episode 7
episode 7
agad kong nakita si mommy na nakaupo sa dulo ng table sa hindi masyadong matao... kaya napangiti ako at lumapit.. napangit sya ng malapad ng makita ako.. grabe ang laki ng pinagbago ng mommy ko.. mas lalo pa syang gumanda ngayon at hindi mo mahahalatang matanda na sya. siguro pag nagsama kami, mapagkakamalan kaming magkaibigan lang.
sa ganda ba naman nya?! sa kanya kaya ako nagmana ng kagandahan. haha... tapos ang cool ng stlye ng buhok ni mommy.. kulay blonde at curly hair sya na abot hanggang braso ang haba.. nagmumukha tuloy syang teen ager..
"hi mom.."- nakangiting bati ko at umupo sa harap nya.
"i miss you so much baby girl..."- nakangiting sambit nya.. napapansin ko lang, ang dami nya ng tawag sakin.. una, swetiee, pangalawa, bunso, at ngayon naman, baby girl.. ano pang susunod?! natatawa na lang ako... ganu'n na ba talaga ako namiss ni mommy?!
"bakit hindi mo man lang sinabi sakin na bumalik ka na pala? edi sana nasundo kita sa airport.. naku naman si mommy oh?!"- kunyari nagtatampo ako.
napangisi naman sya at kinurot ang pisngi ko. ouch!! ang sakit non ah?! "alam ko kasi marami ka pang ginagawa at busy ka sa mga kasong iniimbestigahan—"-
"tama na mom!"- putol ko.. baka mamaya may makarinig samin dito tungkol sa kin malilintikan ako...
naikunot ni mommy ang noo nya. "why?! ayaw mo bang malaman ng mga tao dito ang tungkol sa trabaho mo?!"-
"hindi naman po sa ganun eh kasi po nag i-espiya po ako kaya wag na nating pag usapan ang tungkol sakin ok?!"- medyo naliwanagan naman si mommy sa sinabi ko kaya tumango tango na lang sya.. haayyss... buti naman.. " si kuya po?! si dad?! "- tanong ko.. baka kasama nya rin umuwi.
napabuntong hininga sya "ang kuya mo, susunod sya dito sa byernes para magbakasyon kasama ang asawa at anak nya.. you know what anak, ang cute ng anak ng kuya mo like you nung baby ka pa..."-
"so ganun?! hindi na pala ako cute ngayon?!"- saad ko
" still.... cute ka parin.. ang ibig kong sabihin ay magkasing cute kayo ng pamangkin mo nung baby ka pa.. magkamukha nga kayo."-ayokong tanggapin kasi inaasar na naman ako ni mommy..
"pero mas cute pa rin ako sa kanya no?! at maganda pa!!"- proud ako sa kagandahang taglay ko! haha.
natawa si mommy. "hay naku, ang bunso ko, hindi parin nagbabago.."-
"kailan ba ako nagbago?! itong mukha kong ito?! kailan ba to pumangit?! eh nakatatak na sa mukha ko ang kagandahan!! haha!!! "-
"yeah i know... mana ka kaya sakin.... "-proud din syang nagmana ako sa kanya.. hahaha..
"mom, ilang taon na po ang anak ni kuya?! ano nga pong pangalan non?!"- nakalimutan ko na kasi eh.. hehe
" 3 years old na sya at shena ang pangalan nya.. alam mo ba, lagi kang ikinikwento ng kuya mo sa kanya.. at gusto ka ng makita sa personal ng pamangkin mo..sa mga picture ka lang nya kasi nakikita.. sabik na sabik na sya sayo anak!!"-
"aba dapat lang no?! hindi pwedeng hindi makita ng pamangkin ko ang maganda nyang tita!!!"- haha.....may bigla akong naalala.. "ahh, mom, ano nga po yung sasabihin nyo sakin?!"- tanong ko.. sabi nya may sasabihin sya eh... ayoko ng ipagpabukas pa yun! malay mo mahalaga..
huminga muna sya ng malalim at hinawakan ang kamay ko "anak, isa pa sa dahilan kung bakit ako ngayon nandito sa pilipinas para ipaalam sayo na tuloy parin ang kasal mo!!"-
tamang- tama na umiinom ako ng shake kaya muntik na akong mabulunan at ang masaklap pa, inihit ako ng ubo.. "ANO?! grabe straight to the point yun ah?!"- puna ko habang kinakalma ang sarili dahil sa pag ubo.
grabe talaga si mommy pag may gustong sabihin talaga ayaw nya muna talagang dahan dahanin!! kaya lagi akong nagugulat eh!! at ang masaklap pa ay yung tungkol sa pesteng kasal!! grabe namang buhay to oh?
teka lang, ano daw sabi nya?! TULOY ANG KASAL??!!
anak ka ng.....putekkkkk!!!!!!..
no!! hindi ata pwede yun!!!
