episode 6
episode 6
nandito ako ngayon sa room namin.. hanggang ngayon iniisip ko pa din yung nangyari sa condo ni dean.. 3 days na ang nakakalipas but still, confused parin ako..buti na lang talaga hindi ako pinagdudahan ni dean pero sya pinagdudahan ko.. sino ba talaga sya?! may sekreto kaya sya?! pero parang wala naman... siguro ganoon lang talaga ang attitude nya na kahit nasa panganib sya nagawa nya paring kumalma... hindi ko na dapat sya pinagdududahan... sira ulo lang siguro ako.. kung anu ano na ang iniisip ko about him..
pero ang tanong, kilala nya kaya kung sino ang mga yon?!.. bakit naman si dean ang next victim?! at may napansin lang ako, karamihan sa mga napapatay ng BG ay nag aaral sa HU.. bakit kaya ganun?! may sekreto kaya ang HU?! ano kaya ang history nito?! at kung meron mang sekreto, ano yun?!
at ngayon, alam ko na ang ibig sabihin ng word na BG.. blue gang... wierd pero ang pangit ng gang name nila.. gagawa na nga lang ng pangalan blue pa?! tsk...
ano ba talagang dahilan bakit sila pumapatay ng mga inosenteng tao at target pa talaga ang nag aaral sa HU... sino ba talaga ang gusto nilang kunin at patayin?! sino ang may pakana ng lahat ng ito?! bakit maraming inosenteng tao ang nadadamay dito?!.. hayysss.... ang dami kong tanong na gustong masagot... masisiraan na ata ako ng bait eh!! err.. ang hirap naman nito!! sa lahat ng kasong na encounter ko dito ako nahirapan... para syang isang puzzle na kailangang buuin... ngunit mahirap!! supper!! ngayon lang akong nahirapan ah?! dati naman kasi easy lang sakin ito pero ngayon, nahiirapan na ako!!! and worsed, may posibilidad na baka madamay ako at ako ang isunod na patayin ng BG... siguro kailangan ko ng ihanda ang sarili ko para sa kung ano mang mangyari sakin....
"ms. cadiente, are you with us?!"- napalingon ako kay ms.chen na nagtuturo..
"h-huh?!"- nasabi ko.. ngayon ko lang napansin na nakatingin na pala lahat ng studyante sakin.. bakit sila ganyan makatingin?! nakakunot ang noo?! may dumi ba ako sa mukha?! o baka naman masyado na silang nagagandahan sakin?! haha..
"hoy!! ang lalim ng iniisip mo ah?! sino yan?!"- bulong sakin ni bella .katabi ko kasi sya eh.
"bakit?!"- i ask
"tinatanong ka ni ms.chen kung nakikinig ka.. hindi ka naman pala talaga nakikinig... sino ba yang iniisip mo?! boyfriend mo?!"-
sinamaan ko sya ng tingin.. "FYI wala akong boyfriend!! tumahimik ka nga!!"- kainis tong babaeng ito.. kahit kailan hindi pumasok sa isip ko ang salitang boyfriend no?! tsk
"wala daw.."- pang aasar nya na naman... binigyan pa ako ng nakakalokang ngiti.. err.. mababaliw ako sa babaeng ito.. tumingin na lang ako sa unahan at seryosong nakatingin sakin si ms. chen na nakataas pa kilay...
napayuko na lang ako "sorry po ms. chen.."- .. haayysss...
ba't ba kasi ang lalim ng iniisip ko eh!! ayan tuloy napahiya ako. tsk!!!
break na kaya dumiretso kami ni bella sa canteen para kumain.. at sa kamalas malasan ay pumasok ng canteen si dean kasama ang mga barkada nito.. napalingon sya sa direksyon namin ag nagtama ang aming mga paningin kaya umiwas agad ako.. nagtilian din ang mga studyante ng makita sila , ang kikisig kasi ng mga katawan nila eh.. ang hot nila tignan.. kaya hindi na ako magtatakang ang daming nagkakakandarapa sa kanila.. ang gagwapo pa.. tumayo naman agad si ericka kabilang table at lumapit sa kanila.. pinulupot nya sa braso ni dean ang kamay at hinalikan sa pisngi... tsk... nakakadiri sila tignan.. hindi sila bagay.. masyadong malandi si ericka para kay dean... tsk.. napairap tuloy ako ng wala sa oras...
"hi babe!"- maarteng bati ni ericka sa kanya.. tinanggal nya ang kamay ni ericka sa kanya at hindi pinansin.. dumiretso sila sa table malapit dito sa min.. pangisi ngisi pa akong tinitigan ng barkada ni dean kaya inirapan ko na lang
"kasey, hindi ba tayo gagalawin nyan?!"- nag aalalang tanong ni bella.. hay naku!! natrauma ba nga talaga sya sa titig lang mga mga unggoy na yun!! ganoon na lang ba talaga sila kinatatakutan ngayon?! bakit pag ako ang kaharap nila hindi naman sila nakakatakot..
