Chapter 1: the catalyst

Nakatulala akong pinagmamasdan ang mga studyante na dinadaanan ang aming classroom. May kaniya-kaniyang kausap ang lahat, may nagmamadali, at nabibilang lamang ang tumatakbo.

Pumapasok din sa isip ko kung may paraan kaya para mabasa ko ang iniisip nila nang sa ganoon ay alam ko na ang aking gagawin para sa ikabubuti ng lahat. Para wala ng racism, body shaming at kung anu-ano pang issue sa lipunan.

Nakaupo ako sa pinakaunang row katabi ang bintana na nasa kanan ko na may layong tatlong arm chairs. Nalulunod ako sa pag-iisip kapag sobrang ingay ang sa paligid ko, katulad ngayon na wala akong maisulat na argumento sa ginagawa kong talata.

Lumabas saglit ang aming guro sa asignaturang Ingles. Binigyan niya kami ng dalawampung minuto bago siya babalik at doon namin ipapasa ang pinapagawa niya. Pero sa kasamaang palad ay puro laro, usapan, at pagsisigawan ang ginagawa ng mga kaklase ko.

Nabibilang na lang kaming seryoso sa proyektong inatasan sa amin.

Nagsulat akong muli. Hindi naman ako magaling sa wikang Ingles pero masasabi kong marunong ako rito. Nagsasalita ng Ingles ang tatay ko kaya sa kaniya ako natututo.

"Racism can be avoided if each individuals are willing to learn and acknowledge different ethnicity, race, and cultures..." Pagbabasa ko sa nabuo kong argumento sa aking isipan.

"Cassey, kembotan mo naman nang maigi, para kang kahoy na sinasayaw ng hangin sa totoo lang!" Naagaw muli ang atensyon ko ng aking mga kaibigan.

Nasa pinakalikod pala sila na kung saan ang trash cans at lalagyan ng mga walis tambo at dust pan. Nasa harapan nila Cassey at Karen ang mamahaling cellphone na kung hindi ako nagkakamali ay Iphone 11 iyon.

Busy silang dalawa sa pagsasayaw ng Savage Love kaya kinuha ko ang sinusulatan kong bondpaper at ball pen saka lumapit sa kanila.

Nagti-tik tok pala sila at hindi ko maitatangging mas maganda at maputi pa si Karen sa kaniya. Average na babae lang si Cassey at hindi siya masyadong maarte pagdating sa pisikal niyang katawan.

Nakatali ang buhok niyang hangang balikat gamit ang napulot na rubber band. May taas siyang 5 foot 1 inches. Ang gustong-gusto ko sa kaniya ay ang pantay-pantay at mapuputi niyang ngipin, lalong-lalo na ang labi niya ay pumuporma ng hugis puso. Mas maganda siya kapag ngingiti siya labas iyon.

Nang makarating ako sa nakaupong Winny na parang walang paki-alam sa nangyayari sa paligid niya, kalma lamang siyang natutulog gamit ang balikat niya at nakatagilid naman ang ulo niya kaharap sa akin. Taliwas kay Picolo na siyang pinaka-energetic sa aming lima ay mas gugustuhin niya pang manahimik kaysa ipaglaban ang side niya. Isa lang ang masasabi ko sa kaniya, batugan.

Hindi na ako nag-abala pang umupo sa tabi niya baka mahawaan ako sa kaniya. Bitbit ang bondpaper ay sinampal ko iyon sa namumutla niyang mukha. Katulad ni Karen ay maputi rin siya, may makakapal na kilay at palaging nagsusuot ng kukay itim na damit. Kahit ipinagbabawal ang ganito sa skwelahan ay walang habas ang isang ito.

Strikto ang paaralan pagdating sa uniforms at lalong-lalo na sa I.D pero alam ko namang may mga studyante pa ring nakakawala. Marami kayang studyante ang paaralang ito, hindi nila magagawang idisiplina ang lahat.

"Cassey naman ang baduy mo!" pang-aasar muli ni Picolo kay Cassey na walang ibang nagawa kundi ang batukan ang isa para manahimik. Tumawa si Picolo sa nakuhang reaksyon ni Cassey at naghabulan sila sa palabas sa classroom.

Walang pakialam na kinuha ni Karen ang cellphone na nakatayo sa binatana saka pinanuod ang sayaw na naganap nila kanina. Paulit-ulit na nagpe-play ang kantang Savage Love ni Jason Derulo.

Binalingan ko ulit ang natutulog na Winny saka muling sinampal ngunit sa pagkakataong ito ay ang kamay ko na ang ginamit ko. Hinampas ko ang pisngi niya ng marahan saka kiniliti ang bewang niya na siyang tumugon naman.

