CHAPTER 1: Eirie
Eirie
Hi, guys! I'm Eirie Weinn Dueco, all the way from Caloocan City! Lakas maka-vibes sa pageant, 'no? Pero, hanggang dream ko lang yun, guys. Ayoko ng umasa, at lalong ayoko ng masaktan, chos biglang nagdrama?
Anyway, may aquarium nga pala ako rito. Eto si Goldy, gold fish 'yan, obvious naman sa kulay niya. Saka sina Milly at Molly, mga Mollies naman sila. Magkambal sila kaya sabay sila laging pa-swim swim lang dyan. Then, ayan naman si Zerdy, isa siyang Zebra Danios. Nako, sobrang bait nyan at low maintenance lang kaya, gusto ko 'yan.
Ako kaya, kelan niya ako magugustuhan? Hindi si Zerdy, ha! Yung crush ko tinutukoy ko. Hindi ako pumapatol sa isda! Hanggang alaga ko lang siya, ok?
"Weng! Kakain na."
Ay! Tawag na ako ni mama.
Lumabas na ako ng kwarto ko at nandun na silang lahat. Sina mama, papa, saka yung dalawang kapatid ko na mas matanda sa akin. In short, bunso ako. Umupo na ako pero nainis ako sa nakita ko.
"Bakit isda yung ulam?!"
"Choosy ka pa? Kung anong nandyan, yun na lang kainin mo hahaha!" si kuya Eros.
"Ikaw yung nag-suggest neto kuya, 'no!"
"'Di, ah," at inosente siyang kumain ng galunggong.
Hay nako, bwisit talaga 'tong si kuya! Alam niyang hindi ako kumakain ng isda kasi, may mga alaga akong ganun. Gusto atang mang-asar.
"Ma! Bakit ganito yung niluto mo?!"
"Hahaha! May adobo pa naman sa ref, 'nak. Yun na lang muna kainin mo."
Huhu, may favoritism ka ata ma, eh!
"Ako na mag-iinit, ma," si ate Evia. "Gusto ko rin ng adobo, eh." at umalis muna siya para kunin yung adobo at initin.
Kainis! Akala ko, kakain na ako ngayon. Maghihintay pa pala ako. Pero, ok lang, sanay naman akong maghintay. Maghintay kahit ayaw naman niya sa akin.
"Ngapala, eto yung allowance mo this week, Weng," si papa at kumuha siya ng 3k sa wallet niya.
"Yown! Thanks, pa," at kinuha ko na yung pera. "Sobrang pogi mo talaga, pa! Sa sobrang pogi, parang kulang pa po 'to, eh," at agad sumimangot si papa. "Chos lang, pa. Sakto lang sa akin 'to. Sobra-sobra pa nga, eh. Pang-aral at pangbuo ko na ng pamilya 'to!"
"Anong bubuo ka na ng pamilya? May boyfriend ka na?!"
"Hindi! Ang slow mo naman, pa! Joke lang 'yon saka, wala pa akong jowa."
"Siguraduhin mo lang Weng, ha. Kung magkaka-boyfriend ka, ipakilala mo muna sa akin. Ayokong makuha ka lang ng tambay na adik sa labas, ha."
"Ewww! Kadiri naman 'yan, pa!" at nagtawanan sila.
Duh! Walang wala yung mga tambay na 'yon sa crush ko, 'no! Gwapo, matalino, engineering student ba naman! At higit sa lahat, napakasipag at responsable. Kaya, yuck! Ayokong pumatol sa tulad nila. Masyadong high ang standards ko kaya ekis sa kanila. Pwe!
"Eto na yung adobo, Weng!" si ate Evia at nilapag na yung adobo na ininit niya. Nagsimula na rin akong kumain sa wakas!
"Musta naman sa call center, 'nak?" si mama at sumubo ulit ng pagkain.
"Ayun, nai-stress na naman ako sa team ko! Yung isa, nakatulog. Yung isa naman, 'di napigilang sagutin yung isang client. Ako tuloy umaako sa mga problema nila!" at napainom si ate ng tubig.
"Hayaan mo na yun, Byang," si papa naman. "Syempre, responsibilidad mo yun bilang TL, 'di ba? Kaya, more patience lang, 'nak. Eh ikaw, Eros? Anong nangyayari sa hawak mo?"
IT Project Manager naman si kuya sa isang kumpanya. Focused yung team nila sa networking. Yung networking, ano 'yon, ano nga ba 'yon? Ah, basta 'yon! Si kuya lang nakakaalam dyan. Bobo ako sa lahat hahaha! Basta, nakwento lang ni kuya sa akin na yun yung forte niya.
"Wala, may mga issues lang ulit yung mga clients sa firewall, pero nare-resolve naman namin agad."
Pagkatapos namin kumain, ako yung naghugas ng mga plato. Ako kasi yung nakatoka ngayon araw, eh. Kaya, eto, ang dami na naman nila.
"Hay, kawawa naman 'tong tinik na 'to," at tinapon ko 'yon sa basurahan. "Kung nakita lang sana kita kanina, eh 'di sana, na-save kita at nilagay sa aquarium ko. Malay ko ba na nakaluto na pala si mama. 'Di ko na namalayan yung oras."
Naghugas tuloy ako na may sama ng loob. Naiinis talaga ako twing isda yung ulam! Awang awa ako sa mga isda na niluluto at kinakain nila. Pakiramdam ko tuloy, literal na isda ako sa past life ko.
Pagkatapos kong maghugas, pumunta na ako sa kwarto at binisita yung FB ng crush ko. Twing nakikita ko kasi yung mukha niya, tanggal lahat ng bad vibes! Binigyan ko ng heart react lahat ng posts at shared posts niya. Wala, papansin lang, para pansinin na niya ako hehe. At syempre, para mapansin talaga ako, tinatadtad ko siya lagi ng messages.
[Eirie: Hello, crush!]
[Eirie: How's are your day?]
[Eirie: Hehe, sorry kung mali grammar ko, bebe ko. Wala, eh. Bobo talaga ako kahit kelan. Panget pa. Kaya eto, wala na yatang magmamahal sa akin.]
[Eirie: Pwede bang ikaw na lang?]
[Eirie: Future asawa naman kita, eh.]
[Eirie: Pansinin mo naman ako crush, huhu. One year na, anniversary na natin, ay este, ignore anniversary na natin. Hanggang ngayon, 'di mo pa rin ako pinapansin, eh.]
[Eirie: Ah ganon, ha. Kung ayaw mo, ha-huntingin kita bukas! Bibisitahin kita sa room n'yo, bebe ko.]
Hays. Naka-ignore message yata ako sa kanya, eh. Pero, ok lang. Think positive, Eirie! Makikita mo naman siya bukas, ok? Don't ano, basta, 'wag mawalan ng pag-asa!
Pumunta na ako sa aquarium at pinakain yung mga alaga ko.
"Mga fishy ko, sana pansinin na ako ni Davis bukas, 'no? Maganda naman ako, sexy, 50-20-40 lang naman vital stat ko! Kaso, kinapos sa height hehe. Gusto niya ata, yung mga kasingtangkad niya, eh. O, sige, ayan! Kainin mo, Goldy. Grabe ka talaga! Ikaw yung pinakamatakaw sa kanila hahaha!"
Buti pa 'tong mga isda ko, ang babait sa akin. Pero yung crush ko, mailap, hmp! Humanda ka talaga sa akin bukas. Bibigyan talaga kita ng pagmamahal ko!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top