Chapter 3: First Met
Chapter 3: First Met
Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko. Bumungad sa akin ang halos lahat ng kulay ay puti. Inilinga ko na rin ang aking paningin at puti pa rin ang aking nakikita. Hindi kaya,
Nasa langit na ba ako?
Bahagya akong bumangon pero nakaramdam agad ako ng kirot sa aking kaliwang kamay.
"A-aray," mahinang banggit ko sa sarili. Ngayon ko lang namalayan na mayroong nakakabit na swero sa kaliwang kamay ko kaya pala kumirot ito. Saka ko lang din napagtantong nasa hospital pala ako.
Pero bakit ako nandito?
Humiga ulit ako at pilit inalala ang nangyari. Hinawakan ko ang aking ulo kaso nakabenda pala ito kaya napangiwi ako. Ano bang nangyari? Basta ang naalala ko lang ay ang sasakyang patungo sa karoroonan ko kanina. Wala akong maalalang pangyayaring napunta ako sa hospital o kung sino man ang naghatid sa akin dito. Malamang na-aksidente ako kaya ako nandito.
Napatingin ako sa pinto nang bumukas ito at pumasok ang isang lalaking hindi pamilyar sa akin.
"Gising ka na pala. Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
Bahagya akong napakunot noo kaso napangiwi ako nang kumirot ito. Naalala kong nakabenda ito kaya panay ang kirot ng noo ko.
Hindi ako sumagot sa kaniya at tumitig lamang sa kisame. Nakita ko siya sa gilid ng mga mata ko na inilagay ang mga bagong bili niyang mga prutas sa mesa.
Who is this guy? Siya ba ang nakabunggo sa akin kaya siya nagpapakita ng pag-aalala?
"I just wanna say sorry. Dahil sa akin muntik na kitang mabunggo kanina habang nagmamaneho ako. Buti nalang at naka-iwas agad ako kaso nawalan ka bigla ng malay at ang masaklap pa eh malakas yata ang pagkabagok ng ulo mo sa daan kaya may benda ang noo mo ngayon. I don't know what will happen. Buti nalang at agad kitang nadala dito sa hospital. Huwag ka ring mag-alala dahil maayos lang ang kalagayan mo ngayon, iyon ang sabi ng Doctor. Hindi ko talaga alam ang gagawin ko kapag tuluyan kitang mabunggo kanina. Sorry talaga," mahaba niyang paliwanag habang nakaupo sa tabi ng kamang hinihigaan ko.
Gumaan ang loob ko sa narinig. Hindi ko alam pero sobrang sincere ng pagkasabi niya ng mga salitang iyon. Napatango ako. Kaya pala nandito ako ngayon.
Akala ko talaga kinuha na ako ni kamatayan. Pero bakit nga ba ako nawalan ng malay?
Bigla ko namang naalalang ganito pala ako na kapag sobra akong pagod na may halong kaba at iba-ibang emosyon ay kaagad akong mawalan ng malay.
Binalingan ko siya ng tingin at nakita kong sobra ang pag-alala ng mukha niya. Ngayon ko lang nakita nang malapitan ang itsura niya. Nakasuot siya ng white polo at magulo ang buhok nito. Halatang walang ayos pero pagtingin ko palang sa mukha niya, agad akong napahanga. Sobrang gwapo niya at matipuno. Ang angelic din at sobrang gentleman niyang tingnan dahil sa itsura nito. Para bang hindi mo maiwasang tumitig sa kaniya. Kapag makita mo palang ang maamong mukha niya ay gagaan agad ang loob mo. Iyong tipong sobrang bait niyang tingnan, physical palang.
Pero 'di natin alam na sa labas lang pala mukhang mabait pero sa loob pala ay hindi. Looks can be decieving. Marami na kasing gano'ng tao sa panahon ngayon.
"Okay ka na ba?" Nanumbalik agad ang diwa ko nang magsalita siya. Bigla akong nahiya sa ginawa kong pagtitig sa kaniya kaya agad akong umiwas ng tingin bago tumango.
Pinili kong tumahimik. Hindi kasi ako iyong tipong tao na makihalubilo agad sa taong ngayon ko lang nakilala. Mabait man ang first impression ko sa kaniya, pero hindi pa rin buo ang tiwala ko.
Saka kakakilala palang namin kaya namumuo pa rin ang awkwardness na namamagitan sa aming dalawa sa sitwasyon ngayon.
"Kain ka muna. Alam kong kanina ka pa walang kain at masyado ng malalim ang gabi. I'll prepare food for you."
