Chapter 6: Vacation
Mahigit isang linggo na lang ang natitira bago ang pasukan kaya napabuntong-hininga ako habang naglalakad pauwi sa bahay. Hay, may pasok na naman.
Nasa street na ako ng bahay namin pero napatigil ako sa paglalakad nang makita ko ang isang anino na nakasandal sa gate namin. Napakunot ang noo ko at balak ko na sanang tumakbo para tumawag ng barangay, nang tumayo ito nang maayos kaya nailawan ang mukha ni Tristan.
I sighed for the second time. Alam kong magkatapat lang kami ng bahay pero kailangan ba talagang makita ko siya nang madalas? Naglakad ako papalapit sa gate hanggang sa magtama ang paningin namin.
"Oh ano, miss mo na naman ako?" I fished out my key and he stepped aside for me to open the gate.
He scoffed, "Okay princess, dream on."
"Shut up, peasant," I smirked. "Bakit ka nga ba nandito?"
He just shrugged. "Lola wants you to have dinner at our home tonight."
Tumango ako sa kanya pero bahagya akong nagtaka dahil bakit kailangan pang ipasabi nila Lola kay Tristan kung pwede naman nila akong i-text, in which what they usually do.
"I'll cook something first. Pwede ka nang umuwi," I told him. Pero bago ko po tuluyang masara ang gate, bigla siyang pumasok.
"I'll wait for you."
Tinaasan ko siya ng kilay pero hindi na ako nakipagtalo dahil kagagaling ko lang ng trabaho. Dumiretso ako ng kusina at hinayaan ko na lang siya sa gusto niyang gawin sa buhay. I prepared the ingredients for my buttered garlic chicken recipe.
Fortunately, hindi ako masyadong ginagambala ng lalaking iyon at tahimik lang itong nakaupo sa may dining area. When I glanced at him, I saw him holding a pocket notebook of some sort, his face in a grim as if studying for a very important test. I wonder what he's reading.
After twenty more minutes, natapos na akong magluto. Lumapit ako kay Tristan pero bago ko pa masilip kung anong binabasa niya, umangat na agad ang kanyang tingin at saka tumayo, hiding what he's reading in his pocket.
Pagdating kila Lola, the two of them were already seated, waiting for the both of us. There were two more dishes served along with the chicken dish that I cooked. Suddenly, Lola said something that caught me off-guard.
"Pack your things for a 3-day trip. We're going to our rest house in Zambales tomorrow morning."
Halos masamid ako sa kinakain ko kaya dali-dali akong uminom ng tubig. Nahagip pa ng mata ko ang bahagyang pagkunot ng noo ni Tristan at parang ngayon niya lang din ito narinig.
"Why so sudden? And for what?" he asked.
"Just for unwinding purposes, since your classes will start next week, right? Your Lolo and I have an assembly to attend there. The both of you might as well join us."
Halos mapanga-nga ako sa sinabi nila. Hindi naman ito ang first time na sinama ako nila Lola Lizzie sa kanilang mga business trip dahil alam nilang mag-isa lang ako. I glanced at Tristan who looks like he doesn't give a damn to our spontaneous vacation.
Pag-uwi ko, hindi pa rin ako makapaniwala na mayroon kaming biglaang bakasyon at bukas na agad! Agad akong nag-message kay Mamala at Mark tungkol dito dahil hindi ako makakapasok sa cafe, and they just told me to enjoy. Ganoon sila ka-understanding!
"Gago! Ito ang biglaan! Nakaka-warshock!" I exclaimed through the phone while throwing clothes into my luggage.
"Blessing iyan! Sana all na lang!" Mark responded from the other end.
"Hindi naman ako nagrereklamo, may hangover lang sa biglaang yaya."
This is also the first time na may iba kaming kasama, which is Tristan. Which only means na hindi na lang ako mag-iisa sa tuwing aalis sila Lola.
Kinabukasan, maaga akong nagising kahit alas tres na ako nakatulog kanina. Hindi dahil excited ako, kung hindi dahil napuyat na naman ako kakabasa, as always. Ang ganda kasi nung binabasa kong pirate story ni sielalstreim! I've always wanted to read those kinds of period novels.
