Chapter 13: he's back
Third Person's POV.
Kanina pa nakatayo ang babaeng yakap-yakap ang mga libro niya habang nag-aabang sa papalapit na train papuntang Maynila. Siya lamamg ang naiiba sa mga commuters na naroroon dahil ang karamihan ay mga office worker na nagmamadali sa kanilang trabaho. Habang siya ay nakasuot pa siya ng uniporme ng kanilang skwelahan na kulay sky blue ang saya at puting longsleeves naman sa itaas.
Panay rin ang kaga niya sa kaliwang kuko niya habang ang kanang kamay niya naman ang mahigit pa rin ang yakap sa kaniyang mga libro. May bangs siya na natatakpan ang kaniyang mga mata na halatang namamaga dahil sa pag-iyak.
Walang may alam maliban sa kaniya kung bakit siya luluwas ng Maynila o kung may bibisitahin nga lang ba siya roon. Wala man lang siyang dalang bag maliban sa mga libro niya. Hindi rin siya katangkaran na nasa 5'3 inches lamang.
Namalayan niya na lamang ang sariling pumasok sa train nang maitulak siya sa nag-uunahan na mga office workers. Bumilis ang tibok ng puso niya sa gagawin niya ngayon pero wala siyang ibang option dahil nandito na naman siya.
Nanginginig ang mga binti niyang naglakad sa loob na puro nakatayong commuters ang naroroon at wala ng bakanteng upuan para sa rush hour na iyon.
Habang patuloy na pagpasok ng nga commuters sa naturang train ay nakayuko naman ang studyanteng naglalakad. Nanginginig ang kamay niyang kinagatkagat niya kanina at napansin niya ang iilang titignng mga tao sa kaniya.
Huminto siya ng lakad. Mabigat ng dibdib niya at nais niya na lamang lumabas ng transportasyon na iyon.
Maingay ang mga tao sa loob, sari-saring amoy ng perfume lalong-lalo na dahil punuan at wala kang ibang choice kundi ang mapatayo. Mayroon ding megaphone sa itaas na nag-pla-play ng isa sa sikat na kanta ng Bettles. Pagkatapos ng kanta ay napapalitan naman ito ng boses ng isang D.J para sa istasyon na iyon.
Nang magsimulang umandar ang train ay tila nablanko ang isipan ng batang babae at napaatras siya. Napakislot siya nang may umangal at itinulak siya sa balikat ng lalaking estranghero na may bitbit na itim na bag.
Humingi siya ng tawad dito pero dahil namamaos ang boses niya ay hindi siya narinig ng lalaki at tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa nito.
“Anong ginagawa ng taga Yvory High School dito?” manghang tanong ng lalaki sa kaniya na mas nagpa-alarma sa babae.
Napalingon-lingon siya sa mga tao na nakatitig sa kaniya at nabalik ang tingin niya sa lalaki na nakilala ang skwelahan niya.
Nakatitig pa rin ito sa kaniya na para bang naghihintay sa magiging sagot niya pero taliwas ito sa katotohanan. Ang lalaking ito ay galing sa kaniyang pinapasukan at kanina pa siya nito sinusundan. Hindi madali makilala ang kanilang skwelahan kung wala kabg kaalaman sa badges na naka-engraved mismo sa puting blouse ng isang studyante.
Kung titigan ng iilan ay mukhang brand lang ito ng clothing store pero hindi. Ito ang pagkakakilanlan ng mga studyante sa prestihiyosong paaralan na iyon.
Naasiwa ang lalaki sa titig ng babae kaya wala siyang nagawa kundi ang lumayo muna sa kaniya at baka mahalata nito ang kaniyang sadya. Nang mawala ang lalaki ay saka pa nakahinga ng maluwag ang batang babae.
Napayuko na naman ulit siya pero nahagip ng kaniyang pansin ang lalaking nakasuot ng itim na cap, jacket at buong kasuotan nito ay puro itim na nasa harapan niya lang. Manghang-mangha siya sa bilis ng pagtipa ng lalaki sa laptop niya na nasa hita nito.