"mom, nagpapatawa ba kayo?! kasi kung nagpapatawa kayo hindi po ako natutuwa!"- kasi naman no, marinig ko palang ang salitang kasal umiinit na naman ang dugo ko... bakit na naman ba pag uusapan ang tungkol doon?!err...
"anak, alam kong ayaw mo, but, you have to do this for your own sake!"-tsk.
"own sake?! paano naging own sake ang pagpapakasal sa taong hindi ko mahal?! at lalong hindi ko type?! tingin nyo po ba gaganda ang buhay ko?!.. o sige, sabihin na nating gaganda ang kinabukasan ko pero tingin nyo magiging maligaya ako sa piling ng mapapangasawa ko?! tingin nyo magiging masaya ako?! hindi!!! isipin nyo naman po yun!!"- grabeng araw nato!! dobleng malas! una, sa canteen, tapos ito na naman!! bakit ba lagi na lang ako naiipit sa ganitong sitwasyon?!..
panay buntong hininga ni mommy "i'm sorry anak, but ito ang desisyon na gusto ng daddy mo para sayo..."-
"daddy..... lagi na lang sya! puro na lang sya ang nagdedesisyon samin!! pano naman po ako?! gusto ko ng sariling buhay!! gusto kong ako naman ang magdesisyon para sa akin!! ano ba naman yan! akala ko magiging malaya na ako kapag nasa malayo si daddy, yun pala, kahit nasa malayo sya, mas nagiging komplikado ang buhay ko!! "- err... kaya ayoko sa daddy ko eh! lagi kaming under lahat! pati si mommy inaunder nya!! at kahit kailan, hindi ko nararadaman ang pagiging ama nya samin.. business lagi ang inaatupag nya. at lagi syang galit kapag kinakausap namin.. ama ba ang matatawag doon?! tsk..
"anak.. sorry... pero wala akong magagawa. alam mo naman ang daddy mo diba?! kilala mo ang ugali nya."-
napabuntong hininga na lang ako.. "sorry mom, but i can't marry someone who doesnt know me... someone i doesnt love.."-
"mukhang hindi talaga kita makukumbinsi... siguro nga dapat yung daddy mo na lang ang kakausap sayo.."- by that, kinabahan ako bigla
"ano?! mom, wag!!! please... no.. mom please i'm begging you!! wag mo akong ipakasal please!!! kausapin mo naman si daddy!! pakiusapan mo naman sya oh?! ayaw mo rin naman pong makasal ako sa taong hindi ko gusto diba?!"- mukhang bumibigat na ang pakiramdam ko. feeling ko anytime mahihimatay ako sa takot nito! takot na ituloy nila ang kabaliwan na to!! ayokong maikasal!! hindi pa ako handa para sa bagay na yun!!
napayuko na lang si mom. "i cant help you swetiee... but there's one thing that can help you to stop the wedding..."-
nabuhayan ako bigla ng lakas sa sinabi ni mommy "ano po yun mom?! tell me?!"-
"you should have a boyfriend.."- literal akong napanganga sa sinabi ni mommy... nge?! boyfriend talaga?! as in?! eh wala nga akong crush boyfriend pa kaya?! ayos ah?!.. wala na bang ibang paraan maliban sa boyfriend thingy na yan?!.. aish!!! mukhang mapipilitan ako nito ah?!
