Chapter 2: Finding Davis
Yes, Lunes na! Makikita ko na rin ulit ang bebe Davis ko. Kaso, twing nakikita ko siya, at pansin niyang nakatitig ako sa kanya, lumalayo siya agad. Pero, ok lang. Deep inside, alam ko namang crush din ako nun! Hehehe.
Pero syempre, may time pa rin naman ako para mag-aral, eh. Hindi naman ako masyadong obsessed sa kanya, slight lang. Kaya, study now, landi later ang peg ko.
Isa akong BSED student major in Math. Kavog, lume-level ako sa crush ko, 'no? Pero, sa math subject, keri pa. Sa ibang subject lalo na sa english? Nganga! Kaya, buti na lang, karamihan sa subject namin ngayon ay Math. Pareho kaming Math lover ni crush, pwede na ba kaming maging lovers?
"Rie!" sabay hampas sa akin ng best friend kong si Vierra.
"Ano ba, Vie! Kung makahampas ka naman!" sabay inda ko sa part ng braso ko na hinampas niya.
"Sorry na! Eh, sa kanina pa kita tinatawag, ayaw mo akong pansinin, eh. Iniisip mo na naman yung Davis mo, 'no?"
"Hehehe, sino pa ba?"
"Nako! Tigil-tigilan mo na nga 'yon, Rie. Masasaktan ka lang. Alam mong ilang beses ka ng in-snob nun, eh. Pero, siya pa rin yung gusto mo?"
"Naman! Kasi, alam ko at nararamdaman ko na may gusto rin siya sa akin, ok? Medyo busy nga lang siya sa studies niya pero, ako talaga palagi yung iniisip nun."
"Sus, assumera! Pakopya na nga lang!" at kinuha niya agad yung notebook ko sa bag.
"Wow! Kararating ko lang tapos, bigla kang nakipag-chismisan sa akin para makakopya ka pala," at binigyan niya ako ng nahihiyang ngiti. "Ewan ko sa'yo, Vie! Dyan ka magaling."
"Alam mo namang naligaw lang ako rito, 'di ba? Kaya, pagbigyan mo na ako. Best friends naman tayo, eh," at sinimulan na niyang kopyahin yung mga sagot ko sa notebook.
"Ano 'to? Sin pi ba 'to?"
"Mangongopya ka na nga lang, eh! Magtatanong ka pa," inis kong sagot sa kanya at natawa lang siya.
"Sensya na, alam mong medyo malabo na rin yung mata ko, eh. Ano nga? Sin pi ba 'to?"
"Oo!" at kinuha ko yung baon kong chocolate drink sa bag. Kaka-stress kasi 'tong si Vie, eh!
"Eh, eto? Bakit naging grad f one, one 'tong grad g one-"
"Hay nako! Ang dami mong tanong! Yung gradient kasi nyan-"
Agad nahagip ng mga mata ko ang pinakagusto kong lalaki sa buong mundo. Napakaseryoso ng mukha at awra ng bebe ko! Agad akong umalis para sundan siya.
"Rie, sandali!" Rinig kong sabi ni Vie habang papaalis ako.
Nakita kong naglalakad dikalayuan si Davis. Napangiti ako at agad tumakbo pero biglang may bumanggang lalaki sa akin.
"Ano ba 'yan! Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo!" inis kong sabi sa kanya habang pinapagpag ko yung kanan kong braso.
"S-sorry po, ate," at nagmamadali siyang naglakad palayo.
Pagtingin ko sa dinaanan ni Davis kanina, wala na siya.
"Asan na 'yon? Davis! Kakainis kasi yung lalaking bumangga sa'kin, eh! Davis!"
Hinanap ko siya sa buong building namin. Mula rito sa 4th floor hanggang sa baba, wala! Naisip ko namang puntahan siya sa department nila kaso, hindi ako pinapasok ng guard kasi nakasuot ako ng palda. Naka-formal uniform man ako pero sobrang strikto pa rin ng rules nila bwiset! Paano ko makikita yung future asawa ko dyan sa loob?
Pumunta na lang ako sa canteen kasi, nagugutom na ako, eh. Davis is life, but food is lifer, hehe. Pero, agad kong nakita si Vie na kumakain na ngayon. Nilapitan ko siya at umupo sa tabi niya.
