Chapter 2
Missing Bodies
Written by: XenontheReaper
- - -
"Section A, group 3 ng Jedesvia City High."
Ang sunod na ipinakita'y isang class picture. Sa tantiya ko'y lagpas bente ang estudyante sa section nila at halos lahat ay may takip sa mukha maliban lamang sa lima.
"Ang limang estudyanteng 'yan ay nagkaroon ng shooting ng pelikula nila rito sa gubat no'ng October 17, 2013. At gaya ni Melchor ay hindi na sila nakabalik pa." Salaysay ni Lucas.
Inisa-isa namin ang bawat estudyanteng nabibilang sa grupong nawawala at halos lahat sila'y mula sa pamilyang mayayaman ng Jedesvia.
"Jeannie at Marvin Cruz," isang wedding picture. Base sa kuha nito'y nitong nakaraang buwan lang sila ikinasal, "nag-camping daw sila sa tabing-ilog no'ng nakaraang lunes, October 28, 2013 para sa kanilang honeymoon ngunit nang matapos ang ilang araw ay hindi na sila nakauwi. Pinahanap sila ng kanilang kaniya-kaniyang magulang at sinuyod ang kagubatan. Wala silang natagpuang katawan at tanging tent na lang ang natira."
Hindi ko alam na ganito na pala kalala ang tungkol sa mga nawawalang tao sa siyudad. Masyado akong nagluksa't nakalimutan at napabayaan ko na ang tungkulin ko sa bayang ito.
"At ang panghuli, kahapon lamang ay nawawala ang dalawang pulis na nagroronda sa siyudad; Officer Carl Montes at Officer Victorio Trinidad. Ayon kay Chief ay humingi raw sila ng back up dahil sa may hinahabol itong kriminal. Pero nang makarating ang back-up ay itong patrol car na lang nila ang naiwan mag-isa sa tabi ng gubat."
Halos hindi ako makapaniwala na umabot pa talaga sa sampu ang mga biktima magmula nitong nakaraang buwan.
"Sila ang mga biktimang hanggang ngayo'y nawawala pa rin. Kidnapping ang tinitignang anggulo ng mga pulis pero para sa akin ay iba ito," saglit na uminom ng tubig si Lucas at nagpatuloy, "imposible ring mabangis ito na hayop dahil sa wala namang traces ng dugo at laman ng tao sa gubat. Nasuyod na raw nila't malinis ito."
"Serial killer," wala sa sarili kong sabi't opinyon tungkol sa pagkawala ng ilang tao. Sa panahong ganito, malabong 'di tayo magkakaroon ng ganiyang kriminal, "serial killer na magaling maglinis ng krimen."
"Good idea Eurie." Puri ni Lucas sa 'kin.
"Maaaring serial killer 'tong hinahabol natin." Pahayag niya.
Nagsitanguan lang ang kasamahan ko't nanatiling tahimik. Parang sumasang-ayon din sila sa kuro-kuro ko.
"Okay since unang araw pa naman natin 'to, mas mabuting maaga tayong magpapahinga dahil alam kong napagod talaga kayo. Bukas na lang natin ito ipagpapatuloy. Matapos ang ilang minutong talakayan ay sa wakas tinapos na rin ni Lucas ang meeting.
Dahil sa maaga nga kaming natapos ay binigyan na lang kami ng sari-saring tasks ni Lucas para bukas. Hinati kaming sampung miyembro sa apat; unang grupo ay sina Lucas, Marcus at Charice. Sila'y naatasan sa section na may limang estudyante na nawawala.
Pangalawa ay sina Ivan, Jimmy, at Emily ay nasa mag-asawang Cruz. Pangatlo ay sina Kezel at Bella para sa dalawang pulis. At kung minamalas nga nama'y kaming dalawa ni Wreen ang naatasan kay Melchor.
"Bukas na bukas, kakalap tayo ng impormasyon mula sa kanila. Sa ngayon ay magpahinga muna tayo."
Nagsitayuan ang lahat at napaunat. Samantalang ako nama'y dali-daling niligpit lahat ng mga papel sa mesa pati na rin ang sariling laptop. Gaya nila'y pagod na pagod na ako ngunit hindi naman ako inaantok, nakatulog naman kasi ako kanina't walang tinulong sa kanila para isaayos ang camp.
