CHAPTER 1

A/n: Don't forget to vote and leave your comments. Enjoy reading people! </3

_______________________________________


Treasure's POV

Meet my friends na walang ibang ginawa kundi gawing issue ang past namin ng mokong.

Si Jack, from his name itself.

Jack the asshole.

Kung malandi si Fallus, syempre itong si Jack yata ang pinagmanahan. Bagay na bagay sa dalawang ito ang pangalang "two assholes".

Ang malandi at ang pinakamalandi.

Literal na napaismid ako ng taasan ako ng kilay ni Fallus pagkatapos niya akong mahuli na masama ang tingin sa kanila ni Jack.

Kita mo 'tong loko na 'to.

Makapagtaas ng kilay, akala mo naman hindi naglaway sa akin noon. Cheh!

"Bwahahahahaha. Chaka niya mga besh!" Si Jhossane.

Kita mo 'yong tawa niya na 'yan? May luha pa sa mata. As in, tawang tawa lang talaga. Minsan, naisip ko sobrang ganda naman ni Jhossane at matalino. Discourage lang kapag tumawa, tae nanghahampas mga besh! Mawawala bigla ang poise. Lol.

Tsk. Jusko naman Jhossane.

"Bessy!" Naagaw ang atensyon ko ng bagong dating na si Jackie. Napairap nalang ako sa nangyari.

Ayan, ang babaeng on the way anytime, everywhere.

Kaya palagi 'yan silang nag-aaway ni Sandy e.


"Babe, baka naman hanggang sa kasal natin late ka pa rin ha? Sumpa naman." Pagdadrama na naman ni Sandy man.

Si Sandy ang boyfriend ni Jackie.

"Ikaw kasi e, sabi ko sayong daanan mo muna ako sa bahay at gisingin ng maaga. Ayan tuloy. Natraffic pa ako." Palusot nito sabay pasa ng kasalanan sa battered boyfriend nito.

Charot sa battered.

"Uhm. Kailan ka pa ba hindi nalate? Natraffic? Maupo ka na nga Jackie." Komento niya rito.

"Hehe. Bestfriend, happy birthday ulit." Bati nito sa kanya.

Woah! Ha. Makaulit as if, nabati na siya nito kanina.

"Thank you ulit." Sagot niya habang niyakap din ito pabalik.

"Ayon! Kompleto na. So guys, here's the plan." Si Cindy. 

Kung may matatawag mang matino sa kanilang lahat magbabarkada si Cindy iyon. Siya 'yong tumatayong ate o lider nilang lahat. Kapag may lakad sila? Ito palagi ang nagpaplano. Noon pa man din, ito na ang pinakamatalino sa kanila. Maganda na, mabait at masipag pa. Saan ka pa?

May sekreto kaming magbabarkada.

Heto 'yon.

Tanga nga lang 'yan si Cindy.

Kaya patas lang kaming lahat magbabarkada at naniniwala akong 'yon ang nagpapatibay ng mga pagkakaibigan namin.

Dahil si Cindy ang patunay na almost perfect o ideal girl na sana ng lahat. Kaso ayon, nainlove sa iisang lalaki. Hanggang ngayon, hindi pa rin nakakamove on sa love story niyang hindi naman naging sila ng lalaki.

Ang hirap niyon. Sinubukan niyang magmove on kahit walang sila ng lalaki. Diba? Ang talino ng bestfriend ko. Hahaha.

"Kayo ng bahala sa plano. Basta safe lang ako." Paglilinaw ko. Napatingin naman silang lahat sa akin.

See? At nagawa pa nilang magmaang maangan. Akala ba nila nakalimutan ko na ang pagpapahamak na ginawa nila sa akin one year ago? Mga walang utang na loob.

'Yan ang barkada ko.

"Uy! Treasure Rufino, makasafe ha. Wow!" Si Cindy ang hindi nakapagtimping magreak sa sinabi niya.

Sabi na nga ba e. Ito ang unang magdedefense since siya ang utak na sinakyan ng mga walang hiyang mukong na mga barkada niya.

