Chapter Three
Tristan and I were awkwardly silent as we walk side by side. Kakagaling lang namin sa clinic ni Doktora Fuentes. Naalala ko ang reaksiyon niya kanina nang marinig ang mga bagay tungkol sa anak namin. Anak din naman talaga niya itong dinadala ko. At nalaman na niya iyon. He just confirmed it a while ago.
“Tapos na ba ang duty mo?” I asked.
Palabas na kami ng ospital. Nakasabay pa rin siya sa paglalakad ko. “May pupuntahan ka ba?” tanong kong muli.
May humintong kotse sa harap namin. Lumabas ang driver n’on at iniabot kay Tristan ang susi.
“Get in,” sabi niya.
“H-huh?” Pero pumasok pa rin ako sa sasakyan niya.
“Where do you live?” he asked as he was maneuvering the car.
I told him my address at mukhang nagda-drive na siya patungo roon. Huminto ang kotse niya sa harap ng three-storey apartment building kung saan ako nangungupahan. Bumaba rin siya ng sasakyan nang bumaba ako.
“Uh, salamat sa paghatid. Puwede ka nang umalis.”
He looked at me. Suplado ang reaksiyon. Halos manguna pa siya sa pagpasok sa gate.
Bahagya na lang akong napakamot sa ulo. “Dito.” Itinuro ko ang daan. Umakyat kami sa hagdan.
I opened the door of my small apartment and let us in. Nahiya pa ako at medyo makalat iyon.
“Is it safe here? It doesn’t look…” he said, searching my place. Bumaling siya sa akin. “Where’s your boyfriend?”
I bit my bottom lip. Unti-unti akong umiling. “Wala…”
He sighed and nodded. “You lied. You didn’t tell me.”
Tumingin ako sa kanya. He was acting calm but I could also see his disapproval. Bahagya pang nag-iigting ang panga.
Natahimik ako at bahagyang napayuko.
“Sino’ng kasama mo rito?”
Umiling ako. “Wala, mag-isa lang ako.”
Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo niya. “Your parents?”
“Pareho na silang wala, few years ago…”
His lips parted. “I’m—”
Umiling ako. “Okay lang, uh, may kailangan ka pa ba?”
Nakatingin lang kami sa isa’t isa. Until he gave up at nagpaalam na ring aalis. Hinatid ko siya hanggang sa pinto. Sabi niya, kaya na niyang bumaba pabalik sa sasakyan niya. Hinatid pa siya ng tingin ko.
***
“Their engagement was called off,” Trish told me.
“Ano?”
“Tristan and Hannah’s.”
Napababa ako ng tingin sa mga kamay ko. Ang sabi ni Tristan ay pananagutan daw niya ako…
Did I just…ruined them? Nanira ba talaga ako? Nasaan na ‘yong sinabi ko noon sa sarili ko na hindi ako tutulad sa nanay ko na minsang nanira ng pamilya? Gumagaya lang yata ako sa kanya. Totoo siguro talaga ‘yong sabi nila na kung ano ang puno ay siya ring bunga. But I did not ask for this!
Hindi naman ako lumapit kay Tristan. I respected his relationship with his fiancée kaya nga mananahimik na lang ako at hindi na sila guguluhin pa. Tanggap ko nang ako lang mag-isa ang magpapalaki sa anak ko at haharap sa consequences ng nagawang kamalian.
“Hey, Camille.” Lumapit sa akin si Trish.
I looked at her. Inabot niya ako para mayakap habang nasa maliit kaming sofa ng bahay ko.
“Kasalanan ko,” I started blaming myself.
“Shush, hindi mo kasalanan. Maybe nagkaproblema sila sa relasyon nila—”
“Biglaan, Trish!”
“Sshh, you should talk to him.”
***
“Ano’ng ginawa mo?” salubong ko kay Tristan nang puntahan niya ako sa apartment ko isang araw. “Did you tell your fiancée about…this?! Nagalit ba siya? Bakit mo pa sinabi?!”
“Hey, relax.” He tried to hold me but I refused his hands.
“Are you crazy? Hinayaan mong mawala sa ‘yo ang babaeng mahal mo para lang…”
“Para sa inyo ng anak ko.” He shook his head. “Don’t think about it. It’s over.”
Umawang ang mga labi ko. “What—”
“Pack your things. You’re living in with me,” he said.
Lalong umawang ang mga labi ko o nalaglag na yata ang panga ko.
“Come on. Mas maaalagaan ko kayo ‘pag malapit kayo sa akin.”
“No!” I shouted.