Parang may hinahabol na deadline ang lalaking ito pero hindi rin matantiya ng babae kung studyante ba siya o isa rin sa office workers na commuters na nandito.
At kung titigan ng mabuti ang pinagkakaabalahan ng lalaki ay makikita mo sa laptop screen niya na puro mga numero lamang ang nandito. Kung limitado lamang ang kaalaman mo sa coding ay wala kang maintindihan ni isa sa ginagawa niya. Pero kung isa kang computer science student o expert sa larangan na ito ay sa unang tingin pa lang ay malalaman mo na ang ginagawa ng lalaki.
Wala na siyang sinayang pa na panahon at napangiti nang mapindot niya ang enter ng laptop. Napatingala siya sa at mula sa harapan niya ay nagtama ang mga mata nila ng babae na kanina pa nagmamasid sa kaniya. Nakita niya kung paano namilog ang mga mata nitong namamaga at agad napaiwas ng tingin.
Hindi na lamang ito napansin ng lalaki at pinatay niya ang laptop bago ito isinarado.
Maya-maya pa lamang ay nagbago ang andar ng istasyon na nagpla-play sa megaphone na nasa loob ng train. Mula sa boses ng babaeng D.J sa kabilang linya ay napalitan ito ng estrangherong boses ng lalaki.
Malalim ito ang boses nito at umugong ang pagtataka ng mga tao dahil sa mga katagang lumalabas sa bibig nito.
“I killed them. Those high school students from Malaya High School. I, Michael Andresio, killed them.”
Naramdaman ng batang babae ang pagtayo ng balahibo niya sa batok nang marinig muli ang salitang ayaw na ayaw niya marinig.
Nagsibulungan ang mga tao sa train na nandoon na narinig ng batang babae.
“Malaya High School? Hindi ba roon nag-aaral ang isa sa anak ng Fuentes Prime Holdings?” isang binibini ang narinig niya sa kaniyang likuran na sinang-ayunan naman ito ng kasama niya.
“Yes, ma'am. Narinig ko ngang nawawala raw yung anak nila ngayon. Nakakatakot naman ano pa bang ginagawa ng mga police!”
Napatigil siya ng marinig ang mahinang hagikhik ng lalaki sa harapan niya. Napansin niyang sinusubukan nito ang sariling huwag tumawa ng malakas.
Napakuyom ng kamao ang lalaki at sumisingkit ang mga mata niya. Gamit ang kamao ay ginamit niya itong pangtakip sa bibig niya.
Napayuko na lamang ang babae bago pa mahuli ang lahat at magtama na naman ang mga mata nila.
Gusto niya na lamang umalis at tumakbo papalayo sa mga taong ito pero nag-aalinlangan naman siya dahil saan ba siya pupunta? Natatakot siyang iwanan ang kung anong mayroon siya.
Patuloy pa rin sa pag-play ang recording na sumapaw sa istasyon at paulit-ulit ito na parang walang balak huminto. May narinig din silang boses ng isang police dahil nagpakilala ito sa recording.
May ibang tao ang naroroon na nag-aalala para sa privacy ng suspek at kung totoo nga ba ito ay dapat managot ang kung sinuman ang nag-hack sa istasyon ng radyo.
“Sir, tatanungin kita ulit, nasaan ang mga labi ng biktima kung pinatay mo nga sila?”
“I'm not supposed to be here. Dapat nasa abroad na ako ngayon pero nakialam si Chen Martinez sa plano ko kaya ko rin siya pinatay!”
May kumalabog sa radyo at napasigaw ang nakikinig.
Mula sa upuan ng lalaki kanina ay napatayo siya at lumipat sa pinakamalapit na exit sa train. Umupo naman ang isa sa mga nakatayo sa pwesto niya.
