Chapter 5: Weird










Surprisingly, in the past few days, Tristan and I never had an encounter since he left my house. Kapag pupunta ako sa bahay nila, hindi kami nag-uusap o nag-papansinan manlang. Mukhang wala rin namang pakialam sila Lola at Lolo, which is good for me. Wala rin namang dahilan para mag-usap kami.


Ilang araw na ang lumipas at saka ko lang naalala na malapit nang mag-pasukan ulit nang ayain kami ni Mark na mag-enroll sa university. Kanina pa sila nasa university ni Naomi, pero dahil may trabaho pa ako, after pa ng shift ko ako makakapunta doon.


Hays, pasukan na naman, mababawasan na naman ang oras ko para magbasa. Kailangan ko nang makatapos pa ng maraming libro habang bakasyon pa.


Maagang matatapos ang shift ko dahil nagpaalam ako kila Mamala tungkol sa enrollment ko. I'm currently waiting for another customer to serve nang tumunog ang chime sa pinto. I was all smiles when I turned my head to greet the newcomer.


"Welcome to Riversi–" but my words were cut off as I saw Tristan mindlessly finding a seat to settle onto. 


Napakagat ako sa ibabang labi ko saka napahinga nang malalim bago ako sumunod sa kanya. I composed myself so as not to lose my cool and remained professional.


I put up a smile. "May I take your order?"


He was busily taking out his laptop without even giving me a glance. "A cup of cafe latte and a croissant."


I prepared his order right away after giving a nod. Kaming dalawa lang ang nasa loob ng cafe ngayon at ang tanging ingay lang na maririnig sa loob ay ang ugong ng aircon at ang pagtipa niya sa kanyang laptop. I served his meal still with a grin on my face, but he didn't bother to utter a single thing.


Habang wala pang ibang customer na dumadating, naglinis ako ng ibang table at nag-restock ng pastries sa rack. I stayed at the counter when I had nothing to do anymore while waiting for my shift to end. Bakit kaya mas lalong tumatagal ang oras kapag hinihintay mo ito? I still have thirty more minutes before three but the awkwardness right now makes me want to leave already. The silence, this time, is quite killing me.


Kukunin ko pa lang sana sa loob ng bahay ang libro ko nang biglang may dumating ulit na customers, it was a group of five guys in school uniforms from the university nearby. Hindi pa sila nakakapasok lahat ay angat na angat na ang mga boses nilang akala mo ay sa kanila ang buong lugar.


Hinintay ko silang makaupo bago ako lumapit. "May I take your order?"


Sabay-sabay naman silang napatingin sa'kin at ngumisi na para bang may mga masamang balak. Habang nililista ang order nila ay iniiwas ko na lang ang tingin ko at baka hindi kayanin ng pasensya kong hindi sila komprontahin.


"Miss, ang ganda mo daw." One of the guys stated and they all giggled like they just said something funny.


I could only force a smile at them and left without saying anything. As I prepare their orders, I could feel them staring at me, and if it's not for the instrumental music playing in the background, I can literally hear them talking about me.


Kalma, Agnes, nagtatrabaho ka pa. Abangan mo na lang sila sa labas mamaya. Napairap na lang ako, kung pwede lang.


While serving their order, hindi ko pa rin sila tinatapunan ng tingin kahit na sinusubukan nila akong kausapin.


"Ang sungit mo naman, Miss."


Pigil na pigil akong taasan sila ng kilay at irapan nang harapan. Ang sarap lang sabihin na hindi ko sila obligasyong kausapin. Serbidora ako at hindi parte ng trabaho ko na mag-entertain ng customers.


Ngumiti lang ulit ako sa kanila bago bumalik sa counter. Pero hindi pa ako tuluyang nakakabalik nang tawagin nila ako. Pilit akong ngumiti nang lumingon ako sa kanila. "Yes?"


"Pwede pong makahingi ng creamer?"


"Right away, sir."


Kumuha ako ng container ng creamer sa rack at binigay sa kanila. Napansin ko pa kung paanong sinubukang idikit ng isang lalaki ang kamay niya sa kamay ko kaya agad kong binitawan ang creamer na muntik pa niyang mabitawan. Siya ang magbabayad no'n, hindi ako.


"Grabe ka na talaga, Miss."


