episode 9

episode 9

papunta akong mall ngayon, kasi trip kong mashopping... at gusto ko rin bumili ng bagong damit....

tsaka makapag relax na rin tutal sabado naman ngayon, wala naman sigurong mangugulo sakin no?! 

kapag naiisip ko yung mukha ni mella at ericka umiinit ang dugo ko kaya thanks god talaga, makakapagpahinga ako... err...

habang nagdadrive ako papuntang mall, ay napadaan ako sa isang building ng hotel...
nakita kong papasok si dean kaya nagtaka ako.. sakto namang trafic kaya hindi pa ako nakakaalis.. kaya tinitigan ko si dean dahil baka kamukha nya lang pero mali akom sya nga yon!!

pero anong ginagawa nya dito sa hotel?! at mukhang nagmamadali pa sya. may hinahabol ba sya!? o baka late sya sa pupuntahan nya... bahala nga sya...

aalis na sana ako dahil nakakulay green na stop light pero nakita kong may limang van ang pumarada at nagsipaglabasan ang mga lagpas 20 na mga lalaki naka mask na kulay itim... kaya nagtaka ako... anong gagawin nila?!  dali dali silang pumasok ng hotel at tinutukan ng baril yung body guard kaya hindi makapalag...

kinabahan ako bigla...

oh my god!! hindi pwede!!

SI DEAN!! 

nasa panganib ang buhay nya!! takte!! bat ngayon ko lang naalala yun!! alam kong sya ang sadya ng mga lalaking yun kaya dali dali akong lumiko at ipinarada ang kotse sa likod malapit sa hotel para hindi ako makita...

sinuot ko agad ang mask ko at dali daling pumasok sa hotel...

dahan dahan lang ako at nag iingat ako sa bawat  galaw ko dahil makita ako ng mga lalaki...

napatingin ako sa isang staff na babae na tinutukan sila ng baril ng mga kasamahan nya.. nakita nya ako kaya nag quite sign ako at mukhang alam nya kung saan ako pupunta dahil nag sign sya ng kamay na three... so ibig sabihin nasa third floor si dean kaya mabilis akong umakyat para puntahan si dean..

sa hagdanan pa lang ako pero may sumalubong na saking tatlong lalaki kaya napahinto ako at hinanda ang sarili..

tinitigan muna nila ako bago sumugod.. kaya ilag lang ako ng ilag sa bawat suntok nila pero ng makakuha ako ng tyempo ay sabay sabay ko silang pinag untog sa isat isa at pinatulog...

napangiti na lang ako.. loser pa la tong mga to eh,!!

agad akong tumakbo paakyat ng second floor pero another boys again.. ngayon apat na sila... dammit!! ang dami namang harang sa dinadaanan ko!! ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay yung hinaharangan ang magagandang tulad ko!! tsk.. kainis!!

at take note ha, habang paakyat ako, padagdag ng padagdag ang mga kalaban ko kaya nainis talaga ako.. tsk...

sinugod nila ako kaya  umilag ako at tinadyakan sila pababa ng hagdan.. buti nga sa kanila.. gumulong gulong pa sila sa hagdan..
  ngayon, dalawa na lang sila.. hindi na ako nag aksaya ng oras at ako naman ngayon ang sumugod... umiwas iwas lang ako kapag gumaganti sila ng suntok.

sinuntok ko sa likod yung isa at sinipa naman pababa ng hagdan ang kasama nya... inuntog ko sya sa pader kaya ayun, tulog...

third floor.. alam kong mas maraming kalaban dito kaya hinanda ko sarili ko...

agad akong tumakbo paakyat pero may nakaharang na namang anim.. diyos ko naman!!   pambihirA oh?! ang daming epal dito!!..? napabuntong hininga na lang ako at sumugod sa kanila...  inuna ko yung dalawa at napatulog ko.. apat na lang sila kaya napangisi ako.. ang sama ng tingin nila sakin..

sinugod nila ako at pinagtatadyakan ko sila at pinagsusuntok... umiiwas rin ako kapag may kamao ang papunta sakin...

damn this boys... walang magawa sa buhay kundi ang maghanap ng gulo.. kainis!!!

napatulog ko naman agad yung apat kaya dalawa na lang sila..

nakita kong may hawak na kutsilyo yung isa kaya muntik na akong masaksak buti na lang nasanggi ko yung kamah nya at doon tinusok sa kasamahan nya kaya deadbol sya..