Tumingin ako sa kaniya saka umiling. Nakakahiya at sobra na yata ang maging utang na loob ko sa kaniya. Lalo na ngayong sobrang gipit ko sa pera at wala akong ipagpalit sa kabutihang loob na ibinigay niya para tulungan ako.
"No. You'll eat."
Wala na akong nagawa dahil nagsimula na niyang ihanda ang pagkaing kakainin ko. Nakatingin lamang ako sa kaniya habang ginagawa ang bagay na ito. Tuluyan na akong napahanga sa kabutihang taglay nito.
Napalingon naman siya sa akin at binigyan ako ng kalmadong ngiti kaya nginitian ko na rin siya. Matapos niyang ihanda ang pagkain ay umupo ulit siya sa katabi ng kama ko. Dahan-dahan akong bumangon, iniiwasang masagi ang swero.
Inalalayan naman ako ng lalaking kasama ko. Ngayon ko lang naalala na hindi ko pa pala alam kung ano ang pangalan niya.
"Be careful." Ramdam kong uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. Sobra naman yata siya kung mag-alala. Para bang matagal na kaming magkakilala at gano'n na lamang ang alaga niya sa akin. Siguro'y naaawa lang siya sa kalagayan ko. Dahil na rin siguro siya ang nakasaksi n'ong oras na nawalan ako ng malay.
Nabalik ang atensiyon ko sa ginagawa niya. Kitang-kita ko kung paano siya maglagay ng kanin at ulam sa kutsara. Umiling ako sa naiisip. Balak niya yatang siya na rin ang magsubo sa akin at kung oo man ay hindi ko iyon hayaang mangyari. Iginalaw ko ang kaliwang kamay ko para kunin ang kutsarang kaniyang inihanda pero kumirot na naman ito. Ngayon lang yata ulit ako nakabalik ma-admit kaya masakit.
Nang mapansin niyang napa-aray ako sa ginawa ko ay agad siyang napatayo.
"Huwag ka kasing gumalaw-galaw, iyan tuloy. Just let me the one to feed you, Althea"
My eyes widen when he called me by my name. Bakit niya alam ang pangalan ko?
Nabaling ang mukha ko sa kabila para hindi niya makita ang reaksyon ko. Oo nga pala. Nabanggit niya kanina na kilala na ako dito sa hospital at kilala rin ako ng Doctor na nag check sa akin. Siguro nasa CUMC Hospital ako ngayon at si Doctor Cole ang pinapahiwatig niyang Doctor na sinabi kanina.
Bumalik ang tingin ko sa kaniya at napansin ko na naman ang mukha niyang may bahid na lungkot na siyang ipinagtataka ko. Parang kanina ang maaliwalas niya pang tignan, ngayon nag-iba ang reaksyon na pinapakita niya. Kating-kati na ang bibig ko para magtanong lalo na kung ano ang pangalan niya. Alam niyo iyong gusto mo na siyang kilalanin kaso hindi mo alam kung paano simulan.
Ilang segundong lumipas ay sinimulan na niya akong subuan. Naiilang na ako ng sobra. Kasama ko ang isang taong ngayon ko palang nakilala. Ni pangalan nga niya hindi ko pa nakuha. Siya na nga naghatid sa akin dito sa hospital, sa palagay ko nga iyong prutas kanina ay binili na rin niya, at ngayon sinusubuan naman niya ako. Hindi ko alam kung paano ko siya pasasalamatan sa dami na niyang natulong sa akin ngayong gabi.
Napunta ang atensyon ko sa kamay niyang may bandage. Iyong kamao niya may nakalagay na bandage kaya hindi ko naiwasang ma curious.
"Anong nangyari diyan?" tanong ko habang nakaturo sa kaliwang kamay niya. Napunta naman ang kaniyang atensyon doon at umiling lang.
Tumayo agad siya pagkatapos niya 'kong pakainin. Nakatitig lamang ako sa kaniya habang nagliligpit ng aking kinainan. Hindi ko alam pero kita ko kung paano siya naging malungkot nang natanong ko kung anong nangyari tungkol sa kamay niya. Sa palagay ko may nangyari at problema na bumabagabag sa kaniya. Sana pala hindi ko nalang nabanggit. Hindi ko rin naman kasi alam kung ano ang nangyari sa kaniya.
Pina-inom niya ako ng tubig at dahil isa ako sa tinaguriang dakilang tanga ay nabilaukan ako sa pag-inom. Agad naman niyang hinimas ang likod ko at binigyan ako ng towel. Ubo pa rin ako nang ubo.
