Chapter 7: Relatives

Chapter 7: Relatives

Limang araw na ang nakalipas nang mangyari iyong gabing nasaktan ako ng sobra.

Ang gabi rin kung kailan ko huling nakasama si Shawn at nalaman ang problemang dinadala niya.

Naalala ko tuloy ang sinabi niya ng gabing iyon na palaging pumapasok sa utak ko.

"Pero sana ngayong panahon na dumaraan at dadaan pa, sana hindi lang pinagtagpo at sana itinadhana na rin ang dalawang tao para sabay nilang buuin ang mga pusong winasak at sinaktan ng lubusan."

Anong ibig niyang sabihin? Hanggang ngayon litong-lito pa rin ako kung may ibig-sabihin ba ang mga salitang iyon. O talagang ako lang talaga ang nag-iisip na meron kahit wala naman talaga.

Ang bilis talaga lumipas ng panahon. Magsisimula na naman kasi ang enrollment para sa mga studyanteng maging senior high at kasali na ako.

Malapit na ang pasukan, eh parang kakasummer lang.

Sana makakayanan ko ang bagong school year. I mean, adjustment na naman. Lalo na at marami na naman akong makikilalang iba't ibang klase na mga tao. Saka naka stop kasi ako ng isang taon sa pag-aaral kaya dapat G-12 na ako ngayon pero bago palang ako mag G-11 dahil sa nangyari nga kina mama at papa dahilan para mag trabaho lang ginawa ko last year para pang-ipon. Dapat handa ako bago sumugod sa giyera.

Hayy, siguro kailangan ko rin mag part time ulit habang nag-aaral para may pang baon ako sa sarili ko.

Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip.

Nandito na ako ngayon sa bahay ng tiyahin ko. Sa kapatid ni papa para makitira. Buti nalang at pinatira nila ako kasi kung hindi, 'di ko na alam kung saan ako pupunta. Hindi rin naman nila ako pinagalitan kung bakit hindi ako umuuwi dito sa kanila ng mga ilang araw. Siguro akala nila ay sa bahay namin talaga ako umuwi nang panahon na mga iyon.

Hindi ko rin alam kung may ideya ba sila na muntikan na akong maaksidente kasi kahit pag kamusta man lang sa akin ay wala akong natanggap.

Naoabuntong hininga nalang ako at tuluyan ng bumangon. Madalas ay ako ang gumagawa ng mga gawaing bahay para makabawi sa pagpatira nila sa akin. Nakakahiya kasi. Nakadagdag problema lamang ako sa kanila. Kaya maaga akong nagising ngayon para magsaing para sa umagahan namin.

Pagkatapos kong magsaing ay pumunta ako sa refrigerator para ilabas ang mga kakailanganing sangkap para sa umagahan. Ako rin kasi ang magluluto ngayong umaga sa araw na ito. Nakalista na ang lahat ng mga gagawin ko sa isang notebook para hindi ko makalimutan. Ito iyong Everydays Planner ko. Ulyanin pa naman ako minsan.

Nagluto ako ng pang-umagahan na mga pagkain. Tortang talong, fried egg at piniritong isda. Sakto lang ang niluto ko para sa pamilyang Perez at kasali na rin ang para sa sarili ko.

Kompleto silang magkakapamilya na nakatira dito sa bahay nila. May tatlong anak sina tiya Tesy at tiyo Robert.

Ang panganay ay si Arlyn na siyang mas bata sa akin ng isang taon at siya rin ang taong kulang nalang ay isumpa ako dahil hindi niya talaga ako gustong pinsan. Ewan ko ba. Wala naman akong maaalalang ginawa para magtatanim siya ng galit sa akin. Pangalawa naman ay si Rayniel na na mag gra-grade 10 at ang bunsong kapatid na si Jade na nasa mag e-elementarya, grade 1.

Pagkatapos maluto ang mga niluto ko ay naghanda naman ako sa mesa. Sakto namang tapos na akong maghanda para sa umagahan ay siyang paglabas ng dalawang magkakapatid sa kaniya-kaniyang kwarto. Sumunod naman ang mag-asawa galing sa labas ng bahay.

"Magandang umaga ho sa inyo," nakangiti kong bati sa kanila.

As usual, wala akong natanggap na bati mula sa magkapamilya. Walang emosyong umupo sina tiya at napansin kong inirapan lang ako ni Arlyn. Hindi ko nalang siya pinansin at kumuha nalang muna ako ng tubig.

"Niel, tawagin mo nga si Jade. Puro nalang laro ang kaniyang pinagka-abalahan," narinig kong sabi ni tiya Tesy.

Tumayo si Rayniel at tumungo sa kwarto kung nasaan si Jade. Ito namang si Rayniel ay kulang nalang maging ice dahil sa cold na aura niya. Kahit siguro isang araw, hindi ko siya nakitang ngumiti. Ano kayang problema ng magkapamilya na ito nu?

Maya-maya pa't nakarinig na lamang ako ng mga yabag ng paa na tumatakbo palapit sa amin. Nakangiti akong napatingin kay Jade habang patungo sa kinaroroonan namin.

"Good morning, ate Thea!" masiglang bati ni Jade. Ngumiti ako sa kaniya at bahagyang niyakap.

Sobrang bait na bata talaga si Jade. Ewan ko nga eh at sobrang magka-iba siya sa kaniyang ate at kuya pati na rin sa kaniyang mga magulang. Siya lamang ang may malapit na loob sa akin at sobrang close talaga kami. Kaya hindi ako nagtaka no'ng pagbalik ko dito ay siya talaga ang nakamiss sa akin ng sobra.

