Kabanata Anim [1]

"MAYOR? MAY BINATA po rito sa presinto na nagsasabing kayo raw po ang nagpapasok sa kanila sa gubat." Wika ng pulis sa panauhing nasa kabilang linya nang sagutin nito ang tawag niya makalipas ang dalawampung minuto.

"Isa siya sa mga kandidato Baltimore, huwag mo siyang pakinggan o pakawalan man lang." narinig niyang utos nito nang sandali nyaing binalingan ng tingin ang binatang nakadungaw sa rehas at nakatingin sa kaniya.

"Ang iba po niyang kasama Mayor, puwede ba naming hanapin ito?"

"Sagrado ang gubat, walang sinuman ang puwedeng pumasok dahil diyan nakatago ang yaman ng Sta. Maria." Ani nito, "Alam n'yo 'yan 'di ba?"

"O-Oo, opo Mayor."

"Siya na ang bahala sa iba pa niyang kasama. Pero patayin n'yo agad 'yang si Lucas dahil malaking banta 'yan sa 'ting seguridad, lalo pa't sa susunod na linggo na ang pagdiriwang ng bayan. Kailangan niyang mahanda bago ang selebrasyon."

"Masusunod po mayor."

"Siguruhin n'yong walang nakaalam sa presensya niyan, ayokong masama sa balita ang lungsod natin. 'Tsaka ayusin n'yo ang pagliligpit, siguruhing walang bakas ng presensya nito ang matitira."

"Sige po mayor."

"Iwan n'yo lang diyan sa selda, kukunin lang niya 'yan mamaya."

Nang maputol ang linya ng komunikasyong tawag ay muling nabaling ang tingin ng mga pulis sa kaniyang gawi at nag-aabang ng sagot, pati na rin ang binatang hindi mapakali sa loob ng sariling selda. Malalim siyang napabuntong-hininga at saglit na kinamot bigote niyang nangangati, saka tinanguan ang kaniyang mga kasama bilang senyales ng kanilang plano. Wala na silang inaksaya pang sandali at agad na nagsikilos, kinuha nila ang kaniya-kaniyang batuta at saka tinungo ang kinalalagyang selda ng sinasabing terorista. Sa kabilang dako naman ay parang mababaliw na si Lucas nang makita ang 'di mabilang na mga pulis na harap ng kaniyang selda at kasalukuyang binubuksan ang lock ng rehas, dali-dali naman siyang sumiksik sa sulok sa kagustuhang lumayo rito, pero kahit anong gawin niya ay mas lalo siyang napapalapit sa panganib.

"A-Anong binabalak n'yo?" nangangamba niyang tanong, "H-Huwag, pakiusap huwag n'yo 'kong saktan!"

"Isa siyang terorista at balak nitong guluhin ang Sta. Maria."

Hanggang sa biglang bumukas ang selda at diretsong binaha ang masikip na silid ng mga naglalakihang pulis na dinumog kaagad si Lucas, kasabay ng pag-alingawngaw ng pagmamakaawa ng lalake ay nanaig din sa loob ng palapag ang tunog ng laman at buto nitong nadudurog sa walang humpay na paghampas ng mga pulis na sali-salitang binabagsakan ang kalaban ng lungsod. Lahat ay tuwang-tuwa, bawat bagsak ng matigas na batuta sa katawan ng binatilyo ay isang malaking karangalan para sa kanila, samantalang hindi naman kaagad ito kinayanan ng binata at diretsong nawalan ng ulirat, wala na siyang kamalay-malay pa sa pambubugbog na ginawa sa kaniyang katawan na hindi magtatagal ay maghahatid sa kaniya sa kamatayan.

***

HINDI NA HALOS MAKAHINGA ng maayos si Eurie nang takbuhin niya ang kailaliman ng kakahuyan, napakalaki na ng kaniyang bawat hakbang at nagmumukha na siyang tumatalon; napakatulin ng kaniyang takbo dahil sa adrenaline rush niya na nag-uumapaw, matalas na rin ang kaniyang paningin at sunod-sunod niyang tinatalon at mga nakaharang na mga nakausling ugat ng naglalakihang kahoy. Hirap man sa paghinga at nakakaramdam na siya ng kirot sa tagiliran ay hindi pa rin siya tumigil at humahangos na sinuot ang kagubatan, maya't maya naman siyang napapalingon upang sipatin ang distansya niya sa estrangherong humahabol.

Ngunit laking-gimbal niya nang makitang napakalapit na pala ng kanilang distansya nang muli siyang lumingon, iilang metro na lang ito at kitang-kita niya ang mga mata nitong sumisigaw ng kasamaan. Hanggang sa malakas na lang siyang napasigaw nang masagi ng kaniyang kaliwang paa ang nakausling ugat, sa lakas ng pagkakahampas ng kaniyang paa rito ay ramdam niya ang kirot sa sariling buto ng mga daliri. Tuluyan siyang nawalan ng balanse at sa bilis ng pangyayari ay malakas siyang napasigaw nang madapa siya sa magaspang na lupa, gumulong siya ng tatlong beses at nagtamo ng iilang galos sa braso at pisngi, hanggang sa tuluyan niyang namalayan ang bigat ng lalakeng dumagan sa kaniya at mabilis siyang sinakal.

