Chapter 3: the suspect

Samuela's P.O.V

Madilim na pagdating ko sa bahay. Umaambon ang kalangitan kanina akala ko uulan kaya napatakbo ako ng mabilis. Guess, I wasted my energy.

Kulay black ang malaking gate namin at pagpasok ko ay sumalubong sa akin ang police car na naka-park sa loob ng garahe. Naisip kong doon na lang ako dadaan para hindi ko madaanan ang sala namin. Malapit din naman doon hagdan patungo sa kwarto ko.

Pero ayaw ko rin naman mag-alala ng lubos ang tatay ko, baka maisip niyang nagiging suicidal na ako na hindi naman totoo.

Tumungo ako sa front door at tinipa ang passcode saka pumasok. Lumiko ako and here is another door with a passcode. Ganoon din ang ginawa ko at nakapasok, unang bumungad sa kaliwa ko ang sala.

Hindi nga ako nagkakamali na nandito siya.

He looks sophisticated with those annoying police blue uniform. May maskuladong pangangatawan si tatay at may tangkad na 5 foot 11 inches. Sa kaniya ako nagmana sa tangkad kong ito. Si mama well, 5 foot lang siya.

Nagsimula ng pumuti ang mga buhok niya pero pinapakulayan niya rin ito na kulay itim para magmukha pa siyang bata. May hitsura ang tatay ko dahil matangos ang ilong niya.

"I'm home," bagot kong pahayag. Nakatitig lamang ako sa mukha niyang abala sa smartphone niya.

"You're, 15 minutes late, Samuela." Hindi man lang siya nag-abalang tumingin sa akin.

Napagdesisyunan kong tumungo na lang sa kwarto ko kaysa makipagsagutan sa kaniya na kung saan araw-araw kong ginagawa. Pero wala pa rin akong kawala dahil sa binitawan niyang salita.

"Have you adjusted yet?"

Simple lang naman pero nakakainis. Wala ba siyang tiwala sa akin? Nang dahil ba police siya ay nanghihinala pa rin siya sa sariling anak niya?

Nakaka-disappoint naman kung ganoon siyang klaseng tao. Well, matagal na talaga akong disappointed sa kaniya. Noong mamatay si mama.

Humarap ako sa kaniya na walang emosyon ang mga mata. Gusto kong makita niya na nawala na yung relasyon namin noon, na hindi na kami close.

"'Tay, it's been 2 months I already have friends and-" I paused.

From the mention of friends I remember the four of them. Kaya naman ako na-late ng 15 minutes o 6:15 PM na akong nakauwi ay lumampas ako sa stop ko. It was three blocks away. Hindi kasi ako maka-get over sa gagawin nilang pagsubaybay nang palihim sa teacher namin.

There are so much possibilities that can happen to them if that teacher is indeed on drugs. It is also not a good idea for students like us hanging out at night. Pero nandoon naman si Chen, kapag may mangyaring masama sa kanila ay siya ang pagbabayarin ko.

"Change now, I'll prepare for your dinner." Tumingin na siya sa akin at ngumiti ng malapad bago tumayo at nagtungo sa kusina.

Napahinga na lamang ako nang malalim para pigilan ang mga gusto kong isupalpal sa pagmumukha niya. He is acting as a good father right now.

"Wala akong pakialam kung magtatrabaho ka ngayon," I whispered. Sana hindi narinig.

I went to my room upstairs. The stairs is beside the door where the garage is.

I changed my clothes and listened to music on my Iphone 5s. I even remember how I got this phone.

It is from my mom. My 14th birthday and the month I started in high school. I promised that I will take care of this and will use on important occasions so that it will last longer.

I was staring at my ceiling reminiscing those old memories, those happy moments.

But that moment haunts me always. The moment where she died.

Hanggang ngayon hindi pa rin sinasabi ni tatay kung bakit namatay si mama. Kung ano ang dahilan. Kung bakit siya tumalon sa napakataas na gusaling iyon.