Sinundan ito ng tingin ng babae pero natuod na lamang siya sa kaniyang kinatatayuan. Wala siyang balak na sundan o komprontahin ang lalaki dahil mas nangunguna ang kalagayan niya.
“Sir, now we got his confession do we need to put him behind bars after this?”
“Of course ano pa bang iniisip mo?” supladong pagkakasabi ng isang lalaki na may baritonong boses. “Wala na siyang pamilya at walang kukuha sa kaniya bilang client dahil wala namang pambayad ang payat na ito. Anyways, I'll be in my office, go request an arrest warrant, officer Cañete.”
“Sir, yes, sir,” tugon ng kaniyang kausap.
“And also ask the Missing Person Unit to transfer the case files to us because this is Homicide, Cañete so you better move.” mala-awtoridad na sinabi ng tinawag na sir ni officer Cañete.
Nag-fast forward ang pangyari at may sumapaw naman ditong boses na mumhang bagong dating lamang dahil nakuha ng recording ang tunong ng pagbukas ng linutan ng kanilang pinag-usapan.
“Sir, Hoylar I didn't know you will be here, sir. Pero nandito na naman kayo please hear my investigations—”
“Stop with your novel, Anthony. I am already sick of your pointing fingers right now. We already have the killer right in front he confessed and go back to your work now!” sigaw ng kaninang nag-utos kay officer Cañete sa kausap nito.
Ang mga tao sa loob ng tren ay nagbubulong-bulungan kung sino ang sir Hoylar na ito. Napagtanto rin nila na totoo nga ang recordings na ito at nagte-trending na ito sa X at Facebook, lalong-lalo na sa Malaya High School dahil binanggit ang sekondaryang ito.
Abala ang lahat ng mga studyante sa kanilang kaniya-kaniyang cellphone nang makita nila ang post galing sa isang user at nagsikumpulan silang lahat sa teacher's table. Malakas ang tibok ng puso nila sa excitement at nang i-play nila ito ay dumagundong sa kanila ang kaba nang marinig ang boses ng kanilang guro na sir Andresio mismo.
“...those high school students from Malaya High School,” pagrinig nila ng pangalan ng kanilang skwelahan ay napalingon ang isang babae sa direksyon ni Samuela Hoylar na nahuli niyang nakatitig sa kaniya.
Dali-dali naman siyang napatalikod at nagkunwaring kinakausap ang kaniyang mga kaibigan.
“Shit. Totoo kaya ito? Sino kayang nag-post nito?”
“Hind kaya may whistle blower sa police force at—” Pinagtawanan nila ang kanilang kaibigan na walang nagawa kundi ang mapatahimik na nakinig na lamang sa recording.
“Hoylar?” bulalas ng isa sa kaibigan niya kaya nakatanggap siya ng suntok nito. Napalingon sila kay Samuela na may kausap na mga studyante at mukhang hindi naman sila narinig.
Masama ang titig na ipinukol ng isa sa kaibigan niya. Mga walo sila sa teacher's table na pinapakinggan ang recordings.
“Baka marinig ka at mapatay pa tayo niyan,” pagbibiro nito na pagtawa ng iba. Pero may sumapaw rin sa kanila na babae.
“Hindi ba false accusations lang iyon ni Daisy? Wala siyang ebidensya talaga na si Hoylar nagpatay sa mga kaibigan niya. Gawa-gawa niya lang iyon dahil attention-seeker siya!” pangangatwiran nito na siyang pagsangayunan ng iilan sa kanila.
“Tama ka. By this recording it proves that our teacher sir Andresio killed them. Daisy only spreads out that Samuela Hoylar survived that knife fight was suspicious. Bakit dapat ba siyang mamatay dahil wala na ngayon si Chen?” bulong ng isa pa na siyang pagtanguan nilang lahat.
Wala ng kasunod ang recordings kaya napabalik na sila sa kanilang kaniya-kaniyang upuan at mas umingay pa ang classroom na iyon dahil sa balitang nag-trending sa SNS.
