CHAPTER SEVEN

CHAPTER SEVEN

WALANG umiimik sa amin. Kapwa lamang kami nakatitig sa maliwanag na buwan sa kalangitan. Rinig ko ang malalim niyang pagbuntong-hininga. Tambay kami rito sa labas ng dorm niya. nakaupo sa may pavement, parehong tahimik at nagpapakiramdaman.

Gusto kong magkwento sa kanya ng nangyari sa akin kanina. Kung paano siya nadawit sa pag-aaway naming tatlo nina Josanne at Kendrah. Pero tama ba iyon na isali ko pa siya?

“Wrong send ka ata?” tanong niya habang itinataas ang tatlong Goya na iniabot ko lamang kanina. Napakunot ang noo ko.

“Ha?” sambit ko na lamang. Hindi ko masyado naintindihan ang sinabi niya dahil malalim ang iniisip ko.

“Next time, gandahan mo ang lines noong chocolate na Hello, ha. Masyado kasing halata.” Tumawa siya. Dahil roon ay nakaramdam ako ng hiya at halos maramdaman ang pag-iinit ng magkabila kong  pisngi. Noong nakaraang araw kasi, Hello chocolate lagi ang inaabot ko sa kanya kasi may mga banat lines sa likod ng balat. Ngunit sa kabila noon, hindi ko mapigilang mapangiti.

“Para sa ‘yo iyan,” mahina kong sabi.

“Sana all.” We awkwardly laughed at each other.





“Pero alam ko talaga that time, napapansin na niya iyong admiration ko sa kanya, e. Like sino ba namang hindi makaka-notice ng masyadong obvious kong actions? Maliban na lang kung manhid siya, direk.”







“Siya nga pala, Cleo. Nood kayo sa campus namin next time. May battle of the bands kasi.” Napailing ako at ngumiti na lamang.

“S-Sorry. May event rin kasi noon sa school. Y-you know, gift-giving. They need my expertise in photography,” tanggi ko. Tumango lamang siya.

“Sayang. Bumili pa naman ako ng dalawang ticket,” nanghihinayang niyang komento sabay labas sa bulsa ng suot niyang jacket ang dalawang ticket. Napatitig ako roon. Gulat ang rumehistro sa mukha ko.

“Sinong isasama mo?”

“Ikaw sana?”

“Luhh, parang tanga.”

Sumilay ang ngisi ko dahil sa sobrang kilig ngunit napawi rin iyon nang maalala ang mga kaibigan ko. Magagalit na naman sila sa akin. Mas lalo silang magtatampo. Nakuyom ko ang kamao ko dahil sa sobrang inis sa sarili.

“Cleo?” I snapped back in reality when Jenis pinched my cheek.

“H-ha?”

“Lutang.”

“Sorry na, pagod lang.” Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya.

“Grabe talaga. Walang paawat ang mga professors namin ngayon. May quiz pa kami bukas na umaga sa Purposive Communication, e,” panimula niya ng panibagong topic huwag lang kaming maging awkward.

“Madali lang iyan.”

“Madali lang naman talaga iyong subject pero iyong mga pinapagawa at pinasasagutan, hindi.”

Natawa ako at sumandal sa pader habang inuunat ang dalawang binti sa pavement.

“Akala nila, madali lang raw ang Communication courses. Hindi nila alam, halos malunod na tayo sa mga pre-requisite activities,” komento ko na sinang-ayunan naman niya.

“True.”

“Bakit ka nga pala nag-Broadcasting?” tanong ko dahil interesado naman talaga akong malaman ang lahat tungkol sa kanya. Nagkibit-balikat siya.

“Parang comfortable na kasi ako sa pinili kong course. Kaya okay na rin. Pero I don’t think I would pursue my degree after I graduate. I just don’t see myself in the field of industry, like that. Parang alam mo iyon, I have no rooms for media industry,” paliwanag niya. Napangiwi ako at gusto ko na siyang batukan dahil sa sinabi niya.

“Baliw. Meron iyan. Ikaw pa ba?”

“Ikaw, meron. Malaki ang chance mo. Dami mong talent, e.” Kung alam n’ya lang, kulang-kulang rin ako.

“Hindi ko rin alam. Kasi pagkatapos nitong pinili kong course, hindi ko rin alam kung saan ako pupulutin. Parang I can see myself in this field but the question is, who will I become in the future after pursuing this? Will I be in my desired path or I’ll be like this forever? Iyong puro raket lang?” naiiling kong depensa.

“Same thoughts here.”

“Madali lang ang Broad?” tanong ko pa. Sandali siyang natahimik habang nag-iisip.

“Minsan oo, minsan hindi. Pero depende pa rin sa subject, s’yempre.”

“Bakit hindi ka nag-Comm Arts?”

“E di sana nasa LU ako ngayon?” Humagalpak ako ng tawa nang maimagine ko iyon. Feeling ko mas bet ko iyon para lagi ko siyang nakikita.

“Ang problema kasi rito sa Pinas, kapag mag-a-apply ka ng work, you need 2-3 years of experience. E, paano naman tayong fresh pa lang, hindi ba?” aniya pa.

“Shit, you nailed it. You are just 20 years old but you need 18 years of experience to be hired.”

“Baliw!” Naghagalpakan na naman kami ng tawa at nag-apir pa.








“Can you describe him in a one-line paragraph for us, Cleo?”

“Okay.” I flipped my hair and ready to answer his question in front of the camera.

“He’s a Broadcasting Communication student and magkaiba kami ng school. Mahilig siya sumali ng pageant at nagkataon ako lagi ang nagiging photographer niya kasi close na nga kami, ganyan. Tho, magkaiba kami ng school. Minsan rival pa. Sa tuwing kasama ko siya, feeling ko ang swerte ko na, e. Kasi sobrang gwapo ba naman, akalain mong papatol iyon sa dugyot na gaya ko.” Tumawa ako nang ubod lakas. Iyong tipong mag-e-echo na sa buong set namin.

“So, in other words, based on your answer, naging kayo nga?”

“Pumatol sa akin bilang kaibigan.” Matamlay na ngiti ang pinakawalan ko saka pinaglaruan ang mga daliri para idivert ang nararamdamang emosyon. Nakarinig ako ng mga bulungan at “ aww” sa paligid na parang sila iyong mas nasaktan.

“And then what happened? Sumama ka ba sa kanya para manood ng Battle of the Bands?”

“Since Josanne and Kendrah were upset at me, I really refused to Jencee that time. But this thing happened that made think he really wanted to be with me during that night. Luhh, sorry assuming lang.”

“Can you describe that event?”













“I thought nasa event ka na?”

“Kasama kita, remember?”

Nakunot ang noo at hindi makapaniwala. Kakasabi ko lang sa kanya kagabi na hindi ako makakasama pero heto siya ngayon at sinusundo ako.

“Teka, sandali. Wala akong sinabi,” giit ko pero hinatak na niya ako palabas ng gate.

“Wait, hindi ako ready.” Kapwa kami napatigil at napatingin sa suot kong white night dress na pinaibabawan lamang ng denim jacket. Bukod roon, wala rin akong sapin sa paa. Napakalamig tuloy ng semento at nanunuot ito sa talampakan ko. Sa halip na pabalikin ako, yumuko siya at tinanggal rin ang suot niyang sapatos. Nagulat ako sa ginawa niya dahil ngayon, pareho na kaming walang sapin sa paa.

“Ako rin. Tara na!” aniya sabay hatak sa akin sa sakayan ng trycicle.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top