Chapter 2: prey
Samuela's Point of View.
It has been three days since the incident of me and Chen. The essay reached its resolution and our teacher continued giving us paper works related to research. I can't focus. That is what I felt right now.
Maraming proyekto ang naka-assigned sa amin at hindi ko na alam kung ano ang uunahin dahil marami ring gumugulo sa isipan ko. Hindi ko naman pwedeng pagsabayin ang personal problems at pag-aaral ko.
Mukhang ganoon din ang nararamdaman ni Cassey dahil paulit-ulit siyang gumagamit ng correction pen sa sinusulat niyang essay. Minsan ay napapatulala siya at nagsusulat ulit, parang ako lang.
"Tama na 'yang English, Cassey, ito may ipapa-solve akong Math problem." Inusog ni Picolo ang mini sofa palapit kay Cassey lumikha ito ng ingay kaya idinikit ko ang hintuturo sa labi.
Nag-peace sign lang ang gago at nagpatuloy sa kabalastugan niya.
Si Karen ay busy sa pagkain ng brownies, cookies, at mousse cake. Napapangiwi na lang ako sa bawat subo niya dahil kanina pa siya riyan, hindi ba siya nabubusog?
Himala si Winny ay nagse-cellphone. Busy sa pagtitipa ang gago at naka-all black pa rin siya. Hindi naman ako nagko-comment sa kaniya baka isnaban ako.
"Papaano naging 22 ang 10 plus 10? Bobo ka ba?" Hiyaw ni Cassey kay Picolo. Mukhang mababatukan pa ni Cassey ang loko-loko. Magkaharap na silang dalawa kaya alam kong ito ang gusto ni Picolo, ang may magka-interesado sa mga corny'ng biro niya.
Nasa loob kami ng isang cafe. Malapit lang ito sa school, mga 2 blocks away kung sa short cut ang babasehan. Kami lang naman sa loob pero nakakahiya pa rin sa mga staffs kapag mag-iingay kami. Actually, kanina pa kaming 8 AM dito, walang klase sa morning namin at naghihintay kaming mag 12 PM.
Nang dahil kay Karen ay nakapag-stay kami ng mas matagal dahil na rin sa nga ino-order niya, perks of having a rich friend. Pero dahil busog na kami ay siya na lang ang kumakain nito.
"Dahan-dahan naman, Karen, baka mabulunan ka." Inabot ko ang milk tea saka ibinigay ito sa kaniya na siyang tinanggap niya naman.
"Sissy, try the brownies, it is so masarap," aniya ng buong sigla pagkatapos inumin ang milk tea na may flavor na red velvet. "Here, sissy." Binigyan niya ako ng dalawang brownies sa isang puting platito na siyang tinanggap ko na lang.
Pumilit ako ng ngiti sa kaniya saka pinagmasdan ang parihabang pagkain na ito. Pamilyar naman ang amoy nito na parang cinnamon. Nang kanggatin ko ito ay malambot siya at matamis.
"Hubby is sobrang abala to his phone," she pouted. Sinipat ko ulit si Winny na nasa tabi ni Karen habang nasa gitna naman ang babaeng conyo na ito. Bagay na lang sa kaniya dahil mayaman at maganda naman siya.
"Akala ko ba matalino ka, Cassey? Naka-perfect score ka pa nga kahapon long quiz sa Math," reklamo ni Picolo at try to hard pa ring ine-explain ang gulong-gulong Cassey. Mukhang hindi niya na-gets ang ibig sabihin ni Picolo.
Ibinaba ko ang platito sa mesa saka pinagtuonan ng pansin ang dalawang nag-aaway.
"I know the answer," pahayag ko na siyang pag-aliwalas ng mukha ni Picolo sa akin.
Ang bobong Cassey ay sinolve pa sa papel niya ang 10 plus 10. Seriously, Cass?
"15 plus 5 equals 20 so 10 plus 10 equals twenty t-o-o... too." Otomatiko naming nilingon ang banayad na boses ni Winny. Hindi naman siya slow poke o quiet type of person, sadyang batugan lang siya, pero ngayon himalang-himala dahil nagsasalita ang gago.
May nangyari atang masaya sa kaniya.
Dahil nakasandal si Karen sa upuan ay nakasilip ako ng kaunti sa pinagkaka-abalahan niya. Sakto lang yung brightness ng phone niya para makita ko. Chat box pala sa discord.
Don't tell me nagcha-chat sila ni Tiffany ngayon? My ship is sailing! Pero syempre ship ko pa rin sila ni Karen kahit hindi ito pinapansin ng binata.
