Chapter 3: Watch For You
*kokkorokok!* *kokkorokok*
Ano 'yun?!
Aysus! Etong alarm clock ko lang pala sa cellphone ko. Akala ko kung ano hahaha!
Anyway, kinuha ko na 'tong cellphone ko at pinatay yung manok na nandito, I mean, 'di literal na pinatay, mygad! Yung nagko-kokorokok kanina hahahaha! At, naki-chismis muna ako sa kung anong meron sa newsfeed ko. Ayun yung pinakaalmusal ko talaga, ang maki-marites muna hehehe. Hanggang sa biglang dumaan sa newsfeed ko yung pagmumukha ng crush ko. Yes! You're guess is right, si bebe Davis nga hihi!
Grabe, 1m pa lang, 100+ na yung nag-react sa picture ng bebe ko! Ang dami kong kaagaw, ha! Pumila kayo nang maayos, 'wag kayong sumingit sa bebe Davis ko!
Pagkabasa ko sa caption ng pic niya: lim x-5 [x^2 + 2x - 14]
Ano raw?!
Kaya, napa-compute tuloy ako nang ke aga-aga. Walangya ka, bebe Davis, gusto ko lang naman makita cute mong pic, papagurin mo pa ako huhuhu.
Pagka-compute ko, aysus! 21 lang pala. Teka, anong meron sa 21? Hindi naman 21 ngayon, August 31, 2021 ngayon, wait, August 31?! OMG! Birthday niya ngayon! At ngayon ko lang napansin na, marami palang bumati sa kanya sa comment section. Pero, may ilang nag-comment din tulad nito:
Baby naman, enough na sa amin yung pic mo, 'wag mo na kami pag-solve-in pa hihi!
Davis ko, happy birthday! Pero, bakit naman may paganyan hahaha! Tumingin na lang ako sa comments at birthday mo nga pala, talino mo talaga!
Davis, mahal, 'di mo na kailangan pang mag-caption ng equation para mapansin kita hihi. Sapat na sa akin yung love mo for me, no need na nyan hihi!
Lods, penge lumpia.
Wahahaha! Kakaloka 'tong nanghihingi ng handa.
Kaya, syempre, magko-comment din ako, 'no. Ayokong masapawan ako ng mga babaeng nagkakandarapa rin kay bebe Davis ko. Para sa akin, wala ng karapat-dapat pa sa puso at ano niya, kabutihang loob hehehe, kundi ako. Kasi, ngayon pa lang, kayang kaya ko na siyang alagaan, paano pa kaya 'pag naging mag-asawa na kami, 'di ba? Hehehe, kaya dito sa mga babaeng impakta na 'to, chupe!
[Eirie: Happy birthday, bebe Davis ko! Miss ka na ng mga anak natin na sina Goldy, Milly, Molly and Zerdy. O, panes! Apat na agad anak natin, ganun mo kasi ako kamahal hihihi! Happy birthday ulit, bebe ko, mwah!]
Hmm...may naisip lang ako bigla. Kung bibigyan ko kaya talaga siya ng mga anak? Ay, este, mga regalo! Enebe, saka na 'yun hehehe, I'm conservative. Tama! Baka gusto niya siguro ng mga gift. Maganda na sa personal ko na 'yun iabot, para magkaroon na talaga ako ng tyansa makausap siya for the first time, 'di ba? Pero, ano naman kayang magandang iregalo sa kanya? Ano kaya yung mga favorite niya?
Kaya, nag-consult muna ako kay kuya Eros. Buti, hindi pa siya nakakaalis para sa work, at paalis na raw sana siya kung 'di ako istorbo. Che! Bahala ka dyan, kuya. Basta para sa bebe Davis ko, palaging makapal yung mukha ko hihi!
"Damit, sapatos, relo, mga ganun," sagot lang ni kuya.
"Eh? Ayaw n'yo ba ng mga laruan?" sabi ko at pinandilatan agad ako ng mata ni kuya. Sabi ko nga, matanda na kayo at 'di n'yo na need 'yun. Alam ko na nasa utak ni kuya, psychic ako e, char! Pero, cute naman talaga ng mga laruan, ah? Hehe, for sure, may ibang boys din na gusto pa rin ng mga ganun.