"kinausap ko na sila kaya wag ka ng mag alala."- sabi ko.
"hayyss.. buti naman"- nakahinga na sya ng maluwag..
"babe, wanna eat ice cream?!"- alok ni ericka kay dean at sinusubukang subuan si dean. mag katabi kasi sila ni ericka eh. si dean naman halatang naiinis na kay ericka at di ito pinapansin. ayaw nya talaga tantanan si dean. nakakasakal kaya yun!! kung ako si dean matalagal ko ng sinakal yang babaeng yan. kabwisit eh1!
"ericka, hindi interesado sayo si dean!"- sambit ni dwell na kaharap ni dean.
"shut up!!"- sinamaan sya ng tingin ni ericka "maybe wala pa syang nararamdaman sakin ngayon, but darating din ang panahon na mamahalin nya na rin ako! diba babe?!"- nguso nya kay dean, ang sagwa tignan.
"ericka, don't make a wish that will never be granted!"- walng emosyong saad ni dean dahilan para humagalpak ng tawa ang tatlong mokong..na ikinainis ni ericka
"ah basta!! hanggat nabubuhay pa rin ako, magiging kami parin sa huli! and we will live happily ever after!"- proud pa si ericka sa sinabi nya... muling nagtawanan ang tatlo na para bang wala ng bukas.. ang ingay nila sakit sa tenga!! rinig hanggang labas ng canteen.. lahat tuloy ng studyante nakatingin na lang sa kanila, wala ni isa ang ang nagdadaldalan dahil sa kaingayan ng mga ugok!!
hindi na lang ako nakinig sa mga pinag uusapan nila dahil naiinis lang ako sa boses nilang ang papangit!! akala nila pag mamay ari nila ang mundo dahil wala na akong chance para makipagkwentuhan kay bella dahil sa kanila!! buti na lang talaga hindi pa nabibingi si dean sa kaingayan ng kaibigan nya na katabi nya pa lang naman!!
"HOY GAGO!! HINDI PA TAYO TAPOS!! HARAPIN MO NGA AKO!! DUWAG!!"- Agad nakuha ang atensyon naming lahat sa lalaking sumisigaw.. nakacurly hair ito at ang cool ng dating nya. matangkad din sya.. ano bang ginagawa nya?!
"ano pa bang kailangan mo hah?! tapos na tayo diba?! bakit di mo na lang kasi tanggapin ang totoo!"- sagot naman ni army cut boy sa kanya na ang cool din ng dating!! teka nga lang, ano bang pinag aawayan nila at dito pa sa canteen nagawa nilang mag shooting?! public na public oh?! tsk..
"TANGGAPIN?! TSK!! SIRA ULO KA BA HA?! PANO KO MATATANGGAP NA INAHAS MO ANG GIRLFRIEND MO AT ANG MASAKLAP PA AY BINUNTIS MO SYA! GAGO!!"- Ok.. galit nga si churly hair..at isang babae lang pala ang pinag aawayan nila?! grabe naman!.. haba ng hair ng babae!!
"ano bang paki mo?! hindi naman ikaw yung tatay ng dinadala nya eh!! at isa pa hindi ka nya gusto!! dahil sa simula pa lang ako na ang mahal nya!! kaya kung ako sayo, lubayan mo na sya dahil sakin lang sya!!"- sagot ni army cut.. eh?! ok.. sino ba yang babaeng yan at kung makapag away tong lalaking ito parang walang taong nanunuod sa kanila!! tsk...
"EH TALAGANG GAGO KA PALA EH!! ALAM MO NG MAY BOYFRIEND SYA NAGAWA MO PANG LUMANDI!!"- Ouch!! sakit sa tenga ang sigaw ni curly hair... halata na talaga sa mukha nya ang galit at poot.. yung kamay nya nakakuyom at gustong gusto nya ng suntukin yung kaaway nya...
"eh bakit?! sineryoso ka ba nya?! hindi diba?! kaya wag kang masyadong desperado dahil para sa kanya, isa ka lang laruan!!"- saad ni army cut..aba talaga!! nagawa nya pa talagang sumagot ng ganyan eh konting konti na lang, papatayin na sya ni curly sa sobrang galit.. gusto nya na bang mamatay ah?! hindi sya nag iisip! kung ako lang kaharap nya , kanina ko pa sya sinampal at tinadyakan dahil sa bobong sagot nya..kainis sya! tanga talaga nito oh?! umuusok na tuloy yung tenga ni curly sa sobrang galit.. patay ka!