Pagbaba ko, nasa labas na ang pick up na gagamitin namin at naglalagay na sila ng mga bag sa likod ng kotse. Tristan pulled my luggage without a word kaya hindi ko napigilang mapairap.
"Ilang oras daw ang byahe natin?" I asked him inside the car while waiting for Lolo and Lola.
"I heard it's at least five hours."
"Putangina," I muttered. But on the brighter side, ayos na rin iyon para medyo mahaba ang tulog ko.
Hindi ko na nahintay na makasakay sila Lolo dahil mabilis akong nakatulog sa puyat. Nagising na lang ulit ako nang maramdaman kong tumigil ang sasakyan. Nahirapan pa akong buksan ang mata ko dahil antok na antok pa ako. Nag-unat muna ako bago tinignan ang oras, halos alas onse na ng tanghali.
I saw Tristan reading a book with his white headphones on, his back slightly facing my direction. Nang luminaw ang paningin ko, I saw the title of the fantasy book he's reading, written by purpleyhan. Mukhang napansin niyang gising na'ko kaya humarap siya nang konti sa side ko.
"Stopover. We're almost there, they said," he said without throwing me a glance.
Pero ang tingin ko ay nasa libro lang na hawak niya, "Sobrang ganda nyang Erityian series. One of my faves."
He looked at the book and slowly nodded. "The main character of the first book is quite the opposite of the second book's female lead. But what truly glamoured me was the worldbuilding of the writer, it was honestly unusual and kind of atypical in the most positive way. I actually found myself relishing the story."
I found myself staring at him the whole time he was saying those words. It was as if he was scrutinizing and studying every tiny detail of the book for heaven knows what for. Is that how he really views the world? What for?
"What's the stare for?" he finally couldn't stand me staring at him.
Napabuntong-hininga ako. "Napaka-seryoso mong tao sa buhay," turan ko at napaupo ako nang maayos at nilabas ang librong dala ko. "Do you really find everything as something that you need to analyze like some sort of a case? Detective ka ba tulad ni Loki at Conan?"
Wala akong natanggap na sagot mula sa kanya kaya nang lingunin ko siya, nanatili lang ang tingin nito sa librong binabasa niya, ngunit halata namang nakatulala lang siya dito dahil hindi gumagalaw ang mga mata niya.
"Take it easy, brother. Ikalma mo lang. No one's impelling you to do it."
Saktong bumalik sila Lolo at Lola kaya nagsimula na ulit kaming bumiyahe. Wala na ulit nagsalita sa aming dalawa, maliban sa assembly na pinag-uusapan nila Lola. Just when I thought he's not going to respond, he suddenly talked.
"It's tough to be against yourself, everyone knows that beyond doubt."
Halos kalahating oras na lang ang itinagal ng byahe namin bago kami nakarating sa isang two-storey rest house na ilang metro ang layo sa dagat.
The house has an open porch on all sides, the windows are made of glass that reaches the ceiling, its roof seemed to be like that of a hut's, with white complimenting the wood colors of the whole house, and the hammock tied on the trees outside. Merong isang kwarto sa first floor na agad kong kinuha dahil tamad akong gumamit ng hagdan, at tatlong kwarto sa second floor.
"Tsk. I should've been there," I heard Tristan hissed.
Tinapik ko siya sa balikat at sinabing, "Nice try."
Iniwan ko lang ang maleta at bag ko sa loob ng kwarto at saka lumabas agad ng bahay para puntahan ang duyan sa labas.
"Ah, sarap mabuhay," I exclaimed once I lied down. If only life was this easy...
Habang payapa kong nilalasap ang sariwang hangin at tunog ng paghampas ng dagat, naramdaman kong kanina pa may nakatitig sa'kin. At hindi nga ako nagkakamali dahil pagdilat ko, nakatayo si Tristan nang ilang pulgada sa akin.
"Uso magsalita, jumpscare ang walang'ya," sarkastiko kong sabi.
"They told us to buy groceries at the mart in town."
"Huh? Hindi ba masyadong malayo kapag nilakad natin?" napabangon ako sa kanyang sinabi. Mahal ko sila Lola pero parang OA na yung pag-lalakarin kami ng ilang kilometro tapos may bitbit kaming mga grocery.
Itinaas niya ang kamay niyang hawak ang susi ng kotse kaya napatigil ako. "Quick, they'll be leaving at one."
