Chapter One

Hindi na ako nakapasok sa trabaho sa sama ng pakiramdam. Nagsusuka rin ako at mukhang may nakain na masama. Hindi ko rin maalala. Halos hindi na nga ako kumakain.

“Camille!” Nagulat si Trish nang makita ang ayos ko matapos ko siyang pagbuksan ng pinto ng apartment ko. “What happened to you?”

Umiling ako. “I don’t know.” Bumalik ako sa paghiga.

“I brought you groceries.” Isa-isa niyang inilapag ang mga pinamili sa two-seater dining table ko.

“Thanks, Trish.”

Nilapitan niya ako at kinapa ang noo at leeg ko. I heard her sighing. Nanatili lang akong nakahiga sa higaan. “Dalhin na kita sa ospital.”

Maagap akong umiling-iling. “No need.”

I heard her sigh again.

Napangiti ako. I was still blessed to have even one person who genuinely cared about me. Makikilala mo nga talaga ang totoo mong mga kaibigan kapag nanatili pa rin sila kahit pa walang-wala ka na. At sa oras na pinakakailangan mo sila.

I used to be the center of attention. I was spoiled by my parents. I was surrounded by many friends…Na unti-unting nabawasan hanggang sa hindi na nila ako kinausap.

Bumagsak ang business ni Dad noon. Isang araw, wala na siguro siya sa sarili habang nagmamaneho kaya naaksidente siya sa daan that caused his death. Mom mourned heavily. She got depressed and soon followed Dad after committing suicide. They left me. Alone and with nothing.

Hindi na rin ako lumapit sa mga kamag-anak namin dahil alam ko naman na ayaw nila sa akin noon pa man. Lalo na ang relatives ni Mommy.
I was eighteen when I found out the truth about my biological mother who left me with Dad after she gave birth to me. Dad had an affair with another woman while married. Hindi pala talaga si Mommy, o ang asawa ni Dad, ang totoo kong ina. Pero kahit ganoon, minahal niya ako na parang totoong anak. Mas naging ina pa sa akin si Mommy kaysa sa tunay kong ina na hindi ko pa nakikilala hanggang ngayon. Hindi na rin ako umaasa. Ni minsan ay hindi rin naman siya nagpakita sa akin. Ang sabi sa akin ni Dad noong nabubuhay pa siya ay mas pinili raw ng totoo kong ina ang career niya.

Maagap akong bumangon mula sa maliit kong kama at mabilis na tinungo ang banyo para magsuka. Pakiramdam ko ay isinuka ko na pati ang intestines ko. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.

Sinundan ako ni Trish sa banyo. “Camille!”

“Okay lang ako,” I assured her and got the face towel para makapagpunas matapos maghilamos.

“Camille.” Seryoso ang tingin sa akin ni Trish.

Binibisita niya ako kapag hindi siya busy. She was a model at madalas na nasa ibang bansa. Palagi siyang may pasalubong sa akin kapag nakababalik siya sa bansa. At kapag dumadalaw siya rito sa apartment ko ay may dala pa siyang grocery gaya ngayon. Siguro naaawa siya sa akin.

I pity myself sometimes, too. Pero marunong naman akong tumanggap. Tanggap ko kung ano na ako ngayon. Wala rin namang magagawa kung magrereklamo pa rin ako o magkukuwestiyon. Nagpapasalamat na lang ako na kahit paano ay may kaibigan pa ako gaya ni Trish na iniisip din ako.

“What?” I asked her because she was looking at me intently. Para bang may binabasa siya sa mukha ko.

Bahagya siyang umiling, pagkatapos ay natigilan. “Are you pregnant?” she seriously asked.

My eyes widened at her question. Hindi ko naisip ‘yon. Nag-iwas ako ng tingin at pinuntahan ang dala niyang pizza na nasa ibabaw ng maliit na mesa.

Pero mabilis din akong napatakip sa ilong at bibig nang maamoy ang pagkain matapos buksan ang box. Bahagya pa akong naduwal at pakiramdam ko, masusuka akong muli kaya lumayo na ako.