Naalala ko pa noon na tinawagan niya ako sa paaralan ko. Sa dati kong skwelahan na gusto niyang mag-bonding kami. Na-late ako dahil marami akong responsibilities that time. President ako ng isang organization, secretary ng isang club, we even planned to do our cheer dance practice at night but we cancelled it.

Tanda ko pa rin noon.

Pagkatapos nang pangyayaring iyon sinisi ko si tatay dahil parang may tinatago siya sa akin. Ang alam ko lang ay may away silang dalawa ng araw na iyon at nasampal siya ni tatay.

That bastard. How dare he hurt my mother like that?

Mukhang wala na nga akong freedom ngayon. Pinagbawalan na ako ni tatay ma-stress. Ayos lang daw ang mga kaibigan pero kung sasali ako sa mga activities ng school ay hindi pwede. Ayos lang kung sa acads.

Noon wala akong curfew.; walang grounded for 1 week, ihahatid-sundo sa school gamit ang police car niya kapag may inilabag ako, walang pagsasagutan at iba pang pinaka-ayaw ko.

I was happy. We were happy.

Hindi ko namalayang napaiyak na pala ako. Mas lalo pang bumigat ang problema ko dahil sa pinapakinggan kong Runaway na kinanta ni Aurora.

"I was dancing in the rain. I felt alive and I can't complain," pagkakanta ko sa liriko ng kanta. Pumiyok pa ako sa huling salita dahil sa pagiiyak. Tinawanan ko na lang ang sarili.

Mabuti na lang mayroon pa akong mga kaibigan para malibang ako sa huling pagkakataon. Alam kong hahanapin ko ang pakiramdam ng mayroong kaibigan, magagalit dahil sa isang pasaway na kaklase, at mga guro na kung makapagbigay ng proyekto ay wala ng bukas.

Napamulat ako nang mga mata at tinignan ang oras ng cellphone kong nakapahinga sa dibdib ko. Quarter to seven na pala. Sana ayos lang ang mga kaibigan kong iyon.


KANINA pa ako rito sa labas ng classroom naghihintay para sa kanila. Hindi pa nga ako pumasok para paupuin ang bagpack ko sa pwesto ko.

Hindi sila pumasok sa first morning classes namin, wala rin sila sa cafeteria o library. Naisip kong nag-cutting lang siguro sila para sa umagang klase pero hanggang ngayon 11:45 ay ni anino ay wala. Dito na nga ako sa labas nag-lunch dahil sa sobrang pag-aalala ko.

Naisip ko ngang puntahan ang bahay nila Karen kapag wala sila whole day. Nakapunta na ako roon kapag may gagawing group report, ikatatlo na naman kaya saulo ko na iyon.

Wala akong numero nila pero friends kami sa fb pero iyon nga lang hindi sila online. Kanina pumunta ako sa library para mag-open ng fb. Malapit na ata akong mabaliw dito!

Nagtanong na nga ako sa English Department kung pumasok ba si sir Andresio pero wala rin siya. Coincidence nga lang ba ito?

Hanggang sa nagsimula ang panghapong klase namin. Iniisip kong papasok sila sa susunod na klase kaya nagpokus na lamang ako sa pag-aara.

Lumipas ang dalawang oras ay wala pa rin sila. Nagtanong yung mga teachers ko kung nasaan sila at sinabi kong may sakit silang lahat.. Alam kong hindi ito naniniwala sa akin kahit tumango pa sila.

Ang lame ng excuse ko, hindi ko rin naman alam ang sasabihin.

Kasalukuyan kaming nagbabasa ng talata sa assignaturang Filipino nang may pumasok sa classroom. Muntik ko ng hindi makilalang kaklase namin dahil hindi nakauniporme at wala rin siyang I.D. Nakatungo siya at dire-diretsong naglalakad papasok.

Narinig ko ang pagbubulong-bulungan ng mgs kaklase ko na siyang hindi ko pinagtuunan ng pansin.

Hindi ko na sana ito papansinin nang tinawag ng kaklase namin ang pangalan niya na siyang pagkabuhay ng kuryusidad ko. Bakit nandito si Chen habang ang apat kong mga kaibigan at si sir Andresio ay wala pa?