Nauna na siyang maglakad papunta sa kotse kaya sumunod na rin ako sa kanya. Edi siya na ang marunong mag-drive.
"Mahal ko pa buhay ko, iuwi mo na ako nang buhay dito," pagbabanta ko sa kanya habang nagsusuot ng seatbelt.
Suminghal siya, "I've been driving since I was a kid and unfortunately for you, I'm a licensed driver."
Umirap ako. "Overthinker ako, bakit ba. At sorry ha, first time kitang makakasama magdrive, malala trusts issues ko."
Fifteen minutes ang byahe papunta sa bayan at mabuti na lang ay wala masyadong tao sa grocery pagdating namin dahil tanghaling tapat. Late ko rin na-realize na wala kaming kadala-dalang baon o pagkain man lang kanina. Bago pa ako kumuha ng cart, naunahan na ako ni Tristan kaya nagkibit-balikat na lang ako.
"Anong pinapabili sa'tin?" I asked him while scanning the meat section.
"They told me to just buy anything we want. I have their card with me."
Hindi ko maiwasang mapangisi kaya naman kinuha ko na ang lahat ng pwede naming lutuin. Mostly ay mga pang-ihaw dahil may nakita akong ihawan sa kusina kanina. Kumuha rin ako ng maraming snacks at juice dahil tatlong araw kami dito, pati na rin ng mga rekados para sa ibang ulam na gusto kong lutuin.
Wala ako masyadong oras palagi sa bahay para magluto ng mga matitinong ulam at pagkain, kaya yung mga mabilis lang lutuin ang nakakain ko. Nakakapagluto lang ako ng mga gano'n kapag day off ko, which by the way ay isang araw lang.
"Kumuha ka na ng gusto mo, baka sabihin mong sa'kin lang lahat iyan," I told him, in which totoo naman dahil ni isa wala siyang nilagay sa cart namin.
"I only need caffeine in my system and I'm good."
Napataas ang kilay ko. "Kape na lang ata ang dumadaloy sa katawan mo, paawat ka naman."
Naka tatlong malaking box kami kaya nagpatulong pa kaming ilagay iyon sa likod ng kotse. Pagbalik namin sa rest house, inayos namin agad ang mga pinamili at mabuti na lang ay may bigas sa bahay dahil nakalimutan kong bumili! Tanga!
"Tara ihaw tayo!" pagyaya ko kay Tristan na kaharap ang laptop niya sa sala.
Umalis na agad sila Lola pagdating namin at pinagamit lang ang kotse para makapag-grocery kami. Naalala kong hindi pa pala kami nag-tanghalian kaya pala kumakalam na ang tiyan ko.
"Kaya mo na iyan," he nonchalantly muttered without any hint of enthusiasm.
Napairap naman ako at pumamewang sa harap niya. Inangat niya ang tingin niya sa akin at napahinga nang malalim na para bang alam niyang hindi ako papayag na hindi niya ako samahan.
"But I'm doing something important here and–"
"Kaya nga tayo nandito para magbakasyon tapos mag-lalaptop ka lang dyang gago ka. Edi sana hindi ka na lang sumama!"
Bumalik na ako sa kusina para kunin ang mga iihawin at softdrinks na binili ko. Bahala na siya sa buhay niya, basta mag-eenjoy na lang ako mag-isa.
"Ang ganda ganda ng panahon sa labas tapos magbababad lang siya sa laptop niya, edi sana nagpaiwan na lang siya! Ano kaya yun, sana–ay put–!"
Nadulas ang isang bote sa daliri ko pero bago pa ito tuluyang mahulog, nasalo ito ni Tristan. Kinuha niya sa'kin ang mga dala ko at nauna pang lumabas sa akin.
"Tsk, pakipot pa, 'di naman bagay sa kanya."
Tinaas ko ang sleeves ng suot kong damit saka ako nagsimulang maglagay ng mga barbeque, hotdog, at isda sa ihawan. Shet, ang sarap!
"Can I ask you something?" his voice suddenly became riveted at something.
Napalingon ako bigla kay Tristan at sumagot, "Ano iyon?"
Napaiwas siya ng tingin at tumikhim, "I mean, I just overheard Lola and Lolo about it. I didn't mean to know about you being a writer."