“What’s wrong? Isn’t this your favorite pizza flavor?” Lumapit sa akin si Trish, nananantiya ang mga mata.

Umiling lang ako.

Hinawakan niya ako. “Let’s go to my OB.” Sinubukan ko pang bawiin ang braso ko pero mahigpit ang hawak niya. “Buntis din ako, Camille, kaya pamilyar sa akin ang mga sintomas na ‘yan,” sabi niya.

Minsan, nakalilimutan ko na buntis nga pala siya. It was a sudden news. Naging usap-usapan agad siya sa social media since she was a public figure. Pero humupa na rin nang maipakilala ang ama ng ipinagbubuntis niya at magpapakasal na rin sila. Nagulat nga ako dahil akala ko, sila pa ni Louie, ‘tapos iba ang nakabuntis sa kanya. Pero mukhang okay naman si Trish.

“Patricia…” Umiling ako.

“Sino?” she seriously asked.

Umiling ako.

“Ano? Wala ka namang boyfriend.”

I shook my head. “Hindi ako buntis,” sabi ko kahit sa loob ko ay kinakabahan na rin.

“Camille…” Umiling si Trish at binitiwan ang braso ko. She sighed heavily. “Magkaibigan talaga tayo.” She looked at me. “Kung ayaw mo pang magsabi, sige. Sumama ka na sa ‘kin para mapa-check ka.”

“Hindi nga ako buntis, Trish,” pilit ko. Pakiramdam ko ay maiiyak ako. I was scared.

Muli niya akong hinawakan. “Look at me. Everything will be fine. First, pumunta muna tayo sa doktor.”

“Trish…”

“Shush, I’m here, okay? You’re not alone.”

Parang gumaan ang loob ko sa sinabi niya. Sometimes, you just need someone to tell you that everything would be all right and that you are not alone. Because after all, no man really is an island. At the end, takot pa rin tayong mag-isa. Dahil ganoon ako. Kaya nagpapasalamat talaga ako kay Patricia.

“Thank you, Trish,” I told her.

She gave me a reassuring smile.

Sumama na ako sa kanya. We went to her OB at doon nga nakumpirma na buntis talaga ako. Natulala ako. Blangko lang yata ang reaksiyon ko kahit kino-congratulate na ako ng doktora. Trish beside me was the one who talked to the doctor. Wala sa sarili akong nagpaalam at lumabas ng clinic. Habang naiwan pa si Trish na kausap ang doktor.

Naglalakad ako sa hallway ng malaking ospital nang makasalubong ko ang isang dating kaklase.

“Camille?” sabi ni Shemaia na huminto sa harap ko. “Camille Fontanilla!” She gave me a wide smile. We were classmates back in elementary. Naaalala pa pala niya ako.

Pinilit ko ang sariling ngitian din siya kahit wala talaga ako sa sarili ngayon. Ayaw ko rin namang maging rude. “Maia…”

“How are you? What are you doing here?” sunod-sunod niyang tanong.

“Uh, may sinamahan lang akong kaibigan…”

“Oh, checkup?”

I nodded.

She smiled. May sasabihin pa sana siya pero may tumawag sa kanya kaya nilingon niya ito. “Oh, may date kayo?” Sinalubong niya ang dalawang tao. Isang maganda at mukhang mahinhing babae at isang lalaki…

Nanlaki ang mga mata ko. Nagkatinginan kami ng lalaki. Nagulat din siya nang makita ako. He was wearing a scrub suit.

“Hindi, Maia, may trabaho pa ang kuya mo dito sa ospital,” the woman beside him said. Mahinhin siyang nakangiti kay Maia. “Binisita ko lang ang kuya mo. At dinalhan na rin ng lunch niya,” dagdag pa niya.

Kuya?

Kapatid siya ng dati kong kaklase?
Wala nga talaga akong masyadong alam. Hindi rin naman kami naging ganoon ka-close noon ni Shemaia. Magkaklase lang talaga kami. At naalala kong may sariling ospital nga pala ang mga dela Cuesta. Siguro ay sa kanila itong ospital na ito.