Bumalik na ulit ako sa counter para ayusin ang mga ginamit ko. Rinig ko pa rin ang usapan nila tungkol sa'kin. After a couple more minutes, those annoying jerks called me again. I could only heave a sigh, kung hindi lang ako nagtatrabaho, kanina ko pa sila binuhusan ng mainit na kape.


This time, they asked for another set of utensils which I don't understand what for, pero alam ko namang sinasadya lang nila 'to. After that, they called for me again and this time, they didn't hesitate to be brazen and piss the hell out of me directly.


"Miss Agnes, pwede daw po bang makuha yung number mo, sabi ng tropa ko?"


"Huy! Wala ako dyan! Wala akong sinasabi!"


Nagturuan pa sila habang nagtatawanan kung sino daw ba ang nanghihingi ng number ko. "Nagtatrabaho po ako sa coffee shop, hindi po ito hostess club," my voice were preventing to shout at them.


Sabay-sabay silang nagkantsawan at sumigaw ng 'ohh'. Nagtama ang tingin namin ni Tristan at kita ko ang pagtataka sa mata niya. Tinanggal niya ang kanyang earbuds at magsasalita nang bigla akong hawakan ng isa sa braso kaya nagpumiglas agad ako pero hindi ito bumitaw. "What the fuck?!"


"Dali na, Miss. Last na talaga 'to, tapos hindi ka na namin tatawagin ulit, diba diba!" The other guys cheered for him.


Ah, tangina niyo ah? Kinuha ko ang isang mainit na kape sa order nila at binuhos sa kamay niya kaya napasigaw siya at napaalis ang hawak sa'kin. Napangisi na lang ako at paglingon ko kay Tristan, nakatayo na ito habang nakaawang ang bibig. Maya-maya bigla na lang siyang umiling at ngumisi.


Saktong pagbalik ko ng counter ay lumabas si Lolo Chad ng bahay. Una niyang napansin ang nagkakagulong mga lalaki saka siya napatingin sa'kin na nakakunot ang noo. Magsasalita na sana ako nang unahan niya ako.


"Magpalit ka na, apo. Anong oras na, ako na ang bahala dito," sabi nito sa'kin. Bago ako tuluyang makapasok, nagsalita pa ulit siya. "Mamaya na tayo mag-usap, unahin mo munang mag-enroll."


"Thank you, 'Lo!"


I changed into an oversized white shirt with an anime print and a brown skirt dahil wala na akong jumpsuit na masuot. Hinugasan ko pa ang parte ng braso ko na natalsikan ng mainit na kape. Bwisit talaga, mga salot talaga ang mga ganoong uri ng tao.


Paglabas ko, nakita ko si Lolo Chad at Tristan na magkausap, habang si Mamala ay kaharap ang mga estudyanteng lalaki at pinagsasabihan ang mga ito.


"Ayan na pala si Agnes." Tristan then turned his head in my direction. His forehead creased as he looked at me from head to toe.


"Did you just–?!"


"We could be mistaken as a couple," with that, napatingin naman ako sa suot niya kaya naintindihan ko naman agad ang ibig niyang sabihin. He was also wearing a white oversized shirt and a beige trouser! What the hell!


"O siya, you two should go ahead. Anong oras na."


Napakunot ang noo ko. "At bakit ka naman sasama sa'kin?"


"Lola Lizzie told me to enroll with you since you're also studying at Metropolis University."


I blinked as I stared at him a couple of times before I nodded at him. Sabay kaming lumabas ng Riverside at habang naglalakad papunta sa sakayan ng jeep, walang ni isang nagsasalita sa amin. Mukhang wala rin siyang balak makipag-usap dahil nakita kong nakasuot ang earbuds niya. Fine, we're not obliged to talk to each other, anyway.


"I really think that you're weird."


Mabilis akong napatingin sa kanya nang bigla siyang magsalita. Nang lumingon siya sa'kin, alam kong ako ang tinutukoy niya kaya napataas ang kilay ko. Gago 'to ah.


"Excuse me?" Ang tagal naming hindi nagpapansinan tapos eto talaga ang ibubungad niya sa'kin? Sumosobra na talaga 'tong lalaking 'to.


"A good kind of weird," he moved his gaze at the road. "No working staff would dare to do what you did to those poor customers. They will just wait for a superior to handle the situation or else ultimately lose their job."