"why anak?! wala ka pa bang boyfriend?! kasi kung wala, wala na akong magagawa pa.. matutuloy ang kasal mo sa ayaw't sa gusto mo.. kung meron naman, may chance na magbago ang desisyon na daddy mo o kung hindi naman, kakausapin ko sya at pipiliting ipatigil ang kasal.."- hassyy... mukhang mapipilitan akong magsinungaling nito ah?! e para saan pa?! no choice ako no?! at tingin ko ito lang ang paraan para matigil ang kahibangan ni daddy.. "why anak?! meron nga ba o wala?!"-
"ummm.... m-meron po!!!!"- napakamot na lang ako ng ulo sa kasinungalingan ko..
napangiti si mommy "really?! sino?! what's his name?!"-
eh?! nagsabi pa ako na merong boyfriend wala naman pala akong maisip na pangalan?! ang tanga ko talaga!!! ano ba yan!!!
sino ang sasabihin ko?! "ummm.... s-si d-dean po.. d-dean adrian crelain.."- patay na!! sa lahat naman ng taong banggitin, bakit sya pa?! diyos ko naman!! ano ba namang klaseng bibig to, balak pa akong ipahamak!!! ano bang nangyari bibig ko at pangalan nya pa ang napagtripan ko?! we're not that closed you know?! pwede namang si lucas.. tsk.. buhay to oh?!
mas lalo tuloy lumapad ang ngiti ni mom. "well, congratualations anak!! masaya akong nagkaroon na ng boyfriend ang NBSB kong bunso.."-
napangiti na lang ako ng pilit. "hehe... s-salamat po!! "-
"ilang taon na kayo together?!"- masiglang tanong ni mommy... paniwalang paniwala talaga sya sa kasinungalingan ko.. hay.. patawarin mo po ako mommy kung magsisinungaling ako sayo.
kailangan ko lang po talaga gawin to.... sa linggo nga pupunta ako sa simbahan para humingi ng tawad sa mga kasalan ko..
"umm.. t-two years na po kami at m-may balak na p-po syang pakasalan ako k-kaya n-nagproposed na po sya p-pero gagraduate po muna sya ng college bago kami magpaksal at..... isang taon na lang po yun at pagkatapos po, magpapakasal na po kami.. a-alam mo mom, mahal na mahal po namin ang isa't isa at hinding hindi ko po sya iiwan..sobrang mahal ko po sya!"- pwe!! lahat ng sinabi ko nakakasuka!! kami?! magpapakasal?! as if!! hahaha!! ano ba tong pinagsasabi ko sa mommy ko.... sana lang talaga hindi malaman ni dean ang tungkol sa kabaliwan ko... at alam ko naman talagang hindi nya malalaman ang tungkol dito dahil hindi naman sila magkakilala ni mommy.. haha!!! buti na lang hindi sila magkakilala..
kahit papaano ay gumagaan ang pakiramdam ko sa iniisip ko..
"i'm so happy for you anak!! kitang kita ko sa mukha mo ngayon ang saya dahil may fiance ka na pala!! hindi mo na pala sya boyfriend dahil fiance mo na sya!! wag kang mag aalala, kakausapin ko talaga ang daddy mo!! sana maging masaya kayo anak!! kasi ako, masayang masaya para sayo."- hehe.. sana nga ganun talaga ang mangyayari pero hindi eh!! puro kasinungalingan lang yun!!! lord, ngayon po sa harap nyo, humihingi ako ng tawad!! gabayan nyo na lang po sana ako sa mga desisyon ko!! wag nyo po akong papabayaan..Amen.. in the name of the father, the son, and the holy spirit, Amen.
i gave my mom a simple smile..
hayss.... sana matapos na to!!.
*********
nandito na ulit ako sa headquarters.. nahanap na kasi yung lalaking nagpanggap na pumatay daw kay julian ganstein... at willing daw syang sabihin ang mga alan nya...
nakaupo ako sa sofa at kaharap ko ngayon sina lucas, lolo at ying lalaki..
"ako po si erwin.. naging miyembro po ako dati ng isang gang.. blue gang po ang pangalan ng gang namin in short, 'BG' na kadalasang nakikita sa braso ng mga napapatay na biktima. lagi po kaming dinadala ng lider namin kahit saang lugar po para pumatay ng mga tao. ang totoo po ay notorious po talaga ang mga dati kong kasamahan., wala po silang sinasanto..
tuwing gabi po kami naghahanap ng mabibiktima at pinapatay naman po ng mga kasamahan ko. ako naman po ay nanunuod lang sa mga ginagawa nila , hindi ko po kasing kayang pumatay ng mga tao eh.hindi po kaya ng konsensya ko yun. eh sa mahirap lang po talaga kami at wala po akong nahahanap na trabaho kaya po naisipan ko pong sumali sa isang gang.. simula po nun, lagi na lang akong nakakakita ng mga taong pinapahirapan at pinapatay sa harap ko ng wala man lang kalaban laban. pero po kasi, hindi ko po kayang sikmurain ang mga ginagawa ng kasamahan ko kaya tumigil na po ako ., yung oras na nagquit ako, yun po yung oras na pinatay si julian ganstein.."-
naikunot ko noo ko "teka lang, bakit pinatay si julian ganstein?!"- hindi naman sya mamamatay ng walang dahilan no?!
