Chapter 5

Missing Bodies
Written by: XenontheReaper
- - -

5:23 P.M.

Lahat sila'y alalang-alala sa sinapit ko. Nakakailang at nakakahiya nga lang dahil sa para bang sinira ko ang kasiyahan nila nang matuon lahat ng atensyon sa 'kin.

Si Kezel ang nag-apply sa 'king sugat sa braso ng first aid. Ang iba'y pinapaulanan ako ng tanong at mayroon ding nagre-review ng footage kanina.

Sakop sa 'king paningin ang monitor ng laptop kung saan nila pinapanood ang footage kanina. Natuon lamang ang atensyon ko roon at 'di ko na nagawa pang sagutin 'yong ibang panay sa pagtanong sa 'kin.

Mula sa kinauupuan ko'y kitang-kita ko ang sarili sa monitor na nakasandal sa puno, buti na lang at hindi halata na umiiyak ako kanina. Ilang saglit pa, mula sa kinauupuan ko ay bigla na lang akong napatayo't balisang napatutok ng baril kung saan-saan, matapang at para bang hindi natatakot na mamamatay. At gaya ng inaasahan, bigla na lang akong nasugatan sa braso makaraan ang ilang segundo.

Nasundan naman ito ng labis na pagwawala ko. Malinaw na malinaw 'yong kung anong ilaw na lumalabas sa baril sa tuwing pinapaputok ko ito kung saan-saan.

Fvck!

Napaiwas naman agad ako ng tingin, nahihiya ako sa 'king sarili dahil sa parang nawawala na ako sa tamang pag-iisip. Hindi ako 'yong babaeng 'yon.

Hindi ko na tinapos pa ang footage at agad na tumayo't nagpaalam sa kanila. Eksaktong natapos na rin ang paggagamot ng sugat ko kaya may rason na akong lumabas.

"Eurie, saan ka pupunta?"

"Magpapahinga lang muna." Sagot ko at tuluyang nilisan ang main tent.

- - -

Nagising ako na nasa loob pa rin ng sariling tent, gabi na rin at parang mahaba-haba talaga ang naitulog ko. At ang 'di ko naman inaasahan ay ang presensya ni Wreen sa bungad ng tent ko.

"Buti na lang at nagising ka na, kumusta na pakiramdam mo?" Nag-aalala niyang tanong sa 'kin.

May problema ba 'tong lalakeng 'to?

Sa totoo lang ay wala talaga akong ganang magsalita kapag kakagising ko lang, ngunit ayoko namang maging bastos kaya sinagot ko na lang ito.

"Okay lang ako. Mahapdi lang talaga 'yong sugat ko sa balikat." Bumangon na ako at napaunat dahil sa pagod. Pasikreto naman akong napangiwi nang makaramdam ng sakit sa balikat matapos itong maunat.

"Nasaan sila?" Tanong ko.

"Nasa loob sila ng main tent," akma na sana akong lalabas nang pigilan niya ako, "at dito ka lang daw at magpahinga muna."

"Ayoko." Tutol ko, "hindi naman ako baldado para 'di tumulong sa kanila. Tsaka, daplis lang 'tong nakuha ko. Hindi naman 'to nakakamatay pa." Mataray kong sagot at iniiwasan siyang matignan sa mata.

Kilala ako ni Wreen at hindi niya ako mapipilit, hindi ako nagpapaawat kung kaya't hinayaan niya na lang akong lumabas ng tent.

Pagpasok ko sa loob ay nagulat ako nang makitang bumubuo na sila ng missing board. Tadtad na ito ng newspaper clippings at ilang larawan, idagdag mo pa ang ilang yarn na pula bilang tagakonekta ng bagay o datos.

Magulo kung titignan ngunit napakaganda para sa 'min.

"Eurie? Ba't nandirito ka? Kumusta na pakiramdam mo?" Nag-aalalang tanong ni Charice nang mapansin nila ang presenya ko.

Si Wreen nama'y tahimik na humalo sa grupo't tumulong na lang din samantalang ako'y naiwan malapit sa bungad at manghang-mangha sa ginagawa nila.

"Okay na ako." Sagot ko't nginitian sila para sabihing wala nang problema.

Dinaluhan ko ang missing board namin. Wala itong ibang pinapahayag kung hindi ang relasyon, koneksyon at ilang datos patungkol sa kaso. Mistulang naging summary na ito't 'di na kami mahihirapan pa kung sakaling bubuo na kami ng konklusyon.

Abalang-abala pa rin silang lahat sa pagdidikit. At dahil sa wala naman akong ideya kung saang banda na sila ay tumabi na lang muna ako't itinuon ang pansin sa pagmomonitor ng surveillance camera.

Mas mabuting dito na lang muna ako para naman nay pakinabang ako sa grupo.