So he's pertaining to what happened earlier. I crossed my arms before giving a response, " And no sane human would tolerate those kinds of shitheads. Bago ako maging waitress, tao muna ako."


Ilang segundo bago ulit siya nagsalita. "Did you do that because you're confident that you'll get away with it? Because the owners know you personally so they wouldn't fire you?"


Hinarap ko siya kaya napaharap din siya sa'kin. "I wasn't confident or anything. Either I know them or they know me, I'll still do the same thing. Mas pipiliin ko pang mawalan ng trabaho kaysa ang magago. Hindi ko hahayaang may makapang-api sa'kin ulit."


Sakto namang may tumigil na bus kaya naputol ang titig ko sa kanya. Bilang lang ang mga pasahero sa loob kaya malaya kaming nakahanap ng upuan. But I didn't expect him na tumabi talaga sa'kin.


Napansin ko ang titig niya sa akin kaya naman binalik ko ang tingin na ibinibigay niya. "What?"


He just shrugged. Naglabas ako ng libro mula sa dala kong bag, entitled 'Tantei High' by purpleyhan. This was the first book from her famous Erityian series, which is my childhood favorite. I was longing for my comfort series kaya nagrereread ako ngayon.


"That was a good series," I heard Tristan said beside me.


Napalingon naman ako sa kanya. Magtatanong pa lang sana ako nang maalala ko ang Wattpad website sa laptop niya nung nakaraan. If he's a writer, he's also a reader. He should be.


"I know." Marami pa dapat akong sasabihin pero iyon lang ang lumabas sa bibig ko.


Naramdaman ko ang kaunti niyang paggalaw at humarap nang kaunti sa akin. "You've read it already?"


I just nodded as I flipped to the next page. "The entire series, even the novellas."


Ramdam ko ang kakaiba niyang tingin sa'kin kaya naman tumingin ako sa kanya. Nakakunot ang noo nito, animo'y nagtatanong. Ano na namang problema nito?


"Bakit ganyan ka makatingin? Lakas manghusga ng mga mata mo ah," I pointed out.


"Why are you reading it again if you've already read everything? You'll know what will happen already, you're practically spoiled by the whole thing. So what's the point?" Sunod-sunod niyang tanong.


Instead of being nettled with him, I heaved a sigh and closed my book, with a bookmark of course. I looked at him as he stared, waiting for my answer, with anticipation washed all over his face. Hindi ko napigilang matawa sa kanya dahil para siyang batang naghihintay mabigyan ng lollipop.


"Okay, what's funny now?" I could hear the impatience in his voice.


Winasiwas ko ang kamay ko para sabihing wala. Napatikhim muna ako bago sumandal para mag-isip ng isasagot sa kanya.


"Hmm, what's your own kind of comfort zone?" I asked him.


Mas lalong nagtaka ang mukha niya at napaisip sa tanong ko. Umayos siya nang upo at sumandal sa upuan, saka pinagkrus ang kanyang mga braso. I can't help but observe his side angle and genuinely acknowledge him for being good-looking, although I'm not really interested in attractive people.


"Staying at coffee shops with a pleasant ambience and good coffee, with my laptop and...notes."


I nodded my head. "That's what re-reading feels like. It's like returning to a home that you found when you were lost, that's why you keep coming back to it. Those old words, characters, and scenes, they were familiar and that's why it was comforting."


Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. It looks like he already heard what he needed to hear. Nang tignan ko siya, nakatitig lang siya sa labas ng bintana habang nakapalumbaba. Pwede na siyang maging main character sa isang music video. Kung nandito lang si Mark, ginawa na niyang model si Tristan, ang hilig no'n lagi mag-picture kung saan-saan.


"Why are you staring?" He suddenly turned his head to me and I was taken aback, without even knowing why.


"You're unfortunately handsome."


Matagal siyang tumitig sa'kin bago siya napasinghal. "I'll pretend that it was a compliment."


Matapos ang ilang minuto ay nakarating din kami sa Delaville District kung nasaan ang Metropolis University. Wala nang masyadong estudyante dahil alas cuatro na at malapit nang magsara ang mga office, which is a good thing para sa amin na ngayon pa lang mag-eenroll, wala nang pila.