Napansin kong umirap ulit si Arlyn. Kanina pa siya, ha. Wala naman akong ginagawang masama. Para rin namang hindi ako nasanay. Nagkibit balikat nalang ako bago umupo sa huling silya.

Pagkatapos kong manalangin ay nagsimula na akong kumain. Ako nalang ang mag-isa ang naiwan. Nauna na kasi silang kumain. Sobrang tahimik namin na para bang nasa loob kami ng simbahan sa sobrang tahimik. Wala rin naman akong balak na magsalita dahil wala rin akong sasabihin.

"Arlyn anak, kamusta na ang pag-enroll mo para sa Senior High? Na-isaayos mo na ba?" narinig kong tanong ni tiyo sa gitna ng umagahan.

Tahimik kong ipinagpatuloy ang pagkain.

Ako kaya? Saan ako pwedeng makapag-enroll? Iyong hindi naman mabigat para sa sarili ko.

"Gusto ko sa Xavier University, pa."

Muntik na akong mabilaukan nang marinig ang sinabi ni Arlyn. Sobrang mahal kaya ng tuition sa XU. Baka hindi kayanin ng mama't papa niya para ipa-aral sa kaniya. Pero lahat naman siguro ay pinapangarap na makapag-aral sa XU dahil na rin sa high standards ito. Kahit ako pinapangarap na makapag-aral doon.

Napansin kong napa buntong hininga si tiyo. "Alam mo namang gipit pa tayo sa pera, anak. Baka hindi namin kayanin ng mama mo ang tuition sa Xavier na iyan."

"Hindi nga baka, mahal. Hindi talaga natin kaya. Saka ano bang problema sa Liceo? Maganda naman doon, anak at wala pang bayad dahil public school ka naman galing. 'Di ba nakapag-take ka na roon noong lumipas na mga araw?" usal naman ni tiya Tesy.

"Pero-- pero gusto ko sa Xavier, pa, ma!"

Tumayo agad si Arlyn at padabog na umalis patungong kwarto niya. Narinig ko pa nga ang pagsara ng pinto dahil sa lakas ng pagkasarado nito.

Tsk tsk. Napa-iling na lamang ako sa inasal niya. Nabaling ang tingin ko sa kaniyang plato. Pinabayaan na lamang ang biyaya na ibinigay ni Lord.

Hindi ko nalang sila pinansin at ipinagpatuloy ulit ang pagkain. May lakad pa ako mamaya at siguro magsisimba na rin muna ako mamayang dapit hapon sa Cathedral.

"Ikaw, Thea? Saan ka balak mag-aral?" Nagitla ako sa biglaang pagtanong ni tiyo. "Hindi ba't wala kang masyadong pera? May plano ka na ba?"

Nilunok ko muna ang huling pagkain bago ako sumagot. "Siguro po mag take muna ako ng mga entrance exams sa paaralang mababa lamang ang tuition, tiyo. At kung sakali papasa man ako, doon na lamang po ako mag-aral," mahabang paliwanag ko kay tiyo. Nakita kong tumango lang siya.

Tatayo na sana ako para magligpit sa pinagkainan kasi tapos na kaming lahat kumain kaso napatigil ako bigla nang magsalita si tiya.

"Saan ka naman kukuha ng pera para sa iyong pag-aaral, iha?" mataray niyang sabi. Pansin ko kasing may katarayan ang boses niya.

Kaya nga hindi malabo kung saan nagmana si Arlyn eh.

"May itinira po kasi ang mga magulang ko sa akin bago pa po sila mawala. At marami na po akong na-ipon para sa paghanda sa malapit na pasukan, tiya dahil na rin sa naghinto ako ng pag-aaral ng isang taon kasi puro part time jobs lang ang inatupag ko. Pati na rin po nitong summer, hindi lang naman ako tumira sa bahay sa halip po ay nag part time job din po ako para may maipong sapat na pera para pantustos sa sarili ko po," mahabang paliwanag ko.

Ngumiti ako sa kanila bago ko iniligpit ang aming kinainan. Nakita ko namang napatahimik sila dahil sa sinabi ko.

~*~

Matapos ang kapagod-pagod na umaga na panay linis lang ang aking ginawa ay bumalik ako sa maliit ko na kwarto dito sa bahay nila at pabagsak na humiga sa kama. Nakakapagod talaga.

Inilagay ko ang aking braso sa noo at tumitig sa kisame at nag-isip ng kung ano-ano.

Limang araw nang hindi ko nakikita at nakontak si Schiven. Pinili kong huwag na munang magpakita sa kaniya at ikinulong na lamang ang sarili dito sa bahay. Ginawa ko na ang lahat para makalimutan siya pero kahit anong gawin ko ay kusa siyang pumapasok sa utak ko. Gaya na lamang ngayon.

Kumusta na kaya siya? Sana masaya siya sa babaeng mahal niya kung sino man iyon.

Nga pala, ngayon ko lang naalala na parang pamilyar iyong babaeng kasama niya noong nakita ko sila sa condo. Hindi ko naman kasi nagawang makita ng maayos ang pagmumukha niya dahil umalis agad ako n'on.

Sino kaya siya?

Napailing nalamang ako sa naiisip. Nabaling ang tingin ko sa maliit na mesa na katabi ng aking kama. Nakita kong may jacket na nakalagay doon kaya kinuha ko ito. Ito pala ang jacket na ibinigay ni Shawn sa akin no'ng nasa Eden's Solace kami.

Hindi na rin nagtatagpo ang landas namin ni Shawn pagkatapos ng gabing iyon. Sabagay, paano naman kami magkatagpo e dito lang ako sa bahay nagkukulong.

Napabuntong-hininga na lamang ulit ako at bumibigat na naman ang talukap ko. Dahil siguro sa pagod ay napapikit ako at unti-unting nakatulog.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top