Sa pagmo-monitor ko'y bigla namang nagbalik 'yong nangyari kanina, kusang binalot ako ng takot sa 'king pagbabalik-tanaw. Sa loob kasi ng ilang taong pagseserbisyo sa grupo ay ngayon lang 'to nangyari na nalagay ang buhay ko sa panganib. Maswerte nga lang at 'di ako namatay kaagad.

Ngayon ko lang napagtanto na ang nangyari kanina'y napakadelikado't buhay ko na pala ang naitaya. Napakaswerte ko talaga at hindi sa dibdib ko bumaon ang kutsilyo.

May ilang parte ng video kanina ang 'di ko napanood kaya napagpasiyahan kong i-review na lang ang footage. Masusi kong inobserbahan ang footage at baka may makuha akong impormasyon. Hininaan ko ang speed nito't umaasang may nahagip ang camera na malaking bagay para sa kaso.

At nakakapangilabot na meron nga. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako na may nakuhang bagay, o matatakot dahil dito.

"Lucas?"

"Ano 'yon?" Tanong niya sa 'kin at saglit na iniwan ang abalang grupo para daluhan ako.

"Tungkol sa footage kanina," binalikan ko 'yong parte ng video at itinigil ito, "itong kutsilyo na hinagis sa 'kin na naiwan kanina ay nandoon pa rin sa area hanggang ngayon." Turo ko sa kutsilyo na nasa ilalim ng puno.

Tinignan din namin ang current footage at nandoon pa nga ang kutsilyo, hindi talaga ito kinuha no'ng salarin. Dahil dito'y nakuha ang atensyon ng iba't napatingin at napalapit sa 'min.

"Maaaring magamit natin ang kutsilyo para sa fingerprints ng salarin." Suhestiyon ko't isa-isa silang tinignan.

Tahimik na napatango si Lucas, sumasang-ayon sa plano ko. Pati na rin ang iba na kaniya-kaniyang naglahad ng kuro-kuro na pawang sumasang-ayon sa 'kin.

"Tara, puntahan natin."

Pansamantalang itinigil ang pagsasa-ayos ng board at naghanda ang lahat. Hindi ako nagpahuli't kumuha ng baril at pinuno ito ng bala, ayokong magpadaig sa oras na 'to.

Hangga't makakaya'y itutumba ko siya kung sakaling aatakehin niya kami.

- - -

Sabay kaming lahat umalis at nagtungo sa huli kong pinuntahan na lugar sa pangunguna nina Sir Roy at Ma'am Ria. Maliban nga lang kay Jimmy na nag-volunteer na maiiwan para magmonitor sa surveillance camera.

Tahimik lang kami habang binabaybay ang napakadilim at napakasukal na gubat. Wala kaming ibang tanglaw kung hindi ang aming maliliit na flashlight na hawak ng bawat isa. Maingat ang lahat at alerto sa mga pangyayari sa paligid.

"Dito na 'yon." Sabi ko sa kanila't napayakap sa sariling katawan dulot ng lamig.

Geez! Sana nagsuot ako ng jacket!
"Guys nandito!" Rinig kong bulalas ni Charice.

Lahat kami'y napalapit sa kaniya't tuwang-tuwa nang makita ang kutsilyo sa paanan niya. Nagsuot agad si Lucas ng gloves at pinulot ang kutsilyo sabay silid nito sa resealable bag.

Dahil sa hawak na namin ito ay siguradong magkakaroon na kami ng lead sa kung sino mang halimaw ang nasa likod nito.

"Pakihawak nga nito Charice." Inabot ni Lucas ang bag kay Charice at magiliw naman itong tinanggap ng babae.

Gaya kanina'y tahimik pa rin kaming naglalakad pabalik sa camp, siguro'y pagod na pagod na sila't inaantok dahil sa buong araw silang kumilos. Samantalang ako'y nakatulog kanina't walang naitulong.

Nakokonsensya tuloy ako sapagkat wala na akong naitulong, puro pahinga lang ako at naging pabigat pa. Baka ito lang ang dahilan ba't ako matatanggalan ng trabaho.

Sa kalagitnaan ng paglalakad namin pabalik ay naisipan kong tignan 'yong kutsilyo. Dahil sa ako ang nangunguna sa paglalakad ay napatigil ako.

"Charice patingin nga ng kutsilyo." Sabi ko't palinga-lingang napatingin para hanapin siya, ngunit wala akong nahagilap ni anino niya.

"Teka, nasaan si Charice?!"

X E N O N ' S  N O T E

Hey guys! You can check my page on Facebook! XenontheReaper, nandoon lahat ng updates, news, upcoming plans about my stories! Thanks you! Mahal kayo ni Ariela!

- - -

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top