Chapter 11: Saviour
Chapter 11: Saviour
Nakita ko na naman ang isang ngiting katulad ng isang anghel. Kurap ako nang kurap, sinisigurong hindi nga ba ako nanaginip. It's been one week na hindi kami nagkita.
"Teka, teka. Magkakilala kayo?"
Napatingin ako kay Hailey sa biglang tanong niya. Nakita ko ang titig niyang bakit-hindi-ka-nag-share look.
Binalingan ko ulit ng tingin si Shawn sabay sabi, "Ah... no."
"Yes."
Nagkasabay kaming dalawa ng sagot sa tanong ni Hailey. Nakita kong napatawa si Shawn habang si Hailey ay nalilito.
"Ano ba bessy. Magkakilala nga ba kayo nito ni kuya pogi?" Pangungulit ni Hailey sa akin habang nanunukso ang mga tingin niya.
"Hindi nga." Pagtanggi ko ulit.
Nahihiya ako kay Shawn. Wala pa rin akong nababalik kahit ni isa sa utang na loob ko sa kaniya. Tapos nadagdagan na naman. Bakit siya nalang parating nandiyan sa tuwing walang wala ako sa sarili.
"Sus, nahihiya ka lang eh." Tumawa siya habang sinusundot-sundot iyong tagiliran ko.
"Ano ba," mahinang bulong ko sa kaniya at pinipigilan iyong kahihiyang ginagawa niya sa harapan ni Shawn.
"Pasensiya ka na dito sa kaibigan ko ha. Sadyang mahiyain lang talaga 'to." Nakangiting wika ni Hailey kay Shawn. Nakita kong ngumiti lang ito at tumango.
"Gano'n ba? Para namang hindi halata." Ngiti pa rin siya nang ngiti habang nakatitig sa akin. Feeling ko ang pula na ng mukha ko.
Nakakahiya!
"Uy, hindi raw halata," bulong sa akin ni Hailey na may halong panunukso. Kulang nalang ay itaboy ko na 'tong isa dito dahil sa kulit eh.
Pansin ko pa rin na sa akin lang nakatuon ang atensiyon ni Shawn. Pilit kong iniiwasan ang mga tingin niya. Para bang napipi ako bigla at walang masabi sa harap niya. Kahit salamat man lang hindi ko pa magawa.
"Umamin ka na kasi, bessy. Magkakakilala kayo---"
"Oo na. Kilala ko siya. Kilala niya ako. Happy?" Tinalasan ko iyong titig ko para kay Hailey kaso malakas lang siyang napatawa. Pati si Shawn ay sinabayan si Hailey sa pagtawa.
Para silang mga sinapian at pinagtitinginan na nga rin kaming tatlo sa mga taong nandito sa supermarket. Ako iyong nahihiya para sa kanilang dalawa eh.
"Ang cute mo talaga, Thea." Natigilan ako dahil sa sinabi ni Shawn. Para akong nabingi at kulang nalang ay gusto ko ng umalis sa harapan niya.
"Oh my geee. Cute ka raw, parang bubuyog. Kinikilig ako." Tukso pa rin ni Hailey.
Hindi ko nalang siya pinansin at napag-isipang itigil na namin tong kalokohan naming tatlo. Baka matagalan pa kami ng uwi kung tatagalan pa namin ang usapan.
Binigyan ko ng sign si Hailey na gusto ko munang maka-usap si Shawn na kami lang. Baka kasi kung marinig niya pa eh walang sawa niya akong tuksuin. Napansin ko namang nakuha niya agad ang nais kong ipahiwatig kaya kinuha niya mula sa akin ang cart na dala-dala ko.
Naglabas muna ako ng buntong hininga bago hinarap si Shawn na siyang busy sa phone niya. Hinintay ko muna siyang matapos sa ginagawa niya bago nagsalita.
"Thank you pala kahapon, Shawn. Hindi ko talaga alam kung pinaglaruan ba tayo ng tadhana at ikaw nalang palagi ang nandiyan sa tuwing nawawala ako sa sarili. Saviour ba? Hahaha." Tumawa ako pagkatapos kong masabi ang gusto kong sabihin kanina pa kaso napatigil ako bigla nang mapansing ang seryoso niya.
