Kabanata Pito [2]

SA ALOK NI CLIFFORD na pinaghuhugutan ni Eurie ng lakas ay natagpuan na lang niya ang sarili na muling binabaybay ang lagusang na nagkulay kahel dahil sa mga apoy ng sulo, ang lagusan na kung saan siya unang nagising. Ilang saglit pa ang lumipas sa kanilang paglalakad ay muli siyang nakabalik sa bahaging kinalalagyan ni Wreen, nakuha naman kaagad nila ang atensyon ng lalakeng nalulumbay na nakasandal sa batong pader kung kaya't agad itong napatayo at nag-aalalang napatingin kay Eurie.

"Eurie ayos ka lang ba?! Anong ginawa niya sa 'yo?!"

"Huwag kang mag-alala Wreen dahil wala akong ginawang masama sa kaniya, ang totoo pa nga ay siya itong may ginawa sa 'kin." Sabi ni Clifford at itinuro ang kaniyang gasgas sa noo, "Hinding-hindi ko sasaktan ang prinsesa mo." Natatawang dagdag pa nito.

Parang tuta naman na sumusunod si Eurie sa utos at gabay ng lalake nang marating nila ang kinalalagyan ni Wreen, pinuwesto siya nito sa tapat ng dating nobyo at doon lang niya napansin na may nakabiting kinakalawang na kadena pala sa kabilang bahagi. Hindi siya nanglaban pa nang ikabit nito ang dulo ng kadena sa kaniyang suot-suot na metal sa leeg at saka mahigpit na pinagdugtong ng padlock, tulala niyang inobserbahan ang ibinulsang susi ng lalake hanggang sa harapin siya nito at sandaling binalingan ng tingin si Wreen.

"Kayong dalawa ang natitira mula sa inyong grupo dahil napansin ko ang koneksyong mayroon kayo, isang makapal na koneksyong hindi ko napapansin sa iba n'yong kasamahan—."

"Puwede mo bang sabihin kung ano nga ba talaga ang alok mo, huwag ka nang magpaligoy-ligoy pa. Nakakasuka ka Clifford." Asik niya rito.

"Okay, pasensya na. Ganito, kung gusto n'yong makauwi. Kailangan n'yong bigyan ang bayan na 'to ng isang sanggol."

"Ano?!" hindi makapaniwalang tanong ni Wreen na saglit na binalingan si Eurie na nagimbal din sa pinahayag ng lalake.

"Hindi n'yo na poproblemahin pa ang pagkain at vitamins o kung anong kakailanganin n'yo. Siyam na buwan lang at makakabalik na ulit kayo sa dati n'yong buhay." Saad nito at agad na tinalikuran silang dalawa.

"Anong kalokohan 'to?! Clifford! Clifford pakawalan mo kami!" sigaw ni Eurie na walang-tigil sa pagwawala, "Tangina mo! Clifford!"

Pero kahit anong gawin nila ay binalewala pa rin sila ng lalake, ilang saglit pa ay nawala rin ito sa kanilang paningin at ang tanging natira na lang sa lagusan ay ang dalawang binatilyong hindi makapaniwala sa kanilang narinig. Natulala na lang si Eurie at nanlalantang napaluhod, saka muling nanubig ang kaniyang mga mata sa labis na dismaya. Lumukob ang panlulumo sa kaniyang pakiramdam nang sayangin niya ang tsansa kanina na tumakas, ang tsansa niyang makahanap ng daan palabas; nagsisisi siya sa desisyong pagkatiwalaan ito sa kabila ng kahayupang ginawa nito sa kaniyang mga kaibigan. Kung sana ay nagpatuloy siya sa pagtakbo at paghahanap ng lagusan ay malaki sana ang pagkakataon niya na iligtas ang sariling buhay.

"Eu-Eurie..."

"Ano?!"

"Gusto ko lang sabihin na—."

"Hindi Wreen! Hinding-hindi ako papayag! Wala akong balak na bigyan siya ng sanggol dahil nahihibang lang ang gagawa no'n!"

"Eurie...kailangan natin siyang sundin—"

"Wreen tama na please?! Sa tingin mo ba na dahil tayo na lang ang natitirang buhay ay ayos na tayo? Hindi! Kahit na minahal na kita noon, pero ang desisyon ko mula noon hanggang ngayon ay ibibigay ko lamang ang pagkababe ko sa taong mahal ko at mahal din ako."

"Wala ng ibang paraan pa Eurie! Mamatay tayong dalawa rito kung hindi natin siya susundin! Gugutumin ka niya rin gaya ng ginawa niya sa 'kin—."

"Hindi Wreen! Hindi! Naiintindihan mo ba?! May iba pang paraan! Hahanap ako ng paraan!"

