Chapter 9: Visit

Chapter 9: Visit

"Bessy, huwag na huwag ka ng gagawa ng bagay na hindi ko magawang palitan. Hindi pa nga ako nakakabawi no'ng binayad ninyo sa pang high school ko pati kay mama 'di ba? Sobrang nakakahiya na. Tapos ngayon, ikaw na naman magbabayad sa pagkain ko?! Hinding-hindi ako papayag. May dala naman akong pera eh."

Paano ba naman, pagkatapos naming kumain ay nag-away pa kaming dalawa dahil siya na raw magbabayad.

Nakita ko namang unti-unting gumuhit ang isang ngiting nagpapa-anghel sa kaniyang mukha. Tumango rin siya at agad na lumapit sa akin saka ako niyakap ng mahigpit. Na-touch naman ako kaya napayakap na rin ako kay Hailey.

Nandito pa rin kami sa jollibee. Pagkatapos ang eksenang nakita namin kanina ay pilit nalang na ini-iba ni Hailey ang usapan. Pansin ko namang ginawa niya lahat kanina para mabalik ang mood ko at nagtagumpay naman siya kaya nga lang 'di ko pa rin maiwasang maging malungkot lalo na sa nakita ko.

Nag take-out lang sila at lumabas din agad. Napailing na naman ako dahil pumasok bigla sa utak ko ang scenario kanina nang magtagpo ang mga mata namin ni Risha.

Pagkatapos nila maghalikan ay saktong napatingin sa kinaroroonan namin ang mata ni Risha. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ako at binigyan ko lang naman siya ng nag-aalalang tingin. Kaso halatang naka recover din siya agad at tinaasan lang ako ng kilay saka siya ngumisi ng pang demonyo. Pagkakita pa nga niya sa akin ay mas lalo niyang hinigpitan ang kapit kay Schiven sa braso nito.

Ibang-iba ang nakikita kong Risha kanina sa naging matalik naming kaibigan noon. Si Risha na iyakin, mahiyain, sobrang maaalahanin at kahit maliit na bagay lang ay matuwa na agad siya. Wala akong maalala na nag-away kaming dalawa o tatlo. Kaya nakakagulat na makita ko siyang ganito ang trato sa akin. Wala naman akong maalalang masama na nagawa ko sa kaniya.

Kung meron man ay matagal na akong humingi ng tawad pero wala talaga.

I guess, nag-iiba talaga ang tao kapag lilipat ng ibang bansa. Iyon ang alam ko, nagiging liberated. Napabuntong hininga nalang ako. Nakakapagod na.

"Bessy? Ayos ka lang ba?"

Bumalik ako sa realidad nang maramdaman kong hinawakan ni Hailey ang mga kamay ko at nag-aalalang nakatingin sa akin.

Ngumiti ako ng peke at tumango.

Unang naging kababata ko si Risha bago si Hailey.  Nakilala lang naming dalawa si Hailey noong lumipat sila sa lugar namin at naging close ang pamilya nila sa pamilya ko. Pero biglang nawala ang pagsasamahan naming tatlo kasama si Risha nang lumipat siya kasama ang pamilya niya sa ibang bansa. Kaya kaming dalawa nalang naiwan ni Hailey na matalik pa ring magkaibigan hanggang ngayon.

Ngayon ko lang naalala na hindi pa rin alam ni Hailey ang gabing nakita ko sina Risha at Schiven. Iyong gabing nasaktan ako ng sobra at isinusumpang hindi ko nalang nakita. Ang alam niya lang ay break na kami dahil sa panloloko sa akin ni Schiven pero iyon, alam kong walang nakakaalam.

Siguro kung magkatime at sa tamang oras ko nalang sasabihin. Baka kung hindi, iyon pa ang ikatampo niya.

"Kanina pa ako nagkwe-kwento eh, hindi ka naman pala nakikinig," nagtatampong wika ni Hailey.

"Sorry na. Ang dami ko lang talagang iniisip. Sorry kung nadadamay ka na, bessy."

"Aw! Anong nadadamay? Hindi naman eh. Sana nga ay mabigyan din ako ng problemang tulad mo na dinadala. Ako kasi ang nag-aalala para sayo bessy eh. Parang gusto kong maiyak dahil bakit sa isang tulad mo pa ang nagkaroon ng mabibigat na problema. Hindi mo naman iyan deserving. Parang nasa iyo na nga lahat kaso ayon. Ang perfect na ng pamilya ninyo. Baliktad talaga ang mundo. Hay, bessy. Basta kapag kailangan mo ng masasandalan, nandito lang ako huh? Huwag mong kalimutan na ako ang taong nandiyan para sayo sa oras na kailangan mo ng tulong."