"
" DAMN IT!! URGH!! MAS MATATANGGAP KO PA SANA NA NILOLOKO NYO AKONG DALAWA PERO ANG BUNTISIN MO SYA?! HINDI KO MATATANGGAP YUN!!! "- Galit na galit na si curly hair..
"alam mo, bat di mo na lang kasing tanggapin na hindi ka nya mahal?! dahil kung hindi ka naman siguro manhid, matagal ka na nyang ginawang panakip butas!! gago!!"- aba talaga sya!! walang hiya!!! sya na ngang may kasalanan, sya pang nagmamayabang!! sipain ko sya eh!! ako ang nabubwisit sa kanya!!
"EH GAGO KA PALA TALAGA EH!!"- Sigaw ni curly at sumugod kay army at ayun nga, nangyari ang aking inaasahan, nagbugbogan silang dalawa sa harap ng marami.. nagsipagtabi naman yung mga tao dahil ayaw nilang madamay sa gulo... balibag dito balibag doon ang ginagawa nila at ang dami na ring mga babasaging plato, baso, at iba pa ang nasira dahil sa kanila.. kawawa na rin yung table dahil nasisira na rin ng dahil sa kanila...
nainis tuloy ako..dobleng pagkadismaya at panghihinayang ang nararamdaman ko sa bawat mga kagamitang nababasag dahil sa kanila... eh bakit kasi dito pa nila naisipang mag shooting eh alam naman nilang maraming gamit ang masisira dito!! ang bobo din talaga ng dalawang ito eh!! buti sana kung libre lang yang mga gamit na yan eh hindi eh!! binibili yan at ang mahal ng gastos dyan!! ok lng sana kung nagdodonate sila ng mga gamit matatanggap ko pa yun pero hindi eh!! tapos sisirain nila?! aba sobra na ata yun!! kailangan nilang pagbayaran yun!!
ilang minuto na ang lumipas at hindi parin sila tumitigil sa pinaggagawa nila at ni isa rin walang nagtangkang awatin sila at pigilan.. lahat kami tahimik lang na nanunuod sa kanila.. gusto ko naman silang awatin e may iba akong balak eh!! yung mga tao dito walang pakialam sa kanila at mukhang ginawa pa nila itong movie ah?! stage play ang peg?!
napatingin ako sa table nila dean at sila rin ay nanunuod lang sa ginagawa nila.. seryoso lang si dean sa kanila at hindi rin sya nagtangkang umawat.. mukhang pareho kami ng iniisip ah?! haha. kung ganun ganoon din ang gagawin nya..
napapapikit na lang talaga ako tuwing nakikita ang mga basag na mga gamit dito sa canteen dahil mukhang wala na silang balak na tumigil pa. nakakainis na ah?! nagtitimpi na ako dito?!
asan na ba kasi yung malanding babae na bunti daw kuno na pinag aawayan ng dalawang ugok na to?! kainis sya ah?! dah sa kanya nasira ang gamit dito dahil sa pag aaway ng kanyang dalawang lalaki na pinagsabay!! swear, pag nakita ko ang babaeng yon, babalatan ko ng buhay yon, wala akong pakialam kahit buntis pa sya! err..
"STOP!! TUMIGIL NA KAYO!!"- speaking of. may isang babaeng pumasok dito sa canteen na pawis na pawis at mukhang kakagaling lang sa takbo dahil sa hingal na hingal sya.. naka make up sya ng makapal na mukha ng clown sa kapal ng make up like ericka.. based on her body, yeah body, mukha talaga syang malandi.. at hindi rin sya kagandahan!! kaya nagtataka talaga ako, itong babae lang na ito ang pinag aawayan ng mga ugok na yun?! tsk. ayos ah?! walang ka taste- taste!! diyos ko naman, ang daming nabasag na mga gamit dito dahil lang sa babaeng mukhang kabayo?! tsk.
fantastic!!!!
agad namang napahinto ang dalawa at napatingin sa kanya..
lumapit at ang babae at pumagitna sa dalawa "tama na please lang!!"- sigaw nya..
"pagsabihan mo yang lalaking yan!! ang tigas ng ulo!!!"- saad ni army at hindi ininda ang sakit sa katawan.. pareho silang may pasa sa mukha.. nagsimula na rin ang bulong bulongan sa paligid..
"GAGO KA!! KUNG HINDI MO LANG SANA INAGAW ANG GIRLFRIEND KO HINDI MANGYAYARI TO!!"- Sigaw ni curly hair..