"oppsss,,, sorry.."- sabi ko at agad sinuntok sa batok dahilan para makatulog sya... buti nga sa kanila..

agad kong tinungo ang third floor at dito pa lang sa corridor ay marami ng lalaking nakaharang.. kaya mas lalong uminit ang dugo ko.. pano ko kaya matutulongan su dean kung may haharang harang na pangit dito?! tsk...

agad ko naman sila sinugod at isa isang pinag sisipa at sinuntok sa mukha...  yung iba naman ay tinuhod ko at sinipa sa ari nila kaya ayun namilipit sa sakit... buti nga sa kanila... tsk..

tumambling ako ng may kusilyo ang papunta sakin at sinalo yun tapos inihagis pabalik sa taong naghagis sakin. tumama yun sa dibdib nya.. remember, i'm good in holding a knife.. tsk..

sunod sunod na sumugod sakin ang mga kalaban kaya iwas lang ako ng iwas sa mga atake nila at gumaganti ng suntok at sipa kahit saan.. wala naman kasi akong dalang pamalo eh...

speaking of pamalo, lahat sila nilabas ang kanilang mga pamalo kaya lugi talaga ako nito!! tsk!!

umiwas iwas na lang ako sa palo nila at nang makahanap ako ng tyempo ay naagaw ko yung isang pamalo ng lalaki at pinagpapalo ko silang lahat...

medyo naging clear na yung corridor kaya nakita ko agad s dean ba lumabas ng isang kwarto at may hawak na bote na pinampapalo nya sa mga kalaban.. pawis na pawis na rin sya pero ang hot nya parin tignan.....

muntik na akong mapalo ng isang lalaki sa likod ko dahil sa kakatingin kay dean.. buti na lang talaga nakailag ako pero napurohan parin ako sa braso pero natiis ko parin yung sakit... lagot ka saking lalaki ka na may gawa non!!  dumapa ako at sinipa ang mga paa nila tsaka ko pinampapalo isa isa... buti nga sa kanila.. tsk...

tumakbo ako papunta kay dean pero may humarang ulit buti na lang malapit na ako sa kanya..  agad ko naman sinugod ang mga kalaban at pinapalo sila.....

medyo naging clear ang lugar kaya nakita ako ni dean at nagtaka sya at napakunot ng noo pero agad nabaling ang tingin nya sa lalaking sumugod sa kanya...

ginagaya ko ang mga gingawa nya.. iwas dito iwas doon ang ginawa ko at ginagantihan ng suntok ang mga lalaki... bwisit!! pinagpapawisan na ako ah?! ang hagard ko na tuloy!!..

at habang tumatagal ay padami ng padami ang mga kalaban imbis na paunti.. tsk.. ang duga nila ah?! marami sila at dalawa lang kami dito!! tsk.. kainis...

nagtama naman ang mga likod namin ni dean ng pareho kaming nasipa sa isat isa......
ramdam ko ang pagod nya dahil sa rinig ko ang paghingal nya at napansin ko ring  basa ang likod nya ng dumikit ito sakin...

nagkatinginan kami sa isat isa pero hindi nya ako makilala dahil sa mask ko..

"who are you?!"- hingal na tanong nya sa likuran ko.

"i'm your gurdian angel!!"- nagawa ko pang magbiro kahit nasa panganib na ang buhay namin... wala kasi akong maisagot eh, alangan naman sabihin ko ang pangalan ko edi deabol ako kay lolo nito!!

" its not a time for a joke.."- seryosong sambit nya.