Agad na tumulo ang luha ko sa mahabang inusal ni Hailey. Sa totoo lang, kanina pa gustong lumabas ang mga luha ko kaso pilit ko itong pinipigilan. Dahil tuloy sa kadramahan niya ay lumabas tuloy. Nakakainis.

Mas close man kami dati ni Risha noong nandito pa siya pero nahigitan naman iyon ni Hailey dahil siya, nandiyan palagi kapag kailangan ko ng taong masasandalan.

Lumapit siya sa akin at agad akong binigyan ulit ng mas mahigpit na yakap. Hinimas-himas din niya ang likuran ko. Sa tagal naming hindi nagkita, ganito pa kadrama. Ano ba iyan.

"Ang drama naman natin bessy! Parang pelikula lang ang peg? Tumahan ka na nga. Hindi bagay sa mukhang tulad mo na umiiyak. Para kang batang inagawan ng kendi. Sige ka! Papangit ka." Nakanguso pa siya habang sinasabi iyon.

Bahagya akong natawa at ngumiti din naman siya. Sa panahon na mga ganito, hindi halatang mas matanda ako kaysa kaniya.

Bumitaw si Hailey galing sa pagkayakap at tumayo na rin ako pagkatapos. Mahigit isang oras pala kami dito sa jollibee.

Gaya ng napag-usapan namin ni Hailey, bukas na kami mag take sa second entrance exam kaya kailangan maaga pa akong umuwi para mag review. Mahirap na para magiging scholar na rin. Ang alam ko kasi full scholar kung malaki ang kuha sa entrance exam tapos galing din ng Lourdes High School.

Uuwi na rin pala si Hailey kasi may inutos din daw sa kaniya ang mga parents niya na dapat niyang gagawin. Regarding siguro sa business nila.

Saktong paglabas namin sa jollibee ay nakapark na ang sasakyan nila at hinihintay na rin siya ng driver nila. Biglaan niya akong hinalikan sa pisngi bago nagpaalam sa isa't isa. Kumakaway pa siya habang papasok sa sasakyan.

Nabanggit din ni Hailey na ihahatid niya raw ako sa bahay kaso tumanggi ako. Baka naka-abala lang ang paghatid sa akin at may dadaanan lang din naman muna ako.

~*~

"Manang Lena!"

Pagkakita ko palang sa kaniya ay agad akong tumakbo palapit at niyakap siya ng mahigpit. Namiss ko si manang ng sobra.

"Althea, anak!"

Napatigil naman siya sa ginagawa niya at niyakap din ako. Napansin kong hinimas nito ang buhok ko.

Siya nga pala ang parang ikalawang nanay ko na simula noong bata pa ako. Siya ang nagpaanak sa akin kaya ang lapit lapit ng loob ko sa kaniya. Hindi kasi ako sa hospital pinanganak dahil alas tres ng umaga ako nagparamdam sa tiyan ni mama. Kaya sa bahay lang at sakto namang si manang ay may experience na rin sa pagpapaanak.

Gaya ng nabangit ko dati, si manang Lena bali ang katulong namin noon pa lamang. Noong wala pa ako ay kina mama at papa na siya nagtrabaho. Hindi nga namin siya tinuring na katulong kasi parang pamilya na talaga namin si manang. Kaya nga sobra akong nasaktan noong kailangan na siyang umalis sa bahay.

Noong pagbagsak kasi namin ay kailangan din siya ipauwi sa kanila dahil wala na kaming pambayad sa kaniya. Tumatanggi naman si manang Lena dahil ayos lang daw kahit wala. Kaso hindi naman kami papayag kung wala kaya kahit labag sa kalooban nila mama ay pinauwi nalang si manang.

"Nakakatampo ka anak ha. Minsan ka nalang dumalaw dito sa amin. Alam mo namang araw-araw kitang namimiss."

Napabitaw ako sa pagkayakap at binigyan siya ng malaking ngiti. Ayon na naman ang maamong mukha ni manang.

Nandito nga pala ako sa bahay nila. Sa karinderya nila. Namiss ko tuloy ang mga masasarap na luto ni manang! Sa kaniya din kasi ako natutong magluto.