Sa pagwawala ni Eurie ay natahimik na lang si Wreen at piniling mapayuko na lang, alam niyang mali ngang sundin ang inuutos ng lalakeng tinatawag ni Eurie na Clifford pero ito lang ang naiisip niyang susi sa kanilang kalayaan. Sa gutom at pagod na dinanas niya rito sa loob ng kuweba ay gagawin niya talaga ang lahat para sa ikabubuti nila, pero sadyang nakagawa na siya ng hadlang upang makamit ito. Kung sana alam niyang aabot sila sa ganito kahigpit na sitwasyon ay sana napigilan niya ang sarili na magpadala sa tukso noon, kung sana ay naging matapang lang siya ay matagal na sana niyang naayos ang gusot sa kanilang relasyon. Ngunit hanggang 'sana' na lang siya, hanggang isipan na lang ang mga bagay na nararapat niyang gawin sana noon pa.

Malalim siyang napabuntong-hininga at napakagat-labi na lang nang maramdaman ang paghilab ng sariling sikmura, dalawang araw na walang kinakain at napakahapdi na nito; sa panunuyo rin ng kaniyang lalamunan ay napatikhim na lang siya at dinama ang gaspang nitong walang katulad. Pabagsak siyang sumandal sa bato at napapikit sa kagustuhang itulog na lang ang lahat, pero sadyang gising na gising ang diwa niya, kahit napuno ng kadiliman at kaniyang paningin ay napakaraming boses naman ang umuugong sa kaniyang isipan, lalo na ang gutom niya at uhaw na hindi niya magawang solusyonan. Ginagambala rin ang kaniyang tainga ng mga iyak ng babaeng walang-tigil sa paghagulhol, kahit anong pilit niya sa sarili ay hindi niya talaga kayang isantabi ang kaniyang paghihirap na nadarama.

Hanggang sa napadilat na lang siya at marahas na napasabunot sa sariling buhok, sa 'di maipaliwanag na nadarama mula sa kaniyang kaloob-looban, matinding gutom, at pagod ay nanginginig niyang sinunggaban ang babaeng humahagulhol sa kinauupuan nito. Kasabay ng malakas na sigaw nito ay agad niyang itinulak sa tabi si Eurie at dali-daling dumagan sa ibabaw nito, gamit ang kamay niyang nanghihina at nanginginig ay mahigpit niyang hinawakan ang mga kamay nito at ipinako sa lupa. Walang-tigil ang pagsigaw at pagpupumiglas ng babae na paulit-ulit siyang minumura at nilalabanan, pero dahil sa kaniyang desperasyon at kagustuhang mabuhay ay nilabanan niya rin ito hangga't sa makakaya niya.

"Eurie huwag kang manlaban! Para sa ikabubuti natin 'to!" bulong niya sa babae nang pilit niyang hinahalik-halikan ang leeg nito.

"Hayop ka! Wreen! Huwag—Wreen!" sigaw ng babae na pilit na nanglalaban.

Sa inis ni Wreen ay buong-lakas niyang hinampas ang sariling noo sa mukha ng babae kahit na parang yumanig ang kaniyang buong katawan sa lakas nito, malakas namang napaungol si Eurie at hilong-hilo na bumulagta sa lupa na hirap na sa pagdilat ng sariling mga mata. Ngunit hindi pa rin siya nakuntento rito, sa pag-aalala na baka manlalaban pa ito ay paulit-ulit niyang inuuntog ang ulo ng babae sa lupa hanggang sa hindi na ito nanlaban pa at nanlalantang humandusay na lang. Nang matiyak niyang wala na itong lakas pa ay agad siyang tumayo at hinila ang babae papalapit sa kaniyang kinalalagyang bahagi ng lagusan sapagkat nasasakal siya sa kadenang nakakonekta sa metal na nasa leeg niya. At sa pagkakataong mayroon siya ay nanginginig niyang kinalas ang sariling sinturon at mabilis na hinubad pababa ang kaniyang pantalon kalakip na ang panloob; agad niya ring kinalas at binuksan ang zipper ng pantalon ng walang-malay na babae at buong-lakas na hinila ito pahubad.

Nang sumilay sa kaniyang paningin ang ganda ni Eurie at ang panloob nitong kulay pula ay agad na uminit ang pakiramdam ni Wreen, kung kaya't walang pagdadalawang-isip niya itong sinakyan at hinawi ang natitirang saplot ng babae. Ngunit sa 'di inaasahang pagkakataon, bago pa man niya nasimulan ang masamang binabalak ay biglang dumilat si Eurie, sa bilis ng pangyayari ay nagulat na lang siya nang agad itong bumangon at diretso siyang sinapak sa mukha. Sa lakas nito ay hilong-hilo siyang naapatras habang sapo-sapo ang kanang mata na kumikirot at dumadaing sa sakit, at sa tindi ng galit ng babae ay walang pag-aalinlangan pa nitong sinipa siya sa mukha bagay na naging dahilan sa pagkakabagok ng kaniyang ulo sa batong pader.

"Tangina mo! Wala kang pinagkaiba kay Clifford, Wreen! Hindi kita mapapatawad!" iyak ni Eurie habang mabilis na sinusuot ng maayos ang kaniyang pantalon. "Tangina mo! Ang baboy mo!" asik nito at buong-lakas na tinadyakan ang pag-aari ng lalake.


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top