Chapter 2: Devastated
Chapter 2: Devastated
"Althea, your mom... your mom passed away already."
"Althea, your mom... your mom passed away already."
"Althea, your mom... your mom passed away already."
Paulit-ulit sa utak ko ang sinabi ni Doc sa kabilang linya. Nanghina ako bigla at agad na nabitawan ang aking cellphone at pati ang pasalubong na sana ay para kay mama.
Hindi maiwasang manginig ang kamay ko sa narinig na balita. Hindi lang ang aking kamay, kun'di ang buong katawan ko.
"Mama!" Mangiyak kong sigaw habang mabilis na tumakbo papasok sa loob ng hospital.
No... no, this can't be happening. Hindi maaari, hindi maaaring mamatay ang mama ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko kung pati si mama ay kukunin ni Lord. Bakit ngayong araw pa?
Dahil sa wala na akong ibang iniisip ay nadapa ako sa bilis ng takbo. Hindi ko na pinansin ang mga galos na aking natamo basta ang inaalala ko lang sa mga oras na'to ay ang kalagayan ni mama. Napailing ako habang pinupunasan ang mga luha ko gamit ang aking braso. Lumalakas na ang hikbi ko at sumasakit na rin ang aking dibdib.
Pagkarating ko sa 2nd floor ay dumiretso ako sa private room kung nasaan si mama kaso agad akong nanghina nang madatnan itong walang katao-tao. Isa lang ang lugar kung nasaan posible si mama. Lalo pang bumuhos ang luha ko at bagsak balikat na tumakbo patungong morgue.
Wala sana si mama roon, wala sana. Please Lord, why did you do this to me? Bakit mo ako pinapahirapan ng ganito?
Pagkarating ko sa morgue ay may nakita akong isang katawang dahan-dahang tinatakpan ng kumot. Agad akong napatakbo nang maaninag kung sino ito.
Hindi maaari!
"Mama! Mama, gumising ka! Huwag mo 'kong iwan, mama! Huwag naman sana ngayon, mama! Please?" Napayakap ako sa katawan ni mama habang patuloy pa rin sa pag-iyak sa kaniyang harapan.
"Mama, mahal na mahal kita. Paano nalang ako. Mama, hindi ka pa pwedeng mamatay. Mama, naman."
Hawak-hawak ko pa rin ang katawan ni mama habang pilit ko siyang iniyugyog kahit alam kong imposible na ang aking gustong mangyari.
"Ija, umalis na tayo." Umiling lang ako sa sinabi ng nurse.
"Hi-hindi."
Yakap-yakap ko pa rin si mama habang tumututol sa nurse. Ayoko. Ayoko pang iwan si mama.
Please, kahit ngayon lang.
Hindi ko na mabanggit ang mga salitang iyon dahil sa pighating aking nararamdaman ngayon. Para bang umurong ang mga dila ko at tulala lamang ang mga tingin sa mama ko.
Ilang segundo ay hinila ako palayo kay mama ng isang nurse. Mas lalo akong napahikbi habang nakatingin ang dalawa kong mga mata sa katawan ni mama na tinakpan na ang mukha. Hila-hila ako ng isang nurse na pilit ko pa ring bumibitaw mula sa hawak niya kaso hindi ako nagtagumpay at napalabas ako sa morgue.
Bakit?! Gusto ko pang makita ang mama ko!
"Mamaaa!!"
Napasigaw nalang ako at napasandal sa pader. Wala akong pakialam sa iisipin ng mangilan-ngilang mga tao na nandito.
Napahilamos ako sa aking mukha at napagapos sa aking mga tuhod.
Akala ko ngayon ka na gigising mama pero kabaliktaran pala ang nangyari. Bakit mo 'ko iniwan? Ikaw nalang ang nag-iisang naiwang pamilya sa buhay ko tapos nawala ka pa. Akala ko maging masaya pa tayo pero hanggang dito nalang pala. Kung alam ko lang edi sana hindi na ako nagpapakasaya ngayong araw at nasa tabi mo nalang ako buong araw. Kung alam ko lang, mama. Pero dumating pa rin pala na iiwan mo rin ako gaya ni papa. Ang sakit, sakit, mama.
