CHAPTER NINE

CHAPTER NINE

“IT SEEMS that you are avoiding me,” nakangiti niyang bungad pero alam kong sa kabila ng ngiting iyon, may nais siyang itanong. May ibig siyang sabihin. Napalunok-laway ako.

“C’mon, talk to me. You’re a Communication student, be vocal with your feelings.” Mas lalo lamang ako natameme dahil sa sinabi niya. Bumilis ang tibok ng puso ko. Napaiwas ako ng tingin at napakagat-labi.

“What if I say, I have feelings for you?” direkta kong sabi kaya napatingin siya sa akin nang diretso. Natigilan siya. Maging ako naman ay nagulat rin sa sinabi ko. Saglit atang nagloading sa kanya ang mga pahayag na iyon at mayamaya’y tumawa siya.

“Be specific. What kind of feelings? Hatred? Are you mad at me that’s why you are avoiding me?”

“I’m avoiding you because I don’t want to see myself falling in love with you!” Napalakas ata ang pagkakasabi ako at tuluyan na siyang natigalgal.

“Kasalanan mo ‘to!” Tinulak-tulak ko siya. “Bakit kasi ang puro mo! Bakit ang inosente mo sa lahat ng bagay? Bakit sobra kang masiyahin? Bakit lagi mo akong pinapasaya?”
“Cleo, ganoon naman talaga ako sa lahat. Pero never kong inexpect na may makaka-misintepret ng mga actions ko. Sa dinami-dami, bakit ikaw pa?”

Walang luhang tumutulo pero nanginginig ako dahil sa sobrang emosyon. Napatungo siya at hindi na makatingin sa akin.

“Those chocolates that you used to give me, you gave them to me on purpose, right?” mahina niyang tanong kaya hindi ako nakasagot.

“I... I honestly like you.” Kalmado na ang boses ko. Iniangat niya ang tingin at saka seryoso akong tinitigan.











“What was his response after you confessed?”

Doon na nagsimulang mahirapan akong maghanap ng sasabihin. Naging malikot ang aking mga mata iniiwasang makipagtitigan sa camera.

“He ended our friendship.” Napakagat-labi ako. Nakarinig na naman ako ng mga komento ng panghihinayang sa bandang gilid pero hindi na ako nag-abala pang lingunin sila.

“I just lost another friend because of the stupid feeling, right?” I jokingly said.

“The day after I confessed, he messaged me in Skype telling apologies, much more of an unrequited feelings for me. Inamin niyang hindi pa siya ready magkaroon ng girlfriend kasi nga may hinihintay pala siyang “maging girlfriend in the future.” And s’yempre, hindi ako iyon. Sino ba naman ako?”

“I cried so hard. I learned how to hate their university more than I hate their guard.  Charrr, but honestly, simula noon nawalan na kami ng communication kahit magkalapit lang naman ang university namin.”

“Noong nagkaroon nga ng Sports Fest sa university nila at balak naming isama ang event na iyon sa article namin for outside the campus news, hindi na ako nag-volunteer na mag-document. Never na talaga tumungtong pang muli sa campus nila, as in. Hindi sa pagiging bitter kasi hindi naman naging kami. Nahihiya lang talaga ako sa kanya.”

“Nahihiya ako in all aspect. For calling him love the day of his pageant. For ruining his pageant that day, of course. For making his life difficult in all aspects because of my careless actions. Sobrang naging insensitive ko. Alam ko namang kaibigan lang ang turing sa akin, gusto ko pang more than that.” I quoted as I explain my side though it really hurts remembering everything.

“Sabi pa niya sa akin, ‘you are not my ideal girl but you are a sister to me.’ Like direk, pighati talaga!” Idinaan ko na lamang sa tawa ang pagsasalaysay ko.
“I just remember how he asked me to attend the battle of the band with him, how he looked at me, how he held my hand, how we dance in the rain, tapos ganoon na lang matatapos ang lahat. Direk, mababaw pero. . . para sa akin sobrang lalim na non. Minsan lang kasi ako magkaroon ng masasabi kong super close company sa ibang school at muntikan ko pa ngang mahalin.”

“And when you graduate, nagkaroon ba ng chance na makapag-usap pa kayo?”

Napailing ako habang inaalala ang sinabi niya sa akin dati.

“Kahit magkaroon na tayo ng iba-ibang trabaho at buhay, sana friends pa rin tayo.”

“Wala na. I went here in Manila after I graduate and process my papers, apply in GMA and got hired.”

“Ini-stalk mo pa?”

“No, not anymore,” I answered right away.

“Iyong totoo?”

“Issue ka, direk.” Nakarinig ako ng hagalpakan.

“We are not friends anymore in any social media platforms. I don’t even know if pursue his degree in Broacasting Communication. Kasi ako, mukhang na-pursue ko naman ang akin.”

“What if nanonood siya ngayon?”

Nanlaki ang mga mata kong napatitig sa camera.

“You’re kidding me, right?”

“If ever lang naman, Cleo. May gusto ka bang sabihin sa kanya?”

“Direk, two years na iyon. Grabe ka naman ibalik ang nakaraan. Akala ko ba purong interview lang ‘to?” pagbibiro ko. “Pero sige, if may gusto lang naman akong sabihin sa kanya, iyon ay. . .”

“I missed our crazy bondings. I missed the good old days. Your childishness. Ang pamimilit mo. I missed those times when I am willing to take you  photos because of your OOTD.” I paused for a while.

“And of course, I missed the bubbly Jenis I used to know.”


“Just want to remind you that I will always be your greatest fan in every pageant you’ll join in. Hindi man ako ang photographer, nasa crowd pa rin ako at magchecheer. If ever lang na you want reconciliation.”

“’Yon lang, direk. Sorry na. Hindi kasi ako talaga sanay sa ganitong segment na may pa-message message pa pala sa tao.”

Naintindihan na naman niya ata ang ibig kong sabihin kaya napatango siya.

“Cut!”

“Good job, Cleo. Good job, guys!”

Sa mismong pagpatay ng camera ay ang paglingon ko sa gilid at nanlaki na agad ang aking mga mata nang makilala kung sino ang nakamasid sa akin kanina pa. Umawang ang bibig ko at hindi makakilos.

Anong ginagawa niya rito? Kanina pa ba siya rito?

“We forgot to tell you, isa nga pala siyang freelance model rito. A good way of reconnection, right?” basag ni direk sa katahimikan kaya napalingon ako sa kanya.

Sa isang iglap, hindi na ako makakilos at makapagsalita. Kusa na lamang bumilis ang tibok ng puso ko. Bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman. Bagay na matagal ko nang ibinaon sa limot.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top