Napakurap ako sa huli niyang sinabi at bigla kong nabitawan ang tongs na hawak ko. Dahan-dahan ko iyong kinuha mula sa ihawan at pinunasan ng tissue. Naramdaman ko ang kaunting panginginig ng kamay ko pero napakagat ako sa aking ibabang labi bago ngumisi.
Kalma, Agnes, wala siyang alam...
"I was still awake during midnight when I passed by their room, talking about your–"
"What about it? What do you want to ask?" hindi ko siya nilingon at kinuha ang isang lutong hotdog.
Ilang minuto siyang nanahimik habang kumakain akong nakaharap sa may dagat. It's been a while since someone has asked me about this thing. Kahit sila Mark at Naomi na kasama ko sa school ay hindi ako kinakausap tungkol dito. As much as I could, I don't want this to be brought up again.
"They said you're quite the writer," his voice sounds like he doesn't want to believe it. "And–"
"Just get to the point."
He hissed silently and said, "I'm also one."
The wind brushed roughly and salt air filled the place, blowing my hair in a delicate manner. Bigla ring bumaba ang manipis na sleeves ng damit ko dahil sa hangin. Humarap ako sa kanya na mukhang naghihintay ng isasagot ko.
"I know, what about it?"
His mouth parted like he did not anticipate me knowing he was a writer. Well, it was just an accident when I saw him typing on his Wattpad account.
"Would you dare to answer some of my queries about writing?"
His eyes were not meeting mine, it was rather distant. Before he could even continue, I cut him off.
"And what makes you think that I will?" binalik ko ang tingin ko sa ihawan. "Ubusin na natin 'tong nandito. Gusto kong matulog."
Pagkatapos naming ligpitin ang mga ginamit namin, hindi na niya ulit ako kinausap. Siya na rin ang nag-prisinta na maghugas kaya pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga. Sinubukan kong magbasa pero walang pumapasok sa isip ko kaya inis kong hinagis ang libro sa tabi ko.
Memories suddenly flashed in my mind kaya napa-sabunot ako at pabagsak na humiga. Bakit niya ba kasi tinanong iyon?! Can't he just keep it to himself?! And since when did he start to barge into things like this?! I thought he's someone reclusive?!
There was a sudden drop of tear that came from my eye and before I knew it, I suddenly fell asleep after that. Paggising ko, papalubog na ang araw. Hues of gold and pink scattered through the horizon which prompted me to rise.
Lumabas ako ng bahay at naglakad papunta sa dalampasigan na wala masyadong tao. Naupo ako sa buhanginan habang hinahampas ng malakas na hangin ang buhok ko. Hindi ko na alam kung kailan ako huling napunta sa dagat.
Lumapit pa ako nang konti hanggang sa naabot ng paa ko ang paghampas ng alon ng dagat. I couldn't help but snicker. I never wanted to be touched but the ocean did it easily.
I set my eyes on the setting sun and never realized how mesmerizing sunsets are. I didn't know endings could still be as beautiful as this. I've always witnessed sunrises more than sunsets, dahil na rin siguro sa palagi kong pagpupuyat.
Tumayo na ako at bumalik sa bahay. Sabi nila Lola, gagabihin sila ng uwi kaya naman nagluto ako ng para sa amin lang ni Tristan.
Hinanap ko siya sa buong bahay para yayain kumain pero hindi ko siya mahagilap. His laptop and pocket notebook that he was reading from before was left at the patio but he's nowhere to be seen. I was about to go back inside when I caught a glimpse of the file opened in his laptop. A manuscript.
There was an urge inside me, as if the file was trying to lure me into getting nearer. But it was dangerous, like jumping off the harsh ocean waves. But I noticed something off with what I have just read.
Lumapit ako dito at bago pa dumikit ang kamay ko sa laptop, someone pulled it away from me.
"What do you think you're doing?" Tristan's voice was discerning.
Tinuro ko yung laptop at napasigaw, "Mali iyan! Hindi dapat period ang ginagamit mo. Comma ang proper punctuation sa ganyang dialogue. Palitan mo iyan, ang sakit sa mata!"
Mukhang nagulat din siya bigla kong pagsigaw kaya naman napatingin ako sa kanya na nakatulala lang sa akin. Saka ko lang na-realize ang mga sinabi ko kaya napasinghal ako at tumalikod.