Kahit sinabihan na ako ni Doc noon na dapat maging handa ako palagi. Kahit alam ko na isang himala ang mangyari kung gigising ka, umasa pa rin ako na sana dumating ang himalang iyon. Pero... tama nga si Doc. Walang pinipiling oras ang kamatayan. Dapat maging handa sa maaaring mangyari, naisin mo man o hindi.
Mas lalo pa akong napahagulhol dahil bigla ko na naman naalala ang nangyari mag da-dalawang taon na ang makalipas. That day again. Isang araw kung saan nawala si papa at nangyari ang aksidenteng hindi ko inaasahan.
March, 2017
We gathered tonight for our farewell party, batch 2016-2017. Malapit na kasi ang moving up kung saan matatawag na kaming completers sa junior high. Mamimiss namin ang isa't isa. Sigurado kasing hindi na kami magkakasama at iba't ibang paaralan kami magsi-pasok pag senior high. Siguro'y may ibang magkakasama pero kaunti nalang.
Isang pool party ang naganap. May pag-aari kasi ang isa sa mga kaklase ko, isa sa mga top student at may mayamang pamilya.
Habang kumakain ako kasama ang mga kaibigan ko ay nagtatawanan kami, nag-uusap at ina-alala ang mga kalokohan namin. Hindi ko rin maiwasang maaninag ang iba ko pang mga kaklaseng nag si-swimming habang nagkukulitan. Kita mo ang mga masasaya nilang ngiti.
Tonight is one of the best day of my life. Having fun together with my classmates and schoolmates ay mas lalo akong nakakaramdam ng kasiyahan. Kaya mamimiss ko talaga sila lalo na ang mga kulitan namin.
Buti nalang pinayagan ako ng mga magulang ko. May lakad din kasi sila. Pa-byahe na sila kanina patungong Davao. Hindi ko nga alam kung anong gagawin nila roon pero emergency daw kahit alam kong related ito sa business. Inintindi ko nalang sila at ang pagpayag sa pag-attend dito sa party ang kapalit dahil sa hindi nila pagsama sa akin.
Kumuha ako ng barbecue. I was about to take a bite nang tumunog ang cell phone ko. Si mama pala, siguro nakarating na sila. Nag-excuse muna ako sa mga kaklase ko at pumunta sa may gilid kung saan hindi masyadong maingay bago sinagot ang tawag.
"Hello, ma! Kamusta? Nakarating na kayo ni papa?" masayang bungad ko sa tawag.
"Ah-- hello, ma'am? Sorry, but Is this the daughter of Mr. & Mrs. Ebañez?" sagot ng isang boses ng babae na hindi pamilyar sa kabilang tawag.
"Yes? Ako po ito. Bakit po pala? Sino sila?" nagtataka kong tanong. Pero aminin kong hindi ko maiwasang kabahan.
"I'm a nurse from Davao Doctors Hospital. Sorry to tell you ma'am pero may aksidente kasing naganap kani-kanina lang. And it's your parent's car. Your mom is in the emergency room at the moment but your dad... h-his dead on arrival--"
Naibaba ko ang aking kamay na hawak ang cell phone ko. Nanginig ako bigla at agad na tumulo ang luha ko. Napatakip ako sa bibig ko at napaupo.
No.. no. It's not true. Iling ako nang iling habang pilit na tinatanggi sa sarili ko ang sinabi ng isang nurse kanina.
Umiyak lang ako sa mga oras na iyon hanggang sa nahanap ako ng mga kaklase ko at sa kanila ko inilabas ang pighating aking nadarama.
Wala na akong magawa sa mga panahon na iyon kun'di maghintay ng isang linggo bago ko sila makita. Nadala na dito sa CUMC Hospital ang kanilang mga katawan. At iyon ang araw na huli kong nakita si papa.
Parang nag deja vu ang nangyari noon sa ngayon. Hindi ko mapigilang maalala ang mga pangyayaring iyon. Bakit kaya gano'n? Minamalas siguro ako. Pero tama nga ang sinasabi nila.
Your best day could be your worst day.
~*~
Isang linggo na ang nakalipas simula nang may mangyari kay mama.
