Chapter 7: curiosity kills the cat
Sameula's P.O.V
Flashback.
Hinatid ako ni tatay hanggang sa Guidance Office at Department ng magiging teacher ko para sa pasukang ito. Hindi naman ako pasaway na studyante sa private school ko noon kaya tinanggap pa rin ako ng Guidance kahit malapit na ang Christmas break. And yes, hanggang sa magiging classroom ko ay hinatid pa rin ako ni tatay para raw sigurado siya.
Nasa third floor ang magiging classroom ko at sa kada floor ay may limang classrooms. Malapit lang sa rest room yung magiging classroom ko na nasa gilid lang din ng hagdan.
Malinis ang kapaligiran ng high school na ito at kapansin pansin ang nakahilerang mga puno sa harapan ng building namin.
Kulay red at white ang kulay ng uniporme na suot ko, white na polo blouse at red na 2 inches below the knee skirt. Hindi naman ako nababaguhan sa suot ko dahil halos magkatulad lang din ito sa dati kong paaralan.
Nalaman ko rin ang mga bawal at mga pwedeng suotin sa loob ng skwelahan pasalamat sa matiyaga kong adviser na sinabi sa akin lahat habang hinahatid niya ako sa magiging classroom ko. Interesado naman ako sa lahat na sinabi niya at sinaulo ko iyon lahat dahil ayaw ko rin magkaroon ng record sa Guidance Office, nakakahiya transferee pa naman ako at ayaw kong mag-overthink na naman si tatay.
Sa wakas nandito na ako sa harapan ng mga bago kong kaklase. Hindi sila nakangiti pero pinilit ko ang sariling ngumiti para sa kanila, sanay naman ako sa mga ganito. Nababaguhan pa rin ako dahil maraming mga lalaki at ganoon din ang mga babae. Sa dating paaralan ko ay halos sampu lang ang lalaki at nasa thirty naman ang mga babae. Naisip kong siguro nasa low section ako.
Wala naman akong problema roon basta makapag-aral ako. Minabuti siguro ito ni tatay para hindi mabigat yung mga responsibilidad ko. Well, 'tay there is no fun without having big responsibilities.
Now, my goal for now is to have friends that I can have fun with.
"Hi my name is Samuela Hoylar. I am 17 years old," I introduced myself after the teacher announced that they have a new classmates and which school I came from.
I tried to give them my genuine smile as I don't want to addressed as a fake one. Tinitigan ko isa-isa ang magiging kaklase ko at walang mga emosyon ang kanilang mga matang nakatitig sa akin. Nabibilang ko lang ang na-amaze sa akin na kung saan hindi ko alam kung bakit. And here is one girl who smiled ear to ear at me and I know in that moment that she is going to be my friend.
Fourth period has ended which is Mathematics and English is next based on our class schedule. Unfortunately, they do not have a locker in here so there is no way I can keep my books not to mention they have eight books. Iiwanan ko na lang ito sa bahay kapag makakauwi na ako at manghihiram na lang ako sa katabi ko.
I decided to stand up and asked my new classmates things, I am trying to blend in to them, know their hobbies, dislikes and whatsoever. They speak in Filipino and for a second I miss my Chinese friend who talks Cantonese a lot at me and I learned few of it.
"Hi, Samuela, 'di ba?" Napagitla ako nang pumuslit bigla ang isang magandang babae sa harapan ko. May mapuputi siyang balat at mukhang malalambot ang mga iyon at halos wala siyang pimples pero may mga visible stretch marks siya. Straight at mahaba ang buhok niya at pantay-pantay din ang ngipin niya na siyang dumagdag sa maganda niyang ngiti.
Saka ko naalala ang ngiti na iyon, siya pala ang babaeng ngumiti sa akin nang magpakilala ako.
"Ah, I am Karen, nagulat ba kita?" Worry registered to her small face so I quickly shook my head. I smiled to her and introduced myself once again which she laughed it off.
"Yes, I know, I know, gusto ko lang magtanong kung you are hungry ba?"
Mula sa likuran niya ay nahuli namin ang atensyon ng isang matabang kaklase rin namin. Napangiti tuloy ako rito dahil kapag mataba ay number one priority nila ang mga pagkain.
"Uhm, oo?" Hindi rin ako sigurado kung gutom nga ba ako pero kung dito magsisimula ang pagkakaibigan namin so why not?
"Great, sissy. Let's go grab some foods!" Nagulat ako nang bigla niya na lang hilahin ang kaliwang braso ko at kumapit dito saka niya ako hinila sa pintuan na nasa pinakalikod.