"well, i'm not joking at you!"- sabi ko nakitang may lalaking sumugod kay dean kaya agad ko yung sinipa at narealized ko ring ganun ang ginawa nya sa likuran ko.. edi ang labas  nag change kami ng pwesto... galing ah?! nakakamangha yung ginawa namin!!..

isa isa kong pinatulog ang mga kalaban para makatakas kami ni dean dahil hindi namin sila kaya. ang dami nila at dalawa lang kami....  hiningal naman ako ng maclear na namin ang buong corridor.. sa wakas natapos na dito!! nakakapagod ah?! tumutulo na rin yung pawis ko.. tsk... hagard na talaga ako as  in!! kasi naman..

napalingon ako kay dean na hinihingal din sya at basang basa ng pawis... agad akong lumapit dito at sinabing,    

"we have to go.. marami sila sa baba!!"- saad ko at tumakbo kami pababa ng hagdan...

"who are you really?! why are you doing this?!"-he ask serious

"lets just say, aksidente akong napadaan dito at nakita ko ang mga armadong lalaki."- sabi ko habang pababa ng hagdan.. nasa second floor palang kami ng hinarangan kami ng limang lalaki..

i smirk...

agad silang sumugod kaya ilag lang kami ng ilag ni dean at pinag uuntog namin sila sa isat isa dahilan para mawalan ng malay... sinalubong naman namin ng sipa yung natira kaya gumulong  sila pabana ng hagdan... nagkatinginan naman kami saglit ni dean at tumakbo pababa.. kaso ng nasa first floor na kami, maraming humarang samin... tsk.. kainis!! ayaw talaga kaming patakasin..

no choice kami kundi ang labanan sila....  iwas at ilag lang ang ginagawa namin ni dean at hindi ko na rin alam kung ilang orad o minuto na kaming naglalaban dito.. nasan nasan na ba ang mga pulis ang tagal naman nila! wala bang nagreport?! mamamatay kami dito eh pag hindi pa sila dumating!! tsk....

pinagpalalo ko ulit ang mga kalaban at tsaka tinadyakan pero napahinto ako ng may biglang dugo ang lumabas sa tyan ko... napahawak ako sa tyan ko... sumasakit ito kaya bigla kong nabitawan ang pamalo ko... shet..

ngayon ko lang napansin na nasaksak na pala ako sa likuran ko....

napatingin sakin si dean na gulat na gulat.. pero ang dami nyang kalaban kaya hindi nya ako natulongan..

napasuka na lang ako ng dugo ng muli kong maramdaman ang isa pang saksak sa tagiliran ko.. shet!! ang sakit!! feeling ko nahihirapan na akong huminga at medyo nanlalabo na rin ang paningin ko kaya humogot ako ng lakas at agad pinatulog yung nagsaksak sakin... tuloy tuloy ang agos ng dugo sa katawan ko kaya nanghihina na ako..
hindi pa ito ang tamang oras para mamatay ako... kahit nanlalabo na ang paningin ko ay nagawa ko pa rin lumaban.. kailangan kong makaalis dito ngayon!!!  sorry dean pero hindi na ata kita matutulongan... sana kayanin mo sila...  pinagsisipa ko ang humaharang sa dinadaanan ko at tuluyan akong nakalayo sa kanila... napapahawak ako sa dalawang sugat ko dahil tuloy tuloy ang agos nito kaya natumba tumba ako habang tumatakbo papunta sa kotse dahil sa sakit at panghihina ng katawan...

agad akong pumasok sa kotse at pinaharurot ito ng mabilis... kailangan ko ng tulong ni lucas ngayon.. sya lang mamakatulong sakin...

kahit nanlalabo na ang paningin ko ay tinatagan ko ang loob ko wala na akong pakialam kung may masagasaan ako sng importante makapunta ako kina lucas....

agad akong huminto sa bahay nila at nagmadaling lumabas ng kotse dahil konti na lang, malalagutan na ako ng hininga...

"LUCAS!! ITS ME KASEY!! OPEN THE DOOR!! NOW!!"- sigaw ko habang kumakatok ng malakas... lucas please.. help me!! i cant breathe!!

hindi ko na kaya!! nagiging blurg na ang mga paningin ko at nagihirapan na akong huminga...

bigla na lang akong napahandusay sa sahig at napatitig sa ulap.. sana hindi ko pa ito katapusan!! .
mabubuhay pa ako ng matagal... hindi pa ito ang tamang panahon ng kamatayan ko...sana lang kayanin ko pa...lord, please give me a more chance to live...

ang sikat ng araw ay unti unti ng nagdilim  at konti na lang, bibigay na katawan ko...

bago ako tuluyang mawalan ng malay ay naaninag ko ang mukha ng isang nag aalalang lalaki...

salamat at dumating sya..

