Chapter 7

Phae

"Ano 'yon? Pakiulit?"

My brother smiled impatiently at me and said, "Phae, pwede bang pakisundo sa airport si Scor, 1 PM sharp dapat nando'n ka na."

"What the f*ck?!"

"You know I don't like it when you curse!" He looked at me pointedly and I mouthed him the word fuck once again just to piss him off. Inihagis niya sa'kin ang ballpen mula sa mesa ng klinika niya bilang ganti. Pagkatapos ay muli niyang hinarap ang Mac niya at inabala ang sarili sa pagta-trabaho.

I slammed my hands on his table to get his undivided attention.

"What?" iritable nang tanong niya.

"Ayoko!"

"What do you mean ayaw mo?" he leaned back on his lounge chair and swung it so that he was facing me. "You asked me how you could help me with finding Charlie eventhough I told you not to get yourself involved in the situation. Ngayong binibigyan kita ng task, sasabihin mo ayaw mo? Gago ka ba?"

Sa sobrang inis ko dahil hindi ko magawang saktan ang kapatid ko ay sinipa ko na lang ang table niya. "Ayoko nga, e! Sa dinami-dami naman ng pwede kong maitulong sa inyo, ang pagsundo sa anak ni Satanas ang ipagagawa mo sa'kin? Ano 'ko? Uber? Bakit kailangan pa ng taga-sundo ng demonyong 'yon?"

"Ang bibig mo sabi, Phaedra. Inaano ka ba ni Scor?" sita na naman niya. Bumaling siyang muli sa laptop niya. He's clearly not taking me seriously, it's pissing me off! "You have thirty minutes and fifty seconds to get your ass to the airport, Phae, you know Scor doesn't like waiting."

"Eh di manigas siya do'n! Ang yaman yaman niya, wala siyang driver?!" humalukipkip ako.

"Thirty minutes and twenty seconds, Phae."

I smirked. "Tubuan sana siya ng ugat."

"Thirty minutes and fifteen seconds."

I snub my chin. "Matuyuan sana siya ng dugo at tumirik ang mata!"

"Thirty minutes and ten seconds."

"Hindi ko siya susunduin, Kuya. Stop the countdown, alright?" umirap ako. Bakit ko susunduin ang talipandas na 'yon? We're not even close! I don't want him thinking like I'm at his beck and call just because I picked him up from the airport. Which seemed so ridiculous now that I'm thinking about it. But I still would not pick him up!

Drae took off his glasses and glared at me. "Ano ba, Phaedra? Susunduin mo si Scor o gagalitin mo 'ko? I'm working here. I'm busy. I have a twelve hour surgery later. Kung maisisingit ko lang 'yan sa schedule ko, hindi ko yan iuutos sa'yo."

"You can't make me do it, kuya." I said in full conviction with my arms crossed in front of my chest.

"Really?"

----

"Damn it!" I slammed my brake and rolled down my windows so that Scor would see me when he comes. Hindi ako gago na lalabas dun para salubungin siya.

Sino ba siya? mabuti kung may pasalubong sa akin ang bwisit na 'yon!

Ito namang magaling kong kapatid—the master manipulator himself—nagkunwari pang nagtatampo. Naku! Bwisit na bwisit ako! Alam niya kasing hindi ko siya matatanggihan pag gano'n. Lalung lalo na pag nagsimula ng siya sa main event niya. . .Sumbatan time.

This is so f*cking irritating! This is so unfair!

I was already pissed from seeing my father and his new bimbo, now I have to see another devil incarnate.

Ano ba'ng nagustuhan ko kay Scor noon? Bakit ko siya naging crush? Alam ko naman na dati pa, ganito na talaga kasama ang ugali niya. Isa siyang malaking bwiset. Nagtataka tuloy ako kung bakit gustung-gusto ko siya noon. Dahil lang sa gwapo siya? Gano'n ba 'ko kababaw?

Ang plano ko na maghintay lang sa loob ng kotse ay hindi rin natuloy. Scor's twenty five minutes late and I felt the need to straighten my legs. Bumaba ako ng kotse at sumandal na lamang sa gilid niyon habang nagpapanggap na nagti-text sa telepono ko.

Several eyes were zeroed in on me. I was wearing skin tight jeans, white sleeveless shirt, leather jacket and ankle boots. At dahil may kainitan sa labas ng kotse ko ay hinubad ko ang jacket ko. Basta ko na lamang iyon hinagis sa loob ng sasakyan at nakahalukipkip na sumandal muli sa gilid ng kotse.