Hindi naman ugali ng apat na iton na mag-cutting classes, siguro si sir Andresio ay may emergency kaya hindi nakapasok unang klase niya. I am sure mamaya ay nandito na siya.

Tinitigan ko siyang mabuti dahil baka napagkamalan lamang siya. Dahil nakatalikod siya sa akin ay kinalabit ko ang kaklase kong katabi niya sa upuan na siyang nasa harapan ko habang nasa kaliwa niya naman si Chen, para tanungin kung si Chen nga ba ito at oo naman ang sinagot ng tinanong ko.

"Iho, ang aga mo ata para sa ikatlong klase niyo?" Nagtawanan ang lahat sa sinabi ni ma'am. Ang akala kong pahahabain pa ni Chen ang usapan ay nag-sorry lamang siya rito.

Nagtataka rin ang mga kaklase ko na bakit pumasok pa siya na 10 minutes na lang ay matatapos na ang klaseng ito. Hindi naman nakakapagtaka kung bakit siya late ngayon, ang importante ay nandito siya.

Lumipas ang oras ay walang sir Andresio kaming nakita. Nagsi-uwian na rin ang kalahati kong kaklase dahil nalaman nilang hindi pumasok si sir sa nauna niyang klase.

Ano na bang nangyayari ngayon? Nasaan na ang mga kaibigan ko?

"Samuela, hindi ka pa ba uuwi?" Napakislot ako sa maliit na boses na nagmumula sa likod ko. Nawala ang gulat ko saka ngumiti sa kaklase kong si Pamela. Nakatayo siya kaya tumingala ako sa kaniya.

"Mamaya na ako, baka dumating si sir."

Napababa ang mga mata niya kaya wala sa sariling tumingin ako sa kung anong tinitigan niya at saka ko na-realize na kinakagat ko pala ang mga kuko ko. Sa hiya ay napatayo ako at itinago ito sa likuran ko. Ngayon ay siya naman ang nakatingala sa akin.

"Tinawagan ko rin sila Cassey pero hindi sila sumasagot. Heto, mga numero nila." Inilahad niya sa akin ang one-fourth piece of paper, nakasulat na doon ang pangalan ng apat at sa gilid naman nito ang kanilang numero.

Pwede ko silang matawagan kapag uuwi na ako sa bahay dahil hindi ko dala ang cellphone ko ngayon.

Labis akong nagpasalamat sa kaniya at ipinangakong lilibrehen siya bukas ng mamahaling burger sa kantina. We exchanged smiles before she went home.

Nilingon ko si Chen at wala na sa tabi niya ang kaniyang mga ka-row. Pumunta ako sa harapan niya para mapagmasdan siya ng mabuti. Pasan ko na ang bagpack ko kung sakaling takasan niya ako.

Natatakpan ng buhok ang kalahating bahagi ng mga mata niya habang nakatitig sa direksyon ng mga binti ko. Para siyang timang dahil hindi man lang siya kumukurap. Taliwas na Chen ang nakilala ko noon.

Para siyang bulag, naisip ko kung nakikita niya kaya ako ngayon? Kung nakikita niya ako ay aasarin niya kaagad ako at yayayain si Winny na sumali sa baskteball try outs na pinaka-ayaw ng binata. Alam naming lima iyon, pero ang sinasabi niya lamang ay nakakadagdag stress daw iyon at baka malamangan niya sa kagwapuhan ang mga players.

Hindi ko rin alam kung pogi nga ba siya. Sadyang mahangin lang talaga ang kaibigan kong iyon.

Biro lang! May hitsura naman talaga siya pero mas attractive nga lang si Chen dahil may maskuladong pangangatawan dahil nga athlete ang gago.

Inabot ko ang balikat niya para sana tapikin siya nang sampalin niya ito at may nanlalaking mga matang tumitig sa akin. Taas-baba ang dalawang balikat niya at kitang-kita ko pa ang mga ugat niya sa leeg. Ngayon ko lang din napansin ang namumutla niyang mga labi, kadalasan ko siyang nakikitang nakangiti o hindi kaya ay nakangisi pero ngayon ay nangangatal ang mga ito. 

