EPILOGUE
EPILOGUE
“YOU changed a lot.” I awkwardly scratched my head.
“Siguro? Dugyot kasi noong college, e.” Narinig ko siyang tumawa habang nakasunod sa akin. Naglabas ako ng susi at binuksan ang isang munting pinto. Bumungad sa aming dalawa ni Jenis ang isang maliit na espasyo na tadtad ng napakaraming photo clippings. Pumasok ako at hinayaan siyang magmasid sa bawat litratong nakadikit sa pader. Ang iba’y nakabitin na.
“You still love photography,” komento niyang muli habang pinagmamasdan ang mga larawan.
“Yeah, I find it cool designing them in vintage. Lakas kasi maka-classic and aesthetic tulad ng mga pormahan mo noon,” sagot ko. Napatingin tuloy siya sa akin.
“Nevermind,” bawi ko at tumikhim sabay lakad sa kabilang direksyon. Napangiti ako nang makita ang photos namin nina Kendrah at Josanne noong second year college kami.
“We were so happy before.” I bitterly smiled. Naramdaman ko ang paglapit niyasa pwesto ko at tumitig rin sa mga pictures namin.
“I thought you were friends.” I took a deep sigh.
“I don’t know what happened. They just decided not to talk to me anymore.”
“Where are they now?”
“Kendrah had gone too long here in the Philippines. She has now a business in Japan. I think she will not come back here anymore and of course, she’ll never think of me.” My heart breaks as I compose myself looking at our photos together.
“While Josanne, she’s here in the Philippines but. . . sad to say out f reach na rin. Parang ang hirap na nila maabot emotionally.”
Hinawakan ko ang polaroid. Hinaplos ko lang at nag-iba naman ng direksyon. Sa kabilang side naman ako nagtingin-tingin habang siya abala rin sa pagkilatis ng mga anggulo.
“You still take photography class?” kaswal niyang tanong na parang hindi man lang niya naalalang ako iyong ghinost niya dalawang taon na ang nakararaan. Jenis is Jenis nga naman talaga. He can act like nothing happened. Paano naman akong hindi maka-move on sa kanya?
“Yeah. Naniniwala akong may ibang bagay pa akong hindi nalalaman sa pagte-take ng pictures. Kaya as long as I have this passion, continuous lang dapat ang learning.”
“Buti napapagsabay mo.”
“Of course. Si Cleo ata ‘to,” pagmamayabang ko at ifinlex ang invisible muscle ko sa braso.
“By the way, are you still joining pageant?”
Tumango siya. “You should know it, Cleo.”
I chuckled.
“I bet you have your own photographer now.”
“Mas the best pa rin ang capture and angle ng isang Cleo Entice Road for me,” aniya kaya napalunok-laway ako at napaiwas ng tingin.
Pinagmasdan ko siya. Wala pa ring pagbabago. Mas tumangkad lang siya. Pumuti pa lalo. Ganoon pa rin ang mga tingin at ngiti niya. Ang porma. Ang amoy ng pabango.
Saglit siyang tumigil sa tapat ng isang bakanteng espasyo na nasa pader. Walang nakadikit roon na photographs. Napalingon siya sa akin. Ang naroon lang kasi ay date and month pero walang actual na photo. Ngumiti ako nang magtama ang mga tingin namin. Sa puntong iyon, gusto nang kumawala ng mga luha ko. parang may gusto akong sabihin pero hindi ko masabi. May gusto akong isumbat sa kanya kaso ayokong maiyak Sa sobrang emosyon na nararamdaman. Kaya ang tanging magagawa ko na lamang ay pigilan ang iyak sa pamamagitan ng pagkagat-labi.
“There are missing photos here,” turo niya sa pader.
“You...”
“M-me?” turo naman niya sa sarili.
“I think you are the missing piece.” My voice cracked unexpectedly.
Tinitigan lang niya ako. Wala kaming kibuan. Pero hindi ko babawiin ang sinabi ko. Matapos ang ilang taon, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng lakas ng loob na sabihin ang ganitong bagay sa kanya. At harapan pa.
“Ikaw, bakit ka nang-iwan sa ere?” I bitterly asked.
“I just did the right thing.”
“Was that the right thing for you? You abandoned our friendship just because you can’t reciprocate the love I had for you.”
Wala siyang imik.
“Galit ka sa akin kasi hindi kita nagustuhan, ganoon ba ‘yon Cleo? All the years, you are so upset with me.”
