Chapter Two

“Bilisan mo na,” sabi ni Trina at ito na ang nag-abot sa akin ng uniform ko sa trabaho namin. I was working as a waitress in a restaurant.

Mabilis na akong nagpalit. Magbubukas na kami. Baka mapagalitan na naman ako ng supervisor namin. Umabot naman ako at nagsimula na ang shift ko sa araw na iyon.

Nag-iingat na ako na hindi mabangga sa kung saan dahil inaalala ko na ang anak ko. Kapit ka lang diyan, baby. Kailangang magtrabaho ni Mama para sa ‘yo.

May nag-iba na sa pananaw ko. Kung noon iniisip ko pang makabalik sa pag-aaral at matupad ang pangarap ko, ngayon, pangarap na lang siguro para sa anak ko. Ayaw kong matulad siya sa akin. Mabuti at may kaunti pa naman akong ipon. Kaya ko ‘to. I sighed and continued serving the customers.

Mahirap din talagang makahanap ng trabaho sa panahon ngayon kaya kahit ano na siguro, papasukin ko. I was in my second year in Nursing nang mahinto ako. Noon din parehong nawala sa akin sina Mommy at Daddy. Kinuha ng bangko ang halos lahat ng ari-arian ni Daddy dahil sa laki na rin ng utang niya. He tried to save his business pero wala talaga hanggang sa na-depress na siya. Wala naman akong nakuha kay Mommy dahil hindi papayagan ‘yon ng pamilya niya kahit gustuhin pa ni Mommy na may maiwan sa akin. Hindi rin naman talaga niya ako tunay na anak. Hindi sila magkaanak ni Daddy. Kaya naalala ko noon na laging sinasabi ni Mommy sa akin na thankful siya dahil dumating ako sa buhay niya at naranasan niyang maging ina.

“Camille?” isang kakilala noong college iyon.

I was getting their orders. May kasama siyang lalaki at babae sa table nila. Mukhang kilala rin ako ng mga kasama niya base sa mga tingin nila but I couldn’t remember them anymore.

“OMG, you’re working here? You’re just a waitress now?” maarte nitong turan.

Kinuha ko na lang ang mga order nila na ibinigay naman. ‘Tapos ay nagpaalam na rin ako para kunin ang pagkain nila.

Siguro nataon na nahirapan talaga akong makahanap ng trabaho. Ayos din naman ang trabaho ko rito sa restaurant. Minsan nakakapagod pero okay naman. Fair naman ang sahod.

Naisipan ko ring pumasok sa modelling noon. I was also offered then. May lumapit sa akin noon sa school at nag-iwan ng calling card niya. I trusted him. Kamamatay lang ng parents ko when I went to this address. Agency rin sila. Pagdating doon, pinaghuhubad nila ako hanggang sa naging sapilitan dahil ayaw ko. ‘Buti nakatakbo at nakatakas ako sa mga lalaking ‘yon. Na-trauma siguro ako kaya hindi ko na naisip sumubok pa kahit nag-o-offer ang mga kakilala ni Trish sa mundo ng pagmomodelo.

Pagod na ako pagkauwi ng apartment. Nag-commute pa kasi ako. I made sure na kumain ako ng dinner, ‘tapos hindi na rin nagpuyat. Uminom din ako ng maternal milk ko. I needed to be healthy para sa baby ko. Maaga naman akong nakatulog nang gabing ‘yon.

Kinabukasan, nagbibilang ako ng ipon ko. Dati halos barya lang sa akin ito. Pero ngayon, kahit piso ay mahalaga na dahil pinaghihirapan ko. Totoo nga siguro ang sabi nila na mas mahirap nang gumastos kapag sariling pinaghirapan mo na kaysa sa pera pa lang ng mga magulang mo. Kasi kung makapag-shopping din ako noon, parang wala nang bukas. Kung alam ko lang na maaga akong iiwan nina Mommy at Daddy, sana pala noon pa lang ay nag-save na ako. Hindi ‘yong puro gastos. Bumuntong hininga na lang ako.

May schedule ako ngayon ng checkup kay Doktora, iyong OB din ni Trish na tumingin sa akin noong una. Doon na lang ako kasi parang hindi ganoon kamahal ang singil ni Doc o baka kinausap na rin siya ni Trish?

Naisip ko iyong lalaki…Kung kapatid nga iyon ni Maia at ospital nila ‘yon…Hindi naman siguro kami magkakasalubong doon? Malaki naman iyong ospital kaya medyo imposible pa rin na magkasalubong kami. At doktor ba siya roon? Siguro…
Naalala ko noong elementary pa kami ni Maia at pinapunta kami isa-isa ng teacher namin sa harap para i-share sa klase kung ano ang gusto namin paglaki. I remembered her telling the class that she wanted to be a doctor just like her parents. Siguro pamilya rin sila ng mga doktor.