"may dahilan po yun!"- anito
"alam ko yun!!! syempre lahat naman may dahilan. ang ibig kong sabihin bakit sya pinatay?!"- slow ng lalaking to
"ang pagkakaalam ko po kasi, may galit po yung boss namin sa pamilya nila ganstein."- yun!! yun ang gusto kong marinig!!
"eh sino naman yung boss nyo?!"- i ask again
"isa lang po ang nakakaalam ng pagkatao ng boss namin o kung sino sya. miski mukha nya hindi po namin nakikita, bihira lang po sya nagpapakita samin at kung nagpapakita man sya, lagi syang nakasuot na kulay blue na maskara. at ang tawag lang po namin sa kanya ay 'B'."-
grabe, tagong tago ah?! "hindi nyo kilala kung sino ang boss nyo?! grabe!!! takot makilala.. o baka naman pangit yung mukha nya kaya nya tinatago.."-
"eh bakit laging nasa loob ng mga sapatos ng mga studyante nakikita ang mga 'ID' nila?! yung mgs biktimang studyante?!"- si lolo naman ang nagtanong
"ibig sabihin daw po kasi non, kahit anong gawing imbestigayon ng mga pulis o awtoridad, wala daw pong makakahanap sa kanila, hindi daw po silang kayang labanan dahil malalakas daw po sila."- yabang?! sabihin nila, ayaw nilang makulong habangbuhay! tsk.. utak nila walang laman!
napairap ako ng wala sa oras "pwede pag nakita mo ulit sila pakisabi naman na bawas bawasan nila ang pagpatay! kami ang nagliligpit ng mga kalat nila eh! tsk.. papatay na nga lang hindi pa liligpitin.. tamad masyado?!"- reklamo ko. kainis kaya yun! napuno na ang mga morge ng mga patay sa dami ba naman non?!
"eh bakit ka nagpanggap na ikaw ang pumatay kay julian ganstein?! "- lolo ask.
"kasi po pag hindi ko daw po sinunod ang gusto nila, papatayin daw po nila ang pamilya ko, tinakot po ako eh!! kaya sinunod ko na lang po."-
"hindi na bago sa pandinig ko yan."- singit ko
"eh bakit mo naman binago yung statement mo?! "- lucas ask.
"eh kasi po hindi na po talaga kaya ng konsensya ko yung mga ginagawa ko. at ayoko rin naman pong makulong sa kasalanang hindi ko naman po ginawa."-
"tama yan."- puna ko
"alam mo ba kung saan kayo lagi nagkikita dati?! ng mga kasamahan mo?"- lolo ask again
"aba oo naman no?! naging miyembro ka pa ng gang kung hindi mo naman alam kung saan magkikita?!"- singit ko ulit
"ang totoo po nyan eh, wala po kaming permanenteng address.. tinatawagan lang po kami tuwing may duty."- ay!! pahiya ako don ah?!
"mukhang mahirap to ah?!"- lucas said
"walang kasong hindi naging madali lucas, tandaan mo yan!"- sabi ko
"hindi nyo talaga kilala yung boss nyo na laging nagpapautos sa inyo na pumatay?! "- tanong ulit ni lucas.
aba paulit ulit??! "hoy, sabing hindi eh! paulit ulit ka pre?! "- unlimited masyado eh.. nakakasawa na!
sinamaan nya ako ng tingin "alam mo kasey kanipa ka pa ah?!"- napipikon na sya, inirapan ko nga.. "ano gusto mo suntukan?!"-
tsk... "sige ba!! suntukan!! hindi ako natatakot sayo no?!"-
akmang tatayo na sana sya ng pinigilan ni lolo. "lucas tama na yan!!"- nilingon ako ni lolo "kasey umalis ka na at ipagpatuloy ang pag i-espiya. kami ng bahala dito. may itatanong pa kami kay erwin.."-
tsk.. ayaw talaga nila akong isali sa usapan nila ah?! ang duga!! tsk.. bahala nga sila dyan!! sila naman mapupuyat eh! hindi ako..