May kaniya-kaniyang opinyon ang lahat nang tumayo si Samuela at nilisan ang silid na iyon. Sinundan lamang nila ng tingin ang dalaga at walang nagtangkang magtanong kung saan siya pupunta.
At habang abala ang lahat sa pagku-kwento ay may pumasok sa silid nila na dalawang tao na nagpakilala bilang mga journalist sa isang kompanya.
May dala-dala rin silang mga camera, microphone at kung anu-ano pang para sa pag-broadcast. Tinanong sila kung nasaan ang adviser nila at ang bise presidente na mismo ang umasikaso sa kanila.
Tila nanginginig pa ang iba dahil dito at lumabas ng classroom at pinuntahan ang ibang mga kaibigan nito sa ibang classroom.
Samuela's POV.
Napabuga ako ng hangin ng makita ko si Amelia na nakatayo sa harapan ko. Ibang-iba na siya noong huli ko siyang makita. Ang buhok niyang may highlights ay ngayon napalitan na ng kulay itim. Itim na itim din ang eyebags niya.
Mahaba ang itim na buhok niya na parang hindi nasusuklayan. Nang hawakan ko ang balikat niya ay umatras siya sa akin at ang mga mata niya ay napalitan na ng ibang emosyon. Halos hindi ko na siya kilala.
Ano ang nangyari sa best friend ko nang iwan ko siya?
“Amelia, paano ka nakapasok dito? Saka it's been a while, ah. How are you?” I tried to converse with her to lessen the awkwardness I am feeling but it looks like I provoked her.
“How are you, my ass. You, psychopathic bitch don't you dare touch me or else I'll report you to the police what you did to your mother!” she gritted her teeth which is totally concerning because this is my first time to see her like this.
“What happened, Amelia? Are you not feeling well?” concerned registered in my eyes when again she tried to step backward and in a blink of an eye the door of the rooftop burst open.
My eyes widened in surprised when I saw Chen rushing towards us. I tried to blink and glanced my surroundings to see if there is something wrong but all I can see is the rooftop where I am standing.
My heart starts beating so fast and my ears went numb.
“Samuela Hoylar, you should go home now or else reporters will interview you and suck off your energy. Go now!” When I blinked again the face of the figure rushing towards us changes into an unfamiliar security guard shouting at me.
He shouted at me and got a grip of Amelia when she tried to grab my hair. Another security guard emerged from the door and stopped Amelia.
Naguguluhan man ako ay sinunod ko na lamang sila.
“Ang bilis naman ng isang ito. Uy, miss saang istasyon ka galing?” iyon ang huling narinig ko mula sa mga sekyu na nandoon.
Hindi ko alam kung bakit nila ako pinoprotektahan. Dahil ba kay tatay?
Maraming studyante na rin ang nasa labas at mukhang walang mangyayaring klase ngayon dahil nagkakagulo ang lahat na nandito. Doon ko na lamang na-realize na ako ang kanilang pinag-uusapan dahil naktitig na sila sa akin.
Saka naman tumunog ang cellphone ko at dali-dali ko itong sinagot. Nagbabasakali ako na sana dumating na siya. Na sana siya na ito!
Kagat labi kong sinagot ang tawag.
“Hello?” tanong ko.
“Is this Miss Samuela Hoylar from Malaya High School?” hindi pamilyar na boses babae ang sumagot.
Bumilis ang tibok ng puso kong napatango pero naalala ko rin ang sinabi ng sekyu na may mga reporter na nakaabang sa akin kaya hindi ko muna sinagot ang tanong nito.
“May I ask who is this?” instead I answered it with another question.
There was silence for a moment but the person from the other line answered my question with another.
“A customer wanted to ask if you did the right thing, Miss Hoylar. I am calling from the Vintage Blend, miss.”
I wanted to speak more when all of a sudden the call ended and there is only one thing that engraved my mind at that moment. There is no other than that person.
And I am sure of it.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top