"Okay. Boys maiwan muna kayo, at girls pwede na kayong magpahinga." Narinig kong sabi ni Lucas nang lisanin namin ang tent.
Lahat ng tents nami'y nakalatag sa harap ng main tent. Nakahilera ang lahat ng tent ng babae at kaharap nito'y tent naman ng lalake.
Tuwang-tuwa naman ako nang malamang ligtas kaming makakapaggpahinga sapagkat napapalibutan ang buong campsite namin ng barbed wires na ayon pa kay Chaice ay electrically charged para 'di kami mapasok ninuman.
Naghiwa-hiwalay na kami't pumasok na sa kaniya-kaniyang tent. Dahil nga sa buong maghapon silang nagtrabaho ay narinig ko kaagad ang mga mumunting hilik nila makalipas ang ilang minuto. Samantalang gising na gising naman ang diwa ko.
Gusto kong pagurin ang sarili para dalawin na ako ng antok, kaya napagpasiyahan kong magsimulang magbasa sa ilang impormasyong nakalap ng mga pulis. Ire-review ko na lang ito at baka may mapuna akong detalye.
Ngunit, sa ilang minutong pagbabasa ko'y wala ni isang detalye ang pumasok sa 'king isipan. Para lang ako nagbabasa at wala namang naiintindihan.
"Eurie ba't gising ka pa?" Mula sa labas ng tent ko'y sumilip si Marcus.
Muntik na sana akong mapasigaw dala ng gulat na hatid ni Marcus, buti na lang at nagawa kong pigilan ang sarili. Kung hindi'y siguradong magigising ang mahimbing na natutulog kong kasama.
"Nakatulog ako kanina kaya 'eto 'di na makatulog." Sagot ko at iniligpit na lang ang nagkalat na dokumento sa 'king higaan.
"Ikaw? Ba't gising ka pa Marcus?" Tanong ko naman sa kaniya.
"Naka-assign akong magbabantay ngayon kasama sina Ivan at Jimmy."
"Pwede ba akong tumulong? Hindi naman ako inaantok."
Batid kong nagdadalawang-isip siya't nag-iisip. Pero kilala ko si Marcus, hindi niya ako matitiis.
"Sige na nga," Sabi niya na para bang natalo sa usapan, "pasalamat ka mahal ko kapatid mo."
"Yes." Mahina kong sambit at sabik na sabik na lumabas. "May plus points ka kay ate." At inakbayan niya ako papasok sa main tent.
"Mag-monitor ka sa CCTV Eurie." Utos niya sa 'kin na ikinatuwa ko talaga.
- - -
6:12 A.M.
Paggising ko'y agad kaming ipinatawag sa loob ng main tent. Hindi na ako nag-abala pang magsipilyo o maghilamos man lang. Ayaw na ayaw kasi ni Lucas na may nahuhuli o natatagalan kapag kay meeting kami, lalo na 'pag umaga dahil kakagising pa lang niya.
Medyo nahihilo rin ako't inaantok. Ala una naman kasi kami natapos shift namin kagabi kaya konti lang ang tulog ko.
"Wala pa rin ba sina Sir Roy at Ma'am Ria?" Tanong sa 'kin ni Kezel sa gitna ng aming diskusyon sa loob ng main tent.
"Wala pa, ewan ko lang kung bakit napakatagal nila. Nagtataka tuloy ako kung ano ang kinuha nila." Sagot ko sa kaniya't saglit siyang binalingan ng tingin.
"Ganito ang gagawin natin ngayon," sabi ni Lucas, "maghukay kayo ng impormasyon patungkol sa kung sinong biktima kayo naka-assign.Maaari kasing isa sa kanila ang nasa likod nito at maaring wala rin, kaya hangga't makakaya ay lawakan n'yo ang pangangalap." Payo niya.
Wala ng iba pang inanunsyo ang aming presedente at agad kaming pinakawalan para sa 'ming agahan. Huling paalala niya ay ang allotted time para sa 'ming pananaliksik at ang report na ipapasa sa kaniya.
Sana nama'y magiging maayos 'to kasama si Wreen.
...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top