Napatawa ako nang sumalubong sa akin ang singkit niyang mga mata, tama nga ako na natutulog siya dahil hindi naman singkit ang mga ito. Nagiging ganoon lang kapag bagong gising ang gago.

Muli ay sinipa ko ang binti niya, nagsusuot pala siya ng denim jeans at itim na hoodie. Parang emo siya dahil na rin sa mataas niyang buhok na tinatakpan ang mga mata niya. Pati buhok hindi niya magawang pagupitan, isumbong ko kaya siya sa guidance?

Lahat na lang ipinagbabawal pero wala namang kompetensiya pagdating sa mga marka.

"Sissy, you're back!" Napaatras ako nang bigla akong yakapin ni Karen ng mahigpit. Naramdaman kong may malabot sa dibdib ko pero alam kong galing iyon sa kaniya. Maliban sa kagandahan ay binigyan siya ng malaking hinaharap, kahit slim ang pangangatawan niya, nasa lahi na ata nila iyon dahil ganoon din ang ate niya na nasa college.

"Back? Eh, nandoon lang ako sa pwesto ko mula pa kanina," pagtataka ko saka itinuro ang pwesto ko sa harapan.

Ngumuso siya, nilingon ang gising na Winny, saka ibinalik ang atensyon sa akin. "Oh. Akala ko you were tulog just like my hubby." Ginawaran niya ako ng halik sa pisngi bago hinablot sa kamay ko ang bondpaper.

"Karen!" Kaagad ko siyang hinabol at muntik pa akong madapa dahil sa nagkakalat na bag sa sahig at hindi na arrange na mga kulay asul na arm chairs.

Lumabas siya sa classroom saka lumiko sa kanan ko na kung saan ang aming hadgan, lumiko ulit siya sa kanan na kung saan ang pinakamalapit na wash room namin.

Napahinga ako ng malalim saka halos linipad ang pagitan naming dalawa makuha lamang ang bondpaper ko. Matagumpay ko itong nakuha mula sa mga kamay niya papasok pa lamang siya sa washroom.

Tumawa akong bumalik sa classroom at nagsabay din kami nila Cassey at Picolo ngunit doon sila sa harap na pintuan habang ako sa likod.

Agad akong humanap ng arm chair para isulat dito ang nakuha kong sagot na magiging argumento ko. Marahas kong enikisan ang nabanggit ko kanina at pinalitan ito. Sa totoo lang ay gusto kong maging orihinal, nabasa ko lang kasi iyon sa google at plagiarism ang tawag doon, nakakahiya rin para sa mga kaklase ko.

"Picolo, akin na 'yan!" muling sigaw ni Cassey sa tumatakbong Picolo sa direksyon ko. Halos nagsabay lang din sila ni Karen na wala ng ginawa kundi magtipa sa cellphone niya.

"Kunin mo kung kaya mo," parang batang pang-aasar ng isa. Nagtataka ako nang ibigay niya sa akin ang cellphone ni Cassey at itinaas ang braso na parang lumilipad at tumalon-talon pa.

Hanggang balikat ko lang si Picolo at napakataba niya talaga. Katamtaman lamang na kulay brown ang balat niya. Habang ako naman ay may katangkarang 5 foot 8 inches.

"Huwag mong ibigay sa kaniya, ah." Siya na mismo ang bumukas sa kamay ko saka inilagay dito ang cellphone. Tinanguan oa ako ng gago na nagihintay para maging kakampi niya.

Nang makalapit si Cassey sa amin ay hinablot niya sa kamay ko ang cellphone. Ramdam ko yung galit niya at sinamaan niya kaming dalawa ni Picolo, wala naman akong ginawang masama sa kaniya.

"Excuse me, nandito ba si Winston Vergara?" Otomatiko kaming lumingon sa pinanggalingan ng malambing na boses na iyon. Nasa gilid lamang namin dito sa pinakalikod na pintuan.

Pamilyar na babae na mapapansin ang nakaipit na kulay puting hair pin sa buhok niya. Maihahalintulad ito sa usong hairpin ngayon na hugis parihaba na pinapalibutan ng hugis bilog. Naka-complete uniform siya katulad ko. Nakapusod ang mahaba niyang buhok at mapapansing wala man lang stretch marks o pimples sa mukha niya. Maputi rin siya at maganda.

Nang magtama ang mga mata namin ay kaagad siyang ngumiti na kung saan kitang-kita ng magkabila niyang dimples na siyang kinaiinggitan ko. 