Nagmamadaling umalis si kuya kasi, male-late na raw siya sa work niya. Pero, at least, na-share niya yung idea kung ano yung gustong gift ng mga guys, kaya no need to gugel na hehe. At, napag-isipan ko na, relo na lang yung ibigay sa kanya kasi, why not, 'di ba? Maganda naman ako, ay este! Yung relo hehe. Magagamit niya 'yun palagi kung gusto niyang tumingin sa oras anytime kahit no need na yung cellphone niya. At baka, magbigay na siya ng oras sa akin hehehe.
Bago ako pumasok, dumaan muna sa isang mall na malapit lang sa university namin para makabili ng relo. Para, madaliang takbo na lang pag male-late na ako hehe. Wala akong pake kung mangyari nga 'yun or mapagalitan pa ako ng prof ko. Ang importante, may gift ako na mabibigay mamaya kay bebe Davis. Sana magustuhan niya 'to hihi!
Dumaan ang 2 subjects ko at break na namin. Nagkaroon ako ng tyempo ngayon para iabot 'tong regalo kong relo kay Davis. Super supportive naman 'tong beshy kong si Vie para samahan ako kay Davis. Kaso, may pagka-nega 'to minsan, eh.
"Paano kung 'di niya tanggapin 'yan?" sabi ni Vie. See?
"Tatanggapin niya 'to sa ayaw at sa gusto niya!"
Aba, dapat lang, ang mahal kaya neto! Sayang naman kung 'di niya tatanggapin, 'di ba? Eh 'di sana, pinambili ko na lang ng fish feeds 'to hahaha! At baka nagtatampo na pala yung mga anak kong isda. Don't worry, babies, lumalandi lang si mommy, para may daddy na kayo hihihi!
"Hay, ewan ko sa'yo, Rie! Napakarupok mo! Ang mahal-mahal nyan, tapos 'di pa niya tatanggapin, kung pinanlibre mo na lang sa akin 'yan hahaha!"
"Yayamanin ka naman, Vie! 'Di mo na need 'yon. Tara na nga lang!" at hinila ko na si Vie papunta sa gate ng Engineering Department nina Davis. 'Di ba nga last time, 'di ako pinapasok ng guard? Uniform naman 'to, daming eme ng Department nila!
Nang makapunta na kami ni Vie doon, ano 'to? Grand Fans Day? May mga dalang mga regalo yung mga babaeng nagkakagusto kay Davis, tsk! Kahit ano pang ibigay n'yo, yung regalo ko yung pinakamagugustuhan niya, 'wag na kayong ilusyunada!
Paglabas ni bebe Davis ko, kanya-kanya na kaming diskarte kung paano maaabot sa kanya yung gifts namin. Naku! Famous ka talaga, bebe ko. Kahit ang daming bumabati sa kanya, serious mode pa rin ampeg ni bebe Davis, at ni isa sa amin, wala siyang nginitian. Pero, tumatanggap naman siya ng mga regalo, infairness! Syempre, isa ako sa mga maswerte na siya yung kumuha ng gift ko. Bago 'yun, pasimple kong hinawakan yung kamay, at sobrang lambot legit! Na, malaki! Hahahaha! Mas malaki ata yung kamay niya kaysa sa akin, eh. Pero, anyway, samantalang yung iba, inaabot lang nila yung mga gift dun sa mga katropa ni Davis. Kaya, super lucky ko talaga na siya mismo yung inabutan ko.
Pagkaalis ni Davis, lumayo na muna kami ni Vie, at 'di ko na rin kinakaya yung amoy ng kumpulan doon na nandun pa rin, mygad! Pagkatapos, hinampas-hampas at sinabunutan ko na 'tong si Vie to the max hahahaha!
"ARAY KO! LECHE KA!" nasabi na lang ni Vie habang kinikilig pa rin ako sa nangyari kanina hihihi!
Sana, araw-araw na lang ganito. Sana, araw-araw kong nahahawakan yung kamay ni Davis, hihi! Kakasya kaya 'yun sa akin? Yung kamay, ha! Reminder lang bwahahaha! Pero, serious mode, para sa akin, sapat nang nakikita ko lang siya, eh. Either sa pictures niya online, sa gallery ko, and pag nate-tyempuhan ko siyang makita sa Department nila. Kaya, sobrang nakakakilig na may pa-bonus na kamay pa! Thank you, Davis, at pinasaya mo ang araw ko ngayon. Sana, maging masaya rin ang araw mo ngayon, at birthday mo pa man din hihi!
Habang bumibili kami ni Vie dito sa labas ng kwekkwek, napansin ko na may lumapit sa tindero na isang lalaki. Teka, parang familiar 'to sa akin? 'Di kaya - OMG!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top