Bahagyang nagulat si Tristan sa sigaw ko. And then he sighed. “Okay, I’ll live here.”
“What?!”
“I’ll pay for the rent and the bills.”
I don’t understand...
Inilabas niya ang phone niya at inilapit sa tainga. Bahagya niya akong tinalikuran habang may kausap.
I heaved a sigh.
May lalaki na lang na nagpunta sa bahay ko para maghatid ng gamit ni Tristan. Masama ko siyang tiningnan habang isinasara niya ang pinto ng apartment ko nang makaalis na ang mukhang driver niya o assistant.
“Ano? Sa sahig ka matutulog? Hindi tayo kasya sa single bed ko,” sabi ko.
Tumango lang si Tristan at itinabi ang gamit niya roon. Tinitingnan ko siya. Parang hindi pa niya alam kung saan siya uupo, o kung uupo ba siya o tatayo.
I sighed. “Upo ka muna. Bibili lang ako ng pagkain sa karinderya sa ‘baba at tinatamad akong magluto.”
Tumango siya. “Sasamahan na kita.”
“Diyan lang ako sa ‘baba. Sandali lang.”
“Padilim na. Sasamahan na kita,” he insisted.
Suminghap na lang ako at hinayaan si Tristan. Hindi ko rin talaga alam kung ano ang trip ng lalaking ‘to.
Ni-lock muna namin ang apartment bago bumaba. Binati ako ni Aling Ida na may-ari ng maliit na kainan. Binati ko rin siya.
“Ang guwapo naman ng kasama mo. Nobyo mo?”
Umiling ako at ngumiti na lang sa matanda. “Isa nga po nito.” Itinuro ko ang gustong ulam. “Ano’ng sa ‘yo?” Binalingan ko si Tristan na pinagtitinginan. He was just actually casual today. Nakapantalon at plain white shirt. Pero mukha pa rin siyang lumabas mula sa isang GQ magazine.
Nakaabang na siya sa akin. “This.” Itinuro niya ang gulay.
“Ito rin po.” Mag-aabot na sana ako ng bayad nang maunahan ako ng kasama ko.
Mabilis siyang bumunot sa wallet niya at nagbayad kay Aling Ida.
“Ito ang sukli, hijo. Naku! Bagay na bagay kayong dalawa!” sabi ng matanda na nakangiti sa amin.
Sumang-ayon din ang mga katulong ni Aling Ida sa kainan.
My face heated. “Sige po, Aling Ida.” Hinila ko na si Tristan paalis.
Nakabalik kami sa apartment at naghain na ako sa pandalawahan lang na mesa. Pinaupo ko na rin doon si Tristan at nilagyan ng plato sa harap niya.
“Wala akong juice. Tubig lang,” I told him.
Halata kasing laki sa yaman. Pero huwag siyang mag-inarte at hindi ako ang nag-utos sa kanya na makitira dito sa akin. Hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.
“Masarap?” I asked him. “Masarap talaga ang mga luto ni Aling Ida. Favorite ko nga,” I said. ‘Tapos sumubo na rin.
Tumango si Tristan. “How long have you been living alone?” he asked while we were eating.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Bumaling naman siya sa pagkain niya. “Since my parents died.”
He looked at me.
“Ano ba talaga ang ginagawa mo? After you hurt your fiancée, nandito ka naman ngayon sa babaeng nabuntis mo.”
Hindi agad siya nagsalita. “Let’s not talk about it.”
“Bakit hindi? Alam mo ba ang ginawa mo? Pagsisisihan mo rin ito balang-araw.” Dahil alam kong mahal niya ang fiancée niya. Bakit mo pa pakakasalan kung hindi mo naman pala mahal? “Hindi mo na dapat sinabi pa ang tungkol sa nangyari sa atin. Kaya nga wala na sana akong balak sabihin sa ‘yo dahil ayokong makapanggulo.”
“Hindi ka nanggulo, Camille.”
Bahagya akong natigilan. Unang beses yata niyang binanggit ang pangalan ko. Ano naman? I sighed. Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita.
“Huwag mong akuin ito nang mag-isa. We both did this.”
“Paano ang fiancée mo?”
“Let’s not talk about her. She’s not my fiancée anymore.”
“Tristan…” I was looking at him. Tumingin din siya sa akin. “Fine. Kung gusto mong maging ama sa anak mo then do it. You don’t have to sacrifice your relationship with…Hannah.” I remembered the name of his fiancée. Minsan ko na ring narinig kay Patricia. “Siguro naman kung mahal ka talaga niya, matatanggap niya…”
Just like how Mommy accepted my dad after everything. At hindi lang si Daddy ang tinanggap niya kundi pati ako. Mahal na mahal ni Mommy si Dad kaya masuwerte ang ama ko sa babaeng pinakasalan niya.
