CHAPTER 3:
A/n: Don't forget to vote and comment down. Thank you!
_______________________________________
"Treasure's POV"
"Happy birthday best friend!" Pagmumukha iyon ni Cindy na halatang may binabalak na masama.
Wahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!
"Gising." Isang pagpisil sa kanyang ilong ang tuluyang nagpagising sa kanyang buong diwa.
"Woah!" Pinanlakihan siya ng mga mata at nakahinga ng maluwag ng mapagtantong panaginip lamang ang lahat mula sa nakaraan.
Napasapo siya sa kanyang dibdib sa panic.
Walanhong panaginip 'yon. Sobrang sama talaga lalo na't alam mong nangyari talaga.
"Andito na tayo. Tara na pre." Nandito pa rin sila sa loob ng sasakyan. Kadarating lang yata nila sa Stella's Resort.
Sinulyapan niya si Fallus. Nag-iinat ang mokong. Napagod yata sa byahe.
Kinuha niya sa back pack niya ang kanyang pineapple juice para iabot rito.
"Salamat." Inabot naman nito iyon ininom.
Kinalikot niya ang cellphone para sana itext ang barkada kung saan na ang mga ito ng makita niyang nakailang missed call na din si Cindy sa kanya.
Halah!
Siya na mismo ang tumawag sa mga ito.
"Hello! Saan na kayo? Kanina pa kami dito. Nakaisang case na nga kami ng redhorse." Tanong nito.
Wow ha?
"Sige galingan niyo magcelebrate kahit wala pa 'yong may birthday. Diyan naman kayo magaling. Kung sinabi niyo lang na karerahan lang pala 'to ng inuman idi sana hindi na tayo lumayo. Doon na sana tayo sa kalye mismo nagwalwal." Sermon niya sa mga ito.
"Kalma bessy. Binibiro lang kita e." Paghingi nito ng tawad.
"So saan nga kayo?" I asked again.
May tama na nga yata.
"Andito kami sa may lobby. Pasok na kayo." Bilin nito.
"Okay sige. Papunta na kami diyan." Pagbibigay alam ko.
"Tara na sa lobby daw sila." Sabi ko sa kanya na ngayon ay abala sa cellphone niya.
"S-sige... Tara." Bumaba na rin ito pagkatapos at pinagbuksan siya ng pintuan.
Andito sila ngayon sa resort nila Cindy. Anong gagawin nila dito? Tatambay lang daw at iinom ng red horse. Charot! Magsuswimming daw kami. Medyo exciting din ito. Last time kasi, nag-inuman lang kami sa isang restaurant. Kaso ikinulong lang sila nito kasama ang mokong sa iisang kuwarto sa hotel.
Mga walanghiya! Akala yata may pagnanasa pa ako sa Fallus na ito. Cheh! Over my dead pride.
Naabutan nga nila ito sa lobby. Mukhang mga tambay sa kanto.
"Ang tagal niyo naman! Nakabili na kami lahat lahat ng mga panligo namin wala pa rin kayo." Angal ni Jack asshole.
"Pagpasensyahan niyo na e knock out ang driver." Paliwanag niya sa mga ito.
"Knock out? Huy Treasure, anong ginawa mo kay Fallus para maknock out 'yan ha?" Seryosong tanong nito na hindi mo matatantiya kung anong ibig ipakahulugan ng mokong.
Ibinato niya nga rito ang isang ballot ng sitsirya na bitbit niya.
"Makapagsalita ka e, ikaw nga 'yong kasama niyan nag-night out kagabi. Ulol ka Jack asshole." Pambabara ko sa kanya.
Natawa lang naman ito habang napakamot naman si Fallus sa ulo niya ng maibuking ko.
Kitams!
Dapat talaga, silang dalawa ang magkakatuluyan sa huli. Maniniwala pa ako kung bromance ito. Bwahahaha.
Pero bakit medyo yuck?! Haha
"Tara, kain muna tayo bago magswimming at magwalwal. Bwahaha." Si Jackie.
Napapansin niya lang dito. Puro kain tulog e ang tamad tamad naman. Haha. Charot! Lahat pala kami tamad.
"Huy! Jackie, puro ka pagkain parang hindi ka naman tumataba." Pang-aasar ni Jack ass dito.
