Chapter 10: Long Time

Chapter 10: Long Time

Kinabukasan, maaga akong umalis sa bahay at dumiretso agad sa Lourdes College.

Nagkita naman kami ni Hailey gaya ng napag-usapan namin kahapon.

"Bessy!!"

Nagyakapan ulit kami at nag kwentuhan lang. Ang bait ko raw kasi nag review pa habang siya ay panay kain at tulog lang kagabi. Natawa agad ako sa sinabi ni Hailey.

Pumunta muna kami sa guidance office para applyan ang form. Marami-rami pa rin pala ang mag ta-take. Medyo mahaba kasi ang pila.

Pagkatapos ay tumungo kami sa room kung saan kami mag-eexam. Buti nalang at magkasama kami kaya alam kong magkatabi lang kami sa exam kahit may space, ayos na iyon.

Napamangha agad ako nang makapasok kami sa isa sa classroom dito sa Lourdes. Sobrang laki at two times siguro ng laki sa sala nila tiya. Dalawa pa ang aircon kaya ang lamig.

Kumapit lang sa braso ko si Hailey at nginitian ko lang siya. Umupo kami sa bandang likod at naghintay sa proctor na magbabantay sa amin.

"Kaya natin 'to. Aja!" biglang bulong sa akin ni Hailey.

I mouthed God bless sa kaniya at tumango lang siya.

Pagkabigay palang sa amin ng test papers ay hindi na ako nag-abalang sumagot agad. Common lang ang first ten questions at halos naalala ko naman ang lahat kaya hindi naging mahirap sa akin.

Ilang oras ay nauna akong natapos sa lahat ng nag take. May napatingin pa sa akin na gulat na gulat dahil siguro sa ang bilis kong natapos. Nagkatinginan kami ni Hailey at nakita kong bumungisngis lang siya. Nagsignal akong pumunta muna sa comfort room at binigyan siya ng fighting na hand gesture.

Walang tao sa CR. Busy siguro ang lahat sa pag-eexam. Masyado pala talaga akong maagang natapos?

Naghilamos lang ako ng mukha pagkatapos tiningnan ang kabuuan sa salamin. Kaso nagulat ako sa taong lumabas mula sa isang cubicle.

Taas kilay niya akong tiningnan pero agad itong napalitan ng pekeng ngiti. Sa reflection ng salamin lang kami nagkatinginan.

"Well, well, well. Look who's here."

"Risha," mahina kong ani.

It's her. My childhood bestfriend na kasama ni Schiven no'ng gabing sobra akong nasaktan. Hindi ko na kailangang itanong pa kasi sigurado akong siya iyon.

"What's with that look of yours? Hindi mo man lang ba ako yayakapin sa limang taon nating hindi pagkikita?"

Hinarap ako ni Risha sabay lapit sa akin at yumakap. Narinig kong bumulong siya na namiss niya ako. I felt sincerity from her voice. Nanghina ako bigla saka ngumiti. Yayakap na sana ako pabalik sa kaniya ngunit napigilan ako bigla sa sunod niyang sinabi.

"I miss you... You think sasabihin ko iyon sayo? No. Hindi kita namiss. Hindi rin ako hihingi ng sorry. I'm already happy with him. With your boyfriend. Oh no, rephrase that. With your ex-boyfriend. Alam mo na kung bakit ako bumalik at wala akong planong itigil ang mga balak ko."

Bumitaw agad siya mula sa pagyakap sa akin pagkatapos niyang ibulong ang mga katagang iyon. Nakita ko ang mga galit mula sa kaniyang mga mata at kung gaanong kamuhian ang nararamdaman niya para sa akin. I don't even know what happened. Hindi ko talaga alam kung bakit siya ganito.

"Bakit mo 'to ginagawa, Risha? Wala akong maalalang ginawa ko sayo para magalit ka sa akin ng ganiyan. Nakalimutan mo na ba? Nang bata pa lang tayo ang saya saya nating dalawa kasama na si Hailey. You're the very first friend I ever had. Pero ikaw naman ang umalis at hindi ka man lang nagpaalam sa akin, sa amin. Alam mo ba kung gaano ako nasaktan noong umalis ka? I still treasured our memories until now---"

"Oh shut up, Althea! You know what happened five years ago! Nagbubulag-bulagan ka lang talaga at aminin mong kahit kailan ay hindi mo ako tinuring na tunay na kaibigan! Hindi ko pa rin nakalimutan ang nangyari pero ikaw? Nakalimutan mo? Wala kang maalala? Ha. I trusted you, but you broke my trust."

