Chapter 6: Comfort

Chapter 6: Comfort

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha ko.

Hindi ko alam, hindi ko alam kung saan patungo ang mga pangyayaring ito. Sunod-sunod ang mga problemang dumating sa buhay ko. Una, si mama, sumunod naman si Schiven. Ang sakit lang talaga. Parati ko nalang tinatanong sa sarili ko ang mga salitang ito,

Makakaya ko pa kaya?

"P-please stop crying, Althea."

Napayuko ako nang marinig ko si Shawn. Simula kanina pa lang ay tahimik lang kaming dalawa sa gitna ng biyahe. Hindi ko alam kung saan kami pupunta. Sana ma-ibsan ang nararamdaman ko kung saang lugar man niya ako dadalhin.

Tumigil na rin ang malakas na ulan pero ang luha ko ay hindi pa rin tumitigil. Parang namamaga na nga mga mata ko sa kaiiyak kanina pa. Hindi lang kanina kun'di araw-araw. Naiilang pa ako dahil kasama ko na naman si Shawn.

Simula noong nagkandaleche-leche ang buhay ko ay dumating siya bigla. Siya ang nasa tabi ko noong gabing muntik na akong ma-aksidente, tapos ngayong gabi nandiyan na naman siya.

Inihilig ko nalang ang aking ulo sa upuan dito sa sasakyan ni Shawn at hindi nalang inalala ang nangyari. Unti-unti ng tumahan ang luha ko. Kaunting luha nalang ang umaagos pero ang puso ko ay sumisikip pa rin dahil sa sakit. Napapagod na rin ang mata ko at gusto na yata pumahinga.

~*~

"Althea . . ."

Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata nang may humawak sa aking braso. Nakatulog pala ako. Bumungad naman si Shawn na nakatitig sa mukha ko kaya agad akong napabangon ng maayos at napaiwas ng tingin. Nailagay ko rin ang aking braso sa labi.

Nakakahiya.

Nakita kong napaiwas din si Shawn at bumalik sa pagkaupo ng maayos sa driver seat.

"I'm sorry. I don't want to wake you up, but I just can't resist your cuteness. Kaya ayon, nahawakan ko ang braso mo at nabanggit ang pangalan mo bigla. Sorry talaga kung na disturbo kita."

Napalingon ako sa kaniya at nagtama ang paningin naming dalawa. Bakit ang straight to the point naman niya? Panay ang sabi ng cute niya sa akin sa tuwing nagkikita kami. Gano'n ba siya kahilig sa mga cute?

Uminit naman ang dalawang pisngi ko sa naisip kaya umiwas ulit ako ng tingin at nabaling ang atensiyon ko sa labas. Ngayon ko lang napansin na nakatigil na pala ang sasakyan. Hindi pamilyar sa akin ang lugar kung nasaan kami ngayon.

"A-ah, nandito na pala tayo," kalmadong ani Shawn.

Hahawakan ko na sana ang hawakan ng pinto dito sa front seat para lumabas na nang magsalita ulit siya.

"Just wait here."

Tumango nalang ako at nagpauna siyang lumabas. Pinagbuksan lang pala niya ako kaya nailang na naman ako habang palabas mula sa sasakyan.

Bumungad sa akin ang sobrang lamig na hangin kaya napayakap ako bigla sa aking sarili. Ba't ang lamig naman?

"Teka lang."

Nakita kong may hinalungkat si Shawn sa sasakyan niya at pagbalik niya ay may dala-dala na siyang jacket. Nakangiti niya itong inabot sa akin kaya kinuha ko ito nang walang tingin-tingin sa kaniya. Agad ko itong isinuot at nabawasan ang pagkaginaw na naramdaman ko.

Inilinga ko ang paningin sa paligid kaso wala akong nakikitang maganda, puro damuhan at kahoy lang nakikita ko. Parang nasa isang ibabaw kami ng bundok kaya siguro malamig.

"Nasaan tayo?" nagtataka kong tanong.

"Overview?" patanong niyang sagot sa akin. Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Shawn. Tumawa siya bigla kaya mas lalong kumunot ang noo ko.

Baliw.

"Joke lang. Hindi ka naman mabiro. Nasa Eden's Solace tayo, Althea."

Eden's Solace? Parang narinig ko na siya kung saan-saan. Nakalimutan ko nga lang.