Hindi ko maalala noon kung nalaman ko ba na may kuya pala si Maia. She was really a kind and approachable girl even back then. Why many adored her, too. Kahit ako ay gusto ko rin siya pero iba ang mga kaibigan ko noon sa classroom namin. At parang masyado siyang malambot para sa akin na may pagkapilya na talaga kahit pagkabata.

Ngumiti sa akin si Doktora at kinumusta ako. Binati ko rin siya at sinagot ang mga tanong niya. We had an ultrasound. But unlike the first time ay mas klaro na iyon. Naluha pa ako nang kaunti nang marinig ang heartbeat ng baby ko. Ang lakas.
Ganyan lang, baby. Just be strong inside Mommy’s tummy. I got you.

Doctora Fuentes was smiling and talking to me. Nagustuhan ko siya dahil gentle talaga siya sa patients niya at komportable ako.

Pagkalabas ko ng clinic ay may ngiti pa rin sa mga labi ko. It was kind of overwhelming, too. Hindi pa alam kung babae o lalaki ang baby ko pero excited na ako! Okay lang naman kahit lalaki o babae. Basta healthy lang siya.

Nag-aalala na rin talaga ako. Hindi ko alam kung okay pa bang magtrabaho ako kahit malaki na ang tiyan ko. Ayaw kong mapahamak ang anak ko.

I halted from my steps nang makasalubong ko nga talaga ang taong iniiwasan kong makita sa lugar na ito. Natigilan din siya at nagkatinginan kami pero nagpatuloy ako at balak na lang na lagpasan siya.

“Wait.”

Natigilan ako sandali pero nagpatuloy pa rin. Ayaw kong magkaharap kami. At bakit ba? Matagal na mula nang mangyari ang gabing ‘yon. Baka nakalimutan na rin niya. At wala lang naman ‘yon. Parang one-night stand lang…

“Wait, let’s talk.” Hinabol pa rin niya ako.

“Camille Fontanilla!”

Nahinto ako nang may tumawag sa pangalan ko. Nilingon ko iyon at nakita ang assistant ni Doc. Dala-dala niya ang bag ko. Halos mapasapo ako sa noo.

Seriously, Camille? Naiwan mo talaga ang bag mo?

Lumapit siya sa akin. Tumingin pa sa katabi ko para bumati. “Doctor dela Cuesta.” Bumaling sa akin ang babaeng assistant pagkatapos. “Naiwan n’yo po sa clinic ni Doctora Fuentes.”

Tinanggap ko ang bag. “Salamat, pasensiya na.”

Tumango siya at ngumiti. “Okay lang po. Sige, ingat kayo ni baby!”

Parang bigla akong nanlamig. Hindi ko binalingan ang katabi ko na ramdam kong nakatingin na sa akin. Humigpit ang hawak ko sa bag. Muli ko siyang tinalikuran and resumed walking.

“Doctor Fuentes? Why are you seeing an OB?”

His question made me halt from my steps again. Narinig ko ang mga yapak ng paglapit niya sa akin. Nilingon ko siya. Tuluyan siyang nakalapit sa akin. My heart was beating fast and loud. Isang beses lang nangyari ‘yon at lasing naman ako pero parang naalala ko pa rin. Parang nararamdaman ko pa rin. I remembered when I woke up the morning after that night. He was beside me. He was still asleep and he looked peaceful. Like a sleeping angel. Kaya medyo natulala pa ako noon. Pero agad ding bumangon at nagbihis ng mga damit ko. Lingerie lang iyon kaya ninakaw ko pa ang dress shirt niya para matakpan ang katawan ko. At nagmadali na akong bumaba ng hotel na iyon at sumakay sa naparang taxi.

We didn’t talk.

Wala lang din naman siguro sa kanya iyon. And he was getting married kaya siguro inisip pa niyang pagkakamali lang iyon. Pagkakamali naman talaga iyon. That was just a one-night mistake.

He was looking at me. His attention was on me. Tahimik ang pasilyo at kami lang ang taong nakatayo roon sa gitna.

“Wala.” I didn’t know what to say.

He was wearing a scrub in front of me. He was really a doctor. And his family owned this hospital. Magkapatid sila ni Shemaia. “She mentioned about a baby…” tukoy niya sa assistant ni Doc kanina. “Are you…pregnant?”

I shook my head. Hindi ko matagalan ang titig ko sa kanya, lalo at nakatitig din siya sa akin.

“Is it mine?” deretso niyang tanong.

