Chapter 1
"Aling Minda baka naman po pwede natin tong pag-usapan muna?
M-magbabayad na po ako maya maya,---- kelangan ko lang magdilihensya muna, maawa naman po kayo sa akin oh, wala po akong ibang mapupuntahan."
Pagmamakaawa ni Kristine sa kanyang kasera na si Aling Minda. Subalit talagang desidido ang ale na paalisin siya.
"Ilang pagkakataon na ang ibinigay ko sayo Kristine---- naku tigil tigilan mo ako diyan sa drama mo ha! Ilang buwan ka ng hindi nakakabayad ng renta!, ano? lagi na lang kita pagbibigyan? Paano naman ang kabuhayan ko ha? Umalis ka na ngayon din at dalhin mo yang mga gamit mo!." Matigas na sambit nito na halatang galit pa habang nakapa-maywang sa harap niya.
Kaya wala na siyang nagawa pa kundi ang hakutin lahat ng mga gamit niya at lulugo lugong lumabas ng paupahan nito.
Dalawang buwan na ang balanse niya sa inuupahan at hindi niya alam kung saan kukuha ng pambayad niya sa kasera dahil yung pera sana na inilalaan niya sa paghuhulog sa inuupahan ay napunta sa pamilya niya sa probinsya dahil sa pang matrikula ng kapatid niyang pinag-aaral niya sa kolehiyo.
Siya si Kristine Torres, 27 anyos na at ang pinaka- bread winner ng pamilya, may dalawa siyang kapatid na pinag-aaral, ang isa ay nasa 3rd year highschool at ang isa ay nasa kolehiyo na at kumukuha ng kursong Accountancy.
Tatlo silang magkakapatid na pawang mga babae siya ang panganay kaya madalas siya ang takbuhan kapag nagigipit.
Ang nanay niya ay isang mananahi at namamasukan sa isang factory, samantalang ang tatay naman niya ay isang lasenggo na jeep driver na halos lahat ata ng kita ay sa alak napupunta.
Nakatapos naman siya ng pag-aaral sa kursong Computer Science subalit dahil sa mahirap maghanap ng trabaho sa kanilang probinsya ay mas pinili niyang sa maynila na maghanap ng trabaho at dahil sa likas na maganda ang tinig ay napasok siya sa pagbabanda at isa na ngang bokalista ng isang banda na tumutugtog sa iba't ibang bar sa lungsod at isa din siyang disc Jockey or DJ sa isang sikat na radio station sa Makati.
At kahit pa dalawa ang pinapasok niyang trabaho ay mistula pa rin siyang madalas na kapos sa financial dahil na rin sa ayaw niyang mamroblema ng sobra ang nanay niya kahit kasi may trabaho ang ama nila ay mas inilalaan naman nito iyon sa bisyo kesa sa kanilang pangangailangan.
Dati ay sa bahay ng ex-boyfriend niyang si Jake siya tumutuloy, nagsasama na kasi sila nito noon at mahal na mahal niya ito subalit may isang bagay siyang nalaman tungkol dito na siyang dahilan kung bakit pinili niyang iwan at hiwalayan na lamang ito.
Bumalik sa gunita ni Kristine ang nakaraan nila ni Jake......
"Love andito na ako." Bungad ni Jake sa gabing iyon kararating lang nito galing sa trabaho habang siya ay bihis na para magtungo sa bar kung saan sila tutugtog ng gabing yun. Yun ang madalas na set-up nila ni Jake, pagdating nito ay paalis naman siya para magtrabaho. Nung una mahirap dahil nga hindi magtagpo ang schedule nila pero sa kalaunan ay nasanay na din sila basta ang mahalaga ay magkasama sila.
Isang taon na din ang relasyon nila ni Jake noon at nagkakilala sila sa radio station kung saan mayroon siyang pang hapong programa bilang si DJ Sweet, at isa ang kumpanya na pinagta-trabahuan ni Jake sa advertiser nila at ito ang naging representative ng company nito para sa sponsor sa isa nilang pa-promo noon.