"I know it's hard to smile like nothing happened but I also knew that you girls are fond of it. Walang anuman, Thea. I'm always be here when you need someone. Kahit na hindi pa tayo masyadong magkakilala, pero alam ko sa sarili ko na ang babaeng tulad mo ay dapat pinapahalagahan at inaalagaan." Pagkatapos masabi ni Shawn ang mga katagang iyon ay gumuhit ang mala-anghel na naman na ngiti sa labi niya. Hindi ko alam ang sasabihin ko pero na-touch ako ng sobra.
"Nga pala, una na ako Thea ha? Pinapauwi na kasi ako ni mom kasi gagamitin niya na raw itong mga pinapamili niya sa akin. Take care always and see you!"
Bumalik ako sa sarili ko pagkaalis ni Shawn. Wait ano raw? See you?
I just shrugged. Magmumuni na sana ako nang mapansin ko ang nakangiting parang demonyong Hailey na papalapit kung nasaan ako.
At ayon, hanggang sa pag-uwi namin ay puro tukso ang nakuha ko galing kay Hailey.
~*~
Habang nag be-bake kami ng brownies at cookies ay kwentuhan lang kami ni Hailey. Naisipan ko ring i-kwento sa kaniya ang una naming kita ni Shawn. Pero bago iyon, dapat ko munang i-kwento sa kaniya iyong gabing nakita ko si Schiven at Risha na magkasama.
"Naisipan ko sanang mag doorbell kaso biglang pumasok sa utak ko na i-input iyong code password niya. At alam mo ba---"
"Hindi ko pa alam."
Tinitigan ko siya ng masama pero tumawa lang siya saka nag peace sign. Ngumiti nalang din ako bago tinuloy ang story.
"Ayon, hindi niya pala pinalitan ang code niya kaya nakapasok ako. Kaso pagpasok ko ay nagulat ako dahil sobrang kalat. Para bang dinaanan ng bagyo at ang nakakagulat pa ay nakatapak ako ng damit ng isang babae--"
"WHAT THE F--"
"Teka nga bessy, patapusin mo nga kasi ako bago ka mag react." Agad ko namang singit. Nilagay niya iyong bowl na may cream saka tumingin sa akin habang nakapameywang.
"Pa thrilling ka pa kasi eh. Can you just go straight to the point, bessy? I'm ready."
I sighed. Tinigil ko nalang din muna ang ginagawa ko at hinarap si Hailey. Alam kong pagkatapos kong masabi ito, lalabas ang mga salitang di kaaya-aya sa bibig niya kaya dapat i-ready ko na rin ang sarili ko.
"Then, that night, nakita kong magkasama si Schiven at Risha habang kakatapos mag you know."
Hindi ko na tiningnan ang reaksyon niya pero narinig ko na lamang ang mga salitang akala mo ay sinapian ng demonyo.
"Umiinit na talaga ang dugo ko sa dalawang iyan!! And what? They just did what?! We're just teens and yet they did that?! Hindi ko na talaga alam ang magagawa ko. Kung ako sayo bessy baka nasabunutan ko agad iyang Marisha na iyan. Yes, naging kaibigan natin siya pero grabe, kahit ako hindi makapaniwalang magagawa ni Marisha iyan sayo. F*ck them for hurting you!! Fu----"
"Hey!! Stop that filthy mouth of yours, little brat."
Napatingin ako sa likod namin ni Hailey nang may nagsalita. Si Kuya Topher pala habang naka formal attire at gusot gusot pa. Halatang kakauwi galing kung saan. Ang naalala ko ay one week daw siya wala rito sa bahay nila, saan kaya siya nanggaling?
Hailey just rolled her eyes at para bang hindi napansin ang kuya niya.
Nginitian lang ako ni kuya Topher at gaya ng nakagawian niya, ginulo na naman niya ang buhok ko.
"Nandito ka pala, Althea." Tumango lang ako sa sabi ni kuya Topher.