"Ano nga palang strand mo?" I asked him while walking towards the admission office.


"STEM."


I thought he'd be on HUMSS. Pagdating namin sa office, wala nang estudyante na mga nakapila, except for one familiar guy at one of the counters, wearing his infamous flannel hoodie. Kumuha kami ng ticket stub at hinintay na tawagin ang number namin. Biglang tumayo ang lalaki at nang lumingon ito sa direksyon namin, I knew he was very familiar.


When he saw me, a smirk automatically formed on his lips. "Well, if it's not Miss Marquesa."


I rolled my eyes. "Shut up, Nathan."


Dumapo ang tingin niya sa taong katabi ko. Lumapit siya sa'min at akala ko ay magtatanong pa ito. Nagulat ako nang mag-fist bump sila sa isa't isa na para bang matagal na silang magkakilala.


"Of course, dito ka mag-aaral," Nathan jokingly said.


Tristan shrugged. "I'll be staying for a while."


Nagpaalam na si Nathan at bago pa siya umalis, may kakaiba sa mga ngiti niya habang palipat-lipat ang tingin sa amin ni Tristan, bago siya umling. He's reading it wrong, though.


We were given our class schedules and other documents that served as proof of being officially enrolled. Medyo natagalan lang si Tristan dahil transferee siya at maraming pinasagutan at pirmahan sa kanyang papel. I should've left already to go with Mark and Naomi but I found myself waiting for him.


"What's your section?" We were already heading our way to the food hub, the university's cafeteria. Akala ko ay magtataka siya dahil kanina pa ako tanong nang tanong ngunit parang wala lang sa kanya iyon dahil sumagot pa rin naman siya.


"A56D," he said while scanning his schedule. "Wait, what's your strand?"


"We're classmates," I made it short for him to easily understand. I saw how he formed a subtle smirk but I didn't ask anymore.


Tinignan ko siya dahil hindi ko alam kung dapat na ba akong mauna at iwan siya dito nang mag-isa o ano. Pero bakit ko nga ba iyon iniisip? Ano naman ngayon kung maiwan siyang mag-isa dito? Hindi ko naman responsibilidad na samahan siya. Besides, tapos naman na kami mag-enroll pareho, there's no need for us to be together.


Bakit ba ang laki ng problema ko?!


"Are you going home already?"


Napabalik naman ako sa huwisyo nang bigla siyang magtanong. "No. I'll meet with my friends."


"Is it alright to come with you?" Napatigil ako sa paglalakad nang sabihin niya iyon. "Well, I think it can help me familiarize with this place as I go with you. No need to worry though, I won't even bother you and your friends. I'll just tag along."


Iniwas niya ang kanyang tingin at napakurap ako nang ilang beses sa kanya. Nilabas ko ang aking phone para sabihin sa GC naming tatlo na mayroon akong isasama. At heto na nga ba ang kinatatakutan ko.


Murck: OMG may jowa na si Agnes! Pwede na pang-headline!


NaoMing-Ming: Duda sa kasama lang


LinNes: Mga pakyu


Pagdating namin sa hub, maraming estudyante ang nandoon na tumatambay kahit bakasyon, malamang ay mga nag-enroll din ang mga 'to kanina. Karamihan sa kanila, lalo na ang mga babae ay napapalingon sa direksyon namin, or more likely kay Tristan. Headturner naman pala ang loko.


"Magjowa kaya sila?" That particular sentence made me stop and was about to look for the one who asked it.


"Hoy, Agnes! Ang layo ng tingin mo! Dito!"


Pinagtinginan si Mark dahil sa sigaw niya pero agad din silang bumalik sa kani-kanilang buhay nang makita si Mark. He was basically popular for being loud and friendly here at campus, like a typical boy next door type of guy. At hindi ko rin alam kung bakit ko naging kaibigan ang isang 'to.


"Ingay mo kahit kailan," inirapan ko siya nang makarating kami sa kanila. "Guys, si Tristan, apo nila Lola Lizzie."


They both stared at the both of us at biglang sumilay ang nakakalokong ngisi sa mukha ni Mark.


"Bakit kulang yung introduction? Alam kong halata naman na sa couple outfit pa lang, pero pakilala mo pa rin nang maayos, Agnes."