"lucas....."-

*******

"is she okay now?!"-

"yes... we justhave to wait until she wake up..."

"thank you...."-

"wag mo syang iwan...hindi pa sya okay.."-

agad kong minulat ang paningin ko ng makarinig ng isang boses......

sumalubong sakin ang nakangiting mukha ni lucas....

tinignan ko ang paligid.. hindi ito ang kwarto ko...

teka, asan ako?!

"lucas?! anong nangyari?! asan ako.?!"- i ask curious..

"nandito ka sa napakaganda kong bahay, my dear... at ako dapat ang magtanong sayo kung ano ang nangyari..."-

naikunot ko noo ko..
agad akong napabangon ng wala sa oras ng maalala ko ang nangyari pero kumirot ang sugat sa tyan ko kaya napangiwi ako sa sakit...   "aray!!!"- daing ko

"relax ka lang kasey, hindi pa magaling ang sugat mo..and dont worry, wala dito ang mga kalaban mo.."- saad ni lucas..

pinilit kong bumangon para umupo ng maayos pero sumakit bigla ang ulo ko kaya nasalop ko ito..

"ang sakit ng ulo ko!"- daing ko ulit..

"humiga ka muna hija, mahina pa ang katawan mo, maraming dugo ang nawala sayo.."- sabi naman ng babae, mga 40's above na sya..
"sige na, i have to go now, marami pa akong gagawin.."- at tuluyan na syang umalis..

kunot noong napatingin ako kay lucas   "sino sya?!"- i ask

"sya ang tita ko, isa syang doctor, nandito sya para tulungan ka,."- bumuntong hininga ako  "ano ba kasing nangyayari sayo? bakit ang dami mong saksak?! napalaban kaba?! grabe ka, bawas bawasan mo kasi yang pagiging palaban!!"-

inirapan ko sya   "tinulungan ko sya."-

"sino?/!"- kunot noong tanong nya.. naalala ko si dean, ano kayang nangyari sa kanya?! ok lang kaya sya?! sana naman oo... naghirap akong tulungan sya no,?!

"ilang araw akong tulog?!"-  i ask him instead of answering his question.

"hindi mo pa nga sinasagot ang tanong ko eh!! sino ba ang tinulungan mo, at ikaw ang napahamak ha?! ano ba kasing nangyari!!!"- sinisermonan nya na ako like father

"basta.. napasabak lang sa gulo... may nangangailangan ng tulong ko at dahil pulis ako tungkolin kong tumulong.. kaya sagutin mo ang tanong ko, ilang araw na akong tulog?!"- naiirita na ako sa kanya...

ngumisi naman sya at umupo sa kama.  "three days kang tulog.. nag alala rin ang lolo mo dahil sa nangyari sayo.. hindi nga namin alam kung anong talagang dahilan ng pagkasaksak sayo. nakita na lang kitang nakahandusay sa sahig at wala ng malay. balak ka nga sana naming dalhin sa ospital kaso naisip namin na baka may gustong pumatay sayo na mga kaaway mo at sa hospital ka pa tuluyang patayin. kaya napagdesisyonan na lang ng lolo mo na dito ka na lang sa bahay para safe..pero alam mo, kung ako lang ang masusunod,hahayaan na lang sana kitang mamatay, pasaway ka eh,!! lagi mo na lang akong inaasar!! tsk."-

sinamaan ko sya ng tingin..   "grabe ka sakin ah,  ako na nga tong nasaksak, ako pa tong tinataboy mo! ayaw mo pa ako tulungan, edi dapat hinayaan mo na lang ako!! hindi naman kita pinipilit na tulungan ako eh!!"-  grabe sya, kainis ah?!