Lumapit naman siya kay Hailey.
"And you, saan mo naman nakuha iyang mga salitang iyan, ha?"
"Tinatanong mo pa talaga kung saan ako natuto magmura. Saan pa ba? Edi sayo. Wala namang ibang lumalabas diyan sa bibig mo kun'di puro masasamang salita na hindi na nakakagulat pa kasi mismo ang nagsalita ay demonyo na."
"What did you just say?!" Halatang galit na galit si kuya Topher sa sinabi ni Hailey.
Wala rin naman akong magawa kasi away kapatid naman iyan. At alam ko namang daily routine nila ang mag away kaya ang ginawa ko nalang ay tinuloy ang binake namin ni Hailey.
"Ang sabi ko demonyo! In english, demon. If you still don't understand, it spelled, D-E-M-O-N! Demon!" pasigaw na sabi ni Hailey sa kuya niya.
"F*ck--"
"Oh 'di ba? Ano sabi ko?"
Nakarinig na lamang ako na kumaripas ng takbo at si Hailey pala iyon palabas ng kusina. Hay, para silang mga bata. I can't blame them. Sila lang kasi parati ang naiiwan dito sa bahay nila simula noong bata pa sila. Paminsan minsan lang umuwi mga parents nila dahil busy sa business. Kaya rin siguro hindi sila nagkakaintindihan kasi hindi sila na monitor ng parents nila.
Ilang oras ang lumipas at ako lang ang tumapos sa brownies and cookies na binake namin ni Hailey. Nagtimpla na rin ako ng juice bago tinawag ang dalawa na busy pa rin sa pag babangayan.
Natigilan din naman sila at agad na pumunta dito sa kusina. Napansin ko pang nagtulakan pa sila at nag-unahan kung sino ang unang makaupo sa upuan.
Ay jusko, please help them, Lord. Ako iyong napapagod sa kanilang ginagawa eh.
Sa gitna ng kainan namin ay tahimik na ang magkapatid ngunit pansin ko pa rin ang matatalas na tinginan nila sa isa't isa. Magkaharapan kasi sila dito sa kitchen table habang katabi ko naman si Hailey.
Naisipan kong palitan ang mood na bumabalot dito sa kusina.
"Nga pala, kuya Topher saan ka pala galing? Nalaman ko kasing one week ka raw wala dito sa bahay ninyo." Curiousity kills kaya. Wala rin namang mawawala siguro kung magtatanong ako, 'di ba?
"Galing pa akong Cebu para sana mabisita rin ang business namin doon ngunit pinabalik agad ako nila daddy dito sa Cdo noong nakaraang araw. Nagpatulong kasi sina mom at dad sa business. Kailangan daw may mag asikaso muna sa main company namin dito. Nasa Davao kasi sila."
Napatango na lang ako sa sagot niya. Hindi na ako nagulat pa kasi gaya ng sabi ko, busy sa business sila tita at iyon din ang nabanggit ni Hailey kanina na kakaalis lang din nila. Saka sa nalalaman ko rin ay sa kompanya mismo nila nagtatrabaho si kuya Topher pero nanatiling si Tito Alfred, papa nila Hailey, ang nangunguna pa sa kanilang kompanya. Kaya siguro nasabi na siya muna ang mag asikaso kasi wala ang parents nila.
Oh. Siguro business meeting ng mga negosyante dito sa Mindanao at Davao ulit ni-held. Sa Davao rin kasi iyong dapat na pupunta sina mama pero ayon nga. Kakaiba ang nangyari.
Agad akong nalungkot sa naiisip pero iniwakli ko nalang iyon.
Pagkatapos naming kumain ay napag-isipan kong dito na muna mag stay sa kanila. Ayos lang din naman kay kuya Topher kasi sanay na rin siya na minsan ay dito ako matulog. Gustong gusto niya nga at sabi pa niya, mas maganda pa na ako ang kasama niya dito sa bahay nila kaysa sa kapatid niyang si Hailey.
Napailing nalang ako at inunahan na silang suwayin na tumigil bago ulit sila magbangayan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top