"Nevermind, huwag mo na lang pansinin. Tara na, kakain na."
Nagsimula na akong kumain nang hindi siya hinihintay. Kahit nang dumating siya, nakayuko lang ang ulo ko at hindi siya tinatapunan ng tingin dahil ayokong marinig ang sasabihin niya.
"What's stopping you?" he finally said, but it wasn't what I'm expecting him to say.
Nagpatuloy lang ako sa pagkain hindi dahil hindi ko alam ang isasagot, kung hindi dahil ayokong magkwento sa kanya ng tungkol sa'kin. Matagal ko nang tinalikuran ang buhay na iyon kaya ayoko na itong balikan pa.
"It seems to me that–"
Pabagsak kong binaba ang baso ko kaya napatigil siyang magsalita. I scoffed, "Why do you sound so interested?" I gave him a glare of teed off. "It makes me sick."
There was a tiny flinch on his face after I said that. His eyes are stuck on his food and can't meet my eyes. Napabuntong-hininga na lang ako at tinapos ang pagkain ko. Niligpit ko na rin agad ang pinagkainan ko at naunang umalis.
It's not that I am annoyed by Tristan himself, but I hate the fact that someone is trying to crawl inside the wall that I have built for so long. It hasn't been long since that incident and now it's starting to resurface again.
Nang gabing iyon, mas lalo akong hindi makatulog. Pero imbis na nagpupuyat akong nagbabasa, hindi ako makatulog dahil sa mga iniisip ko. Bwisit! Kasalanan talaga 'to ng lalaking iyon! Simula nang dumating siya, pagulo nang pagulo ang buhay ko.
Hindi na ako nakatiis kaya kinuha ko ang librong binabasa ko at lumabas ng bahay. Balak ko sanang tumambay sa may duyan ngunit napatigil ako nang marinig ang boses ni Lola Lizzie at Tristan na nag-uusap sa labas.
"Let me guess, she doesn't want to help you?" Lola Lizzie sipped on her tea after saying that.
I heard Tristan hissed and stopped typing on his laptop. "She was just as reclusive as me. I know how unyielding and forthright that woman is, but I didn't think that she would be this obstinate!"
Napakuyom naman ako ng kamao at halos sugurin ko siya ngayon pero pinigilan ko ang sarili ko. Totoo naman lahat ng sinabi niya, pero yung pagkakasabi niya kasi parang kasalanan ko pang ganito ako! Siya nga 'tong may unconventional na point of view sa ibang tao pati sa mundo! Tanginang yan!
Lola Lizzie let out a tiny chuckle. "The both of you are just the same, stubborn, strong-willed, and reserved. You can't blame her for that."
Tristan heaved the heaviest sigh as he leaned on the chair. "Should I have just told her that I'm Akee-ra so that she could help me?"
"That's like cheating on a–"
Napatigil naman sila sa kanilang pag-uusap nang bigla kong buksan ang sliding door. Tristan tried to hide it but I could see the dumbfoundedness all over his face. Lola Lizzie just shook her head and stood up with the cup of tea in her hand.
"I'll leave the both of you here," as soon as she went inside, silence engulfed the both of us.
Tanging ang paghampas lang ng alon sa dagat ang maririnig, pati na rin ang maliliit na tunog ng kuliglig. Biglang umihip ang malamig na simoy ng hangin kasabay ng pag-iwas ng tingin ni Tristan. A few minutes had passed until he decided to break the silence.
"Look, I was planning to tell you about it so I could ask for your assistance or judgements, but I just couldn't find the proper timing because you kept on–"
"Bakit parang kasalanan ko pa?" I cut him off which made him look at me. "Ikaw na nga 'tong nagpapatulong, ikaw pa demanding, gagong 'to."
He hissed and rolled his eyes. Napaka-maldito talaga ng lalaking 'to. Paano kaya 'to pinalaki at bakit ganito 'to?
"Pirmahan mo lahat ng libro mong meron ako pagkauwi natin," before he could say anything, I spoke again. "But that doesn't mean I'll help you right away. I've already left writing a long time ago, and I have no plan on coming back to it."
Because someone's greatest love does not only bring you the greatest happiness, but also the greatest heartbreak. And writing just did the same to me.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top