"hindi naman kita tinataboy eh, syempre naaawa lang ako sayo!"-

"awa?! awa ba ang tawag mo don?! eh parang gusto mo na nga akong mawala dito sa mundo eh! tapos naaawa?! haisstt.
grabe ah, kakagising ko lang stress agad abot ko!"-  humalakhak ang mokong, sarap batukan eh, kung hindi lang sana ako nanghihina, kanina ko pa to binatukan.
gusto nya talaga akong inaasar eh! tsk

"hahaha!! ano ba talagang nangyari sayo, bakit ka ba kasi napasabak sa away, may gusto bang kumidnap sayo?! for ransom?!"- tawa ulit sya   "grabe ka! first time lang ata sa kasaysayan na masaksak ka. ni baril nga hindi ka kayang tamaan eh, hahaha!! kusilyo lang pala katapat mo eh,!!"- sige tumawa ka pa! badtrip, malagutan ka sana ng hininga.

i gave him a fake smile   "alam mo nakahanap din ako ng katapat mo."-

"ano naman yun?!"-

"lason.."-  sinamaan nya ako ng tingin. kala nya ah?!   "poison.. pampatulog habambuhay!! mas effective yun kesa sa baril! pampahirap lang ng buhay yun eh!! mas maganda lason hindi ka na mahihirapan, diretso tigok!!"-

ang sama na ng tingin nya    "ay grabe!!LUMAYAS KA NGA DITO,!! STORBO KA NG BUHAY NG IBANG TAO EH! LAYAS!!"- tsk. pikon?!

"pikonin ka naman pala eh! nagagalit ka kapag inaasar kita, eh ako nagagalit ba ako kapag inaasar mo ako? hindi diba?! mang asar ka pa kasi!!"- napakagat labi sya sa gigil   "wag kang mag alala, aalis na ako dito sa bahay mong hindi naman maganda!"-

"hoy!! bawiin mo nga yang sinabi mo!!"-

"ayoko nga!! totoo naman eh,!"-  kahit kumikirot ang sugat ko, pinilit ko pa ring tumayo dahil aalis na ako dito!! kahit medyo nahihilo pa ako at nanghihina ay gagawin ko parin umalis para makauwi sa condo..  hindi ko kayang tagalan ang isang pikoning lalaki dito.. tsk...

"san ka pupunta?!"- tanong nya..

sinamaan ko sya ng tingin   "obvious ba?! pinapalayas mo na nga ako tinatanong mo pa kung saan ako pupunta, edi uuwi!!"- slow masdayo ng lalaking to,!

pinilit kong maglakad hawak hawak ang bewang ko na kumikirot sa bawat galaw ko.. eh masakit talaga eh! bawat galaw ko kumikirot sya.
ang hirap!! napahawak na lang ako sa pader dahil muntikan na akong mawalan ng balanse..

"sandali lang!"- huminto at muling nilingon si lucas.. "aalis kana talaga?!"- he ask

" oo. bakit ba?!"- tinaasan ko ng kilay

"aalis ka na eh hindi pa nga magaling yang mga sugat mo. baka mapano ka pa .. baka mabinat ako pa sisisihin ng lolo mo!"- wow?! kanina lang inaaway nya ako tapos ngayon, concern na sya?! ang gulo ng lalaking to!

"edi mas magandang sisihin ka nya para matauhan ka naman!!"-

"eh pano kung may mangyari na namang masama sayo?!"-

sinamaan ko ng tingin  "hoy lucas! concern ka ba talaga sa kalagayan ko o gusto mo na naman akong asarin?!"- seryosong tanong ko.

napalunok laway sya.   "eh kasi baka balikan ka ng mga humoldapp sayo!"-

"FYI! hindi po ako hinold-ap!! at kung may mangyari mang masama sakin, wala ka na don! ang tanging magagawa mo lang ay tulungan ako pero hindi mo naman ako tinutulungan eh! pero thank you na lang, wag kang mag aalala, walang mangyayaring masama sakin. dederetso na ako sa condo!"- sabi ko at umalis
na kahit nAnghihina pa ay nagawa ko pa ring mag drive ng kotse.. grabeng buhay to oh?! kailangan pa talagang umabot sa ganito?! napahamak pa ako.  buti na lang talaga tinulungan ako ni lucas kahit mortal enemy ko yun! mabait naman eh!!