"ok."- nasabi ko na lang at akmang aalis ng may maalala akong sasabihin. "ah lo,"-
"ano na namam yun?!"-
"pag magtanong po sa inyo si mommy na kung may boyfriend na ba ako sabihin nyo 'oo' ah?!"- nagulat sila sa narinig.. normal lang yan. bago lang sa pandinig eh!!
"may boyfriend ka na?!"- hindi makapaniwalang tanong ni lucas
inirapan ko sya "oo meron angal ka?!"- as if no! common sense.
sinamaan nya ako ng tingin..
"wala akong boyfriend no?! asa naman kayo! itong mukha ko?! papayag na magpaligaw?! as if!! basta sabihin nyo na lang na may boyfriend ako! thats it!"-
"pano kung ayaw namin?!"- singit ni lucas.
"shup up, hindi ikaw ang kausap ko!! pero subukan mo lang at makikita mo kung gaano ako kabangis lalo na kapag naiinis!"- banta ko..
"eh bakit naman namin sasabihin yon?!"- lolo ask
"eh kasi, sinabi ko kay mommy na may boyfriend na ako, nagsisinungaling lang naman talaga ako, alam mo naman po yung dahilan lo eh. basta sakyan nyo lang ang trip ko!! "- inismaran ako ni lucas
"eh pano pag sinabi namin yung totoo na wala ka naman talagang boyfriend?!"- lolo ask again
"edi magkamatayan na! joke.. basta pag sinabi mo yung totoo, eh madali lang naman yan eh! tatawagan ko si lola sa state at isusumbong ko po ikaw lo na may iba't ibang chicks.... you know me, right lo?! marami ako pamblackmail sayo lo, i have proofs..."- napakamot na lang ng ulo si lolo na tumawa ng malakas si lucas. mokong. " kala nyo ah?! may pangblackmail din ako no?! wala nga kasing personalan diba lo, sabi mo?! ano, deal?!"--
"naku ikaw talaga kasey oh?! ok sige deal."- nagshake hands kami ni lolo at napangiti ako "ikaw talaga oh, apo nga talaga kita"-
"thanks lo, bye!"- akmang lalabas na ako ng magsalita si mang erwin
"sandali lang!"- muli ko syang nilingon "mag ingat ka, nasa tabi mo lanv ang mga kalaban! marami sila at hindi natin alam na minamanmanan ka rin.. malay mo lang, basta mag ingat ka sa bawat kilos mo."- pahabol nya
"salamat po sa paalala."- sabi ko at tuluyan ng umalis.. alam ko namang nasa paligid lang ang mga kalaban at kailangan ko lang talagang magdoble ingat at maging alerto dahil baka anumang oras ay pwede akong mapahamak. at kailangan ko rin dapat mag ingat sa mga kilos ko...
dumiretso ako sa bahay at nagpahinga..
kaya maaga akong pumasok. sinipag ako eh!! ewan ko ba pero parang gusto ko ng pumasok sa HU araw araw at makinig sa mga itinuturo nila. nakakaenganyo kasi eh! pagkatapos ng class hour ay naglakad lakad muna ako sa hallway.. and as usual, usap usapan yung nanyari kahapon lalong lalo na ako..m chismis dito chismis doon. diba sikat na agad ako ?! sa ganda ko ba naman ito!! may ibang positive comment at yung iba naman ay negative.. gaya ng 'ang kapal naman ng mukha nya'.
at ayoko ng idetalye yung iba masyadong ng masakit pakinggan....
papunta ako sa canteen ng mag isa ngayon dahil wala si bella.. and to my surprise, biglang umupo si kelly sa harap ko..
"hi!"- bati nya.. nice, ngayon ko lang ulit sya nakita ah?! ilang araw na kasi syang hindi nagpapakita.. masyadong busy ang isang to..
"hello.."- balik ko.. "san ka galing?!"- tanong ko
nginisian nya ako "somewhere..."-
"ok..,"- ayokong makipagpilosopohan ngayon sa kanya.. bad mood pa naman ako!!!
"balita ko, may naingkwentro ka kahapon. kwento mo naman! totoo ba yun?!"- ang bilis talaga kumalat ng balita oh?!