Inaamin ko namang naiinggit ako kay Tiffany pero mabait siyang tao at tapat siya kay Winny kaya two points iyon.
"Tumpak, pareng Winny. Ang bobo mo naman, Cassey!" Binilatan ni Picolo si Cassey na siyang inikutan ng nga mata ng isa, halatang madaling mapikon itong si Cassey kaya napapag-tripan ni Picolo.
Akmang makikipag-apir si Picolo ay tumayo naman si Winny kaya binawi niya na lang ang kamay niya at itinago sa bulsa ng itim na slacks.
"Bathroom," Winny said coldly, he used his thumb to point out the bathroom over his shoulder. Wala kaming nagawa kundi tumango ni Karen.
Pagtalikod niya ay nagsalita naman ang katabi ko. "Guys, may napapansin ako kay sir." Hindi niya pa itinikom ang bibig niya habang tinatapunan niya kami ng titig kaya kitang-kita ko ang dalawang pangharap niyang ngipin.
Umusog palapit si Picolo na siyang sinundan din ni Cassey. "Sinong sir?" bulong niya.
Nagkibit-balikat si Karen. "Andresio," walang pakialam niyang tugon.
Walang umimik sa amin. Tumango-tango lang si Picolo na may nanlalaking mga mata. Si Cassey naman tinupi ng pang-apat ang papel bago sinuksok sa bulsa ng skirt niya.
"I don't know if you pansin-pansin this but I sometimes see his blood shot eyes. Like, red eyes?" Sa akin siya matagal na tumitig mukhang gusto niya ata sabihin kong tama yung sinabi niya.
Tumango na lamang ako dahil may napapansin din akong kakaiba sa kaniya. Ayaw ko lang mag-conclude dahil ayaw ko rin may ganoong teaher sa school year na ito. Last na grade na kami, senior high na ang kasunod.
"Baka may allergic lang si sir, Karen!" Unang nakabawi si Cassey. Umiling-iling siya sa aming dalawa ni Karen. "Napansin ko rin yung mga mata niya pero I am sure hindi siya adik."
Nanlaki ang mga mata ni Karen at napasinghap. Alam kong nag-a-acting na naman siya. Pero mukhang bad timing dahil stress si Cassey sa essay niya.
"Sissy, how do you know it is adik? I didn't say anything about it ha."
Bago pa man may mangyaring pagsasagutan ay pumagitna na ako sa kanila. "Okay, 11:36 AM na, how about advance studying?"
Naramdaman ko ang pagkurot ni Karen sa bewang ko at pagtawa ng mahina ni Cassey. Gulat akong lumingon sa kaniya at kay Picolo na binigyan lamang ako ng masiglang ngiti. Ang gago hindi ko pa nakitang umiiyak o naging malungkot. Palaging nakangiti, eh, statue ba siya?
"It's alright to share your opinions about him, sis, no big deal." Nakangiting saad ni Cassey sa akin kaya napatawa na lamang ako sa sarili ko.
The ending is I explained to them what I also saw at his department the day I submitted those essay we worked on. Yes, I am the one who insisted to submit it to him because we freakin' worked hard on it. Aside from blood shot eyes, he also has a slim figure. As in payat si sir. Siya lamang ang naiiba sa mga lalaki kong teachers dahil may malolobong tiyan ang iba o maskulado.
Also, the strangest is he almost fell on the freakin' marble floor. Buti na lang talaga may isang mabilis na studyante ang umalay sa kaniya. He said he is freakin' fine and I know that he was lying.
He wears long sleeves too. It is effective to hide those needle marks of his.
3 PM right now and it is our snack time. Karen, Cassey and Picolo went out and Winny and I are here outside our classroom. May nakalaang mga small terraces sa bawat building, just like a normal public school.
He is not hungry and neither I am. We are not that close because he rarely talks, we haven't even laugh at each other's jokes. Maybe because I transferred very late.
He is the most mysterious type in our group. I don't know who is the second but for him, I just can't tell what's going on in his damn mind.
"I don't like Tiffany." It seems like a whisper to me. Lumingon ako sa paligid at wala namang malapit na studyante sa amin. Mukhang magka-ka-gyera nga sa room dahil nandoon sa loob si Chen and his god damn friends.
"Why? Mabait naman siya, ah." Hindi ko mapigilang magtanong at wala naman siyang sagot.
I don't want to ask anymore because I might offend him. I can wait for the right time, after all that's what friends do, understand each other.
"Nice, uwian na," masiglang pahayag ni Picolo habang nag-iinat ng mga braso. Palapit siya sa row namin.