Pahirapan para sa kaniya ang pagsasalita nang ramdam niya ang pagsikip ng sariling lalamunan, bumabaon dito ang kuko ng estranghero bagay na napakahapding damhin. Mas lalong nanlaki ang kaniyang mata dahil sa kahirapang huminga at titig na titig ito sa nakakakilabot na mga mata ng estrangherong nakasuot ng gas mask. Da hil sa suot nito ay hindi niya talaga magawang kilalanin ang estranghero, pero nang maaninagan niya ang braso nito at bulto ay nakumpirma na rin niya na isa nga itong lalake. Pilit man siyang nagpupumiglas at nanlalaban ay wala pa rin itong silbi sa lakas at bigat ng nakadagan sa kaniya; sa paglipas ng sandali ay mas lalo siyang nahihirapang huminga, ang ulo at dibdib niya ay labis na sumasakit. Kahit gaano pa siya karahas magpumiglas ay wala pa rin itong binatbat sa lalakeng may hawak ng kaniyang buhay, sadyang unti-unti na siyang nanghihina.

Sinubukan niyang hilain paalis ang mga daliri na sumasakal sa kaniya, pero wala talaga siyang sapat na lakas upang labanan ito, kung kaya't sinubukan na lang niyang kalmutin ang mukha nito at itinuon ang buong-lakas sa paghila ng maskarang suot. At hindi nga siya pumalya, nagawa niya itong hawiin ng kaunti at para siyang tinamaan ng kidlat sa tindi ng takot nang malaman kung sino ito. Mistulang bumagal ang patak ng bawat sandali nang makilala niya ang lalake at gumapang ang takot sa kaniyang sistema dahil sa sunod-sunod na reyalisasyong napagtanto. At bago pa man siya makapagsalita ay buong-lakas siyang sinuntok nito sa mukha na ikinahilo niya ng lubusan, hindi na niya nagawang manlaban pa nang muli siyang sakalin nito hanggang sa hindi na niya nakayanan pa at tumirik na lang ang kaniyang mga mata kasabay ng tuluyang pandidilim ng paningin at paghupa ng sariling lakas.

Humandusay na lang ang walang kamalay-malay na katawan ng babae sa lupa at siya naman ay hinihingal na napatayo. Agad niyang inayos ang maskarang bahagyang nabaling at saka dali-daling hinugot mula sa bulsa ang smartphone niyang tumutunog, nang mabasa niya kung sino ang tumatawag ay sinagot niya ito at inilapit sa sariling tainga upang pakinggan ang balita.

"Anong balita Baltimore?"

"Pinatay namin si Lucas ayon sa utos ni Mayor..."

"Mabuti naman at pinaslang n'yo, medyo pagod na rin kasi ako. Kukunin ko 'yang bangkay niya mamaya, maayos n'yo bang pinatay? Ayoko ng dugo o sugat sa lalakeng 'yan."

"Binugbog namin, nasa loob ang sugat nito."

"Ayos...sige babalikan ko lang 'yan. Ililigpit ko muna 'tong mga tresspassers ng gubat."

Wala na siyang inaksaya pang panahon at agad na pinutol ang tawag, saka muling ibinulsa ang smartphone niyang may bahid ng nanunuyong dugo. Saglit naman siyang napasinghap ng hangin bilang hudyat at saka buong lakas na binuhat ang katawan ng babae sa bilang ng tatlo, at walang kahirap-hirap niyang isinampay ito sa kanang balikat niya at pinasan na parang sako ng bigas. Muli ay binaybay niya ang daan pabalik sa parteng iniwanan niya ng bangkay ng isa pang babaeng nagngangalang Bella, dahil sa kabisado na niya ang gubat ay walang kahirap-hirap niya itong tinunton makalipas ang ilang minutong paglalakad.

Kahit pagod na siya ay hindi siya tumigil upang magpahinga, bagkus ay binuhat na naman niyang katawan ni Bella at sa kaliwang balikat at sabay na binuhat ang dalawa patungo sa bahagi ng gubat kung saan niya iniwanan ang walang-malay naman na katawan ng lalakeng kinaladkad niya kanina. At makalipas ang ilang minuto ay natagpuan niya rin si Ivan sa baba ng kariton at pilit na gumagapang papalayo, ngunit bago pa man ito makatakas ay tinadyakan niya ito sa tagiliran upang matigil. Habang namimilipit at dumadaing ang lalake ay ibinagsak naman niya ang dalawang babae sa ibabaw ng kariton, saka muling pinagtuonan ng pansin ang binatang sinusubukang manlaban sa kaniya.

Hindi naman siya nakatiis pa at labis na nainis sa inaakto nito, imbes na hahayaan niya itong mabuhay ay napailing na lang siya sa panghihinayang at sa tsansang sinayang. Mahigpit niyang hinawakan ang ulo nito at walang pag-aalinlangan at buong-lakas na pinihit at inikot ang ito. Bigla na lang nanigas ang lalake at tuluyan itong binawian ng buhay matapos ang malutong na tunog, at sa pagbagsak ng ulo ni Ivan sa lupa ay kinaladkad na lang niya ito saka binuhat at pinaibabaw sa dalawang babae sa loob ng kariton. Hinayaan lamang niya ang mga braso nito at kamay na nakalaylay sa labas ng sinasakyan at saka nagsimula nang itulak ito patungo sa susunod niyang destinasyon—ang hukay.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top