Chaper 4: chasing its shadow
Samuela's P.O.V
"Huy, Chen!" sigaw ko sa pangalan niya nang makita ko siyang nakatalikod sa akin. Nakatayo siya habang hawak-hawak ang kulay luntiang railing. Malapit lamang siya rito kaya humakbang kaagad ako papalapit sa kaniya. Hindi niya naman siguro gagawin ang iniisip ko, 'di ba?
Bumilis ang tibok ng puso ko nang dahan-dahan siyang humarap sa akin pero hindi pa rin nagtatama ang mga mata namin. Nagsisimula na rin akong magtaka sa inaasta niya dahil para siyang nababaliw ngayon. Hindi naman siya nagsasalita kaya hindi ko rin mawari ang ibig niyang sabihin. Ang importante ngayon ang mga kaibigan ko hindi ang buhay ng nasa harapan kong ito.
Nawala ang takot sa puso ko nang unti-unti siyang umupo sa nagkukulay abo na semenrong sahig at halatang-halata ang alikabok sa dito.
Hindi man ako sigurado kung pwede ko na ba siyang lapitan dahil baka takbuhan niya na naman ako, pero wala ng oras, kaya naging alerto na lamang ako kung sakaling takasan niya ako.
Nang makarating ako sa harapan niya ay nakatayo lang ako rito habang pinagmamasdan ang tuhod niyang malapit lamang sa dibdib niya. Napahinga ako ng malalim saka walang paligoyligoy na nagtanong sa kaniya.
"Chen, nasaan ba sila Cassey?" Mahina kong sinipa ang sapatos niyang itim na Nike para makuha ang atensyon niya.
Umiling-iling siya ng marahas at may ibinulong na siya lamang ang nakakarinig at maya-maya ay umiyak siya kaya tumaas na ang kuryusidad ko sa ginagawa niya. Ano bang nangyayari sa kaniya?
Nawawalan na rin ako ng pasensya sa ginagawa niyang ito. Paniguradong nag-aalala na rin ang mga magulang ng mga kaibigan ko kung wala man ito sa mga tahanan nila.
"Chen, putangina mo naman magsalita ka nga!" Marahas kong hinila ang dalawa niyang braso para patayuin at harapin ako na siyang nagtagumpay naman ako.
Gusto ko nga siyang sambunutuan o hindi kaya ay sampalin para matauhan. Malapit na ata akong mapuno sa mga kabalastugan niya, hindi ko alam na magaling pala siyang mag-acting ng ganito.
"Now, look me in the eyes, idiot!" I grabbed his jaw tightly with my right hand just to stay still because he kept on shaking his head repeatedly. His eyes landed on the floor and I fucking wanted to sweep his face on the god damn floor.
"Chen!" I shouted his name once again and tried to keep my patience.
"Fuck," he whispered before meeting my both eyes. He pushed me on my both shoulder causing me to release his jaw and fucking almost stumbled on the floor.
I wanted to cursed him endlessly for pushing me because I cannot deny that he is stronger than me. Of course, because he is a guy and fuck that reason.
"Umalis ka na nga, Samuela. Wala akong alam sa mga sinasabi mo!" Pinagpagan niya ang kasuotan niya saka pinunasan ang mga luha sa mga pisngi niya saka tumawa sa akin. "Pasensya na kung natakot kita, may Asthma kasi ako kaya-"
Uminit ang ulo ko at pakiramdam ko ngayon ay gusto kong pumatay ng tao. Gusto ko siyang itulak sa kinatatayuan niya para manahimik na siya sa kahibangan niya. Ano bang akala niya sa akin bobo?
"For fuck's sake, Chen isipin mo nga kung makakaya ba ng isang tao ang sumali sa basketaball na naka-diagnosed ng Asthma." Diretsahang sagot ko sa pagmumukha niya.
Mga isang metro lamang ang layo namin at pinipigilan ko lang ang sariling kalmutin siya o hindi kaya ay sampalin.
"Sa inaasta mo kanina ay para kang baliw, nakahithit ng druga o hindi kaya na-trauma. Sa tingin mo saan ang mas kapanipaniwala roon?" Taas noo kong tanong pero sinuklian niya lamang ako ng kibit-balikat kaya napahakbang ako papalapit sa kaniya.
Nang magsalita naman siya ay halos abot ko na ang balikat niya para itulak siya sa pababa sa gusaling ito.
"Ano bang pakialam mo kung anong mayroon ako? Kailan ka pa nag-aalala sa akin?" Tinanguan niya ako na parang hinahamon sa magiging sagot ko.
"Talunan ka pala, Chen." Dahan-dahan ko itong inusal para maukit ito sa munti niyang isipan. Sinundan ko pa ito ng nakakaasar na tawa.