Naguguluhan na ako sa pinangsasabi ni Risha. Para akong maiyak dahil sa inaasta niya sa harap ko ngayon. Ramdam na ramdam ko kung gaano kalaki ang galit niya sa akin. Hindi ko alam kung magagalit ba ako o iiyak. Alam kong hindi dapat ako magalit sa kaniya kasi gaya ng sabi ni Risha, hindi ko maalala kung ano ang nangyari. Hindi ako makahanap ng salitang sasabihin. Napatahimik ako at napayuko.

"Remember this, Althea. Nagsisimula pa lang ako at darating ang panahong maalala mo ang lahat ng kasalanang nagawa mo."

Iyon na lamang ang huli kong narinig bago siya lumabas dito sa loob ng CR. Nanghina ang mga tuhod ko at bigla akong napaupo sa sahig. Unti-unting tumulo ang mga luha ko. Akala ko wala ng daragdag na problema sa buhay ko ngunit meron na naman? Napahilamos ako sa aking mukha sabay umiyak.

Bakit ganito?

~*~

Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko. Mukha ni Hailey ang bumungad sa akin. Bumangon ako at nasa isang kwarto pala ako.

"Bessy, ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ni Hailey pagkakita niyang nagising na ako.

"Anong nangyari?"

Wala akong maaalala kung paano ako napunta rito. Alam kong nasa bahay ako nila Hailey at nasa kwarto niya ako ngayon. Ang huli ko lang naalala ay ang pag-uusap namin ni Risha.

"Ilang beses kitang tinawagan kanina kaso hindi ka sumasagot. Sobra akong nag-alala kaya mabilis kitang hinanap sa mga comfort room kaso hindi kita mahanap. Alam mo ba na agad akong napaiyak kanina kasi akala ko na may kumidnap sayo, bessy. Tapos habang tumatakbo ako sa loob ng campus may nakita akong lalaking karga ang isang babae! Tapos alam na alam kong ikaw iyong babae sa malayuan pa lang kaya agad akong tumakbo sa lalaki at sisipain ko na sana siya pero natigilan ako bigla nang makita ko iyong mukha niya. Bessy, parang tumigil ang mundo ko kasi ang pogi--- aray!"

Bigla ko siyang binatukan dahil kung saan saan na umabot ang sinasabi niya.

"Sabi ko anong nangyari hindi iyong gumawa-gawa ka ng sarili mong kwento."

"Eh totoo naman kasi ang sinasabi ko! Hindi mo man lang ako pinatapos." Ngumuso naman siya at napatawa nalang ako.

"Ang imposible naman kasi ng sinasabi mo, bessy. Wala akong maalalang ganiyan--" pinutol niya agad ang sasabihin ko.

"Paano mo naman kasi maalala eh nahimatay ka nga kanina."

"Nahimatay?" gulat kong tanong sa kaniya. Tumango na lamang siya at agad na muling nag kwento.

"Ayon nga. Nakita ko iyong poging lalaking karga-karga ka. Natigilan ako sa pagtitig kay kuya nang maalala kita. Agad kong tinanong si kuya kung anong nangyari sayo. Sabi niya, nakita ka niya sa CR na nakahiga sa sahig! I mean, nahimatay. Dadalhin ka niya sana sa hospital kaso sabi ko ako nalang magdadala sayo sa bahay at sinabi ko naman sa kaniya na kaibigan kita kaya ayon ang nangyari. Nandito ka sa kwarto ko ngayon."

Napakunot ang noo ko. Napanguso lang si Hailey. "Totoo naman kasi talaga ang sinasabi ko eh."

"Oo na, oo na. Naniniwala na ako. Bakit daw ako nahimatay?"

"Aba malay ko. Pero sabi ng personal doctor nila mommy eh pagod ka lang daw. Hindi ba simula bata palang tayo ay paulit-ulit na bilin ng Doctor at mga magulang mo na dapat ikontrol mo ang mga emosyon mo kasi nakakasama ito sa kalagayan mo. Ano ba kasing nangyari, bessy? Maga iyong mata mo. Alam kong galing kang umiyak."

Bigla kong naalala ang nangyari kanina. Hindi mawala sa utak ko ang mga katagang sinabi ni Risha. Gusto kong itanong sa kaniya ngayon na kung ano ba ang nangyari kaso natatakot ako. Natatakot akong baka lalaki pa ang gulo kaya plano kong maghintay nalang sa tamang panahon. Bakit ko ba kasi nakalimutan ang importanteng bagay?

"Bessy? Are you alright? Kung hindi mo gustong i-share, ayos lang sa akin. Pero kung tungkol kay Risha, sana masabi mo rin sa akin dahil naging kaibigan ko rin naman siya." Nakita kong ngumiti pero may halong pag-aalala si Hailey. Agad ko siyang niyakap at umiyak sa mga abaga niya.

"I'm sorry," mangiyak-ngiyak kong sabi.