Tinaasan ko ng kilay ang isang lalaking nakita kong titig na titig sa'kin. I don't understand why they had to ogle at me like that. 

Sinipat ko ang relo ko at nagtagis ako ng bagang nang makita ko ang oras. Punyetang Scor yon! Ang sarap tuhurin! Thirty five minutes na siyang late, pag dating niya pipilipitin ko ang leeg niya!

Teka, bakit ba kanina pa 'ko naiinis kay Scor samantalang hindi naman niya kasalanan kung bakit delayed ang flight niya? Ah, basta! I hate Scor! It's all his fault! Everything is his fault! Even global warming's his fault!

Bakit? Kasi masyado siyang hot? Lalo akong nainis sa itinatakbo ng isip ko. Sa twing maiinis ako sa lalaking iyon ay naaalala ko naman kung gaano siya ka sexy. Kung paano tumingin ang mga mata nya na animo'y hinuhubaran ka.

Ah, stop it! Magtigil ka, Phaedra!

Gigil na gigil ako at busy ako sa pagpupuyos nang maramdaman kong may naglagay ng jacket sa balikat ko.

"What are you doing out here wearing that?" Scor hissed. Nagulat pa 'ko nang bigla nyang buksan ang pinto ng kotse ko at itulak ako doon. "Get inside!"

Wala akong nagawa kundi ang kusang pumasok sa loob, kesa naman itulak ako ng gagong 'yon? Akala ba nya hindi masakit? Bago nya isara ang pinto ay narinig kong bumulong sya. "Attention seeker."

Agad na umakyat ang dugo ko sa mukha. "What?!"

He didn't reply. Instead pumunta sya sa likod at sinenyasan ako na buksan ko ang trunk. Asar na ginawa ko naman iyon. Inisip ko na lang, na darating ang panahon na bangkay naman ni Scorpio Ledesma ang ilalagay ko sa trunk na iyon. Gagong 'to. Attention seeker daw ako? Ano nanaman bang pumasok sa maliit nyang utak at nasabi nya 'yon? Padaskol na tinanggal ko ang jacket niya na nakapatong sa balikat ko at hinagis iyon sa passenger seat.

I was so pissed but when I smelled his cologne on his jacket, it was as if the heat suddenly evaporated. Ugh! The Scor effect! Nawala bigla yung inis ko. This is so unfair!

Napapitlag ako nang biglang bumukas ang pinto sa likuran at ipasok nya ang isang bagahe. I studied him. Maigsi na muli ang buhok nya, di gaya noong huling uwi nya nung kasal ni Ram. Parang military cut na pero may kakapalan parin ang buhok nya sa tuktok. His eyes are still so intense and his lips that seem to always smirk. Tanginang 'to. Kung sino pang mga hudas sila pang ke gagwapo. Nakashades pa  kanina si tukmol!

"Let's go, we need to get home so I can change then we're going to my office." he said as he took his seat on my passenger seat.

"Wait a second, what?" hinarap ko sya. "Anong 'we' ang sinasabi mo dyan? I'm just going to drop you home, Scor-"

"Fine. Drive, Phae. I'm tired." he dismissed me by closing his eyes and resting his head on the seat.

I clenched my jaw and wrapped my hands around the steering wheel tight. I stepped on the gas then abruptly stepped on the brake. Causing the unsuspecting Scor to throw himself into the dashboard.

"What the fu-ck?!" sigaw nya.

"Seatbelts aren't for nothing."

"You almost threw me out of the windshield!" gigil na sagot nya.

"Sorry." I just shrugged and pulled into the traffic. Sorry not sorry, Asshole.

---

"May toyo ka rin, ano?"

Hindi ko pinansin si Scor. Mas okay yung kanina na hindi sya nagsasalita. Maybe he was really tired. And after a few minutes of travelling along EDSA - the fu-cking traffic sucks - mukhang nakabawi sya ng lakas at ngayon, nambubwisit nanaman. Sana nanatili na lang syang tulog! Habangbuhay sana para mas masaya.

"Ano nanaman bang problema mo?" sikmat ko. "Matulog ka na lang ulit."

"May regla ka ba?"

Pinandilatan ko sya bago ko binalik muli ang atensyon sa daan. "What are you doing here? Bumalik balik ka pa. Sana dun ka na lang sa impyernong pinagmulan mo, tutal dun ka naman bagay."