"Huwag ka kasing magmadali. Ayan tuloy. Mag hinay-hinay ka lang sa pag-inom sa susunod para hindi ka mabilaukan." Napatango naman agad ako.
Bumalik ulit siya sa pagkaupo at baka ngayon na ang oras para makilala ko siya, "Ah nga pala, ano pala ang pangalan mo?" tanong ko na may bahid na hiya habang nakayuko. Narinig kong bahagya siyang natawa kaya napatingin ako sa kaniya.
Mas lalo siyang masarap titigan kapag tumatawa.
"Alam mo, ang cute cute mo," nakangiti niyang wika. Uminit ang pisngi ko kaya umiwas agad ako ng tingin.
"Ako nga pala si Shawn Clifford. Pero Shawn nalang ang itawag mo sa akin. Your name is Althea, right? Baka kasi nagkamali ako. Kilala ka na kasi sa hospital na ito kaya madali kang nakilala." Bahagya akong tumango at nginitian si Shawn ng kaunti.
Tama nga ang hinala ko kung bakit na niya alam ang pangalan ko.
Sa wakas, natapos ang ilang oras na aming pagsasama ay nalaman ko na rin pangalan niya.
Shawn.
Nakita kong inilahad niya ang kaniyang kamay kaya napatitig ako roon. Ilang segundo ay kinuha niya ang isang kamay ko kaso ang nahawakan niya ay kumirot which is iyong may swero kaya agad akong napasigaw sa sakit. Agad nanlaki ang mata niya at dahan-dahang binitawan ang kamay ko.
"Hala! Sorry, sorry, Althea. Hindi ko namalayang ang kanang kamay mo pala ang nahawakan ko. Sorry talaga." Habang sinasabi niya iyon ay hinihimas niya ang kamay ko at hindi lang iyon. Agad niya itong kinuha patungo sa kaniyang labi at hinalikan ito saka niya ako binigyan ng ngiti. Namula ako dahil sa ginawa niya pero tumawa lang siya kaya napatawa nalang din ako sa naging reaksyon at ginawa ni Shawn.
Kaso ilang minutong lumipas ng aming pagtatawanan ay biglang kumalabog ng malakas ang pinto kaya napatigil kaming dalawa at napatingin sa pinto nang pumasok ang isang taong ikinagulat ko.
"Althea!"
Agad akong nakaramdam ng halo-halong emosyon pagkakita ko palang sa kaniya.
Napansin ko ring napahinto si Schiven, right it's him, habang nagkatitigan sila ni Shawn. Tumingin din siya sa kamay naming dalawa at ngayon ko lang napansing magkahawak pa rin kami kaya bumitaw agad ako sa kamay ni Shawn.
Unti-unti siyang lumapit sa kinaroroonan namin kaya bumalik na naman ang alaalang nakita ko kanina.
Uminit ang sulok ng mga mata ko dahil sa naisip at nakikita ko ngayon. Hindi ko matanggap na magawa niya ang isang bagay na iyon. Sinaktan, niloko at winasak niya ang tiwalang binigay ko sa kaniya. At kahit kailan hindi na iyon maibabalik pa.
"Althea, baby, okay ka lang ba?"
Tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niyang matawag-tawag akong baby at magpakita sa harapan ko ngayon matapos niya 'kong pagtaksilan. Tumagilid ako ng higa, iyong hindi siya nakikita. Bumabalik ang sakit kapag nakikita ko siya. Naramdaman kong akma niya akong hawakan pero nakita kong pinigilan siya ni Shawn.
"Dude, hindi ko alam kung ano ang nangyari. Nakita mo namang hindi okay si Althea, 'di ba? Umiiyak na rin siya kaya mas mabuti sigurong umalis ka nalang."
"Huwag kang makialam. Althea, Althea, sorry." Mas lalong bumuhos ang luha ko sa aking naririnig. Hindi ko alam ang gagawin ko basta gusto kong mapag-isa sa ngayon.
"Gusto kong mapag isa," mahinang banggit ko habang pinipigilang maging basag ang boses.
"P-pero--"
"Alis nalang tayo. Hayaan muna natin siyang makapag isip-isip muna."
Nakita kong hinawakan ni Shawn sa balikat si Schiven kaso tiningnan lang siya ng masama nito. Umiling nalang si Schiven at nagpaunang lumabas. Hindi man lang nagpaalam.
Dahan-dahan na ring naglakad patungong pintuan si Shawn. Hinintay ko munang makalabas si Schiven saka ko tinawag si Shawn kaya napahinto siya at napalingon sa kinaroroonan ko.
"Thank you."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top