agad kong binuksan ang condo ko at laking gulat ko ng bumungad sakin ang mga gamit kong nagkalat sa sahig.. the heck?! anong nangyari sa condo ko?!

pumasok na ako at tinitigan ang nangyayari dito... maya maya pa ay may narinig akong maingay na boses na galing sa kusina kaya agad akong tumungo doon...

naikunot ko ang noo ko ng makita ang tatlong babae na masayang kumakain ng fruit salad at ice cream..

pati dito sa kusina ang kalat!! my goodness!! anong nangyayari dito?! napatigil naman sila sa pagsubo ng makita ang mukha kong inis....

"oh, kasey!! bat gising ka na?! tulog ka pa dapat!"- gulat na tanong ni madel.

sinamaan ko sya ng tingin     "kayo, bat kayo nandito?! at anong ginawa nyo sa condo ko?! parang binagyo!!"-

nagkatinginan sila sa isat isa..   "ah eh.. ano kasi... hehe... umm....wag kang mag aalala, lilinisin namin tong condo mo pagkatapos naming kumain! promise!"- sinamaan ko rin ng tingin si jessa... mas lalo ata akong na stress ngayong nakita ko sila ah?! ba naman yan!!

umupo ako sa tabi ni lea..   "bat ka pa gumising?! dapat hindi ka na gumising!"- maarteng sabi no lea kaya binatukan ko nga   "aray naman!!"- daing nya

"ikaw?! bat ka gising?! dapat patay ka na!"- singhal ko sa kanya..

sinamaan nya naman ako ng tingin   "hello?! ako mamamatay?! tsk... no way!!!  i'm the queen of beauty so why do i have to die?! kapag namatay ako mababawasan ang magagandang tulad ko no?!"-

"wow!! hiyang hiya naman po ako sa kagandahan mo leyang!! manang!!"- sarkastic na sambit ni jessa..

sinamaan sya ng tingin nito    "hoy sasang!! how many times do i have to remind you not to call me that way!!"- lea shout

sumingkit ang mata ni jessa    "and how many times do i have to remind you not to call me sasang?!"- nakapamewang pa sya

"tinawag mo akong leyang eh!!"-

"tinawag mo rin akong sasang!! you bastard!!"-

"hoy kayong dalawang neneng!!! will you please shut up your big mouth?! hindi na kayo nahiya!! ang lalaki nyo na!!"- saway ni madel sa kanila... sinamaan sya ng tingin ng dalawa..

"palibhasa puro pasarap ka lang sa buhay!!"- irap ni jessa..

"hey hey hey!!! baka nakakalimutan nyong nandito kayo sa bahay ko?! pwede ko kayong paalisin dito!! mga kadaldalan nyo!"- saway ko

nginitian nila ako ng nakakaloka. ano na naman kayang nasa utak ng mga to?!    "umm... yun na nga ang gusto naming sabihin sayo eh.hehe..."- nagpeace sign pa si jessa..

i raised my eyebrow    "at ano naman ang sasabihin nyo aber?!"-

"umm.. kasi ano.. umm...  hoy madel!! ikaw na nga magsabi!!"- sabay tingin ni jessa kay madel..

umiling iling naman si madel.. teka, ano bang sasabihin ng mga bruhang to?! mukhang hindi ko magugustuhan ah?! 

"ayoko!! ikaw na lang!! ikaw naman may pakana nito eh!!"-

"hoy jessa, napagkasunduan na nating ikaw magsasabi diba?!"- singit ni lea...

"eh?!oo nga kaso, hindi ko kayang sabihin eh!!"-

" hoy hoy hoy!! ano ba kasing sasabihin nyo at nagtutulakan pa kayo dyan?! "- iritadong tanong ko

"umm..kasi.. ano.. umm..."-

"sabihin mo na!! pabitin ka eh!!"- singhal ni lea

"eh kung ikaw kaya magsabi no?!"- iritadong saad ni jessa.. naku nag aaway pa
tsk.. inirapan na lang sya ni lea.

