isang bar na may ibang branch sa Cebu para maging isang Band singer. At dahil bagong bukas pa lamang yun ay kinailangang kumuha sila ng singer na galing Manila para daw maka-engganyo ng customer at dahil alam ng kaibigan niya ang pinagdadaanan niya kaya sa kanya nito in-offer ang trabaho doon.

Ang sabi ng kaibigan niya ay two months lang naman siyang mananatili doon at pagkatapos ay pwede na siyang bumalik sa Manila after.

Halos araw araw siyang sinuyo noon ni Jake at inaamo subalit ayaw na niyang magpaloko pa dito, sapat na ang nakita niya para tuluyan na itong kalimutan.

Minahal niya ng sobra si Jake at ibinuhos niya lahat para dito, kaya sobrang sakit ng nararamdaman niya ngayon dahil sa panloloko nito sa kanya.

Tama na muna ang pagpapakatanga dahil kung maniniwala siya dito at papatawarin niya ito ay malaki ang tendency na uulitin lang nito ulit ang panloloko nito sa kanya. Kaya kahit mahirap ay kailangan niyang magpatuloy sa buhay even without Jake.

"I already packed all my thing Aira at papunta na ako sa airport." Saad niya sa kaibigan na nasa kabilang linya.

"Okay bhe, let me know kung naroon ka na ha." Sagot nito and she hang up.

Habang nasa eroplano ay hindi niya maiwasang isipin ang masakit na pangyayari sa buhay niya.

Jake tried to explain to her his side of the story but she was too hurt to listen and believe him. Ang nasa isip niya ay kung gaano na siya nito katagal ginagago at ang isiping habang siya ay nasa gig gabi gabi ay ang magaling niyang boyfriend ay nakikipagsiping na pala sa ibang babae at dinadala pa nito mismo sa condo din nito. That thought almost break her heart into pieces, paano kaya nito iyon nadadala sa konsensya?,
Ang hayop na lalaking yun!., Saad ng isip niya.

Pasimple niyang pinunas ang luhang nangilid sa kanyang mga mata at naghanda na para bumaba ng eroplano dahil nakarating na sila sa Cebu.

Nagsimula siya agad kumanta sa bar at nang gabing yun ay napakaraming tao.

She started to sing the song "Kung ako na lang Sana" ni Bituin Escalante at agad naisip niya si Jake kaya nadala siya sa kanta but she tried to took him out of his mind and focus herself into her job.

Habang kumakanta si Kristine ay nahagip ng mata niya ang isang lalaki sa dulo ng bar na mag-isang umiinom and she could see that the man is not in good condition, siguro ay may pinagdadaanan,. Sa isip isip niya tsaka ibinaling sa ibang direksyon ang tingin at nagpatuloy sa pag-awit.

*******
Habang lumalalim ang gabi ay napapadami na ang nainom ni Calvin at halos ay pasuray suray na siyang maglakad palabas ng bar na iyon habang tangan tangan pa rin ang isang bote ng alak.

Humantong siya sa pampang at doon ibinuhos niya ang lahat ng sama ng loob at frustration niya.

"Damn!!!!! I have loved you so much Empress!!!!---
Damn you Luke Fuck!!---Shitt!!!"

Malakas na sigaw niya sabay bato sa bote ng alak sa kawalan.

Samantala ng oras na yun ay nasa pampang na si Kristine at tapos na ang last set na gig nila sa Bar na yun sa Cebu at dahil medyo nakainom din siya ng kaunti ay napagpasyahan na lang muna niyang maglakad lakad sa seashore bago sana matulog, pero laking gulat niya ng muntik na siyang tamaan ng bote na ibinato ng isang lalaking sira na ata ang ulo at narinig pa niyang nagsisigaw habang parang tangang napapasuntok pa sa hangin.

Agad siyang nagtungo sa kinaroroonan ng magaling na lalaki para sana talakan subalit natigilan siya pagkakitang umiiyak ito.

Medyo madilim sa bandang yun kaya hindi niya maaninag ang itsura nito but for sure gwapo ang lalaki at ang macho pa ng katawan.

Kristine suddenly felt the urge to comfort the stranger dahil dama niya ang sakit na nararamdaman nito subalit wala naman siyang lakas ng loob na gawin yun dahil hindi naman sila magkakilala.

"Minahal kita Empress but why on earth you couldn't love me back?--- bakit si Luke pa rin?!! Damn!!! Arhhhh!!!!---

Muli ay narinig niyang sigaw nito at doon naramdaman niyang pareho sila ng pinagdadaanan ng lalaki. At wala sa loob na sumigaw din siya at ginaya ito.

"Ahhhhhh----- hayooop ka Jake mamatay ka na, manloloko ka!!!" Hindi na rin niya napigilang sigaw dahil sa tingin niya ay masarap nga sa pakiramdam ang inilalabas ang sama ng loob and he's right dahil biglang gumaan ang pakiramdam niya dahil sa pagsigaw.