"It's alright, bessy Ilabas mo lang sa akin ang mga nararamdaman mo. I'm always here, remember?" Hinimas-himas ni Hailey ang likod ko.

I don't know what to do. Saka ko nalang sasabihin kay Hailey ang nangyari pag ayos na ako at maintindihan ko na ang lahat.

"Pwede bang dito na muna ako sa bahay niyo, bessy? Ipaliwanag ko nalang kina tita. Hindi ko gustong umuwi sa bahay. Dadagdag lang kasi sa problema ko. Sa weekend nalang ako babalik sa amin." Mahaba kong sabi pagkabitaw ko sa yakap. Ewan ko ba. Hindi ko feel umuwi.

"Ano ka ba. Okay na okay, bessy. Iyon nga rin sana ang sasabihin ko sayo buti nalang ikaw ang unang nagsabi. Akala mo naman kung sino ka bessy eh kilala ka na naman nila mommy at daddy eh. Magbihis ka na muna bessy bago tayo kakain ng hapunan."

Ngumiti ako sa kaniya at nag thank you. Ang laki na ng utang na loob ko kay Hailey at kahit ni-isa wala pa akong nababalik. Nahihiya na talaga ako sa kaniya.

Pagkatapos kong magbihis ng damit na pinahiram sa akin ni Hailey ay agad na akong bumaba patungong kusina nila. Mansyon ang bahay nila. May mga maids at sobrang laki talaga. Wala pa ring pinagbago. Gaya pa rin noong huli kong bisita sa bahay nila.

Kahit na ang yaman nila Hailey, she still stayed as humble and lovely girl. Unang tingin mo pa lang sa kaniya, hindi mo agad mapansin na ganito pala ang yaman nila. Ang simple niyang babae at iyon ang nagustuhan ko sa kaniya.

"Hali ka na, bessy. Kain na tayo."

Umupo lang ako at ngumiti. Sa dami ng pagkain, akala mo may piyesta. Pero sa katotohanan, kami lang dalawa ang kumakain. Tapos na rin daw kumain ang mga maids nila at nasa business trip ang parents niya at kanina lang ito umalis noong mahimbing pa ang tulog ko. Nalaman ko nga ring nadatnan pa pala ako nila tita kaya pinadala dito ang personal doctor nila para tignan ako.

Ganito talaga pag anak ng mayaman no? Malaki ang bahay ngunit wala naman diyan palagi ang mga magulang mo. Pero buti nalang din at maayos naman ang takbo ng pamilya nila.

"Nga pala, Hailey. Nasaan pala si kuya Topher?" tanong ko sa kalagitnaan ng hapunan namin. Si kuya Topher ay nag-iisa niyang kapatid. Mga anim na taon ang pagitan ng kuya niya sa aming dalawa. Nakatapos siya ng kolehiyong BS in Business Management noong year 2017 pa lamang.

"Ah! Iyong demonyong iyon? Ewan ko sa kaniya. Parati iyong busy eh." Pansin kong agad na nag-iba ang mood niya pagkarinig palang niya sa salitang kuya. Natawa nalang ako at wala pa rin palang pinagbago. Siguro parati pa rin siyang tinutukso at inaaway ni kuya Topher.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso lang kami sa kwarto niya at doon nagkuwentuhan bago kami natulog.

~*~

Nasa supermarket kaming dalawa ni Hailey ngayon sa mall. Plano kasi naming mag bake ng cookies kaya namili kami ng ingredients. Matagal na rin kaming dalawa na hindi nakakapagbake at huli siguro noong mga junior high pa kami.

Habang nag gro-grocery kami ay biglang nawala sa tabi ko si Hailey.

Agad ko siyang hinanap at nakita ko siyang kausap ang isang lalaki. Hindi ko makita ang mukha ng lalaki kasi nakatalikod siya mula sa kinatatayuan ko at si Hailey ang nakaharap sa akin. Nakita ako ni Hailey at agad na tumakbo papunta sa akin habang nakangiti.

"Bessy!! What a small world talaga! Hali ka. Siya iyong lalaking nagligtas sayo sa Lourdes noong nahimatay ka."

Mabilis niyang hinatak ang mga kamay ko at lumapit sa lalaki na ikinagulat ko.

Nakayuko ako at mga paa lang ng guy ang nakita ko. Nakakahiya. Hindi ko alam paano magpasalamat at siguradong nakakahiya iyong itsura ko noong nakahiga ako sa sahig sa comfort room.

"Siya pala si Althea. Iyong babaeng niligtas mo. Thank you pala roon."

Siniko-siko ako ni Hailey na tingnan ang lalaki. Napabuntong hininga ako at dahan-dahang tinaas ang mukha ko.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mukha ng lalaking sinasabi ni Hailey na nagligtas sa akin.

"It's been a while, Althea."

"Sh-Shawn..."


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top