Chapter 4: Betrayal
Chapter 4: Betrayal
Sobrang lamig ng panahon ngayon dahil na rin sa napakalakas ng ulan. Ngayong araw pa lang ako na-discharged. Ang malas ko pa dahil may bagyo at wala akong dalang payong.
Hindi rin bumisita si Shawn sa dalawang araw na lumipas. Mabuti na rin iyon para hindi ko na maisip kung paano ko siya pasasalamatan sa tulong na ibinigay niya. Lalo na't sabi ng isang nurse ay nabayaran na raw niya ang bayad sa aking pagka-confine. Nakakahiya na at wala na yata akong mukhang iharap sa kaniya kung sakaling magkita man ulit kami.
Ang dami ko ng problema at sa palagay ko ay hindi ko na makaya ang lahat ng iyon. Namomroblema pa ako na kapag pag-uwi ko kina tiyahin ay papagalitan ako at baka nga ay hindi ako tanggapin. Hindi ko nga alam kung alam ba nila ang nangyari sa akin kasi niisa sa kanila wala man lang bumisita. Kung sa bahay lang din naman ako ay ako nalang mag-isa at nakakatakot naman sa lugar namin.
Sa tatlong araw na pagka-confine ko dito sa CUMC Hospital ay tanging si manang Lena ang nag-alaga at bumisita sa akin. Nagulat pa nga ako kasi alam niyang nandito ako. Nalaman ko nalang na siya lang daw ang tanging na contact ni Doctor Cole. Kilala rin siya ni Doc dahil siya ang matagal na kasambahay namin noong buhay pa sila mama at papa. At gaya ng sabi ko, Si Doctor Cole na ang personal doctor ng aming pamilya.
Napatawag din si manang kanina bago ako makalabas na hindi siya makakadalo at makuha ako ngayong pagka discharged ko kasi busy siya at may emergency sa bahay nila. Naintindihan ko naman kasi alam kong naghahanap buhay din siya para sa kaniyang pamilya.
Nakatayo ako ngayon sa labas ng hospital at tinitingnan lamang ang mga sasakyang dumadaan. Para bang ang bilis lumipas ng oras kasi bumibilis ang paningin ko sa mga sasakyan. Umiling nalang ako saka tumingala sa langit.
Dahan-dahan kong inilagay ang isang kamay ko sa tulo ng mga ulan at tinitingnan lamang kung paano binabasa nito ang kamay ko. Kulang nalang may background music para magdrama ako.
Hay, baka mamaya pa ako makauwi dahil ang lakas talaga ng ulan.
Napatingin ako sa gilid ko at may dalawang magkasintahan na sobrang sweet sa isa't isa. Para ngang nagtatampo ang babae kaya naman sinusuyo siya ng guy. Kinuha ng guy ang payong at niyakap niya ang kaniyang girlfriend para hindi mabasa sa ulan. Ayon sa isang iglap ay nagbati sila at ngiti-ngiting umalis. Nakita ko pa ngang hinalikan ng girl ang pisngi ng guy.
Bagyo na bagyo may oras pa silang magsuyuan.
Unti-unting uminit ang sulok ng mga mata ko at inalala ang mga masasayang alaalang nabuo namin ni Schiven. Sobrang sakit isipin na lahat ng iyon ay masasayang lang. Hindi ko alam kung mahal ba talaga niya ako o lahat ng iyon ay walang katotohanan. Wala akong natanggap na kahit na anong paliwanag mula sa kaniya noong panahong nakita kong hindi ka rapat dapat.
Hindi man lang din siya bumisita ulit matapos no'ng isang gabing pinaalis ko siya.
Mahirap man aminin sa sarili, pero mahal ko pa rin siya matapos niya akong lokohin.
Martyr na ba ako kung gan'on?
Kinuha ko ang aking kamay saka ako yumuko at pinahiran ang luhang umaagos sa mata ko. Para bang nakikiramdam sa akin ang panahon sa naramdaman ko. Napahikbi ako sa naiisip. Napayakap na rin ako sa sarili ko dahil biglang dumaan ang malakas na hangin.
Sakto namang pag-angat ko ng aking mukha ay may naglagay ng isang coat sa likod ko. Napalingon ako at agad akong nagulat kung sino ito.
"S-Schiven," mahinang banggit ko pagkakita ko palang sa kaniya.
"Why are you here? Alam mo namang may bagyo ngayon e. Let's go."