Nagulat si Calvin when out of nowhere ay may sumigaw na babae sa tabi niya.

Nilingon niya ito at napakunot noo.

"Hey!!--- Who are you?" Marahas na tanong niya sa babae at tinignan ito ng masama.

"Hi! Ang sarap palang sumigaw--- thank you ha, ginaya kasi kita eh." Alanganing ngiting turan ni Kristine sa lalaki.

"N-narinig kong sumigaw ka at p-parang pareho tayo ng pinagdadaanan." Dugtong pa niya at nilingon ito.

"What??--- And who the hell told you na gayahin ako ha?!!
--And damn!! Bakit ba kita kinakausap?!!" Masungit na saad ng lalaki na siyang ikinataas ng kilay niya.

Pero bigla siyang natigilan ng maaninag mula sa ilaw na nasa poste malapit sa kinatatayuan nila ang mukha ng lalaki at Shit!!!!

Sobra pa sa extra ang ka-gwapuhan ng lalaki at sobrang hot nito na halos ay mapanganga siya nang titigan siya nito ng matiim.

"Ang sungit mo naman sayang gwapo ka pa naman sana." Bulong niya lang yun pero narinig ata nito.

"Really?-- Nakangising turan nito na humarap pa dito sabay hagod ng tingin sa babae mulo ulo hanggang paa.

"So--- what do you want huh?" Tanong pa nito at ngumiti ng nakakaloko sa kanya.

Bigla siyang kinilabutan sa tinuran nito.

Napagkamalan pa ata siyang hooker ng lalaking 'to, sambit niya sa sarili.

"A-ahh wa-wala naman mister-- sige ha aalis na ako, pasensya ka na." Agad niyang tugon sabay talikod dito subalit pinigilan siya ng estrangherong lalaki sa braso.

Tinignan niya ito sa nagtatanong na mga mata.

"Wait----- Are you looking for some fun?" He asked her smirking.

Napamulagat siya sa sinabi ng lalaki at ngali ngali niya itong bigyan ng mag-asawang sampal.

"What?!!!--- Sira ulo ka ba ha? Anong akala mo sa akin pokpok?" Nanlalaki ang matang hiyaw niya dito.

Nanggagalaiti siya sa inis sa kagaspangan ng ugali nito.

"I didn't say that---
but if you want to forget about him, why don't you come with me at sabay natin silang kalimutan just for tonight miss." Nanunuksong tugon ni Calvin sa babae.

He didn't know where that idea came from basta lumabas na lamang iyon sa labi niya, maybe because he was really desperate at pakiramdam niya ay kailangan niya ng makakausap at ang babaeng ito ay parang nasa pareho niyang sitwasyon kaya bagay lamang silang magsama.

Natigilan si Kristine sa tinuran ng lalaki at aaminin niyang parang ayaw pa niyang magkahiwalay sila nito ng landas. Ewan ba niya pero may kung anong karisma ang lalaki na mahirap iwasan at hindi niya ito matanggihan.

Wala sa loob na tumango na lamang si Kristine bilang pagsang-ayon.

"Alright,--- Let's go?,
In my place." Nakangising tugon nito at iginiya siya sa Phantom hotel.

Nagtataka siya nang makapasok doon dahil parang kilala ito ng mga empleyado at dire diretso lamang sila sa elevator and she saw him pressed the 10th floor.

Nang bumukas ang pinto ng elevator ay naglakad pa sila at huminto sa pangatlong pinto and he opened it.

Bumungad sa mga mata ni Kristine ang napakaganda at luwang na silid.

Halos mapanganga siya pagpasok nila doon and she looked around the room at manghang mangha sa ganda ng silid nito.

"Feel at home miss-- What's your name again?" He asked her habang hinuhubad nito ang suot na amerikana.

Nilingon niya ito subalit agad ding nagbaba ng tingin sapagkat nahihiya siya dito.

"Im Kristine." Pakilala niya sa sarili.

Tinitigan ni Calvin ang babae mula ulo hanggang paa. At napapangiti siya dahil napakaganda din nito at mukhang magaling sa kama., Sa isip niya.

She possesses a curvy body na tinatawag na voluptuous body at mga matang tila nang-aakit at labing nag-aanyaya ng halik.

The woman is hot and beautiful too. She has a heart shaped face and a pointed nose at aaminin niyang na-aarouse siya sa babaeng estranghera.

Nakasuot lamang si Kristine ng mini-skirt at hanging na blouse at nakahantad ang ka-seksihan ng katawan kaya kahit sinong lalaki ay iisiping easy girl siya.

Although hindi naman siya ganoong uri ng babae but why she felt she wanted to spend the whole night with this stranger, para bang may something ang lalaki na gusto niyang makita o makilala.

Ipinikit niya ang mga mata and made a terrible decision,---
And she decided to spend the night with him at bahala na kung anong kahihinatnan ng lahat sa pagitan nila.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top