"bat ko pa ikikwento sayo kung alam mo naman pala!"- saad ko at uminom ng juice.
she sigh "sabagay... pero hindi parin ako makapaniwala na nagawa mo yun! thats unbelievable!!"-
"yeah, kaya maniwala ka na dahil totoo yung scandal na yun!!"- walang ganang saad ko..
alam ko namang papunta na asaran tong usapan na to.
"pero, di nga, nagawa mo talaga yun?!"- hindi makapaniwalang tanong nya
i raised my eyebrow "nagawa ang alin?!"- ano bang pinagsasabi nila?!
"nagawa mong agawin ang dialog ni dean!"- tsk. really?! kailangan pa talaga alam nila ang kung ano man ang sasabihin ni dean?! kung sila nasa posisyon ko ganun din naman siguro gagawin nila. wala ba talaga to sa bundok?! tsk... pati dialog pinag tsitsismisan!!! ano to?! my scrip?!
"alam nyo, hindi ko kayo maintindihan eh! bakit ba napakalaking isyu sa inyo yung nangyari kahapon?! pwede ba mag move on na kayo?!"- naiinis na ako eh!! maikli pa naman pasensya ko.
tumawa ang loka "alam mo, 6 months na ako dito nakaasign at sa loob ng 6 months na yun doon ko nalaman ang mga tungkol sa mga isyu dito, ang tungkol kay dean kaya nakikisabay na lang ako sa trip nila, wala akong magawa eh.. hehe... mahirap din talaga maging isang detective!! hahaha"- eh?!
"ano namang kinalaman ng pagiging detective mo sa mga nangyayari?!"- ang gulo ng babaeng ito!
hinawakan nya kamay ko "kung ako sayo, makisabay ka sa mga trip nila kung ayaw mong mabuking ang sekreto mo! ganun ang ginagawa ko."- she whispers.. ahh... gets ko na sya....
kaya pala... go with the flow lang sya... try ko rin kaya yun minsan!! haha... may points naman sya.. best way yun para walang makakilala sakin. haha..
may utak pala ang babaeng ito eh!! buti na lang napapakinabangan ko minsan ang inaanak ni lolo..
"so... magiging masaya yun, tama ba?!"- tanong ko
tumango tango sya... "sobrang saya.. basta wag mo munanh isipin yung tungkolin mo, dahil maiistress ka lang.."-
"ok... thanks sa advice."-
"you are always welcome my friend... if you need me, just call me and i'll be there..."- sabi nya sabay kindat at umalis...
teka, saan na naman ba pupunta ang babaeng yun?! isusumbong ko sya kay lolo eh!
dumiretso ako sa condo pagkatapos ng klase pagod ako eh at wala naman akong nakukuha don!! kamalasan, meron pa!! tsk... love na love talaga ako ni malas no?!
bubuksan ko na sana yung pintuan ng may marinig akong kakaibang ingay mula sa loob... teka, paanong may nakapasok sa condo ko, eh nasakin ang susi...
walang sabi sabing binuksan ko agad ang pintuan at nagulat ako ng bumungad sakin ang tatlong mukha ng mga naggagandahang binibini...
napangiti sila ng makita ako..
nagulat ako ng makita ko ulit sila... hindi ko inaasahan to!!!
teka, paanong~~~
"hey kasey!!! miss me?!"- tanong sakin ng babaeng lumapit sakin at nginitian ako... a-anong ginagawa nila dito?!
"ay mukhang hindi pa sya nakarecover sa maganda kong mukha!!"- sabi nya ulit... kaya natauhan ako bigla..
"hoy jessa, wag kang masyadong assuming!!"- sigaw naman ng isa pang babae.... tama, sya si jessa dela ven.. ang isa sa mga bestfriend ko mula noon hanggang ngayon....
si madel viegas naman yung isa pang sumigaw sa kanya na nakaupo sa sofa at nag aayos ng kanyang mga daliri.. hanggang ngayon hindi parin sya nagbabago...
si lea marvin yung isa ko pang kaibigan na nakaupo rin sa sofa at nagseselfie pa.. wala ring pinagbago, selfie girl pa rin sya!! tsk...
"t-teka, anong ginagawa nyo dito?!"- kunot noong tanong ko.