Napansin ko rin ang ka-row niya na nasa pinakalikod na lalaking hindi naka-uniporme. Ang first impression ko talaga sa kaniya ay bad boy pero batugan pala.
"Foods? Tama ba yung narinig ko, Karen?" Ulit ay may pumuslit na babae sa harapan ko pero taliwas kay Karen ay brown beauty siya. Kapansin pansin ang hugis puso niyang mga labi kapag ngingiti siya.
Pinakilala ni Karen sa akin ang mga kaibigan niyang si Picolo, yung matabang lalaki, si Cassey na brown beauty at si Winston na mas kilala bilang Winny, ang batugan naming kaklase.
Hindi pumalpak si tatay dahil paglabas namin sa gate ay nakaabang na ang police car niya. Agaw-pansin talaga iyon para sa mga studyante at iyon ang pinakaayaw ko. Nag-e-expect ata sila na righteous man siya dahil lang sa police officer siya, he killed someone, and I won't forget that.
Kahit anong pagpililit ang ginawa nila Karen at Cassey kay tatay para ihatid ako sa bahay ng mga kaklase ko ay hindi niya ako pinayagan. Kahit sumunod na lang ang sasakyan niya sa likuran ng sasakyan nila Karen, hindi pa rin.
Karen is a rich kid but she is not a spoiled brat but she eats a lot and still very slim.
On my second day I promised to my father that I will go home before 6 o'clock in the evening since the school and our new home are 15 minutes apart. And I will text him if there is any events will happen unannounced and that he'll pick me up.
Seriously I haven't experienced this when I was in my elementary days. I go home with my friends and bond with them longer.
Doon lumaki ang galit ko sa tatay ko. Lalong-lalo na sa bahay hindi niya man lang binabanggit si mama, sigurado na talaga siya na nagpakamatay ang ina kong iyon. Ang bobo niya naman nakaka-disappoint.
As days went by I became close with Cassey because we are on the same vibes: we like studying and I can see that she is trying her best. She also joined to debates which is to enhance her speaking skills.
And then one time she told me that she is not happy of what she is pursuing. She was pleasing her parents for them to be happy for her because in the past she is a failure. She said that education was not important at all, in youth, all you have to do is to enjoy yourself, have some friends or maybe boyfriends, hang out with everyone: that was her life and her parents was not happy at all. She tried to lve with it, to reach her parents expectations and Cassey cried before my eyes saying that why she lived like this.
And what I wanted to say is, "Then die if you don't like your life. What's the point in working something you are not proud of? Quit it."
But I said, "Don't worry soon you will find rest."
She continued to live her life and all her friends are fake just like her. They pretend just to fit in the society, they pretend just to be loved.
"Chen?" Tawag ko sa kabilang linya dahil kanina pa ako nandito sa labas ng bahay namin at walang Chen akong nadatnan.
Wala rin akong balak pumasok sa loob kahit hindi ako sigurado na nasa loob ba ang matandang iyon. Pero tinanggap naman ni Chen ang tawag ko kaya lang hindi siya nagsasalita, imbes ay pinadalhan ko na lang siya ng text message at doon pa nag-reply ang gago. Pinakaba niya rin ako baka hindi na siya humihinga.
"I followed sir Andresio," I read on what he texted me and sent me the address afterwards.
But the address was fucking familiar and soon realized it when I was on my way. How did that fucking old man knew where he is right now? Did he followed us that night?
That night where I killed those annoying classmates. The plan was to staged it as Andresio killed them but surprisingly there was Chen, I kind of hate him too because he keep on getting on my nerves so I made him hear his classmates' cries for help. It will be fun in that way so that he will not act up anymore. It will engraved to his stupid mind and that will made him guilty for life.
I didn't know that person's plan will work when I saw him at school. I almost laugh my ass off, that recently made my day but right now is a bit overwhelming because finally I can make my own plan.
Kailangan kong pigilan si Andresio pero hindi naman pwedeng tawagan ko na lang siya at sabihing papuntahin siya sa bahay nila. Hindi rin pwedeng takutin ko siya o padalhan ng text message dahil mate-trace naman iyon ng mga police. Baka hindi na ako masikatan ng araw kapag nangyari iyon.
Malapit na ako sa stop ko pero hindi pa rin ako nakaisip ng plano kung ano talaga ang gagawin ko. Pwede naman kasing patayin ko na lang kaagad si sir Andresio para manahimik siya at hindi kami masusuplong sa pulis pero hindi pa rin ako sigurado kung anong magiging kahihinatnan nito. Lalayo kaya ako sa lugar na ito? Makakaya ko kaya ang responsibilidad na iyon?