Una pa lamang niyang makita si Jake noon ay na-attract na siya sa kakisigan nito at sa mga ngiti nitong mapang akit.
Maganda naman si Kristine at sexy, marami din siyang ibang manliligaw bukod noon kay Jake but she doesn't like them at mas focus siya noon sa pagsuporta at pag-papa aral sa mga kapatid niya kaya hindi talaga siya nakikipag boyfriend.
Pero iba si Jake dahil matyaga at sweet ito sa kanya. Hindi siya nito tinigilan hanggang sa hindi siya napapasagot.
At aaminin niya nakuha siya nito sa charm at sweetness nito.
To cut the story short after 4 months of courtship ay sinagot na niya ito.
Naging maganda naman ang takbo ng kanilang relasyon kahit na minsan ay may tampuhan sila pero sa huli naayos naman nila ito.
"Aalis na ako love ha. Ingat ka dito at kumain ka na may naluto na akong pagkain mo." Saad niyang tumingkayad para halikan ito sa labi.
"Aalis ka na naman love. Pwede pahirit muna kahit 30 mins. lang oh, namimiss na kasi kita eh. Sige na----" Tugon ni Jake na nagmamakaawa ang itsura.
"Love naman eh--- kanina pa ako hinihintay ng mga ka banda ko. Promise aagahan ko ang uwi mamayang ala-una andito na ako. Miss na din kita but I really have to go. Akala ko ba naiintindihan mo ako?" Masuyo niyang turan sa lalaki para hindi na ito magtampo.
"Pambihira naman ang ganitong buhay oh! Hanggang kelan kita iintindihin ha Kristine? Mahal mo ba talaga ako? Sabi ko naman sayo diba handa akong tulungan ka sa financial basta iwan mo na lang ang pagbabanda. Delikado ang ganyang trabaho mo eh maari ka pang mapahamak diyan." Madiing tugon ni Jake na halatang napuno na.
"Ano ka ba Jake! Akala ko ba nag-usap na tayo tungkol dito at ang sabi mo noon ay naiintindihan mo ang trabaho ko, bakit ngayon nagrereklamo ka? Alam mo kung mag-aaway lang tayo aalis na lang ako. Bukas na lang tayo mag-usap Jake." Saad niyang may bakas na iritasyon ang mukha.
At magmula nga nang gabing yun ay madalas na silang magbangayan ni Jake. At dumating nga ang isang pangyayaring sisira at bubuwag sa relasyong akala niya ay matatag ang pundasyon.
Isang gabi pagkagaling niya sa bar dahil na cancel ang pagtugtog sana nila sa bar na regular nilang pinagtutugtugan ay maaga siyang umuwi.
Masayang masaya siya noon dahil masu-surprise na niya si Jake and maybe magkakaroon sila ng romantic night.
Pagdating sa tinutuluyan nilang condo ni Jake ay madilim ang buong bahay subalit may ilaw sa loob ng kwarto nila ni Jake.
She decided to slowly walk towards their room to surprise her boyfriend.
At dahan dahan niyang pipihitin sana ang door knob ng makarinig ng ungol mula sa loob.
Bigla siyang naestatwa at hindi makagalaw sa kinatatayuan lalo na ng parang ungol ng babae ang naririnig niya.
Nang makabawi ay marahas niyang itinulak ang pintong hindi naka lock at parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong katawan sa nasilayan sa ibabaw ng kama.
Si Jake na nakahubad habang bumabayo ng matindi sa ibabaw ng isang babae na parang kinakatay na baboy sa tindi ng ungol at nakatirik pa ang mata habang pinapaligaya ng magaling niyang boyfriend.
Her initial reaction ay para siyang sasabog at lahat ata ng dugo niya ay umakyat sa ulo.
Natigil ang mga ito sa ginagawa at parang tinuklaw ng ahas ang mga itsura at bumaling ang tingin sa kanya.
"Mga hayoopp kayoooo!!!!----- mga walanghiya!!!! Ang bababoy nyo!!!! Ahhhh" Halos mabali ang litid niyang sigaw sa dalawa sabay daluhong at pinag susuntok si Jake.