“Sweet! Ako rin, pupuntahan ko si Mommy,” sabi ni Maia. “Oh, Camille—”

“Sige, Maia, mauna na ako. Baka hinahanap na ako ng kaibigan ko.”

“S-sige…”

Mabilis ko na silang tinalikuran at naglakad palayo.

I remembered that man. I remembered that night or the morning I woke up. He was beside me and we were both naked. At bachelor party niya iyong pinuntahan ko. Kung saan din ako sumayaw nang gabing ‘yon. I ended up drunk. And I think he was also drunk that night. Dahil kung hindi siya lasing, he wouldn’t do it with me. Ikakasal na siya…

“Camille! Kanina pa kita hinahanap.”

Hindi ko namalayang nasa harap na pala ako ng malaking fountain. Nasa gitna ng buong ospital itong parang garden. Nilingon ko ang kaibigan ko.

Trish sighed and went to me. “Okay ka lang?”

Gusto kong tumango pero umiling pa rin ako dahil iyon talaga ang totoo. I was not okay. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Trish hugged me. Niyakap lang niya ako at pinatahan habang tuluyan na akong naiyak sa balikat niya. Tahimik ang parteng iyon ng ospital at kami pa lang ang tao. Mainit pa rin ang araw kaya sinabihan ako ni Trish na umalis na kami at bumalik sa sasakyan niya. Sumama lang ako sa kaibigan ko.

Dinala muna niya ako sa isang restaurant para makakain. I was really grateful that I have her. Pagkatapos, binili pa niya ang vitamins at gatas na sinabi ng doktor para sa akin.

“Trish—”

“Okay lang, Camille. Alam ko naman that if I’m in your shoes at nagkapalit tayo, you will also do the same for me.”

Bumalik na kaming muli sa sasakyan niya at hinatid na nila ako ng driver niya sa apartment ko.

“Huwag ka nang umakyat. Kaya ko na. Bawal ka ring mapagod,” I reminded her.

“At bawal ka ring magpagod masyado,” paalala rin niya sa akin. Ngumiti ako nang bahagya. Ngumiti rin siya. “Everything will be fine, Camille. Ganyan din ako noong una. But feel your baby in your tummy. Maliit pa siya pero mararamdaman mo na. Alam ko ang pakiramdam mo ngayon because I got pregnant unexpectedly, too.” She held her still small stomach. “Pero magiging okay rin ang lahat,” she reassured me. “Hindi na kita pipilitin na magsabi. Basta nandito lang ako. Please magsabi ka kung kailangan mo ng tulong. You don’t have to do this alone.”

Tumango ako at ngumiti. Niyakap ko siya at iniwan na sa backseat. Lumabas ako ng sasakyan at naglakad na papasok sa gate at paakyat sa apartment ko.

Nakahiga na ako sa kama nang unti-unti kong ipinatong ang palad ko sa flat ko pa ring tiyan. Gaya ng sabi ni Trish ay dinama ko ang anak ko roon. Ang anak ko…Tama si Trish. I was not alone. I was not alone anymore.

Sorry, baby, sa reaksiyon ni Mommy kanina. Naguluhan lang ako but I promise, hindi kita pababayaan…

Hindi ako magiging katulad ng inang nagluwal sa akin. I would not abandon my child. We would be together from now on. At ang ama niya…I could raise this child alone. Gagawin ko ang lahat. Dahil hindi tulad ng ina ko, hindi ako maninira ng pamilya.

My real mother was called a homewrecker. Muntik na niyang masira noon nang tuluyan ang pagsasama nina Mommy at Daddy. Hindi na lihim sa akin ito dahil narinig ko na noon sa mga relatives. Masamang babae ang tingin nila sa inang nagluwal sa akin. Kaya ayaw ng pamilya nina Dad at Mommy sa akin. Pero nakalakihan ko na iyon. Hindi naman nagkulang sina Mommy at Daddy sa pagpaparamdam ng pagmamahal sa akin.

I miss them...

Ipinikit ko na ang mga mata hanggang sa makatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top