Kung nandito lang siya ay tapos na ang problemang ito, pero mapapagalitan niya ako kapag isusumbong ko ito sa kaniya.
Minsan din naiisip ko kung paano kaya isusumbong ko ito sa mga pulis? May pagkakataon kaya para mag bago ako? Hindi pa naman siguro huli ang lahat 'di ba?
Pero nang makita ko ang mga larawan ng sikat na artista sa mga magazines, bill boards at newspapers ay napapaisip ako kung totoo nga ba ang mga ngiti nila, kung masaya ba sila sa mga kritisimo na natatanggap nila araw-araw, kailan ba sila magpapanggap na masaya yung buhay nila dahil lang sikat sila.
Hanggang kailan ba sila magiging malaya? Pati pakikipag relasyon nila sa ibang tao ay nakapribado para hindi sila mawalan ng fans. Hindi ko talaga sila maintindihan, bakit naman importante pa ang mga fans?
"Para po," malakas kong sigaw para marinig ng driver ang boses ko mula sa pinakadulo ng bus.
Huminto ang sinasakyan ko sa bus stop at paglabas ko ay kaagad akong tumakbo sa kanto na kung saan ang address na ibinigay ni Chen. Lumingon-lingon ako sa buong paligid at napakuyom nang kamao dahil walang Chen akong nakita. Pinaglalaruan ata ako ng gagong iyon, saan naman kaya siya nagpunta.
Hindi sementado sa lugar na ito at maliit lang yung daanan, tapos sa bawat gilid mo ay nagtataasang damo na at nakakatakot na puno ng akasya.
Muli ay tinawagan ko si Chen na siyang tinanggap naman ng gago saka sinabi sa aking napadpad siya sa isang abandonadong factory sa likod ng school na kung saan 5 minutes lang ang layo mula rito.
Napangisi rin ako ng malaman ito dahil mukhang umandar ang sakit ng matandang Andresio na iyon. Kung nagpakalayo-layo na lang kaya siya at itinupad ang pangarap niya ay hindi pa magka-letse-letse ang buhay niya.
Mabuti na lang hindi rin matao sa lugar na ito dahil may tsismis na may namatay na raw dito at nag-suicide daw iyon. Well, totohanin kaya natin ang tsismis na iyon?
Meron naman siguro akong makikita na patalim sa loob, tutal factory naman ito noon, hindi ko lang alam para saan na pabrika.
"Samuela!" Kaagad sumulpot si Chen sa tabi ko pagpasok ko pa lang sa nakabukas na pintuan.
Basa ng pawis ang noo niya at sa leeg ay nakasabit ang isang binoculars kaya tinuro ko iyon kung para saan at sinabi niya namang may mga police daw ang bahay ni Andresio kaya hindi siya makakapasok para mag-imbestiga kaya dinala niya ang binoculars niya para tignan ang nasa loob na alam ko namang hindi makakatulong dahil walang bintana ang sa harap ng bahay na ito.
Umiling-iling na lamang ako sa kabobohan niya at saka humakbang na siyang paghila niya sa braso ko at hinila ako sa isang gilid ng mga steel bars.
"Hush." Tinakpan niya ang bibig ko nang kanang palad niya na may nanlalaking mga mata. Bumilis din ng tibok ang puso ko sa ginagawa niya.
Baka kasi nandito na si Andresio at kailangan ko na siyang patayin.
Kinakabahan pa rin ako dahil wala siya ngayon. Walang magko-comfort sa akin na magiging maayos din ang lahat.
Pero matalino naman ako, paniguradong magiging perfect crime ito at saka nakapatay na naman—
No, I am not sure kung ako nga ba ang nagpatay sa kanila. That person made me inflict pain for them but I didn't see them run out of breath from it.
But I want to try right out and know what it really feels like.
"Samuela, I think sir Andresio is on drugs?" Dahan-dahang pagbitaw ni Chen ng mga salita habang nakatanaw sa gilid ko.
Nasa likuran ata namin ang tinutukoy niya at bumubulong lang siya sa akin ngayon. Hindi ko rin gaanong marinig kung may tao ba sa likuran namin, siguro hindi gumagalaw ang matandang iyon.
"Mhm," ungol ko kaya nalipat ang atensyon niya sa akin at napahigpit pa ang kapit niya sa bibig ko kaya tinapakan ko na ang paa niya ng marahas kaya napabitaw siya at napatalon palayo sa akin.