Nilagay niya ang kaniyang kamay sa gilid ng bewang ko saka binuksan ang dala niyang payong. Binalingan muna niya ako ng tingin at binigyan niya ako ng isang ngiti. Isang ngiting dahilan na siyang nakakuha ng loob at muling pagtibok ng puso ko.
Umiwas ako ng tingin. Nagsimula na kaming maglakad pababa ng hagdan habang hawak niya pa rin ang bewang ko.
Sumama nalang ako kay Schiven. Wala na rin naman akong choice at baka abutin ako ng magdamag sa kakahintay na titigil ang ulan.
Ang tanga ko man para sumama pa sa lalaking niloko ako kaso hindi ko pa rin maiwasang mamiss siya at ang umasang babalik siya sa akin. Na babalik kami sa kung ano ang dati bago mangyari ang hindi ko inaasahang mangyari.
Pinagbuksan niya ako ng pinto sa front seat. Nagdadalawang isip pa ako kaso pumasok na lamang ako sa sasakyan niya at sumunod naman siyang pumasok sa driver seat.
"Pupunta muna tayo sa isang resto para makakain ka na, baby," sabi niya sa gitna ng aming byahe.
Biglaang kumalabog ng malakas ang puso ko dahil sa sinabi niya. Kami pa ba?
Tumango nalang ako at tahimik na tiningnan ang labas ng bintana. Sobrang tahimik sa loob ng sasakyan. Kung magsalita rin naman ako ay hindi ko alam kung saan o ano ang pangunahan. Basta ang naramdaman ko sa ngayon ay wala at blanko ang nasa utak ko.
Nagpalabas nalang ako ng isang malakas na buntong hininga.
Malakas pa rin ang ulan hanggang ngayon dahilan na sobrang labo ng bintana ng sasakyan sa labas at parang wala akong nakikita hanggang sa may mga ilaw na.
Pinarada ni Schiven ang sasakyan sa paradahan ng Panagatan, isang restaurant dito sa lugar namin.
Nagpauna muna siyang lumabas dala-dala ang payong bago ako pinagbuksan at inalalayan akong bumaba sa sasakyan niya.
Agad kong inilibot ang paningin ko at kahit ako ay hindi maiwasang mamangha dahil ang ibaba ng pagkainan na ito ay karagatan na. Medyo malamig dahil sa ulan pero tanaw na tanaw ko pa rin ang ganda ng dagat at mga ilaw na nagsisilbing liwanag. Sa naalala ko ay noong buhay pa sila mama ang huli kong punta rito kaya malaki na rin ang pinagbago.
"Good evening sir, ma'am. Table for how many sir?" pacute na boses na sabi ng isang babae na staff dito sa resto.
Tiningnan ko ang babae na kilig na kilig namang tumitingin kay Schiven. Ang kapal pa ng make-up at kulang nalang ay huhubaran niya si Schiven dahil sa titig niya. Saka bulag ba siya? Kita naman niyang dalawa lang kami nagtatanong pa kung ilan. Or invisible lang talaga ako para sa kaniya. Kaya nga ayaw kong kumain sa isang resto e, tinatanong ang obvious.
"Table for two, please. Thank you." Nginitian naman ni Schiven iyong babae kaya kilig naman siyang napatingin ulit sa Sir niya.
"This way, sir."
Hindi ko nalang sila pinansin at nagpa-unang sumunod kay miss-makapal-ang-make-up at iniwan si Schiven na busy sa cellphone niya.
"Hey, Althea-- wait!" Hindi ko siya pinansin at nagmamadali ako. Gusto ko na ring umuwi.
~*~
"What's yours, baby?" tanong ni Schiven habang nakatingin sa menu. Tumingin-tingin lang ako sa menu nila.
Nagkibit balikat na lamang ako bago sinagot si Schiven.
"Kung ano nalang sa'yo iyon lang din akin. Or maybe buttered chicken?"
Inilapag ko ang menu at inilinga ang paningin sa paligid. Sakto namang pagtingin ko sa kanan ay may nakita akong pamilyar na lalaki. Teka, si Shawn iyon ah. May kasama siyang isang babae habang masaya silang nag-uusap habang kumakain.
It's really a small world after all.
"Are you okay?" nag-alalang tanong ni Schiven. Kinuha naman niya ang dalawang kamay ko at doon tinuon ang tingin niya.
"I miss you."
Dahan-dahan kong kinuha ang kamay ko mula sa kaniya at yumuko nalang. Hindi ko alam pero para bang hindi totoo lahat ng sinasabi ni Schiven. Hinihintay ko lang naman ang paliwanag niya noong isang gabi pero wala yata siyang balak magsalita sa kung ano ang nangyari.