"Lahat na lang napapansin mo. Nagkataong lang iyan!" Pabagsak akong umupo at lumingon kay Tristan. "Suit yourself."


"Pleasure to meet your acquaintance." He extended his hand as if he was meeting with business people.


"Ang formal mo masyado, bro. Chill lang tayo dito, okay!" Sabi ni Mark pero kinuha niya pa rin ang kamay ni Tristan para mag-handshake. "Mark nga pala, pinakagwapo sa buong Metro."


"Ulol." I commented.


"Shh ka lang dyan, Agnes. Eto si Naomi, pinakamatalino naman sa buong SHS!" He proudly pointed his hands on Naomi who wasn't even glancing at us.


"Ayan, hindi ako duda dyan. Kumain na ba kayo?" Paglipat ko ng topic.


"Hindi pa, bakit, libre mo kami?" Nang-aasar na sabi ni Mark.


"Wala pa akong sweldo, sa susunod na."


In the end, binigay nila sa'kin ang mga pera nila at ako ang biktimang pumila para bumili ng pagkain namin. Habang naghihintay, napansin ko ang pamilyar na likod ng nasa harap ko. Si Nathan na naman ba 'to? But he wasn't wearing his favorite flannel already, but a familiar gray hoodie.


"Hiro!" Someone from afar called out and the guy before me jerked his head.


"Ikaw yung drummer sa S'Ancient diba?" I almost exclaimed kaya napatingin siya sa'kin.


Bahagyang nanlaki ang mata niya at medyo natigilan nang makita ako. "A-Agnes! Ikaw pala iyan!"


A girl in an elegant pink dress stood beside him, which I easily recognized. "Oh! Hi, Agnes!"


"Hello, Madam President," I greeted in a formal way as a joke.


Her laugh came out as graceful. Shet, pati tawa ang ganda. "Sabing Frances na lang itawag mo sa'kin. Nakakasawang matawag na Madam," Franchescka Mendoza, the Student Council President, smiled. "By the way, magkakilala pala kayo?"


Napatingin naman ako kay Hiro. "I just met him the other day."


"Ohh, really," her grin grew wider as he looked at him meaningfully. "Mabuti naman at nagkakilala na rin kayo, sa wakas."


Napakunot naman ang noo ko dahil sa huli niyang sinabi. Magsasalita pa sana siya nang itakip ni Hiro ang kamay niya sa bibig ni Frances.


"Ano bang ginagawa mo dito? Akala ko ba may meeting ka sa org mo?" Pinanlakihan niya ng mata si Frances.


Tinanggal naman niya ang kamay ni Hiro at saka natawa. "Duh, tapos na malamang. Kanina ka pa namin hinihintay kaya sinundo na kita. Baka i-ghost mo na naman kami."


Habang tinitignan ko silang mag-usap sa harap ko, hindi ko sila maiwasang i-ship sa utak ko. They look good together. Napapansin ko rin ang maliliit na tapon ng tingin sa akin ni Frances at kada tingin niya ay lumalaki ang kanyang ngiti. Binabackstab ba ako ng dalawang 'to?


Nang matapos silang bumili ng pagkain, lumingon pa sila sa'kin bago umalis. "Bye, Agnes! See you around!" Frances bid enthusiastically, saka niya siniko si Hiro. "Magpaalam ka naman, where's your manners?"


Sobrang sama na nang tingin ni Hiro kay Frances pero parang wala lang ito sa kanya. He then grinned at me. "Nice meeting you again, Agnes."


I nodded. "See you around, guys."


Umorder na ako ng pagkain saka ko lang biglang naalala na mayroon akong nakalimutang tanungin kay Hiro. Nagkibit-balikat na lang ako, sa susunod na lang kapag nakita ko ulit siya, nasa iisang school lang naman kami.


"Heto na ang mga lalamunin niyo, mga senyora," sarkastiko kong sambit pagbalik ko sa table namin.


Unexpectedly though, Mark and Tristan got along well that quick. Kung mag-usap sila akala mo ay matagal na silang magtropa. As usual, kaharap na naman ni Naomi ang mga paborito niyang flash cards na palagi niyang inaaral kapag pasukan na.


"Aral na aral ka na naman, bakla. Ilang linggo pa bago mag-pasukan eh," pagpuna ko sa kanya.