Naalala rin niya ang gabing ‘yon…

Nanlaki ang mga mata ko. “Hindi! M-may boyfriend ako.” I gulped at my lie. “Saka ‘yong nangyari sa atin, wala lang ‘yon, ‘di ba? Ikakasal ka na. Wala lang ‘yon. S-sige.” Nagmamadali ko na siyang tinalikuran at nagpatuloy sa pag-alis. Halos tumakbo ako palabas ng ospital at palayo sa kanya.

***

“Camille, huwag ka na munang magtrabaho. Baka makasama pa sa inyo ni baby,” Trish said, worried.

Dinalaw na naman niya ako sa bahay at as usual ay may mga dala na naman siya sa akin. May mga gulay at prutas pa.

Umiling ako. At magsasalita na sana nang maunahan niya.

“Pahihiramin muna kita ng pera. Hiram, Camille. Isosoli mo kapag nakapanganak ka na at puwede nang magtrabaho uli.”

“Trish.” I sighed.

Bumuntong-hininga na lang din siya. Alam niyang hindi niya ako mapipilit. Ayaw ko ring umasa.

Isang beses na medyo masama ang pakiramdam ko ay pumasok pa rin ako sa trabaho. Nahimatay ako habang nasa trabaho at nagising na nasa ospital na. Naroon na rin si Trish pagmulat ko. Nasa mukha niya na parang gusto niya akong pagalitan sa katigasan ng ulo ko. But she remained calm and asked me how I felt. Thank God at okay naman ang baby ko…

“Camille, nakausap ko kanina si Tristan.” Seryoso na naman ang tingin niya sa akin.

“Sino?”

She sighed. “Tristan dela Cuesta.”

Dela Cuesta…Nagkatinginan kami. Nandito na naman ba ako sa ospital nila? At bakit sila nag-usap? Ano’ng pinag-usapan nila? “Trish…”

“Sabihin mo nga sa akin... Siya ba?”

Hindi ako nagsalita.

“Nakita niyang sinugod ka rito sa ospital. When he saw me, he asked what happened to you. Somehow, nagkakilala na kami noon pa dahil sa mga families namin. And he looked really worried about you.” Deretsong nakatingin sa akin ang kaibigan ko.

Umiling ako at nagbaba ng tingin.

“Camille,” she called.

I bit my lip. Nakaupo na ako sa hospital bed.

“Oh, my God,” she concluded. “Alam ba niya? What did he say? Nag-usap na ba kayo? Kailangan ka niyang panagutan!”

I shook my head and looked at her. “Ikakasal na iyong tao, Patricia.”

“So, siya nga?”

Umiling lang akong muli.

“Oh my, this is my fault. What happened that night? I’m sorry.”

Umiling uli ako. “Naiwan kaming dalawa sa hotel room na ‘yon…Uh, hindi ko na maalala.” I looked away.

“Oh my.” Tumayo siya.

I held her hand to stop her. “Trish, hindi niya alam.”

“What?”

Umiling ako. “He’s getting married. Ayaw kong makasira.”

“At paano ka, Camille? Paano ang baby mo?”

“I can do this,” I said.

Suminghap siya. Nag-aalala na rin ako sa kanya. She was pregnant, too, at makakasama sa kanya ang stress.

“I’m okay, Patricia.”

***

Nakalabas din naman ako agad ng ospital. Pero bumalik din para sa checkup. At doon nagpang-abot kaming muli ni Tristan… Tristan dela Cuesta. That’s his name.

“What are you doing?” tanong ko nang sabayan niya ako sa paglalakad. Mukhang inabangan pa niya ako.

“You will go to Doctor Fuentes, right?” he asked.

Napatango ako.

He nodded, too. “Samahan na kita.”

“What?!”

He looked at me. His eyes were a bit cold. “I need to make sure. If it’s my child, pananagutan ko,” he said.

My eyes widened. “What are you…”

Nasa harap na pala kami ng clinic ni Doktora Fuentes. Pinapasok na agad kami ng assistant ni Doc. At mukhang hindi na nagulat ang doktora nang makita na kasama ko si Tristan. Ngumiti pa siya sa amin.

What is happening…

“I want to know kung ilang weeks na siya,” sabi ni Tristan.

What?

Tumango si Doktora Fuentes at bahagyang ngumiti. Pinahiga na ako sa clinic bed.

Humiga na lang ako. And then I realized what he was up to. Bibilangin ba niya? Talaga bang naaalala pa niya kung kailan ang gabing ‘yon?
Nagkatinginan kami habang nakahiga na ako sa bed at nakatayo naman siya sa tabi n’on.

Nag-iwas ako ng tingin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top