"Samuela, hello. Nakita mo ba si Winston?" bati niya sa akin na siyang tinanguan ko na lamang. Mas lumapad pa ang ngiti niya sa narinig kaya wala akong ibang nagawa kundi ituro si Winny sa pwesto nito kanina habang nakatitig pa rin sa mala-anghel na babae sa harapan ko. 

Miski si Karen nga na mayaman ay may kaunting stretch marks pero siya bakit wala. Tanungin ko kaya siya kung anong skin care gamit niya?

Tumagilid ang ulo ni Tiffany sa kaliwa saka kumaway dito na siyang lumampas ang titig niya sa aming apat. Wala rin kaming ibang nagawa kundi ang lumingon kay Winny na walang reaksyon ang mga mata. 

Bumagsak ang titig ko sa sapatos kong black shoes saka napalabi. Kailangan kong ngumiti para sa kanilang dalawa.

Muli ay lumingon ako kay Tiffany saka ngumiting napakapit sa braso niya. Hinila ko siya papalapit kay Winny. Alam ko namang gusto niya rin si Tiffany kahit ganiyan siya maka-asta. Sino nga bang hindi magkakagusto sa babaeng kagaya niya. Pisikal pa lang ay package na.

"Winny, kamustahin mo naman si Tiffany," pinilit kong maging malambing sa kaniya kahit ang totoo ay ayaw na ayaw ko kay Tiffany. Sobrang ganda niya kasi at nakukuha niya lahat ng atensyon ng mga tao kahit hindi niya naman iyon deserved. Mayaman din sila pero kulang siya sa utak.

Nang mapansin ng mga kaklase ko ang nangyayari ay nagsi-asaran sila sa dalawang Winny at Tiffany na namumula kaharap ang kaibigan ko. Miski ang mga pangalan nila ay magkatugma, sayang nga naman kung hindi magiging sila.

"Busy kami," malamig na turan ni Winny sa kawalan. Hindi ko alam kung sino ang sinabihan niya dahil hindi man lang siya nag-eye contact sa aming dalawa at walang sabing umalis sa classroom. 

Sumunod naman ang inosenteng Tiffany sa kaniya. "Sandali. Pwede ba akong sumabay sa iyo mamaya pauwi?" Mabilis ang lakad ni Winny kaya malabong masabayan niya ang kaibigan ko. 

Nasa ibabang floor lang ang classroom ni Tiffany at kasali siya sa RCY o Red Cross Youth. Hindi ko maintindihan si Winny kung bakit hindi niya sinasabayan sa trip itong si Tiffany na maganda naman yung dalaga saka sporty pa. Hindi ba ideal iyon ng mga lalaki?

Mula sa harapan ay naagaw ang atensyon naming tatlo.

"Wala na raw klase sabi ni sir Andresio," pahayag ng papansing homeroom president namin. Tulad ng nakagawian ay halatang-halata ang tumutulong pawis sa noo niya. Nagkahugis bilog din ang collar ng green shirt niya dulot ng pawis.

"Talaga, Chen? Ano pa sabi niya? Kailan ipapasa ba yung essay?" Salubong ng isa naming kaklase sa kaniya, yakap-yakap yung mga libro niya pero naglaan siya ng puwang sa pagitan nilang dalawa. Nangangamoy pawis siguro si Chen pero ang walang hiya ay lumapit sa kaniya at tinapik-tapik ang balikat niya.

"Anong oras na ba?" tanong ni Chen. Sinipat naman ng kausap niya ang wrist watch nito at akmang magsasalita nang unahan siya ng isa. "5:15 na, late na ng 15 minutes si sir. Pwede na tayong umuwi..." 

Hinarap niya ang mga kaklase ko at nagtama rin ang mga mata namin pero ako na ang unang umiwas saka inaya ang tatlo na umuwi. Nagsingayunan naman sila lalong-lalo na si Karen na tinakbo ang bag niya sa kabilang column na nasa pinakaunang row din. 

Bumalik din ako sa pwesto ko at ipinasok ang bondpaper sa loob ng bag pati na rin ang ball pen. 

Umugong ang tunog ng binti ng mga upuan na humahagod sa sahig, mga tawanan at mga plano nila mamaya ng mga kaklase ko. Nagsireklamuhan din ang iilan nang banggitin ni Chen ang mga cleaners.

Nang maisukbit ko ang bag pack sa likod ay humakbang ako palapit kay Chen na naghahandang umalis. Maraming nagkakalat na libro sa arm chair niya, pati na rin sa row nila ay may mga basura, nakakahiya nangunguna pa naman ang row nila.