He chuckled. "Why? Cause I'm hot?"

"Oh, puh-leaze!" naitirik ko ang mata ko. "Why are you so damn conceited?"

"What a hypocrite you are, Phaedra Gonzales." sinulyapan ko sya sa peripheral vision ko. Nakangisi nanaman si gago.

"What were you doing before I came? Nagpapapansin ka ba sa mga lalaki? Bakit ganyan ang suot mo?" bigla bigla na lang ang pagbabago ng mood nya.

Nagpanting ang tenga ko. "Hoy, lalaki! Tigil tigilan mo 'ko baka sungalngalin kita ha?" i pursed my lips after saying that. Ano bang nangyayare sakin? I'm nothing like this. I wasn't raised in the slums. Hindi dapat ako ganito manalita. Pero pag kaharap ko si Scor, hindi ko mapigilan ang masasamang salita na lumalabas sa bibig ko. He's bringing out the worst in me. Dapat talaga hindi kami pinagdidikit ng lalaking ito! Para kaming bomba na sumasabog.

"Next time, don't wear things like that. Itapon mo 'yan." aniya.

"Ang kapal mo!!" i slammed my hand on the steering wheel. "Alam mo ba kung anong brand nito? Dolce and Gabbana 'to. Tanga mo!"

"So?"

Naitirik ko ang mata ko. There's no use explaining things to him. Hindi rin naman nya maiintindihan. Alien sya. Tao ako. Napailing ako. Wala pang isang oras kaming magkasama, nagaaway na kami. This is insane! Hindi talaga sya dapat pinasundo sakin ni Kuya!

"Napakaraming gago sa mundo, Phae-"

"Isa ka na dun."

"Yes, isa na 'ko dun." wow. Sumangayon sya huh? "Those pigs are eyeing you like a vulture. I don't like it. I almost ripped their throats earlier."

Natawa ako. "Well, you don't have to like it."

"I know." sagot nya. He removed his sun glasses and tossed it to the dashboard. I didn't dare look at him. Alam kong matutulala ako, dahil yun naman talaga ang epekto nya sakin eversince. Ayokong mabangga kami. Mabuti sana kung si Scor lang ang mamamatay. "I hate it when somebody else stares at you, Phaedra. Ako lang ang may karapatan tumingin sayo ng ganon. Ako lang."

"Ano ba-" tinigasan ko ang leeg ko. I felt the sudden urge to look at him. Kaasar! Bakit ba ganito 'tong lalaking 'to? If he's not pissing me off, he's saying nice things to me. Which is stirring something inside of me. Pinapaasa nanaman ako ni kumag.

---

"Siguro naman pwede na 'kong umalis?" nakahalukipkip ako habang pinapanuod si Scor na binababa ang gamit nya mula sa kotse ko. Nagsilapitan ang mga guards upang tulungan syang kunin ang mga gamit nya at iakyat sa taas gaya ng utos nya. "Teka, bakit ang dami mong dala?"

"Mga pasalubong 'yan."

"Kanino naman?" umikot ako sa likod upang tingnan kung may naiwan pang gamit nya roon. Panay na kase ang utos nya sa mga tauhan nya kung anu ano pa ang iaakyat. Wala nang laman ang trunk pero nasa loob pa ang maletang ipinasok nya kanina sa loob ng kotse ko. "May naiwan pa dito, Scor."

He looked back and said, "That's yours. Pasalubong ko sayo, bayad narin sa pagsundo mo sakin."

Napamaang ako. At kelan pa 'ko binigyan ng pasalubong ng tukmol na ito? How sweet! Baka magkadiabetes naman ako sa ginagawa nito.

"Salamat." wala sa loob na sabi ko. "Pwede na ba 'kong umalis?"

Umiling si Scor at kinuha ang kamay ko. Hinila nya 'ko patungo sa garahe. "Sabi ni Drae isama kita sa opisina, hinihintay na nya tayo."

"Ano?! Akala ko ba may operasyon pa sya? Saka bakit kailangan ko pang sumama?"

"Can't you zip it?" naiinis na sagot nya sakin.

Humantong kami sa harap ng big bike nya. "What is this? Is this a Harley?" i spat. Alam kong may Aston Martin si Scor, may nakita narin akong Ferreri na gamit nya sati, saka Maserati. Ang daming sasakyan ni gago. Daig pa nya si Ram! He started the ignition and then looked at me. Realization dawned on me at kagyat na napaatras ako. "I'm not going to ride that!"