"Ang nangyari sa mga kaibigan ko ay kasalanan mo. Ngayon bakit hindi ka nagsasalita laban dito, ayaw mo bang maging malinis kahit sa akin lamang?" Pinagdadasal ko na sana bigyan niya ako ng sagot na hinihingi ko: kung nasaan sila ngayon o maayos nga lang ba sila.
Habang nakatitig ako sa malalim niyang mga mata ay naisip ko rin ang gabing iyon. Mukha wala namang siyang binabalak na masama sa mga kaibigan ko. Nag-aasaran pa nga sila Winny o baka naman dahil na kay sir Andresio ang atensyon ko kaya hindi ko siya naisali?
"Hindi ako sumama sa kanila," madiin niyang usal. Kaagad kong napasipa sa mga alikabok na nasa paanan ko lamang dahil sa inis.
Lumapit ako sa kaniya at kinwelyuhan siya, napakislot siya at hindi man lang hinawakan ang mga kamay ko para alisin ito.
"Chen, huwag mo akong gawing tanga. Nakita pa nga kitang sumama sa kanilang apat nang ihatid nila ako sa sakayan ko. Hindi pa gabi iyon at hindi ka nagdadalawang isip noon. Chen, sabihin mo sa akin kung anong nangyari roon, maaasahan mo ako." Paunti-unti kong binitawan ang kwelyo niya at napatulala na naman siya.
Nagbabadya ang mga luha sa mga mata niya kaya dinukot ko sa bulsa ng aking saya ang panyo ko saka ito inilahad sa kaniya. Hinawakan ko ang kanang kamay niya at dito inilagay ang panyo nang wala akong makuhang sagot sa kaniya.
Siguro dapat maging mahinahon na lamang ako sa kaniya at intindihin siya. Siguro ngayon ay natatakot siya o may bumabagabag sa puso niya para hindi siya makasagot ng maayos.
Nang tuluyang tumulo ang mga luha niyang iyon ay nagsalita siya. "Nanaginip ako noon. Sa panaginip ko parang totoo, parang nandoon ako o nakita ko iyon. Takot na takot ako, Samuela." Nanginging ang boses niya pati na rin ang mga kamay niyang kumapit sa braso ko.
Wala akong nagawa kundi ay yakapin siya para pakalmahin ang puso niya. Narinig ko siyang suminghot at kusa na lamang gumalaw ang kamay kong hinagod ang likod niya.
Pasalamat ka, Chen may kailangan ako sa iyo kundi ay naitulak na kita kanina pa.
"Hindi ko maintindihan ang panaginip kong iyon. Simula noong mamatay ang mga magulang ko ay hindi ko iyon napapaginipan. Puro masasayang larawan ang nasa panaginip ko, Samuela, h-hindi ko maintindihan."
"Anong nakita mo ba?" bulong ko.
MALALAKING mga hakbang sa bawat paglalakad ang ginugugol ko. Kanina pa malakas ang tibok ng puso ko pagkatapos akong payagan ni tatay na lumabas ng bahay dahil wala namang klase tuwing Friday. Kung hindi niya naman ako papayagan ay gagawa ako ng paraan para makatakas sa bahay at uunahan siya sa pag-uwi.
Dinahilan ko lang sa kaniyang may movie marathon kami kina Karen at maaga naman akong uuwi at hindi ako lalabas ng bahay bukas kung papayagan niya ako ngayon, as if, hindi ako lalabas bukas.
Kilala niya na naman si Karen dahil tinawagan niya ito mismo noong nagkaroon kami ng group report. Bantay-sarado ako kay tatay pero hindi naman nakakasakal dahil tumatakas pa rin ako sa bahay. Wala naman kasi siyabg karapatan para ikulong ako roon, mamamatay ata ako ng maaga kapag hindi ako lumalabas.
Walang memorya ang bahay na iyon. Lumipat naman kasi kami ng lugar pagkatapos mailibing si mama kaya hindi ako nalilibang.
Kung ititimbang noon ay siguro matatawag akong perfect daughter. Hindi naman sa pagmamayabang pero sobrang bait ko kasi noon. Marami akong kaibigan, mahal ko ang mga magulang ko, tinutulungan ko ang lahat ng mga tao at mataas yung pasensya ko. Maraming nagbago sa akin nang mawala si mama, parang hindi ko na kilala ang sarili ko.
Minsan nga napapanaginipan kong itinulak ko si mama sa gusaling iyon. Pinatay ko siya, at kasalanan ko ang lahat ng ito. Hindi ko alam at natatakot ako para roon.
Huminto ang mga paa ko ng makakita ko ang numerong nakaukit sa kulay asul na gate. Magkaparehong numero ito sa ibinigay ng kaibigan ni sir Andresio na teacher ko rin sa grade 8. Naging madali lang sa akin makuha ang address ni sir dahil nagkunwari lang akong nag-aalala sa kaniya dahil hindi siya pumasok sa kaniyang klase. Medyo tanga rin yung teacher kong iyon dahil naniwala at ibinigay ito sa akin.