Ngayon pa lang natapos ang pag libing sa kaniya. Ako nalang ang naiwan dito sa sementeryo habang naka upo sa harap ng puntod ni mama. Pinilo kong magpa-iwan dahil nais ko rong mapag-isa sa ngayon. Himas-himas ko ito at tumulo na naman ang luha ko.
Sa buong linggo, wala akong ginawa kun'di ang umupo lang sa harap ng kabaong ni mama. Sa palagay ko nga ay ang payat ko na dahil hindi ako kumakain. Nakakawala kasi ng gana. Pati pagtulog ko ay nakalimutan ko na. Kahit anong sabihin ng mga taong dumalo kay mama sa maging kalagayan ko, hindi ako nagpapatinag.
Sa buong linggo kasi na iyon ay masyadong magulo ang utak ko kaya hindi ako nakapag-isip ng maayos.
Hindi rin nagpaparamdam si Schiven sa buong linggo kaya nakakapagtaka. Hindi man lang siya dumalo sa pagkamatay ni mama. Gano'n ba siya ka-busy para hindi na makadalo?
Nakakalungkot isipin na ako nalang talaga naiwan. Imbis na siya ang kailangan ko sa oras na kailangan ko ng karamay, kaso wala naman siya. Wala siya sa tabi ko at iyon ang first time na hindi niya ko dinamayan kung saan naman ay mas kailangan ko talaga siya. Nakadagdag problema tuloy.
'Di bale, pupuntahan ko naman siya mamaya-maya sa condo na tinutuluyan niya. Sa condo suit kasi siya madalas at minsan na niya akong nadala roon noong nag celebrate kami sa birthday ng tito niya.
Nabalik ang atensiyon ko sa puntod ni mama. Umupo ako sa gitna ng puntod nila mama at papa. Magkatabi kasi sila at nakakalungkot makita na parehong magulang ko na ang nawala. Hindi ko tuloy lubusang maisip kung kaya ko pa ba mabuhay kahit ako nalang. Pero, subukan kong tumayo gamit ang sarili kong mga paa. I will try and I know I can do it. I'm better than this.
Tumingala ako sa langit at bahagyang ngumiti na may bahid na lungkot. Hinalikan ko muna ang huling dalawang balloon na hawak ko bago ito ipinalipad.
"Mama, papa, sana maging masaya kayo riyan sa taas. Kahit papaano ay masaya pa rin ako na hindi na kayo nahihirapan. Mama, kahit masakit man sa akin ang iwanan mo, ninyo, masaya pa rin ako dahil diyan, kasama ninyo si Lord at hindi ka na makakaramdam ng sakit diyan. Papa, sana alagaan mo pa rin si mama gaya ng pag alaga mo sa kaniya noong buhay pa kayo. Sana hindi ninyo ako makakalimutan. Masaya talaga ako mama at papa dahil nagkasama na ulit kayo. Sigurado akong masaya rin kayo riyan."
Kagabi ay nakapag-isip din ako ng maayos. Parang may naalala kasi ako bigla. Agad ko ring natanggap ang nangyari kay mama at papa.
Kahit hindi ko pa nalalaman kung bakit nangyari ang mga ito sa buhay ko, nagawa ko pa ring tanggapin kahit labag sa aking kalooban.
Pumikit ako nang makaramdam ako na para bang may yumakap sa akin. Dumaan ang napakasarap na ihip ng hangin kaya unti-unti akong napangiti.
"Mahal na mahal ko po kayo," bulong ko sa sarili bago tumayo.
Malapit na palang gumabi at pupuntahan ko pa si Schiven sa kaniyang unit. Sigurado naman akong nandoon lang siya.
Ngumiti ako sa dalawang puntod na nasa harapan ko bago tuluyang umalis sa sementeryo.
~*~
"Paki-abot po. Salamat po."
Bumaba na ako sa sinakyang jeep. Pumasok ako sa One Oasis, ang condong tinutuluyan ni Schiven. Kilala naman na ako dito kaya mabilis akong pinapasok sa security guard. Gaya nga ng sabi ko kanina, minsan na akong dinala dito ni Schiven noong birthday ng tito niya. Sa naalala ko kasi, ang nag mamay-ari ng condo na 'to ay kaibigan ng tito niyang nag birthday.