Umiling lang si Tristan. “Let’s stop talking about her,” he said with finality.
Natahimik na lang ako.
***
Nakahiga na ako sa kama nang lumabas si Tristan ng banyo. Naka-pajama na siya at T-shirt. Nahiga na siya sa inilatag kong mga unan at kumot sa sahig. Ipinikit ko na ang mga mata.
Pero unti-unti ko ring iminulat ang mga mata at sinilip si Tristan. Galaw siya nang galaw. Siguro ay hindi siya komportable sa hinihigaan. Naawa naman ako. Makipagpalit na lang kaya ako? Sa aming dalawa ay nasanay na akong mahirapan mula nang mawala ang parents ko. Pero ang lalaking ‘to, halatang hindi pa nakakatulog sa sahig.
Nakatulugan ko na lang din ang pag-iisip ng kung ano-ano. Kinabukasan nang magising ako ay naligpit na ang hinigaan ni Tristan kagabi. Naabutan ko siyang naglalapag ng bag ng pagkain sa mesa. May inilabas siyang mabango mula sa paper bag na dala niya. Mukhang galing siya sa labas.
“Pancakes?” he greeted me with a smile.
Nag-iwas ako ng tingin. He was like a sunshine in my eyes. Kumusta naman kaya ang hitsura ko? Bahagya akong tumikhim at tumayo na mula sa kama. Deretso kong tinungo ang banyo.
“Breakfast,” salubong ni Tristan nang makalabas ako ng banyo pagkatapos maghilamos.
Naupo na ako roon. “Lumabas ka?”
“Yeah. I bought us breakfast. I can’t cook, wala kang stocks.”
Tumango ako. “Maggo-grocery pa lang ako.” Naisip ko ang pera ko at binilang ‘yon sa isip.
Magtatatlong araw na sa apartment ko umuuwi si Tristan. Minsan late na siyang nakauuwi dahil sa duty niya. Pero pinipilit talaga niya kahit puwede namang sa ospital na lang siya matulog o baka mas malapit ang bahay nila? May condo ba siya? May kalayuan kasi itong tirahan ko sa ospital nila. Kaya nahihirapan tuloy siya.
Alam kong hindi madali ang trabaho niya sa ospital. ‘Tapos minsan hirap pa siyang mag-park ng sasakyan sa ibaba na kanina yata ay nagpahatid na lang siya sa driver at magpapasundo na rin siguro kinabukasan. ‘Tapos ang tinutulugan pa niya rito sa apartment ko ay hindi siya komportable.
I sighed. “Tristan,” tawag ko sa kanya nang makalabas siya ng banyo at maghahandang muli sa pagtulog sa sahig.
“Hindi ka ba talaga babalik sa inyo?”
Umiling siya. “I’m staying. I already paid for your house rent. Nandiyan na ba ang bills?”
I shook my head. “Hindi mo naman kailangang magbayad ng ganoon.” He paid for a six-month advance para dito sa apartment. Tuwang-tuwa tuloy si Aling Sonja.
“It’s okay,” sabi niya.
Napailing na lang ako. “Kung…sasama ako sa ‘yo, saan tayo titira? Alam ba ito ng parents mo?” Ano kaya ang sasabihin ng mga magulang niya? Alam na rin kaya nila?
Tristan’s face lit up. Para bang natuwa talaga siya sa sinabi ko. Naaawa na kasi ako sa kanya. Gusto ko lang na bumalik na siya sa komportable niyang buhay. Pero matigas ang ulo niya. Kaya sige. Tutal tama naman si Trish, may responsibilidad rin talaga si Tristan sa amin ng anak niya.
I think I just have to brace myself for any bad things I’ll hear…
At hindi ko man aminin pero mukhang kailangan ko nga si Tristan. Lalo sa kalagayan ko ngayon. I was pregnant and financially unstable. Maybe I could also do this alone gaya ng nauna kong plano. Baka manghiram na lang talaga muna ako ng pera kay Trish. Pero hindi rin naman siguro masama na manghingi ako ng tulong kay Tristan. Sabi nga niya, kaming dalawa ang gumawa nito.
He smiled. “They know. They actually want to meet you.”
Bahagya akong nagulat. Nagkatinginan kami. He gave me a reassuring smile.
Tristan… He could look cold or suplado. Pero marunong din siyang ngumiti. At ganyan kaganda. Sana makuha ng anak namin ang ganda ng ngiti niya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top