Inirapan niya ako nang hindi tinatapunan ng tingin. "Ayoko nang may ibang iisipin kapag nagsimula na ulit ang klase."


Hindi ko na lang ulit siya kinausap tungkol doon. She won't listen to me anyway. After all, it's one of the things that helps her to cope up.


"May balak ka bang salihan na org?" Marj's question to Tristan made me turn my attention to them.


Tristan took a sip from his iced coffee before giving us a shrug. "I have no idea how things work here yet. What can you say about your publication here?"


Mukhang hindi naman iyon inexpect ni Mark. "Uh, you can say that we're the top publication in–"


"'Wag," madiin kong tugon. Sabay silang tumingin sa'kin. "Kung ayaw mong masira buhay mo, huwag mo nang tangkain sumali sa impyernong iyon."


"Huwag mong takutin nang ganyan si Tristan, kapag iyan talaga hindi sumali," Mark chuckled while telling those things. Inakbayan niya bigla si Tristan. "Pero sige na, sumasang-ayon na ako kay Agnes. Kung mahal mo pa buhay mo, magsama na lang kayong dalawa sa Elites ni Agnes..."


"Huh?! Bakit na naman ako nadamay?!" Napatayo ako kaya nasanggi ko si Naomi.


"Hoy! Ang ligalig mo na naman, Agnes! Magtimpi ka nga!" Narinig ko pa na pinagsabihan niya ako.


Habang nagbabangayan kaming tatlo, napansin ko ang biglang pagtahimik ni Tristan habang nakatitig sa amin. And I don't know if it's just me who noticed the side of his lips rising a little.


Nagkanya-kanya na kami ng alis matapos namin kumain. Nauna nang umuwi si Naomi samantalang si Mark ay may kailangan pang daanan sa org niya, which by the way is the publication. Nilingon ko naman ang kasama ko nang tumapat kami sa paborito kong pastry shop.


"Mauna ka nang umuwi, may dadaanan pa ako," hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumasok na sa loob.


Dumiretso ako sa rack ng mga ensaymada na paboritong-paborito ko mula noong bata pa. Bumili ako ng isang dosena dahil ngayon na lang ulit ako nakabalik dito. Wala kasi silang branch na malapit sa district namin.


Paglabas ko ng pastry shop, napansin ko ang kumpulan ng mga babae sa isang tabi. May artista ba?


Aalis na lang sana ako nang makita ko si Tristan sa gitna ng mga babaeng–teka, siya yung pinagkakaguluhan?!


"Kuya, dali na, ano nang pangalan mo. Pa-hard to get ka naman masyado."


"May girlfriend ka na ba? Sana wala!"


"Pwede po bang magpa-picture?"


I was about to laugh at him when I saw his face. He looked completely uncomfortable with how the girls hog him and occupy his personal space. Napabuntong-hininga na lang ako at saka lumapit sa kanila. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila at naka-ilang 'excuse me' na rin ako ngunit parang wala silang naririnig.


I let out a frustrated sigh before taking a deep breath. "Sinabing excuse me, bingi ba kayo?!"


With that, almost everyone around us, including the group of girls turned their gazes at me. Hays, umiiral na naman ang pagiging eskandalosa ko. Bwisit kasi 'tong mga 'to, parang walang naririnig.


Napagilid sila nang marinig ang sigaw ko kaya naman para nila akong binigyan ng daan. Nakasunod ang tingin sa'kin ni Tristan habang naglalakad ako sa gitna. Tumigil ako ilang pulgada ang layo sa kanya at handa na akong magwala sa kanya nang bigla siyang tumawa.


"Ang saya mo ah? Tara na nga!" Hinila ko siya paalis doon at narinig ko pa ang mga reklamo ng mga babaeng ginugulo siya kanina.


Nang makarating kami sa sakayan, binitawan ko na siya. Humarap ako sa kanya para kausapin pero natigilan ako nang makitang nakangisi pa rin siya.


"Anong nginingisi mo dyan, lalaki? Nababaliw ka na ba? Sabi ko mauna ka nang umuwi diba?! Kulit mo rin! Edi ngayon pinagkaguluhan ka! Kung hindi pa 'ko dadating–"


Napatigil ako nang bigla niya akong akbayan at nilapit sa tabi niya. Okay, this is getting out of hand.


"Thank you."


***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top