"Ayos ka lang ba?" Pumintig nang kay bilis ang puso ko nang magawa ko siyang tanungin niyon. 

Para siyang hindi makahinga sa ginagawa niya ngayon at ako na mismo ang natatakot para sa kaniya. Luminga-linga ako sa paligid at nakita ang panghuling grupo ng mga kaklase kong lumabas sa classroom. Kami na lamang dalawa ang nandito at wala blangko ang isip ko sa mga possibleng gagawin. 

Iniisip ko pa nga ang apat kong mga kaibigan, well isali na rin natin si sir Andresio, at heto dumagdag pa siya sa kadramahan niyang ito. 

"Uy, Chen." Muli ay hinawakan ko ang dalawa niyang balikat para titigan ako sa mga mata at pinipilit niya namang alisin ito sa pamamagitan ng dalawa niyang mga braso. Inaamin kong may lakas pa rin siya sa kalagayan niyang ito.

Dumiin ang pagkakahawak ko sa dalawng balikat niya at kahit nangangalay na akong nakayuko para sa kaniya ay hindi ko magawang iwanan siya dahil siya lamang ang nakakaalam kung nasaan ang mga kaibigan kong iyon. Marami pa akong tanong para sa kaniya at sana hindi siya mag-acting ng ganito.

"Tumitig ka sa akin!" Nagbabasakali ako na sana itigil niya na ang kadramahan niyang ito dahil paunti-unti na rin akong nababahala sa kaniya. 

Hindi ko pa rin mahuli ang mga mata niya at nagawa niya pa akong maitulak at ang masaklap ay nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa sahig. Unang natamaan ang pwet ko at buti na lang nakatukod kaagad ang dalawa kong palad sa semento kundi mapapahiga ata ako sa maduming sahig na mayroon kami. Sumakit din ng kaunti yung balakang ko pero nakakalakad pa rin naman ako.

Nagkukumahog na umalis si Chen sa harapan ko kaya napamura na lamang ako sa sarili dahil mabilis kaagad siyang tumakbo kahit muntik na siyang madapa. Tumungo siya sa hagdan na nasa pinakalikod na bahagi kaya wala akong nagawa kundi ang tumayo at sundan siya.

Pinagpagan ko ang sa likurang bahagi ng saya ko habang tumatakbo pasunod sa kaniya. Hindi ako sanay na tumatakbo sa mga hallways kaya binilisan ko na lang ang lakad ko pataas sa hagdan kung saan siya lumiko.

Ang kasunod naman nito ay isang pintuan na sa ngayon ay nakabukas at patungo ito sa rooftop ng gusaling ito. Nagdadalawang isip ko pang pinagmamasdan ang bukana ng pintuan. Hindi ko maintindihan ang ginagawa ni Chen ngayon. Wala ng oras para sa ganito, sa totoo lang.

Ano ba ang nais niyang iparating?

Gayon pa man ay pumasok pa rin ako sa loob at sinarado ang pinto, baka may maligaw na studyante at isturbuhin kami.

Unang sumalubong sa akin ang kulay green na staircase sa kaliwa ko at inakyat ko iyon papunta sa itaas. Mapapansin dito ang makukulay na kalangitan, dahil hindi umaambon ngayon ay kitang-kita ko mula rito ang kulay kahel at mala-rosas na mga ulap.

Natatakot ako sa matataas na lugar mula noong mawala si mama kaya iniiwasan ko ang mga ganitong uri na pook pero nang dahil sa gagong iyon ay napapasunod niya ako. Kung hindi lang dahil sa mga kaibigan o ay hindi ko siya papakialamanan kahit maglupasay pa siya sa sahig ng classroom na iyon.

Mukhang may mali ata sa kaniya kaya ganoon siya maka-react.

"Huy, Chen!" sigaw ko sa pangalan niya nang makita ko siyang nakatalikod sa akin. Nakatayo siya habang hawak-hawak ang kulay luntiang railing.

Humakbang kaagad ako papalapit sa kaniya. Hindi niya naman siguro gagawin ang iniisip ko, 'di ba?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top