Nagtawanan naman kami syempre puwera kay Jackie na asar talo din. Hahaha.
"Sige lang Jack, 'pag ako talaga tumaba." Pambabanta nito.
"Idi buntis ka. Bwahahaha." Tawang tawa kami at sobrang epic naman ang mukha ng bruha.
Joke lang naman 'yon ni Jack. Since birth pa kasi talagang payatot na 'yang si Jackie. Hindi ni minsan tumaba kaya wala ng pag-asa.
"Maghintay ka!" Pagtataray nito.
Bwahahaha. Namula naman si Sandy. Mga sira talaga 'tong kaibigan niya.
"So tara na." Yaya ni Fallus. Pustahan, excited na 'yan sa walwalan.
Tinitigan niya ito ng masama. Fallus Montinola, kilalang kilala ko na ang laman ng bituka mo. Puro alak.
"Fallus, subuan mo naman si Treasure. Kahit once lang, namiss ko 'yon e. 'Di ba, ginagawa niyo na rin naman dati 'yon kahit wala pang kayo?" Si Jhossane.
Puro hangin talaga ang laman ng utak ng babae na ito.
Walang hiya. Seryoso siyang tinitigan ni Fallus na parang nagtatanong kung anong gagawin namin.
Putik! Kung makapagrequest kasi 'tong mga kaibigan niya. Parang sila may birthday ha.
Anong akala ng mga ito? Na affected pa rin siya? Huh.
Itinuro niya ang hipon dito. "Ayan, ipagbalat mo ako niyan bago mo ako subuan." Utos niya rito. Bwahaha. Ako yata ang reyna ngayon.
Its my birthday. Hawak ko dapat ang korona.
Seryoso naman siya nitong tinitigan bago iiling iling. Kitams! Katamaran talaga ng lalaking ito.
Guguluhin niya ito hanggang sa hindi ito makapagconcentrate kumain.
"Nganga." Utos nito sa kanya.
Aba, galit. Nakasimangot na ibinuka niya naman ang bunganga bago nginuya ang hipon.
"Kumakain din ako Jhossane, ikaw nalang magsubo kay Treasure kung busog ka na. Matakaw pa naman 'yan." Pang-aasar ni Fallus sa kanya.
Narinig niyo 'yon? Grabe talaga 'tong lalaki na 'to. Akala mo naman hindi ako inalagaan noon. Cheh!
Pinili niya 'yong pinakamalaking hipon at binalatan iyon. Itinutok niya iyon sa bunganga ni Montinola.
"O, nganga. Kawawa ka naman. Ibabalik ko lang bago kapa mabulunan sa sama ng loob pre." Seryoso din siya.
Bwahahahaha. Akala mo Fallus ha? Ganti ganti lang 'to pre.
Pagnganga na pagnganga nito kaagad niyang ibinara ang malaking hipon sa bunganga nito bago tumawa ng bonggang bongga.
Look at that face.
Halos 'di niya na manguya.
"Bwahahaha. Mahal na mahal ka talaga ni Rufino pre." Pang-aasar ni Sandy rito.
"Syempre naman. Siya ang magbabayad ng kinain ko ngayon e. Haha." Pagtatapat ko na ikinalaki ng mga mata ni Fallus bago sumulyap sa mga order ko.
"Rufino." Seryosong sambit nito kaya tawang tawa sila magkakaibigan.
"Nakaclose 'yong mga pera niyan sa bangko Treasure. Ipinaclose ni Tito bilang parusa so maghuhugas na lang daw kayong dalawa ng plano diba pre?" Tanong nito kay Cindy.
"Oo nga nuh?" Sang-ayon ni Cindy.
Walang hiya 'tong babae na 'to. Binatukan niya nga.
"Ano pang silbi at tropa ka namin kung paghuhugasin mo kami ng plato sa restaurant niyo?" Pagsupalpal niya rito.
"A ganun ba pre. Bwahahaha. Ikaw kasi Jack ass e. Ikaw kaya paghugasin ko ng mga pinagkainan natin doon?" Pagbabalik ni Cindy dito ng banta.
"Bakit ako?" Inosenteng tanong ng loko. Napailing nalang 'din siya ng maalalang halos isang buwan na nga pala itong walang tinapay sa bulsa nito.
Kawawang Jack ass.
~END~
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top