Matapos sabihin ni Chen ang mga narinig niya ng gabing iyon ay humingi kaagad ako ng address sa teacher ko at kinabukasan, na kung saan ngayon ay nandito na ako. Iniisip ko pa ang mga dapat gawin pero walang pumapasok sa isip ko.
Gusto ko lang talaga makita sila Cassey, Winny, Picolo at Karen. Hindi na ako nagtanong sa mga magulang nila dahil sa excitement kong pumunta rito, nagbabasakali akong sana nandito lamang sila. Gusto kong patunayan si Chen na mali ang mga narinig niya nang gabing iyon.
Itinulak ko ang gate na nakakapagtakang nakabukas at saka sumalubong sa akin ang garahe sa gilid kanan habang sa kaliwa naman ay isang duyan. Medyo bakante ata ang bakuran ni sir Andresio.
Mahina lamanga ng lakad ko at lumingon-lingon muna ako sa likuran, kaliwa, at kanan ko bago tinungo ang front door. Nagdadasal ako na sana talaga bukas ito at tama nga ako. Hindi kaya mayroong tao sa loob ng bahay na ito?
Pero bakit napakatahimik naman. Kung mayroon nga ay umaandar sana ang telebisyon o radyo ng bahay. Ginagawa kasi namin iyon para hindi mapagkamalan na walang tao sa bahay namin para hindi manakawan. Taliwas naman ngayon dahil kay raming passcode sa loob, sinong mangsasayang ng oras doon.
Pagpasok ko ay walang ilaw sa loob at nailawan lamang ito nang bumukas ang pinto, at ngayong nakasarado na ay wala akong nakikita miski isa. Nasaan ba ang mga bintana?
Dinukot ko sa bulsa ng shorts ko ang cellphone at binuksan ang flashlight. Sumalubong sa harapan ko ang isang book shelves na may sari-saring bagay ang nakalagay: pictures, nail cutter, ball pens, libro at iba.
Sa likuran naman ng book shelves ay ang kaniyang living room. Katulad din sa bahay namin ay kulay puti, grey, at black ang motif na nandito. Kulay puti ang mga sofa niya at black naman ang center table na walang nakalagay. Napakasimple lang ng bahay ni sir at malapit pa sa school.
Maliit lang ang kusina niya at sa kanan nito ay ang C.R at sa kaliwang pinto naman ang kwarto niya. Wala namang katao-tao rito at wala ring nakakahinala maliban sa mukhang walang nakatira rito dahil walang tv, nabibilang lang ang gamit niya sa kwarto, mga common na gamit lang: kulambo, comforter, unan at closet. Ganoon din sa C.R niya: shampoo, sabon, shower, sink, at toilet bowl.
Nilinis ba ito o ganito na talaga ang bahay niya?
Taliwas sa sinabi ni Chen sa akin na may narinig daw siyang dalawang hindi pamilyar na boses dito sa mismong bahay ni sir Andresio. Ngunit sino naman iyon kung mukhang si sir lang ang nakatira rito? Magnanakaw kaya iyon?
Kung sasabihin nating magnanakaw nga ay bakit sinabi ni Chen sa aking narinig niya ang mga iyak, hagulhol, sigaw, at paghihingi ng tulong ng mga kaibigan ko habang nakapiring ang mga mata niya? Bakit hindi niya narinig ang boses ni sir Andresio?
Hindi niya raw maalala kung anong pinag-usapan ng dalawang iyon pero nakakasigurado siyang babae at lalaki ang dalawang iyon.
Napatigil ako sa pagtingin-tingin sa mga bagay na nakalagay sa bookshelves ni sir nang lumiwanag ang buong bahay. Nang lumingon ako ay nasa harapan ko naman ang naka-unipormeng police officer habang nakatutok sa akin ang baril niya.
Masama ang titig nito sa akin habang pinagmamasdan ang buong kasuotan ko. Nakakapansin ang makakapal niyang itim na kilay at matangos na ilong. Nakakunot ang mga kilay niya at para bang hinahamon niya ako ng gulo nang dahil sa mukha niyang iyan.
Medyo bata pa siya na nasa mga 28 at hindi ko maipagkakailang mas matangkad siya sa akin, siguro nang dahil na rin sa leather boots niya. May makinis siyang balat na kung pagbabasehan doon ay masasabi kong mula siya sa mayamang angkan.
"Sabi ko na nga ba bumabalik ang salarin sa mga crime scenes," ngiti niya na mas hinigpitan pa ang kapit ng kaniyang dalawang mga kamay sa Glock pistol.
Looks like we have a misunderstanding here, mister annoying police officer.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top