"Why not?" ngumisi sya.

Tumalikod ako at nagsimulang maglakad pabalik sa kotse ko. "May sasakyan ako Scor, at alam ko may isang dosena ka ring sasakyan dito, why don't we use it?"

"Not close enough." i heard him sigh.

"What?!"

Naroon nanaman ang nakakabuwisit nyang ngisi. "You're not close enough to me. I wanna feel your body against mine."

"Bastos!!" tinulak ko sya palayo.

Tawa sya ng tawa nang sumampa sya sa motor nya, habang ako nanatili lang sa kinatatayuan ko at nakahalukipkip. Kahit kailan talaga napaka manyak ng lalaking ito!

"Anong hinihintay mo? Pasko?"

"Ayokong sumakay dyan, Scorpio Ledesma! And without a helmet? Are you a moron?!"

He started the engine and grinned at me. Lumapit ang isa sa mga body guards nya at inabot samin ang dalawang helmet. "You know I won't let anything happen to you. Cmon baby girl, aren't you excited to ride me? I mean my bike."

Napanganga ako sa sinabi nya. "Nakakadiri ka, Scorpio Ledesma! Pwede ba? I'll go get my car."

Patalikod na sana ako nang hawakan nya ang braso ko. "Get your hands off me, Ledesma, now." i said through gritted teeth.

"Sakay."

"Ayoko nga sabi!" kasabay niyon ay pinihit nya akong paharap sabay hila patungo sa kanya. Muntik pa akong sumubsob sa mukha nya.

"Pag sinabi kong sumakay ka, sumakay ka. Do you understand, Phaedra?" all the time nakatitig lang ako sa mga labi nya. Kung bakit ko yun ginawa ay hindi ko alam. All I know was those lips hypnotized me, coz I found myself nodding in agreement to whatever he says. Kung sinabi nya siguro noon na i-blowjob ko sya habang nakasakay sya sa lintek na motor na ito, baka nakaluhod na 'ko ngayon.

Oh fuck, what am I even thinking? Blow job, Phae? Are you for real?!

I was grumbling incoherently as I put the helmet on. Ganoon din ang ginawa nya.

"Now, sumakay ka na sa motor." mariing utos nya.

Itinaas ko ang noo ko. Ayokong isipin nya na sunod sunuran ako sa kanya. Sumampa ako at naupo ng patagilid sa likod nya.

"What the hell, Phaedra? What are you? A chick?"

"Ano bang gusto mong gawin ko?!" naiinis na angil ko.

"Sumakay ka ng maayos, malalaglag ka nyan at mahihirapan akong magdrive!" halata sa boses nya na nabubuwisit na sya. Ganyan naman ang lalaking yan, napaka mainisin. Kala mo laging nireregla!

Sumakay ako ayon sa gusto ng mahal na hari. The more na sumusunod ako sa nais nya, the more na walang argumento. Mas napapaikli ang panahon na makakasama ko sya.

"Hold on tight, baby girl."

Kumapit ako sa likuran ng motor nya. "Stop calling me baby girl! Hindi mo 'ko baby! Although pareho kayong hayop ng tatay ko!" nakairap na turan ko.

He chuckled at that. "I love it when you're bitchin', it fu-cking turns me on." I don't know what on earth I said that he finds so amusing. "I can't feel your arms around me, Phae, mas safe ka kung yayakap ka sakin."

"Go to hell, Scor."

Nagulat na lang ako nang bigla nyang paandarin ang motor nya ng pagkabilis bilis. Out of fear and shock, I unconsciously wrapped my arms around his waist and scream. "Tangina mo talaga!!"

Ang lakas ng naging tawa nya habang tinatahak namin ang daan palabas ng subdivision. "Pakipot ka pa eh."

I tried pinching his tummy but all I was able to touch were muscles. He's got some fu-cking delicious abs and its right under my palms right now. I felt all sweaty and my mouth started watering.

At kailan pa 'ko natutong magnasa sa isang lalaki?!

No, no. It's just Scor. He's a walking sexual temptation. It's normal, ganito naman ang epekto nya sa lahat. Kung may God of Sex, sya na siguro 'yon. Ang importante, I won't give in to my desires. Isa lang 'tong malaking ilusyon!

"Phae, stop fu-cking carressing my abs!" he said thru clenched teeth. "If you don't wanna find yourself being thoroughly fu-cked over this damned bike!"

I gasped.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top