"Love wait up-- magpapaliwanag ako." Awat ni Jake sa kanya at pilit na inaawat ang kamay niyang sumusuntok dito.
"Paliwanag?!!! Ano pang ipapaliwanag mo hayop ka!!! Hindi pa ba malinaw ang pang-gagago mo sa akin ha?!!! Bakit? dahil ba sa hindi ko maibigay ang pangangailangan mo sa gabi kaya naghanap ka ng iba?!!!---- Akala ko naiintindihan mo ako!! Akala ko mahal mo ako Jake!! Hayoop ka!!" Galit na galit na turan niya at parang sasabog ang puso niya sa matinding sakit sa nasaksihan.
Maya maya ay marahas niyang binalingan ang malanding babaeng kaniig ng kanyang boyfriend.
"At ikaw malanding babae!! Ang kapal ng mukha mo!! Sa dinami dami ng lalaking pwedeng patulan ay talagang ang boyfriend ko pa talaga ang napili mong labasan ng kakatihan mo ha!! Ano masarap ba ha? Nag-enjoy ka ba?---" patuyang saad niya na galit na nakatingin sa babae.
"Ahhh alam kong na-enjoy mo kasi,-- halos tumirik pa ang mata mo sa sarap!!!"
Agad dinaluhong niya ito para sana sabunutan subalit pinigilan siya ni Jake.
"Kristine tama na--- please." Saad ni Jake na mas lalong nagpasidhi sa galit na nararamdaman niya.
"Anong tama na?!!
Hindi!!---
mga walanghiya kayo!! At sa tingin mo ba magiging maayos ang lahat pagkatapos ng kababuyan nyo!!!--- She hissed at akmang kakalmutin ulit ang babae.
"Sorry Kristine,. Please mag usap tayo---" Pero hindi na natapos ni Jake ang sasabihin ng dumapo ang malakas na sampal ni Kristine sa pisngi nito.
Biglang tumayo ang babaeng kaulayaw ni Jake at binitbit ang damit, hinila niya ang buhok nito at sinabunutan, dahil sa matinding galit ay halos mapaiyak ito sa sakit dahil pinaimbabawan na niya ito at gigil na sinasabunutan.
Binitbit siya ni Jake at iniiwas sa babae.
"Tama na Kristine, ano ba!!!" Galit ng turan ng lalaki.
At ito pa talaga ang galit., saad ng isip niya.
"Bitiwan mo ako hayop ka!! Nandidiri ako sayo!!" Sigaw niya sabay tabig sa kamay nito.
Nakita niyang umalis na ang babae.
"Tama na!! Kasalanan mo naman to eh!! Kung nakinig ka sana sa akin at itinigil mo na yang pagpasok mo sa bar na yun sa gabi, hindi sana ako maghahanap ng iba.!" Galit na ding turan nito.
Napatigagal siya at nag aapoy ang matang bumaling dito.
Siya pa talaga ang sinisi ng magaling na lalaki., sa isip isip niya.
"So kasalanan ko pa?--- Ako pa talaga Jake?,. Mula nung una tayong magkakilala alam mo na ang ganitong trabaho ko at ang sabi mo tanggap mo yun. Ang sabi mo lahat tatanggapin mo sa akin dahil mahal mo ako!!!--- Saad niya habang panay na ang hikbi.
"Nangako ka sa akin Jake, na ako lang, na hinding hindi ka titingin sa iba!!-- P-pero bakit?
Bakit mo ako niloko!!! Ano bang ginawa ko ha?!!!--- Ano?!!!!" She asked him screaming habang hilam na sa luha ang mata niya.
Nakatunghay lang sa kanya si Jake at walang masabi.
Ni hindi nito magawang depensahan ang sarili.
Tumayo si Kristine nang mahimasmasan at dali daling lumabas ng silid na yun dahil hindi na niya kaya ang sakit ng nararamdaman niya sa mga sandaling yun.
She run away from him, at kahit panay ang tawag nito ay hindi niya pinansin patuloy siya sa pag-alis, at kung saan siya pupunta ay yun ang hindi niya alam basta gusto niyang lumayo kay Jake.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top