And oh, guess what? Dito ako sa kanila nag part time job nitong summer. Kaya isa ito sa dahilan na hinding-hindi ko makakalimutan si manang.

"Namiss din talaga kita manang! Huhu, huwag po kayong mag-alala dahil malimit na po akong dadalaw dito. At namiss ko rin po kaya ang luto ninyo! Pati na rin ang pagtatrabaho ko dito, nakakamiss. Kahit mga dalawang buwan pa naman ang nakalipas."

Siguro kung papayagan niya ulit ako na magtrabaho dito ay gagawin ko talaga. Hindi naman talaga dapat ako payagan ni manang noon na dito ako mag part time kasi daw nakakahiya kina mama. Kaso ang kulit ko kaya ayon, pinayagan niya ako. Iyon nga lang daw ang huli.


Nagkibit balikat ako at ngumiti pero biglaang tumunog ang aking tiyan hudyat na nagugutom ako. Nakita kong natawa si manang.

"Ikaw talaga. Dumito ka nga muna at kumain."

Nagningningan naman agad ang mga mata ko at sumunod kay manang. Tatanggi pa ba ako? Saka babawi na rin ako kay manang.

Noong namatay kasi si mama ay hindi ko siya na-entertain gaya nina Hailey. Wala kasi talaga ako sa sarili ko noon at naalala kong si manang ang parating lumalapit sa akin para kakain na raw, siya na raw muna babantay kay mama at matutulog na muna ako. Pero ayon. Hindi ko siya pinapansin at nakakatulala lang ako.

Kaya paniguradong nagtatampo ito si manang dahil pinababayaan ko na naman ulit ang kalusugan ko.

Noong pagbisita at pag-alaga rin niya sa akin nang ma-hospital ako ay hindi ko siya nakita at hindi man lang ako nakapasalamat sa kaniya.

Alas kuwatro na pala ng hapon kaya wala ng masyadong tao ang karinderya nila. Kapag tanghalian kasi ay dagsaan ang mga tao rito pati na rin umagahan at hapunan. Kahit maliit lang itong karinderya nila, masasabi mong sobrang malakas kumita.

Noong nag pa-part time job ako dito ay nabanggit ni manang na ang karinderya nalang ang pag-asa nila para sila'y kumita ng pera. Wala na kasi siyang asawa dahil iniwan sila. May nag-iisang anak naman siya si Lance. Parati kong kalaro noon pag nasa bahay at malapit lang ang edad naming dalawa. Naging kaibigan din siya ni Hailey pero noon lang iyon noong mga bata kami. 

Inilibot ko ang paningin ko dito sa loob ng karinderya kaso walang anino ni Lance ang nakita ko.

Nasaan nga ba siya?

Umiling nalang ako. Kaya ko rin naisipan noon na dito na lang kina manang mag trabaho dahil napansin kong napapagod na siya. Nakikita ko kasi ngayon kay manang ang pagbabago niya. Masyado na siyang mahina tignan at ako ang napapagod para sa kaniya.

"Ayos ka lang ba, anak?"

Nagbalik ako sa reyalidad. Napatingin ako kay manang sa biglaang pagtanong niya. Napatingin kasi siya sa mesa na inuupuan ko at hindi ko pa pala nagagalaw ang pagkain ko.

Tumango ako saka siya nginitian.

"Opo naman manang! Paano naman po ako hindi magiging okay eh nakita ko po kayo at nasa harap ko na naman ulit ang masarap mong luto!"

Ngumiti lang siya sa akin at sinabing kakain na raw muna ako. Aasikasuhin pa kasi niya ang kakaunti nilang customer dito.

Pagkatapos ay nagkwentuhan lang kaming dalawa. Nagpasalamat na rin ako sa kaniya noong libing ni mama at sa pag-alaga sa akin sa hospital. Nagkwentuhan din kami sa mga flashbacks noon at nangyayari sa buhay ko. Marami ring payo na ibinigay sa akin si manang. Gaya ni Hailey, sinabi ni manang na kapag may kailangan ako ay sa kaniya ako pupunta.

Nagmano na muna ako sa kaniya dahil uuwi na ako. Malapit na kasi gumabi at kailangan ko pang mag review para bukas.

Pagkarating ko sa bahay ay pumunta agad ako sa kwarto. Nagbihis na muna ako bago kinuha ang mga notes at mga libro ko noon at nagsimulang mag review.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top