" umm.. kasi kasey ano.
ummm... kasi.... di—"-

"titira kami dito sa condo mo.."- si madel ang nagtuloy sa sasabihin ni jessa...

"ahh... ok.. akala ko—ANO?!"- napatayo ako ng wala sa oras kaya kumirot ang sugat ko.. tsk.. ang sakit.. ikaw ba naman magulat hindi ka ba mapapatayo/! grabe!!

sinamaan naman ng tingin ni jessa si madel   "akalA ko ba ako ang magsasabi?! bakit ka umepal?!'-

"eh ang tagal mo eh!! yun lang naman ang sasabihin mo may pa umm.. ano kasi... umm.. ka pang nalalaman!! tsk."- sabay irap..

diyos ko mga bruhang to!!

"paki mo ba?! trip ko eh bakit ba?! tsk.."- tumingin sakin na nakangiti si jessa   "so ayun na nga.. dito na kami titira sa condo mo para magkasama na tayong apat!! para mabuo na ulit tayo. tsaka para maalagaan ka namin habang hindi ka pa gumagaling.."-

napabuntong hininga na lang ako   "tsk... ano pa bang magagawa ko?! sa ayaw at sa gusto ko dito rin kayo titira eh!"-

napatitig sakin ang tatlo na para bang nananaginip lang.. tsk.. ang oa ng mga to.

"seriously,kasey?! sinabi mo talaga yun ?!"- hindi makapaniwalang saad ni madel na nakaangat pa kilay

tinaasan ko rin sya ng kilay    "bakit?! ano ba dapat sabihin ko?! alangan namang magreklamo ako eh may sakit ako eh."-

"eh?! hindi ka man lang ba magpapakipot muna o sabihing papayag ka sa isang kondisyon?! agad agad pumayag ka talaga?!"- maarteng sambit naman ni lea

"eh bakit ba?! ano bang meron?! ano bang mapapala ko sa pagpapakipot o pumayag sa isang kondisyon?! wala naman diba?! maliban na lang sa lilinisin nyo ang buong bahay at ililigpit ang mga kalat!!"- iritadong sambit ko...ano bang nangyayari sa mga lokang ito at mukhang ayaw pa ata na pumayag ako imbis na masaya pa sila.. sira ulo talaga..

nagkatinginan naman ang tatlo at maya maya'y ngimiti ng malapad..

"wow!! himala ata bess!! nagbago ka na talaga! eh dati rati kapag gusto naming matulog sa bahay nyo ng isang gabi or dalawang gabi nag aalburuto ka na dahil ayaw mo ngang may kasama ka. tapos ngayon pumayag ka agad ng wala man lang nangyari?! "-sabay kunot noo ni jessa

"eh bakit ba kasi?! ano namang problema kung nagbago ako? diba nga sabi nila people change!! at heto ako ngayon, nagbago na!"- sabay irap ko..
diyos ko talagang mga babaeng to pati nakaraan namin hahalungakatin pa!!.. mga baliw talaga!! di na nagbago kahit kailan..

napatakip naman ng bibig si jessa na parang hindi makapaniwala.    "OH MY GOSH!! i told you hindi talaga si kasey yan!! ibang kaluluwa ang nasa katawan nya!! sinasapian na talaga sya so kailangan na natin syang dalhin sa albularyo para-aray naman!! aray!!"- sabay sabay namin syang binatukan..
kung anu ano ang pinagsasabi eh!! nabaliw na ata ang babaeng to!! kinakain na sya ng sistema nya sa kakapanood ng horror movies.. tsk

"hoy jessa!! yang bibig mo sarap lagyan packing tape!! sobrang daldal! wala namang kwenta!! baka nga ikaw pa yang sinapian dyan eh!! tsk.."- sabay irap ni madel.

"i told you, she's going to be crazy!! dapat na syang dalhin sa mental para gamutin! masyado ng malala ang—Aray!!"- binatukan din sya ni madel at jessa..

"isa ka pa eh!! dapat ikaw din dalhin sa mental!! yang utak mo nabaliw na rin!"- sermon ni madel.. napairap na lang si lea..
this bitches!! sumasakit ulo ko sa kanila kaya tumayo na lang ako at dahan dahang naglakad papasok ng kwarto..