Natamaan pa ng likod niya ang isang bote ng isang litrong coke sa sahig at natumba ito na siyang paglikha ng ingay.
Nanlalaki ang mga mata ni Chen sa akin at muli ay tinanaw niya ang sa likuran ko kaya iyon din ang ginawa ko.
Nagtama ang mga mata namin ni Andresio at miski siya ay naguguluhan nang makita niya kami.
Wala na akong sinayang na panahon at kaagad tinakbo ang kinatatayuan niya.
Nanginginig ang mga binti niya at mukhang hindi niya alam ang gagawin. Ganoon pa rin ang suot niya noong gabing iyon; naka-pajamas.
Payat na payat si Andresio na may taas na 165 meters. Pulang-pula ang mga mata niya na napagkakaalaman na nakahithit siya at lalong-lalo na't payat siya. Nang dahil lang naman iyon sa katandaan kaya ganito siya at isa pa wala na siyang pamilya. Pagtuturo na lang ang kasiyahan niya pero nawala rin iyon nang malaman niyang may sakit siya.
Kaya siya ang pinili ko, nagiging madali lang kasi ito dahil walang maghahanap sa kaniya pag mawawala siya. Walang pamilyang maghihintay sa bahay niya at nagdadasal na uuwi siyang malusog.
Pero nawala iyon nang maisipan ng mga gago kong kaklase na bisitahin ang bahay niya. Doon ako nabigyan ng pagkakataong patayin na lang sila imbes na siya.
I will made it as the one who killed them by displaying those evidences under his bed. By fleeing the country and dying peacefully. That's my scenario but then I don't know why he's here.
"Sir Andresio," tawag ko sa kaniya nang makarating ako sa harapan niya. Sinamahan ko pa ito ng kaunting pag-alala para lumambot ang puso niya sa akin.
Akmang hahawakan ko ang balikat niya ay tinanong niya pa kung sino ako. Lumingon ako kay Chen na siyang nasa likuran ko na gulong-gulo habang dalang-dala ang isang baso ng coca-cola na lumikha ng ingay kanina.
Huminga ako ng malalim saka hinarap ang matandang hukluban na ito. Kating-kati na akong patayin siya pero bago iyon ay dapat aalisin ko ang ebidensya.
"Huwag po kayong mag-alala, sir, mga studyante niyo po kami at ang lalaki pong ito kay presidente ng classroom namin." Ngumiti ako kay Andresio na parang anumang oras ay iihi sa takot.
Ano bang kinatatakutan niya, eh na-e-excite nga ako na sa wakas matutupad na ang pangarap niya.
Samantala nanginginig ang hintuturo niyang tinuro ang hawak ni Chen kaya lumingon ako sa binatang ito na himala ay naging palakaibigan sa akin.
Humakbang ako ng dahan-dahan sa kaniya na may mga ngiti sa labi.
"A—anong nangyayari?" Tanging sagot niya pagkatapos niyang ibigay sa akin ang boteng babasagin.
Napatawa ako ng mahina sa kaniya at walang habas na ipinalo sa ulo niya ang bote dahilan upang mawasak ito at tumalsik pa ang ilan sa mukha ko.
Napapikit na lamang ako dahil sa hapdi sa pisngi ko. Nag-aalala tuloy ako dahil nasugatan ang maganda kong mukha.
Kasunod nito ay ang malakas na sigaw ni Chen habang dahan-dahan siyang napaluhod sa sahig, hawak-hawak niya ang dumudugong ulo at nagsimula na ring maging kulay pula ang palad niya. Patuloy pa rin siya sa pagsigaw na akala mo'y wala ng bukas.
Sinipa ko siya sa tiyan kaya napahiga siya at muli ay sinaksak ko sa leeg niya ang natitirang bahagi ng bote. Nanlalaki ang mga mata niyang tumitig sa akin at nagugustuhan ko iyon.
Pakiramdam ko mag-uuwi ito sa magandang simula ng storya ko.
Halos hindi na siya gumagalaw at napupuno na ng dugo ang bibig niya at nang umubo siya dahil hinigpitan ko ang pagkakasaksak ay nalagyan ng dugo ang mga mata niya.
Napangisi ako ng malapad at hinila ang patalim at muling sinaksak ng paulit-ulit sa leeg niya hanggang mawalan siya ng malay.
May tumalsik pang ilang butil ng dugo sa bibig at damit ko kaya napamura ako pero kulang pa ang naramdaman ko nang mahiwa ang balat ni Chen.
Gusto ko pa siyang paglaruan pero sayang wala na siyang buhay.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top