Chapter 5: Confrontation

Chapter 5: Confrontation

Nanghina ako bigla sa aking narinig. Para bang tinusok ng napakaraming kutsilyo ang puso ko. Hindi ko maiwasang mapaiyak at manginig. Napa-iling ako at hindi makapaniwala kung totoo ba ang lahat ng ito.

Mas lalong napatakip ako sa bibig ko dahil lumalakas ang aking hikbi. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Hindi maaari. Mahal ako ni Schiven at alam ko iyon. Alam kong hindi niya magawa ang bagay na ito sa akin. Hinding-hindi. Iling ako nang iling sa aking naiisip.

Patuloy pa rin sa pag-agos ang luha kong kanina pa kumawala.

"Althea?"

Natigilan ako sa boses na narinig ko. Para bang binuhusan ako ng malamig na tubig at hindi ako makagalaw pagkarinig ko pa lang sa pangalan ko.

Ang isang tinig na napamahal ako at gano'n din ang nagpasakit sa akin ng sobra.

Napatingin ako sa kaniya at napansin ko ang mukha niyang gulat na nakatingin sa akin pero agad din itong napalitan ng poker face.

Umiling ako bago hinarap si Schiven. Nakita ko sa mga mata niyang walang k'unting pag-alalang nadarama. Para bang wala lang sa kaniya na makita akong nagdudusa. Nagpakita lang siya ng kaniyang malamig na emosyon pagkakita ko palang kay Schiven. Ibang-iba sa kasama ko kanina ang nakikita ko ngayon.

So this is the true him. Puro kasinungalingan lang ang pinapakita niyang pagkatao sa akin.

Huminga ako ng malalim bago magsalita.

"T-totoo b-ba?" nauutal na wika ko.

Mas lalong bumuhos ang luha ko. Kanina ko pa ito pinipigilan na huwag ilabas para hindi ako magmumukhang mahina sa harap niya kaso hindi ko talaga maiwasan ang masaktan at maiyak sa pangyayari ngayon.

Nakatingin lamang sa akin si Schiven, walang balak sagutin ang tanong ko. Walang balak akong higitin papunta sa mga bisig niya para e-comfort kaso lahat ng iyon ay hanggang imahinasyon ko lang. Hanggang akala ko lang.

"Totoo ang alin?"

Ilang segundo pa ang lumipas bago sagutin ni Schiven ang tanong ko. Walang emosyon niya itong sinabi at para bang nag maang-maangan siyang hindi niya alam kung ano ang nais kong pahiwatig.

Napayuko ako at mas lalong tumagos sa puso ko ang inaasta niya ngayon. Napakagat ako sa aking labi, pinipigilang humikbi sa harap niya. Not the usual Schiven na parati kong nakakasama. Ibang-iba talaga.

Pinilit kong magsalita ulit kahit nauutal na ang boses ko. Hindi ko na iyon pinansin basta ay ngayong gabi malaman ko ang lahat ng katotohanan. Para hindi na ako aasa pero... hindi ko rin alam kung makakayanan ko ba.

"T-totoong may m-mahal kang iba at t-totoo b-ba iyong narinig ko k-kanina lang?"

Pumikit nalang ako sa maaaring isagot ni Schiven. Sana mali. Sana hindi ang sasabihin niya.

Ilang minuto ang lumipas at katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Nakayuko lamang ako at nakapikit habang patuloy sa pagpatak ang luha ko.

Hinihintay ko siyang magsalita ngunit bigla akong nanlumo at mas lalong dumoble ang sakit sa puso ko dahil sa narinig ko na sagot mula kay Schiven.

"Paano kung sasabihin kong oo? Ang tanga mo Althea para maniwalang mamahalin ko ang isang tulad mo. Ang tanga mo para mapaniwala sa relasyon nating dalawa na kahit kailan ay hindi pumasok sa utak ko na totohanin. Hindi kita mahal at may mahal--"

Hindi niya natapos ang sasabihin niya nang sampalin ko siya sa kaniyang pisngi. Hindi ko na kinaya. Nasobrahan na kasi ang mga salitang lumalabas mula sa bibig niya. Para bang lumagpas na siya sa linya at sinasabihan na ako ng mga bastos na salita. Hindi ako sanay na may tumatrato sa akin ng ganito at sa kasamaang palad, si Schiven pa.

Parang nagulat si Schiven sa ginawa ko pero bagay lang ang sampal na iyon sa kaniya. Kulang pa nga iyon sa ginawa niyang paglilinlang sa akin.

Napa-iling na lamang ako sa sinabi niya. Hindi ko pa rin magalaw ang paa ko dahil sa nginig nito. Gusto kong matumba sa pangyayari ngayon at kalimutan nalang na nabuhay sa mundong ito. Gusto kong mawala nalang at sundan sila papa at mama para ma-ibsan ang sakit na nararamdaman ng puso ko ngayon.

Walang lumalabas na salita sa bibig ko dahil sa sakit. Sumisikip na ang dibdib ko at para bang hindi na ako makahinga.

"Totoo ang lahat ng narinig mo ngayon, Althea. Lahat ng ipinakita ko sayo ay isang napakalaking biro! Walang katotohanan ang lahat ng iyon! Mabuti na nga at namatay na ang mama mo para--"

Nagulat ako nang may biglang sumapak sa kaniya dahilan upang matumba sa sahig si Schiven.