Habang naglalakad ako ay halos nagtatrabaho dito ay nagbubulongan. Hindi ko alam bakit, pero sa palagay ko ako ang kanilang pinag-uusapan. Nagsimula tuloy bumuo ang kaba sa aking dibdib.
Kahit sa pagsakay ko ng elevator ay parang na i-intimidate sila sa akin. Maya't maya pa ay huminto ang elevator sa 8th floor. Hindi ko nalang pinansin ang mga staffs na nakasama ko dito sa loob at tuluyan na akong lumabas sa elevator.
Aaminin kong parang may mali habang palapit ako ng palapit sa unit kung saan nag stay si Schiven. Umiling lang ako, napaparanoid na naman ako.
Huminto ako sa harap ng pinto sa unit niya. Sobrang tahimik ng buong floor dito sa ikawalong palapag. Buti nalang wala ng mga tao dito para magbulungan.
Mag door bell na sana ako kaso may bumabagabag sa isipan ko. Bakit ko ba siya pinaghihinalaan? Alam ko namang hindi niya magagawa kung ano ang nasa isip ko. Alam kong mahal na mahal ako ni Schiven.
Paranoid ka lang, Thea.
Bumuntong hininga muna ako at naisip na kumatok na pero napako ang atensiyon ko sa code password ng kaniyang unit. Alam ko ang password, kung hindi pa niya pinalitan. Nagdadalawang isip pa ako pero pinili ko pa rin itong buksan kaya nagawa kong makapasok. Hindi niya pa rin pala pinalitan. The code's still the same the day I came here. Ang code ay ang petsa kung kailan naging kami at kung kailan sinagot ko siya.
082418
Ginawa ko ang lahat para hindi makagawa ng kahit na anong ingay. Bumungad sa akin ang sobrang kalat na sala kaya nakakaramdam ako ng kaba.
Hindi ko maintindihan pero parang dinaanan ng bagyo. Patungo ako ngayon sa kwarto ni Schiven pero nanlaki ang mata ko nang madaanan ko ang mga gamit ng isang babae. Hindi maaari. Umiling ako nang umiling at nagsimula nang uminit ang sulok ng mata ko.
Bago pa man ako makatapak sa harapan ng pinto ng mismong kwarto niya dito sa unit ay biglaan itong bumukas. Bumungad si Schiven habang binubutones ang kaniyang polo. Aninag ko rin mula sa kinatatayuan ko sa loob ng kwarto niya ang isang babaeng nakatalikod habang isinusuot ang bathrobe nito.
Nahulog agad ang dala-dala ko para sana sa kaniya dahilan upang mapalingon si Schiven sa akin. Nagsimulang tumulo ang luha ko. Nasaksihan ko kung paanong manlaki ang mata niya.
"Althea? Why--"
Hindi ko na siya pinatapos. Umiling lang ako saka nandiri. Tumakbo agad ako palabas ng kaniyang unit. Hindi ko mapigilang mapahikbi habang palabas ng condo. Ramdam ko nga ay pinagtitinginan ako pero wala akong paki-alam. Kaya pala gano'n na lamang ang reaksyon ng karamihan nang napabisita ako dahil may dinala palang ibang babae si Schiven.
Nadagdagan na naman ang sakit na nadarama ko. Bago ko pa nga nawalan ng nag-iisang mahal ko sa buhay, dumagdag naman si Schiven. Hindi ko na alam ang aking gagawin. Sana hindi nalang ako pumunta kung gano'n din naman ang maaabutan ko.
Tumatakbo ako nang wala sa tamang isip kaya tumawid ako sa daan na walang lingon-lingon sa kaliwa't kanan.
Lumalabo na rin ang paningin ko. Agad ko itong pinunasan gamit ang mga braso ko. Ang sakit, sakit na. Bakit sunod--
BEEP BEEP BEEP!
Napatingin ako sa kaliwa ko nang may bumusinang sasakyan. Hindi ko namalayan na may sasakyan palang papalapit sa karoroonan ko. Siguro, katapusan ko na.
Tila ba huminto ang oras habang blanko lang ang utak ko.
Tanging pagkabunggo nalang ang aking narinig bago ako tuluyang nawalan ng malay at binalot ng kadiliman.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top