"ay ganun?! ayaw mo ata kaming makita eh!!"- sagot naman ni jessa at nagpout pa... kahit kailan napakaisip bata ng babaeng ito... ay mali.. silang tatlo pala ang isip bata!! ang kaibahan nga lang, si lea na mahilig sa selfei ang pinakamaarte sa tatlo... pero wag ka, amazona at sadista rin sila kaya wag na wag mo talagang galitin yan kung ayaw nyong magkaroon ng world war.. magaling pa naman sila humawak ng mga baril at espada.. lalo na sa palaso... pareho lang kaming apat kaya magkasundo talaga kami..
pero teka lang, kailan pa sila dumating?! isang taon na ng huli ko sila makita dahil pumunta sila sa ibang bansa.. hindi ko nga alam kung anong trip ng nga babaeng ito!! ngayon ko lang sila nakita ah at sa totoo lang, namiss ko ang mga bruhang ito!! ilang buwan ding hindi nagparamdam sakin at ngayon, bigla biglang susulpot kung kailan gusto?! aba!! sabay sabay pa sila ah?! samantalang kanya kanya sila ng lugar na pinuntahan..
"oh c'mon!!"- sabay hila sakin ni jessa at pinaupo sa sofa..
"teka lang, kailan pa kayo dumating?!"- hindi makapaniwalang tanong ko..
"actually, kahapon pa ako dumating kaso may pinagawa sakin si dad kaya ngayon lang kita nabisita.. si lea naman kakadating lang at dumiretso dito sa condo mo dahil boring daw sa kanila at itong si madel?! haha! asa kang sasabihin nyang kailan yan dumating!! nagulat na nga lang ako eh na nandito rin pala sya?! what an accident nga naman!!"- sabay irap ni jessa kay madel kaya sinamaan ito ng tingin..
"hoy jessa, tumahimik ka nga!! puro kasinungalingan ang mga pinagsasabi mo!! kasey wag kang maniwala dyan, kahapon lang din ako dumating.."- hasyy... kahit kailan talaga ang mga babaeng ito!!
"ikaw talaga madel, napaka KJ mo!!"- irap ni jessa ulit. hayyss... dakilang kilay talaga ang jessa na ito!!
"but seriously girls, ba't di nyo man lang sinabi sakin na babalik pala kayo?! edi sana nasundo ko kayo sa airport! tsk... magsama nga kayo nila mommy!!!"- saad ko
inakbayan naman ako ni madel "alam mo kasi kasey, we love surprises you know?!and besides, marami ka namang ginagawa kaya hindi ka na namin inabala!! baka maapektohan lang ang pag iimbestiga mo sa kung ano mang kaso ang iniimbestigahan mo!!"-
yeah i know... may point rin naman sya doon..
napa facepalm na lang ako..
"why kasey?! arent you happy na nandito na ulit kami?!"- si lea naman ang nagtanong... buti naman at tumigil na kakaselfie...
nagsasawa na sa kanya ying cellphone nya eh..
"tsk.... pano ako magiging happy eh nabuksan nyo ng walang paalam yang pintuan ko!!"- reklamo ko.. kung hindi ko lang sila kaibigan, napagkamalan ko na silang magnanakaw... ang likot ng kamay eh!!
tinawanan naman ako ni jessa "hindi ka pa nasanay sa galawang jessa!!! hahaha!! expert kaya to no?! ako pa ba?! ay isa pa, hindi ka naman lumipat ng ibang condo eh kaya madali lang kaming makakapasok dito sa loob..."- ayan!! kaya hanga ako kay jessa eh!! magaling yan pagdating sa mga lock ng pinto... mautak din eh!!
pero teka, ngayon ko lang napansin.. parang medyo umem-prove yung kagandahan nila. pero buti na lang at mas maganda parin ako sa kanila....
hahhaha...
and still, ang sexy parin nila... like me. haha... si jessa naka skinny jeans at half shoulder na damit, si madel naman same as jessa pero naka simple shirt lang sya.. while lea?! as usual, naka bestida ng kulay pink violet na pa tube ang design... minsan lang yan nagsusuot ng maong pants... maarte eh.. fashionista daw kasi sya... ay! lahat pala kami.. miski naman si jessa at madel minsan lang din nag susuot ng ganito.. mahilig din sila sa dress eh..
and now, masaya ako kasi kompleto na ulit kami... nandito na ulit sila.. ang mga kaibigan kong makukulit at magaganda like me.. haha...
sana lang hindi na ulit sila aalis........ makakatikim talaga to sakin!!!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top