“Hindi ako galit. Bakit ako magagalit sa taong hindi ako magugustuhan? I’m just disappointed because you cut off our connection. Pwede naman tayong maging magkaibigan basta huwag ka lang lumayo.”
“I’m sorry.” Pinigilan kong huwag maiyak dahil sa ginawa niyang pagpaumanhin. Napaiwas ako ng tingin at pagak na ngumiti.
“Anyway, that was two years ago. Hindi ko rin naman gawain na magtanim ng sama ng loob.”
“Sorry kung naging sama ng loob lang ako sa ‘yo.”
I looked him straight in the eye.
“Hindi ka sama ng loob sa akin, Jencee,” giit ko. Nakita kong nagulat siya sa muling pagsasalita ko. Alinlangan siyang napangiti ngunit naroon ang bakas ng pagiging hindi sigurado.
Magsasalita pa sana siya nang may kumatok sa pintuang hindi naman nakasarado. Sumilip roon ang maamong mukha ng isang babae. May mahaba itong buhok, mapupulang labi at may katangkaran. Masasabi kong isa rin itong modela tulad ng lalaking kaharap ko ngayon. Napatingin ako saglit sa kanya bago ko ibalik ang tingin ko kay Jenis.
“Girlfriend mo?” tipid kong tanong at iniiwasang pumiyok sa hindi malamang dahilan. Gusto kong higitin ang hininga ko nang ibalandra niya sa akin ang kanyang palasingsingan.
“Fiancee ko.”
Parang bumagal ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Kusang gumuhit ang ngiti ko sa mga labi at alinlangang napatingin sa babaeng nasa labas pa rin ng pintuan. Tumango ako habang iniiwasang pumatak ang luha.
All these years pala, apektado pa rin ako sa kanya.
“G-Good for you. C-congratulations,” sambit ko at napatikhim. “Best wishes. Kailan pala ang kasal?”
“Actually, pinagpaplanuhan pa lang. Kapag nakaipon na siguro after this year or more pa. Uy, since okay na pala tayo, invited ka, ah?” Hindi ko mapigilang mapatitig sa hitsura niya at maalalang ganito siya kung mang-invite dati pa. Napangiti ako lalo kahit sobrang pighati.
“Cleo, huwag kang mawawala sa special event na iyon. Ikaw ang photographer ko for that day,” anunsyo niya kaya mas lalong kumirot ang puso ko.
Parang kailan lang, sa mga pageant ko lang siya kinukuhanan ng litrato. Hindi ko lubos maisip na pagkatapos ng mahabang panahon, pati pala sa harap ng altar kukuhanan ko siya na may kasamang iba.
“Hoy?”
Nabalik ako sa reyalidad.
“I’m sorry. Yeah, sure, sure. I’ll be your photographer.” Ngumiti siya dahil sa naging sagot ko.
“Thank you. Uhm, paano, una na ako.” Sabay turo niya sa babae.
“Go. Don’t make her wait.”
Pinagmasdan ko siyang lapitan ang babaeng magiging kabiyak na ng buhay niya hanggang sa pagtanda. Parang nag-slow motion ang paligid lalo na nang maghawak-kamay sila at lumakad papalayo. Masaya sila at nagtatawanan.
Kumabog ang dibdib ko. Kasabay noon ang pagkirot. Masakit. Napatitig ako sa pader na tadtad ng mga polaroid. May bakanteng parte roon. Doon ko sana balak ilagay ang amin sa pag-asang pwede pa kami. Baka sana pwede pa this time? Kaso nahuli na pala kami. O hindi talaga kami para sa isa’t isa.
Napasinghot ako at pinahid ang tumtulong luha. Napailing ako habang natatawa at umiiyak. No, I have no right to cry like this. I don’t have right to feel this pain. I don’t need to say pinaubaya ko siya because in the first place, he’s not even mine to be with.
Nakuyom ko ang kamao ko at napapikit habang lumalandas ang tubig mula sa mga mata. Hinayaan kong lamunin ako ng sariling sakit ng damdamin.
Muli kong pinasadahan ng tingin ang buong kwarto na puno ng mga alaala ng college life ko. At wala siya roon. Hindi ko na dapat ilagay. Ibabaon ko na lang siguro sa limot. Pinagtagpo lang kami sa ikalawang pagkakataon para tuluyang tapusin ang hindi ko pa matapos-tapos.
Ipinaubaya ko na ang hindi naman talaga naging akin.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top