Nagsimula na naman kumaba ang puso ko. Umiling nalang ako, hindi ko dapat pangunahan ng kaba.
Matapos namin kumain ay nagpaalam muna si Schiven na mag cr kaya tumango ako. Tiningnan ko ang malaking wall clock na nandito sa Panagatan at 7:53 pm palang pala. Saktong pagtingin ko sa kanan ay nagtama ang paningin namin ni Shawn. Halatang nagulat pa siya nang magtagpo ang paningin naming dalawa pero napalitan naman agad ito ng masilaw na ngiti habang kumakaway. Ngumiti rin ako sa kaniya at bahagya siyang kinawayan.
Lumingon naman ang kasama niyang babae dahilan upang magulat ako at napaiwas bigla ng tingin.
Naku, baka girlfriend niya iyon at kung oo, patay talaga ako nito.
~*~
"Hi!"
"Ay, jusko!" Napahawak ako bigla sa dibdib ko at muntik nang matumba sa kinauupuan ko dahil sa gulat.
"Hala. Sorry, Althea kung nagulat kita," paumanhin ni Shawn pagkatapos ay umupo sa upuang katabi ko.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Napatawa naman siya at kinurot ang pisngi ko. Nabigla ako sa ginawa niya dahilan upang manlaki ang dalawa kong mata.
"Ang cute mo talaga, Althea," nakingiti niyang sabi habang nakatingin sa mga mata ko. Feeling ko ay uminit ang dalawang pisngi ko kaya umiwas ako ng tingin.
Tumingin ako sa inuupuan niya kanina kaso wala na pala ang babaeng kasama niya. Sino kaya iyon?
"Nga pala, okay ka na ba?" Bumalik ang tingin ko kay Shawn. Tumango lang ako sa kanya.
"Thank you talaga. Hindi ko alam kung paano kita pasasalamatan dahil sa dami mong naitulong sa akin. Siguro babawi nalang ako kung sakaling magkikita pa tayo."
Yumuko agad ako pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Naramdaman kong ini-angat niya ang mukha ko kaya napatingin ako sa kaniya.
"Kahit thank you mo lang, Althea, okay na okay na sa akin iyon." Ngumiti siya kaya hindi ko maiwasang mapatitig sa kanya.
Bakit ang bait mo, Shawn?
Napa-iling ako at agad pumasok sa utak ko si Schiven. Bakit ang tagal niya? Tumayo ako at naisipang puntahan muna siya.
"Saan ka pupunta?" tanong ni Shawn na napatayo rin.
"Mag c-cr lang muna ako, Shawn. Thank you ulit." Ngumiti ako at kumaway.
Inihakbang ko na ang paa ko at tinahak ang daan patungong cr. Malaki-laki rin ang restaurant, pangmayaman talaga. Nakita kong parang may pasilyong dapat pasukan kaya dahan dahan akong pumasok doon. Napadaan ako sa cr kaso wala naman si Schiven.
Dumiretso ako at parang may maliit na daan pa kanan kaya lumapit ako roon kaso may narinig akong pamilyar na boses na parang may kausap. Agad akong kinabahan sa maaaring naiiisip.
Hindi ako nagpatuloy sa paglalakad at piniling magtago sa gilid. Marinig ko naman dito si Schiven. Hindi ako nagkakamali pero alam kong si Schiven ang narinig ko na may kausap. Kinabahan ako sa maaaring maririnig. Para bang may masamang mangyari.
Inilapit ko pa ang tenga ko kung saan naroon si Schiven at narinig kong magsalita na ulit siya. Sa palagay ko ay may katawag siya.
"Yeah. You know what? Ang tanga niya, babe. Matapos niyang makita tayong dalawa noong isang gabi ay sumama pa rin siya sa akin."
B-babe? Hindi maiwasang uminit ang sulok ng mga mata ko dahil sa aking narinig. Hindi nga ako nagkamali at lahat ng iyon ay walang katotohanan. Tinakpan ko ang bibig ko para maiwasang makagawa ng isang maliit na ingay.
Narinig kong bahagyang tumawa si Schiven.
"Oo nga eh. Ang desperada niya na. Sinamahan ko muna siya ngayon. Pero, huwag kang mag-alala babe. Alam mo naman kung sino talaga ang mahal ko e."
"See you later. I love you so much, babe."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top