Nang makatyempo ay kaagad ko siyang kinwelyuhan saka nagtama ang mga mata namin. Nagulat siya sa ginawa ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Ano pang 'sabi' ni sir Andresio sa iyo," Diniinan ko ang salitang sabi para asarin siya. Alam naman ng lahat na hindi siya maaasahan, napakasinungaling niya kasi. "Kailan ba ipapasa ang essay?" pag-uulit ko. Taas noo akong nakatitig sa mga mata niya.

"Ewan, wala nang sinabi si sir," bagot niyang tugon dulot nang pagkulo ng dugo ko.

Humigpit ang kapit ko sa kwelyo niya dulot ng pagkislot niya.

Naaagaw na rin namin ang atensyon ng mga kaklase ko at wala man lang isang nagtangkang awatin ako maliban kay Picolo na tinatawag ang pangalan ko.

"Sumagot ka ng maayos, bata. Paano ka ba namin mapapaniwalaan kapag ganito ka?" Nanlalaking mga matang tugon ko. Gusto ko rin siyang paniwalaan pero siya rin ang nagpapahamak sa buong klase.

Naalala ko yung sinabi niya sa aming hindi matutuloy ang performance namin sa Science na kung saan magro-role play kami dahil may teacher's meeting. Ganoon din sa ibang seksyon, nagtanong yung mga kaklase kong may kaibigan sa ibang section at wala nga silang Science. Hindi rin namin mahagilap ang guro namin kaya hindi na kami nag-practice at isinaalang-alang na lang yung ibang performance. But what happened is na-late ng 10 minutes si ma'am and we still performed it.

I was going to make it perfect that's why beforehand I insisted to practice with my groupmates, but they freakin' believed Chen. The ending I got the highest score in my class because I am also the leader in my group. Hindi siguro responsable ang ibang kaklase ko kaya naging ganoon.

But it will not happen again. Nakakahiya rin dahil naging mataas ang expectation nila sa akin pagkatapos iyon. Hindi ko naman iyon sinasadya sadyang mahal ko lang ang pag-aaral ko.

Naramdaman ko ang kamay ni Chen na pilit inaalis ang dalawa kong kamao sa kwelyo niya. "Sandali nasasakal na ako!" impit niya kaya wala akong ibang nagawa para umawat.

Umatras ako ng isang hakbang habang inaayos niya ang nagusot na damit. Masama ang titig niya sa akin at marahas na hinablot ang bag pack sa upuan. Kaagad ko siyang hinablot sa braso saka ipinaharap sa akin.

Siya yung studyante na ayaw na ayaw ko. Mukhang hindi kasi siya marunong pumili ng kaibigan. Puro na lang cutting classes ang alam niya at mayayaman nga ang kaibigan niya ngunit mga bully naman.

Inaamin kong isa rin siya sa 'famous' sa school dahil sumasali siya sa basketball try outs, mayaman, matangkad, at may bad boy vibes na kinahuhumalingan ng kababaihan ngayon.

"Hindi ba kasali ka rin sa cleaners?" Hindi ko kaya siya hahayaang makaalis. Pero gaya ng inaasahan ay minura niya lamang ako.

"Paki alam mo?" Tinanguan niyang pa ako habang may nanlalaking mga mata saka marahas na binalibag ang kamay ko na hawak-hawak ang braso niya. Napakuyom na lang ako ng kamao.

Tumindig siya ng maayos at inayos ang bangs niyang halos tumakip na sa mga mata niya. Pinakulayan niya iyon na kulay brown pero hindi naman halata kaagad kapag sa malapitan lang o nasisikatan ng araw.

"Pakitawag na rin si Winny saka ako susunod." Ngumisi siya sa akin saka inistrech ang braso niya para tignan ang oras ng wrist watch niya.

"Ah— paki sabi na rin kay Winny na available pa—"

Nagulat ako nang may tumama na pencil case sa mismong pisngi ni Chen. Nang mahulog iyon sa sahig na semento ay masasabi mong may mabibigat na laman iyon.

Pinigilan ko ang mapatawa sa madilim na aura niya habang minamasahe ang natamaang parte. Wala na ata siyang balak magsalita pa.

Narinig ko rin ang boses ni Picolo na tinawag ang pangalan ni Karen, saka ang mahihina nilang bulungan.

"Paano ba iyan, bata aalis na kami. Paki linis ng buong kintab ang classroom kundi ay isusumbong na kita sa adviser." Tinapik-tapik ko ang balikat niya saka tumawa ng malakas para asarin siya. Sumunod din ang tatlong gago sa akin at sabay na kaming umalis sa classroom.

Oo nga pala, hahanapin pa namin si Winny kung saan nagsuot iyon. Hindi naman siguro sila nag-secret date ni Tiffany 'no?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top