"Pfft... Hahahaha. Inosente ako." Si Jhossane na hala na naman sa tawa niya. May psycho yata talaga itong isa na 'to e.

"Huy! Ikaw yata 'yong pinakanaaalala ko na nagpasok sa akin sa kuwartong 'yon Jhossane." Labas sa ilong na pambubuking niya rito.

At ngayon nagtatawanan na ang mga ito.

Nilingon niya si Fallus. Aba. Aba, ang loko tawang tawa din.

Urgh!

Sinasabi ko na nga ba e. Hindi ko magagawang tumawa ngayong araw na ito dahil ako ang magiging katatawanan ng barkada.

After 987654321 hours, here we go. At last! Nakapagdesisyon na rin sa huli. Pero mas bet ko pa din sana 'yong walang naging plano hanggang sa huling segundo.

Hinintay muna siya ng mga ito na matapos maligo bago sila mag-gora.

Paglabas niya sa kanyang kuwarto, wala na ang mga barkada doon sa sala kung saan niya iniwan ang mga ito habang kumakain.

"Ate Bebz, saan pumunta 'yong mga barkada ko?" I asked ate Bebz, isa sa mga katulong namin sa bahay.

"Ay, oo. Doon na lang daw sila maghihintay sa sasakyan sa labas." Sagot nito sa kanya.

Excited?

Mas excited pa sa birthday celebrant nuh?

Barkada ko nga.

"Salamat ate." Nginitian niya lang ito.

"Happy birthday uli ma'am Treasure." Binati na siya nito kanina, binati ulit siya nito ngayon.


Mas ngumiti siya dahil doon. Isa ito sa mga pinakapaborito niyang katulong nito. Malapit talaga siya sa mga ito since natutuwa siyang kausapin ang mga ito.

Marami ka ding matututunan kapag sila na ang nagkuwento.

"Salamat po ate. Una na po muna kami." Paalam niya rito.

"Ingat po kayo ma'am." Kumaway ito sa kanya.

"Opo." Paalam niya rito.

Nagmamadali niyang tinungo ang kanilang garahe.

Dalawa lang kotse ang naroroon.


Hulaan niyo kung kanino.

Kay Fallus at saka kay Sandy.

Wala 'yong kay Jack the Asshole, nasa pagawaan. Minurder ng galit na galit na ex nito. Imagine that, ilang araw din nitong ipinagdamdam iyon habang ipinagdiwang nila magbabarkada puwera rito.

Hahaha. Buti nga sa kanya.

Lumapit siya sa kulay blue na sasakyan. Kay Sandy iyon. Nagtaka siya dahil hindi niya iyon mabuksan. Nilock ng mga ito ang pintuan.

Ang mga walanhu. Wala bang balak ang mga ito na pasakayin siya?

Kinatok niya ang pintuan ng sasakyan ni Sandy.

Kaagad naman nitong binuksan iyon ng katukin niya ang bintana niyon.

"Bessy. Wala ng space." Si Cindy habang nakangiti.

Creepy!

"So anong gagawin ko? Maglalakad?" Sarkastikong tanong niya na sobrang clueless.

"Treasure Rufino, nakalimutan mo ng may dalang sasakyan si Montinola." Sabi ni Jhossane.

Napalingon siya sa sasakyan na kulay itim.

Muntik niya na nga palang makalimutan.

"Sige." Sang-ayon niya. No choice siya e.

Lumapit siya sa sasakyan ng lalaki at binuksan ang pintuan sa likuran.

Nauna ng umalis ang sasakyan ng unang grupo.

Napansin niyang natutulog ang lalaki.

Hindi niya mapigilang mapailing. Paniguradong nag-night out na naman ang mga ito kagabi. Tss.

Hinintay niya na lamang na magising ito mismo. Mahirap na, ayaw niya namang mabangga sila sa daan dahil lang sa kulang ang tulog ng driver.

Minabuti niya na lang na manood sa YouTube ng PBB episodes na hindi niya natutukan kagabi.

~END~

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top