"kasey, where are you going?!"- jessa ask

"kwarto."- tipid kong sagot..

sumunod naman sila sakin papuntang kwarto kaya hinayaan ko na lang basta wag lang ulit silang mag ingay..

humiga naman ako sa kama at umupo ang tatlo.. nakatingin sila sakin na may halong pag aalala..

napabuntong hininga si madel   "tell me kasey, ano ba talagang nangyari sayo at nasaksak ka?!"-

"parte yun sa trabaho ko..at napalaban ako dahil don."- nasabi ko na lang.. ayokong sabihin ang dahilan, masyadong mahaba..

"buti na lang at walang nangyafing masama sayo, pinag alala mo kami!"- si lea naman ang nagsalita

"wow! nag alala ka?! eh parang kanina lang sinabihan mo pa syang 'hindi na dapat sya nagising!!"- sabat naman ni jessa.

sinamaan sya ng tingin ni lea   "paki mo ba?! yung ang way ko na masaya dahil nagising na sya!! slow mo rin eh!!"- ok.. magsisimula na naman ang bangayan nito!!

"kayong dalawa, kung mag aaway lang kayo, lumabas na kayo! hindi kayo nakakatulong!"- saway ni madel kaya tumahimik ang dalawa.. thanks madel, you save me..

"so, ano na?! kumusta ang day of school nyo?! ayos ba?!"- sabay sabay silang bumuntong hininga at mukhang dissapointed.. ok.
alam ko na ang nangyayari sa kanila... kabisado ko ugali nito eh..

"kung ako tatanungin mo, ayoko na ulit pumasok sa universiting yon!! masyadong boring!! wala man lang tricks yung school!! and worsed, masyadong magagalang ang mga studyante at mababait to the point na tawagin kang po at opo..tsk.. hate ko pa namang ino-opo ako! tsk.. urgh!! ayoko na don!!"- gigil na sabi ni lea kaya tumawa na lang kami.. hahaha... ayaw nya talaga ng po at opo!! hahah.. masyado talagang maarte.. feeling bata rin eh no?!

"ako naman ayoko na rin doncsa universiting napasokan ko!! wala ng ibang ginaWa ang mga studyante doon kundi ang maglandian sa boyfriend nilang mukhang unggoy, may tigyawat pa mukha!! nakakagigil!!"- biglang kumirot ang sugat ko sa kakatawa dahil sa kwento ni jessa. peste nagtagumpay talaga silang patawanin ako.
sira ulo talaga!! hahah

"hahaha!!! bitter ka masyado jessa!! hahaha!! ang saklap ata ng pinagdaanan mo!!"- maluha luhang sambit ni lea sa kakatawa

sinamaan sya ng tingin ni jessa   "FYI!  hindi ako bitter!! naiinis lang ako kasi kahit saang lugar ng school may naghahalikan, miski sa library may naghahalikan na konti na lang sa kama ang bagsak!! nakakabwisit kaya yun!! ang sagwa tignan! buti sana kung maganda ang mukha nila eh hindi eh!! mukha silang unggoy!! at naglalampungan pa! public na public yun ah?!"- iritadong banngit nya kaya mas lalo kaming humagalpak ng tawa.. haha.. hindi daw bitter!!

"ako naman, suko na ako sa university na pinasokan ko!! andaming malalandi, ang papangit naman!! buti sana kung maganda sila at malandi ok lang sana kaso hindi eh!! mukha silang tsonggoy na tinapalan pa ng makapal na make up mas lalong nagmukhang hayop!! tsk.. tapos laging lumalapit sakin para maghanap  na away.. kainis!! masyado na silang nainsecure sa maganda kong mukha kaya lagi akong pinupunterya!! kabwisit!!"-

sa kanilang tatlo si jessa ang may pinakamalalang karanasan sa kanilang pinasokan...

kaya sabi ko na nga ba eh, hindi sila bagay pumasok sa mga university dahil masyadong maselan sa katawan!! konting deprensya lang nabubwisit agad..

haha..

yan ang mga kaibigan ko, masyadong mapili!!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top