PROLOGUE
Ang pagmamahal ay walang katumbas na saya. Mararamdaman mo siya sa kalaliman ng puso mo. Sa sobrang lalim, nakakalunod na. Sana, habangbuhay 'tong nararamdaman ko.
Nandito kami ngayon ng boyfriend kong si Drewe sa isang park. Mukhang tanga kaming sumasayaw disoras ng gabi. Kakasagot ko lang kasi sa kanya kanina kaya, sa sobrang tuwa niya, sinasayaw niya ako ng slow dance kahit walang tugtog.
Buti pa ako, 22 years old, nagkajowa na. Ikaw, hindi pa bwahaha!
Anyway, 'wag kayong panira ng moment. Agad niya akong inikot at napaliyad naman ako. Pagkatapos ay hinalikan niya ako sa labi.
Nagulat ako sa ginawa niya. Sa sobrang gulat ko, natulak ko siya bigla at agad tumakbo paalis. Kinakabahan ako habang tumatakbo ngayon. Pakiramdam ko, sasabog yung puso at mga lamang loob ko. Nang makahanap ng matataguan ay nagtago ako roon. Napatakip ako ng bibig nang tawagin ako ni Drewe.
"Eirie! Nasa'n ka?!" at narinig kong tumakbo na siya palayo.
Hindi ko ine-expect na ganun pala yung magiging reaksyon ko kapag hinalikan na ako ni Drewe. Pero, ang kanina ko pa iniisip, hindi si Drewe yung first kiss ko. Kundi, yung ex-crush kong wala namang ibang ginawa kundi dedmahin ako noon. Paano kung malaman niya? Paano kung malaman niyang hindi pala siya yung first kiss ko at iwan niya ako bigla? Ano ba yan, kaka-jowa ko lang kanina, magiging bato pa!
"Sana, hindi na lang kita nakilala, Davis! Eh 'di sana, si Drewe yung first kiss ko ngayon. Sana, hindi na lang kita naging crush! At sana, mabura na lang 'yon sa history ng buhay ko!"
Biglang may sumulpot na itim na anino at nag-transform bilang tao.
"AHHH! SINO KA?!"
"May problema ka ba?"
"Ha? Bakit 'yan agad yung tanong mo? Close ba tayo? O, feeling close ka lang?"
Agad siyang nag-teleport sa tabi ko!
"AHHHHH!" at tumakbo agad ako papunta sa pinakamalapit na puno pero napasigaw ulit ako nang agad din siyang nakarating dito. Hinawakan niya yung braso ko kaya hindi na ako makatakas pa.
"Shh, 'wag kang maingay! Tutulungan pa nga kita, eh. Sabihin mo lang kung anong gusto mo."
Nandilat ang mga mata ko at takot na takot pa rin ako. Pero, sinagot ko na ang mokong na 'to.
"Talaga?" at tumango siya. "Ows? Really? Legit? Totoo?" at tumango-tango lang ulit siya. "Eh 'di wow."
"Seryoso nga, tutulungan kita. Ano bang hiniling mo kanina?"
"Hiniling?" at inisip ko yung mga sinabi ko kanina. "Ah, yung tungkol sa ex-crush ko? Nako! Hayaan mo na 'yon. Past is past and history never change. Wow! Humahaba english terms ko."
"'Di ka sure," at ngumisi siya.
Ay, taray naman neto! May mali ba sa grammar ko? Huhu, ang sama mo naman!
"Kung sabihin ko sayong kaya kong tuparin ang hinihiling mo, maniniwala ka ba?"
"HAHAHAHA!"
Ang clown mo, kuya! Magkakasundo tayo dyan!
"Seryoso ako, miss," at hinawakan niya ako sa magkabilang balikat ko. "Kaya kong gawin ang lahat ng gusto mo, sa isang kondisyon."
"A-anong kondisyon?"
"Ibabalik kita sa nakaraan at buburahin mo ang lahat ng alaala mo sa kanya sa loob ng isang buwan. Kung hindi," at hinigpitan niya ang kapit sa balikat ko. "May mababago sa kasaysayan ng buhay mo. Papayag ka ba?"
"B-bitiwan mo muna ako!" at kumalas naman siya sa paghawak. "Sige! Papayag ako. Basta, mabura lang 'yon sa alaala ko."
"Kung gayon, maghanda ka," sabay ngisi ng lalaki at gamit ng kanyang singsing, itinutok niya 'yon kung saan at may lumabas na blue portal. Agad niya akong hinila at sabay kaming pumasok doon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top