Walang hiya lang, nasa harapan pa si sir Andresio, nagche-check ng mga quizes namin. Pero 5 PM na naman, oras na ng uwian, hindi makapaghintay ang gago.
"Sir, sino po ang highest?" Narinig kong sigaw ng isa sa mga kaklase ko.
Nagtawanan at asaran ang nasa likuran ko. Inasar-asar nila yung kaklase naming sumigaw niyon.
As usual ay hindi man lang sumagot si sir at nagpapatuloy pa rin sa pag-check nang mapansin kong nanginginig ang mga kamay niya. Pasmado lang siguro siya.
Nagsimula na akong magligpit ng mga gamit sa bag nang tapunan ko ng tingin si Chen na nakatitig din pala sa akin. Tinaasan ko siya ng isang kilay at lumampas bigla ang titig nito sa likuran ko at may tinanguan doon.
Ang gago inaasar ata ako.
Nang lumipat sa akin ang titig niya ay bunulong pa siya ng asuming. Ang sarap nilang pag-untugin ni sir Andresio dahil sobrang lapit lang nila.
"Okay, class dismissed and class president please record this scores in a one whole yellow paper and pass it on my department before six. Don't forget to write your section. Good bye, class." Ibinigay ni sir ang mga papel naming one-half length wise kay Chen. Hindi ko tuloy malaman kung anong reaksyon niya dahil nakatalikod siya sa akin.
Well, buti nga sa kaniya.
Tatlo lang ata kaming nag-goodbye kay sir at ang iba ay nagsi-alisan na. Mga walang hiya!
Tumayo ako para isukbit ang bagpack nang may umakbay sa akin, hindi naman pwedeng si Picolo ito dahil pandak iyon, pero panlalaki talaga ang pabango kaya wala akong nagawa at nilingon ang kamay nitong nasa kaliwang balikat ko saka nilipat ang atensyon sa kanan. Sumalubong sa akin ang walang emosyong pagmumukha ni Chen.
Napaatras kaagad ako at tinulak ang mukha niya papalayo. Ang lapit niya kasi at nandidiri ako sa kaniya baka mahawaan pa ako ng virus nito.
"Fuck. Your hand smells like shit!" pagmumura nito sa akin. Inamoy ko ang kamay ko at mabango naman ng alcohol. Sarap niya talagang upakan, eh, kung marunong lang ako mag boxing nalumpo ko na siguro siya.
Hindi ko na lang pinansin ang komento niya at hinablot ang bag sa upuan. Dire-diretso ang lakad ko papunta kila Karen na nasa kabilang row.
"Your friends are gonna stalk that teacher?" I stopped on my tracks. Nagtama pa yung mga mata namin ni Karen at siya na ang unang umiwas pagsabi ni Chen.
Liningon ko siya at taas noong sumagot, "Scam, bata. Kung ako pa sa iyo mag-record ka na lang ng scores namin."
"But Winny also joined in." He ticked his tongue and shook his head before laughing like an idiot. He turned his back and started his business.
Binalingan ko si Winny na may kausap na kaklase.
Awesome. Pati siya nagkaka-interesado na sa sir na iyon. Ayos, hindi na batugan ang title ko sa kaniya.
"I gotta go, guys. Enjoy your trip!" I tried not to sound bitter for them. I turned my heels away from the classroom but Picolo grabbed my hand to face him.
"Sumama ka na lang sa amin, Samuela. Curious ka rin kung nag-da-drugs ba si sir, hindi ba?" Pilit niyang binababa ang strap ng bag pack ko at pinipigilan ko naman ito.
"Picolo, not now and maybe never." Madiin kong sagot pero mukhang hindi niya pa rin nakukuha ang ibig kong sabihin dahil sa panay ang pag-a-aya niya.
"Delikado, Picolo. Kung drug addict man siya, you can't imagine how much he can do. Weak man si sir ngayon—"
"One time lang naman ito saka wala namang magsusumbong!" Medyo tumaas yung boses niya kaya napahilamos na lang ako ng palad.
Binalingan ko ng tingin ang mga kaklaseng paunti-unting lumiliit ang bilang. Mukhang alam nila ito o wala silang pakialam. Sila Casey, Karen, at Winny naman ay naghihintay lang sa magiging desisyon ko.
"I have curfews, Picolo. My dad will freakin' ground me for 1 week. You know that, Pic." But I beg them with my eyes not to be reckless.
But hell, they just said they understand my situation and left me at the bus station. At least hinatid pa nila ako.
Sa katunayan nga gustong-gusto ko pang makipag-bonding sa kanila. They are my only friends in this school. But yeah my annoying father won't let me, and if there's something bad will happen to me he would be so overprotective and it is fucking annoying.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top