Napansin kong inilahad ni Shawn ang kamay niya sa aking harapan kaya napatingin ako sa kaniya gamit ang nagtatakang emosyon.

"So, lets go?" sabi niya.

Tiningnan ko lang ang kamay niya at nagpa-unang maglakad papasok. Nakakahiya na talaga ang pinanggagawa ni Shawn.

Napansin kong naka recover siya agad at sumunod sa akin. Tumabi nalang siya sa akin sa paglalakad habang nakapamulsa.

Kahit pa-paano ay nabawas-bawasan na ang kalungkutan ko dahil sa kaniya. Kahit si Schiven pa rin ang nasa aking isipan, gumagaan talaga ang loob ko kapag si Shawn ang kasama ko. Ewan ko ba. Agad akong napasimangot sa naisip.

Pagkapasok pa lang namin sa loob ay unti-unting nagkakaroon ng parang stars ang mata ko sa nakita. Namangha na rin ako dahil sa mga ilaw na nakadisenyo sa gilid ng paligid. Overview pala ang Eden's Solace at mula dito sa aming nilalakaran, kitang-kita ko ang buong city ng Cagayan de Oro. Sobrang ganda at tama nga si Shawn,

I suddenly become unwind and happy.

"Yes! Nakita kitang ngumiti."

Napasimangot ako bigla sa pagsingit ni Shawn. Parang kabute kasi, sisingit bigla-bigla. O sadyang kabute talaga siya.

Tumigil siya sa paglalakad kaya napatigil din ako. Pumunta si Shawn sa aking harapan at tumitig sa mukha ko kaya kumunot noo ako. Iginalaw niya ang kaniyang kamay at inilagay iyon sa noo ko at ibinalik sa normal. Hinawakan din niya ang dalawang pisngi ko at inilagay ang dalawa niyang hinlalaki sa gilid ng aking labi at iginalaw ulit para buuin ng isang ngiti. Pagkatapos ay ngumiti siya.

"Much better."

Umiwas ako at uminit na naman ang pisngi ko. Aba para na akong kamatis dahil sa panay pamumula ano. Mabilis akong naglakad at iniwan siya. Ang baliw yata ni Shawn ngayon.

Napabuntong hininga nalang ako.

"Hintayin mo naman ako!"

Pero... agad na bumuo ang mga ngiti sa labi ko at napa-iling dahil sa inaasta niya.

Cute.

Nakakita ako ng isang duyan kaya umupo ako roon at manghang tumingin sa lungsod. Ang ganda tingnan, nakakawala ng problema. Para bang panandalian kong nakalimutan ang mga problema na dumating sa buhay ko. Idagdag mo pa na ang lamig ng panahon.

"Bakit ka nang-iwan?"

"Ah!" Napasigaw ako sa gulat nang may nagsalita at humawak sa balikat ko. Tumingin ako kay Shawn na ngayon ay naghahabol ng hininga.

"Ba't ka ba parating nanggugulat?" tanong ko habang nakahawak sa dibdib.

Bumilis kasi bigla ang tibok ng puso ko. Ikaw kaya, ang sarap na ng pag mu-muni mo tapos may sisingit na naman. Ang hilig niya talagang manggulat, simula pa lang kanina sa restaurant.

"Ba't ka ba kasi nang-iwan edi sana hindi ka magulat sa pagsulpot ko." Napangiwi ako dahil sa sagot ni Shawn.

Naramdaman kong tumabi siya sa akin at bumalot ulit sa aming dalawa ang katahimikan. Tanging ang tunog lang ng hangin ang aming naririnig dahil sa katahimikan.

Tumingin nalang ulit ako sa lungsod na parang maliliit na bituin. Napangiti nalang ako saka tumingala sa langit. Sobrang lawak ng kalangitan ngayon dahil na rin sa umulan kanina. Ngunit napako ang paningin ko sa nag-iisang bituin. Hindi siya pareho sa mga bituin gabi-gabi.

"Are you now okay, Althea?" Nabalik ang atensiyon ko kay Shawn na ngayon ay nakatingala rin sa langit. Pareho kami ng tinitingnan, ang nag-iisang bituin. Binalingan niya ako ng tingin kaya napaiwas ako bago tumango.

"Thank you," mahina kong sabi

Nakita ko sa gilid ng aking mata na naging malungkot siya bigla. Tumingin ako sa kaniya at para bang meron siyang malalim na iniisip. Parang may nagtutulak sa akin na magtanong kung anong problema. Baka kasi kailangan din niya ng karamay.