"Vie!" at umupo ako sa tabi niya.
"Baliw ka! Saan ka pumunta kanina?" bungad niyang tanong sa akin.
"Nakita ko kasi si Davis!" at niyugyog ko siya.
"Ano ba, may pagkain pa ako sa bibig ko!" at natawa na lang ako sa kanya. "Puro ka Davis, hay nako! Alam mo ba na muntikan ng 'di lagyan ni Ma'am Doval yung grade mo sa Cal? Wala ka raw kasi kanina! Buti, nalusutan kong nagka-LBM ka kaya, ok na sa kanya," sabay inom niya ng tubig.
"Sensya na! Eh, basta pagdating kay Davis, mahina ako, ih. Ngapala, pahingi, ah? Gutom na talaga ako!" at sinubo ko agad yung nuggets niya.
"EIRIE, ILUWA MO 'YAN!"
Gulat na gulat ako sa sigaw niya. Maski yung ibang kumakain dito, napalingon tuloy sa amin.
"B-bakit?! Anong problema mo? M-may lason ba 'to?!" sunod-sunod kong tanong habang may pagkain pa sa bunganga ko.
"FISH NUGGETS 'YAN! ALAGA MO 'YAN!"
Agad kong sinuka yung nginuya ko kanina. Pakiramdam ko, parang pinagtaksilan ko yung angkan ng mga alaga ko. Kinuha ni Vie yung pitsel at nilagyan ng tubig yung baso ko. Agad kong kinuha yung baso at uminom ng tubig.
"Pahingi pa!" at nilagyan ulit ni Vie yung baso ko ng tubig at ininom ko agad 'yon. "Hayop ka, balak mo ba akong patayin?!" at tatawa-tawa na siya ngayon.
"Hindi mo naman kasi tinanong kanina kung anong klaseng nuggets 'yan! Basta ka na lang kumuha agad!"
"Gutom nga ako, eh! Nanunumbat ka pa dyan!"
"Hayaan na nga natin! Hindi mo naman nilunok, 'di ba?!"
"Hindi!"
"Yun naman pala, eh! O, siya, ililibre na nga lang kita ng pagkain!" at umalis na siya para pumila sa counter.
"Hoy! 'Wag lang isda, ha!" at tumango lang siya.
Jusko! Hindi pa nga kami kasal ni Davis ko, balak pa akong patayin ng best friend ko! Buti na lang, hindi ko nalunok 'yon nang tuluyan. Kundi, kukunin ko talaga yung tyan ko at tatanggalin lahat ng isdang nakain ko. I love them! They are my family! And no one could ever dare to eat them, including me. Oh, kavog! Pag galit talaga ako, humahaba sentence ko sa english bwahahaha!
Natapos ang araw ko na hindi ko man lang ulit nakita si Davis. Umuwi akong malungkot at sobrang disappointed. Agad akong humiga sa kama at napatingin sa mga alaga ko.
"Goldy, Milly, Molly, Zerdy, sorry talaga sa ginawa ko kanina. Hindi ko kasi talaga alam na fish nuggets yung ulam ni Vie! Anyway, akala ko, makakausap ko na nang personal si Davis, hindi pala. Bakit ang ilap ni destiny sa amin, 'no? Pero, ganun sa mga palabas, 'di ba? 'Pag hindi kayo pinagtatagpo palagi, magiging kayo in the future. Hehe, sana nga!" at tumagilid naman ako pakaliwa. "Pero, epal talaga yung lalaking nakabangga sa akin, eh! Ayun na o, maaabutan ko na sana si Davis. Pero, tatanga-tanga at nambangga pa! Sana, hindi ko na makita 'yon! May itsura nga, pero hindi kasinggwapo ng bebe Davis ko."
Nag-isip muna ako ng kung ano-anong mga scene namin ni Davis bago ko maisipang maidlip.
"Ay! Birthday nga pala niya bukas! Ano kayang pwedeng ibigay sa kanya?" at bigla akong nahikab.
Napagod talaga ako kanina kakahanap sa kanya. Pero, hinding hindi ako mapapagod gustuhin siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top