Napatingin ako sa taong biglang dumating at mas lalo akong nagulat sa hindi inaasahang pagsulpot ni Shawn.

Lumapit si Shawn kay Schiven at hinigit bigla ang kwelyo ng damit nito at sinapak ulit dahilan upang dumugo ang ilong at labi ni Schiven. Hindi ko alam ang gagawin ko. Halo-halo ang aking nararamdaman at gulong gulo na ang isip ko. Nasasaktan, kinakabahan, natatakot, hindi ko na talaga alam.

"Ang kapal ng mukha mo Ven para saktan at salitaan ang isang babae ng mga ganiyan! Hindi mo ba alam ang salitang respeto?! Hindi ka ba marunong makiramdam? Sinasaktan mo na ang damdamin ng isang tao at masaklap pa ay sa taong katulad ni Althea! Oo, mayaman kayo at walang wala nga siya sa inyo pero hindi ibig sabihin no'n na pwede mo na siyang saktan at mamaliitin! Makiramdam ka, Ven---"

Agad akong napatili nang sapakin pabalik ni Schiven si Shawn pero para bang wala lang ito sa kaniya.

"Huwag kang maki-alam dito sa amin, Ford! Sa pagitan lang naming dalawa ang problema na 'to. At bakit ka ba nandito at nagpakita ulit iyang walang hiyang pagmumukha mo sa akin? Baka nakalimutan mo na ang malaki mong kasalanan? Kasalanan kung ano ang ginawa mo sa kapatid ko."

Mas lalo pa akong naguguluhan kasi magkakakilala pala silang dalawa. Ang masaklap pa, sa palagay ko ay may malaking galit si Schiven kay Shawn dahil sa huling sabi ni Schiven tungkol sa kapatid niya.

Ano bang nangyayari. Gulong-gulo na ako!

Naaninag ko ang pag kuyom ng kamao ni Shawn. Pansin ko rin ang matatalas nilang titig sa isa't isa pero nakita kong pilit na kumakalma si Shawn bago niya sagutin si Schiven.

"Matagal na iyon, Ven. Walang may kasalanan sa kung ano ang nangyari noon. Hindi natin iyon ginusto. Tigilan mo na ang pagiging isip bata at ibaon nalang natin sa nakaraan kung ano man ang nangyari noon. At huwag mong i-iba ang usapan dahil sariwa pa rin sa utak ko kung ano ang sinabi mo kanina kay Althea."

Para bang napako na ang paa ko sa sahig dahil hindi na talaga ako nakagalaw pa. Hindi ko na rin naiintindihan kung ano ang pinag-uusapan nila. Tila ba hindi ito nagpro-proseso sa utak ko. Wala rin akong lakas para sumigaw at pumagitna sa kanilang dalawa.

Hindi ko alam kung kanino papanig.

"Pwede ba! Wala kang pakialam kung saktan ko ang isang babae. Hindi mo alam ang rason ko at huwag na huwag mo 'kong tawagin sa pangalang Ven!"

"Pero sapat na ba ang mga rason mong iyan para saktan ang isang babae? Ha? Sagot! Hindi, 'di ba? Hindi mo dapat kayang palitan ng isang napakasakit na dahilan ang binigay na kabutihan at pagmamahal sa'yo ni Althea. Hindi ko man siya nakilala sa mahabang panahon, pero alam kong ang taong tulad ni Althea..." napansin kong huminto muna sa pagsalita si Shawn at bumaling sa akin ng tingin. "ay dapat pahalagahan at hindi dapat sinasaktan."

Mas lalong bumuhos ang luha ko sa narinig. Napansin kong natahimik si Schiven. Aalis na sana ako nang magsalita ulit si Shawn.

"Basta ito lang ang masasabi ko sa'yo Ven, sa oras na lalapit ka kay Althea at saktan mo lang din sa huli, baka ako na ang makakalaban mo."

Kinuha agad ni Shawn ang kamay ko saka ako hinigit palayo sa lugar kung saan naiwan si Schiven mag-isa. Nagpaubaya nalang ako sa kaniya kung saan man niya ako dadalhin. Ayaw pa rin huminto sa pag-agos ang luha ko. Napatingin lamang ako sa kamay ni Shawn na nakahawak sa akin habang hila-hila ako palabas ng resto.

Dumiretso kami sa sasakyan niya habang hawak pa rin ang kamay ko at pinagbuksan ako ng pinto. Napahinto ako at napalingon ulit sa restaurant, inaasahang hahabol si Schiven pero wala akong natanaw ni anino niyang humabol sa amin.

"Get in, Althea," malungkot at pansin kong may bakas ito ng pag-alala sa pagkasabi ni Shawn. Bumaling ako sa sasakyan at pumasok nalang ako.

Hindi ako makapaniwalang magagawa ito ni Schiven sa akin. Akala ko iba siya sa ibang mga lalaki pero pareho lang pala siya sa kanila. Manloloko, nananakit at nang-iiwan.

Naramdaman kong tahimik na pinaandar ni Shawn ang sasakyan niya. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.

Tumingin na lamang ako sa labas ng bintana at tiningala ang langit. Nakikiramdam talaga ang panahon sa nararamdaman ko kanina pa.

"Saan tayo pupunta?" nagtataka kong tanong, bakas pa rin ang kalungkutan dahil sa boses ko. Binalingan ko ng tingin si Shawn at gano'n din siya.

"A place where you can unwind and be happy."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top