"May problema ba, Shawn?" nag-alala kong tanong sa kaniya.

Napayuko siya bigla at napansin kong may tumulo galing sa mga mata niya. Teka, umiiyak siya? Agad akong nakaramdam ng pag-aalala. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Kung 'di dahil sa bukambibig ko, edi sana hindi ako makapagtanong. Nakaka-curious naman kasi talaga.

Napailing ako at bumalik sa realidad. Kabado akong lumapit sa kaniya at hinawakan ang kanyang kamay. Sinimulan ko na eh, so dapat itutuloy ko na rin.

"Anong problema? Please, kahit sa ganitong paraan gusto kong makabawi sa mga tulong na ibinigay mo sa akin, Shawn. Kahit ang madadamayan lang kita sa bumabagabag sa isipan mo ngayon," malungkot kong paliwanag.

Kahit hindi pa rin masyadong okay ang pakiramdam ko, ang importante ay hindi na maging malungkot si Shawn. Hindi kasi bagay sa kaniya.

"I j-just miss her."

Nalungkot ako bigla sa narinig. Hindi dahil sa nararamdaman ko kun'di dama ko ang biglaang pag-iba niya ng mood. Para bang ang sakit talaga para sa kaniya ang problema niya. Hindi ko alam pero nakakaawa si Shawn ngayon. Iba siya sa smiling at jolly na Shawn na nakilala nang una naming pagkikita.

Nahawa ako sa kalungkutan na inilabas niya ngayong gabi. Akala ko ako lang ang may dinadalang problema, pati rin pala siya.

Napansin kong huminga muna siya ng malalim bago magsalita.

"Naalala mo ba iyong gabing na-aksidente ka? Kaya ako wala sa sarili sa gabing iyon dahil iyon din ang araw na iniwan niya ako. Iyon din ang gabing nalaman kong niloloko rin niya ako. Binigay ko naman lahat ng gusto niya at minahal ko siya ng sobra, pero ano pa ba ang mga pagkukulang ko para iwan niya ako ng ganito? Kahit kaunting paliwanag man lang, wala. Ang sabi niya lang ay pagod na siya. Gano'n na ba talaga ako ka boring? Mahal na mahal ko siya at hindi ko magawang tanggapin na iwan ako ng babaeng pinakamamahal ko. Ang nag-iisang babaeng una kong minahal ng lubusan. Para bang isa lang akong walang kwentang tao at iniwan lang..."

Suddenly, my tears fell down pagkatapos kong marinig ang kwento niya. Hindi ko mapigilang ma-apektuhan sa mga sinabi ni Shawn. Pareho pala kami ng sitwasyon.

Niloko at sinaktan.

Isa sa kahinaan ko ang emosyon ko kaya kahit mababaw lang na mga rason ay ang bilis ko maapektuhan. Kahit mapasaya pa man o mapalungkot. I don't know but i was born being emotional and sensitive. Wala akong magagawa.

Ano nga ba ang kasalanan namin? Kami na nga iyong nagmahal ng sobra, kami pa ang iniiwan at sinasaktan. Hindi ko alam kung ano ng nangyayari sa panahon ngayon.

"I'm s-sorry." Iyon na lamang ang tanging salitang nabanggit ko. Bumitaw ako galing sa pagkahawak sa kamay niya at bumalik sa pagka-upo ng maayos.

"O-okay lang. Ang importante ay nailabas ko ang naramdaman ko ngayon. Salamat, Althea. Na kahit ilang araw palang tayo nagkakakilala ay pareho na tayong komportable sa isa't-isa," magaaan na may bahid na kalungkurang wika niya. Tumango lang ako bago ulit tumingin sa buong lungsod.

"Nakakatawa 'no? Pareho talaga tayo ng problema. Kaya siguro palagi tayong pinagtatagpo ng landas, napansin mo?"

Narinig kong mahina siyang tumawa kaya napangiti ako. Tumango ako kasi tama nga siya. Simula nang mangyari ang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay namin ay nagkatagpo kami bigla. Hanggang ngayon ay kami pa
rin ang pinagsama.

"Pero sana ngayong panahon na dumaraan at dadaan pa, sana hindi lang pinagtagpo at sana itinadhana na rin ang dalawang tao para sabay nilang buuin ang mga pusong winasak at sinaktan ng lubusan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top