"eh talagang gago ka rin pala eh!! sinabi k-"-
"TAMA NA!!"- Sigaw ulit ni girl. galit na sya. "tumigil na kayo!! ikaw kei, tumigil ka na!! bakit kasi hindi mo na lang tanggapin na ayoko na sayo!! si elmer na ang mahal ko!!"-
eh talagang bulag din pala tong dalawang ugok na to eh!! isang mukhang kabayong babae ang pimag aagawan nila, ang masaklap, malandi pa! halata mo na sinu sino ang ka one night stand sa gabi!! dalawang ugok pala ang manhid eh!!
"hindi jess.. alam kong mahal mo ako!! at sinisira lang tayo ng lalaking yan!!"- saad ni curly hair na kei ang name..
anv tigas nv kukoti nya eh! ataw na nga sa kanya ng babae at niloloko na nga sya harap harapan ayaw nya parin maniwala?! suntukin ko kaya sya para matauhan?!
"kei tama na!! hindi mo parin ba naiintindihan na hindi kita mahal?! si elmer ang mahal ko, so tumigil ka na!"- galit na sabi ni girl.
"THE BOTH OF YOU SHOULD STOP!!"- Sumingit na si dean at pumagitna rin sa dalawa na halatang inis na inis na.. "stop this bullshit, stupid show!! i didn't like this kind of scene!! so stupid!! two boys are fighting because of this girl?! so crazy!!"-
tumayo agad ako at nakisali.. "yeah youre right... they're crazy.."- singit ko... napalingon silang lahat sakin at naikunot ni dean ang kilay nya.. ito kasi ang plano ko sa tatlo eh.. and i'm success..
"Ikaw babae!! umalis ka dito!! wag kang makisali dito! wala kang alam dito at away namin to so back off!!"- saad ni kei.. loko sya ah?! humanda sya sakin.
i gave him a sarcastic smile "pano kung ayaw ko?! may magagawa ka?! wala diba?!tsk!! hindi ko man alam ang tunay na nangyari sa inyo pero sapat na ang nakikita ko ngayon para diktahan kayo!! and one more thing ha, hindi babae ang pangalan ko! kasey! that's my name!! get it?! if you dont get it then shut up you jerk!!"- singhal ko sa kanya..bwisit sya eh..
sinamaan nya ako ng tingin "wla akong pakialam kung sino ka man!! ang sinasabi ko umalis ka dito bago pa may-"-
"mangyaring masama sakin?!"- pagpapatuloy ko. inirapan ko sya "tsk. hindi na bago sa pandinig ko yan.."-
"cut the bullshit!"- singit ni dean at tinignan ng masama ang dalawa.. lahat ng tao seryosong nakikinig samin dito.. walang nagtangkang magsalita sa kanila.
"hindi na kayo marunong mahiya!! dito pa talaga kayo nag aaway sa canteen?! what the!!! at itong babae lang ang dahilan at nakasira pa talaga kayo ng mga gamit!!"-
"yeah, true!!"- dagdag ko.. "nang dahil lang sa impaktang malanding babaeng yan nagkagulo kayo?! and worsed dito pa sa harap ng maraming tao?! pano kung may rated SPG yang ginagawa nyo?! edi kawawa yung mga virgin eyes namin!!! tapos nag susuntukan pa kayo dito na akala nyo walang mga gamit ang masisira!! tingnan nyo ang paligid, ang daming mga basag na gamit! eh ang mahal pa naman ng bili nyan! buti sana kung libre lang yan!! at buti rin sana kung nagdodonate kayo, pero hindi eh!! tapos nagmamayabangan pa kayo!! eh hindi nyo man lang iniisip ang pwedeng mangyari dito!! kung hindi nyo ako kilala, may care ako sa mga gamit! dahil pinaghirapang gawin yan! pinaghirapang imbentohin yan!! tapos gaganyanin nyo lang?! aba kapal ah?! alam nyo, wala naman akong pakialam sa inyo kahit mag bugbogan kayo or magpatayan kayo, walang kaso sakin yun kung sa labas nyo ginawa yun! yung walang gamit na madadamay!! eh hindi eh!! sa canteen nyo talaga naisipang magshooting ng fighting scene!! akala nyo naman maangas kayo tignan eh mukha nga kayong bakla eh!! tapos ang dahilan ng pag aaway nyo ay ang mukhang kabayo na babaeng yan?! tsk.. sayang lang kagwapohan nyo at nabulag kayo sa mukhang kabayo na babaeng yan?! aba ang tindi!! nakakaimbyerna na ah?! grabe!!"- oha?! sa inis ko ang dami kong nasabi.. bwisit eh!! lahat tuloy sila natahimik. nahirapan silang isink in sa utak nila ang mga sinabi ko..
sinamaan ako ng tingin ng dalawang lalaki at babae ng mapagtanto nila ang mga sinabi ko. napailing na lang si dean.. shock din sya eh..
"how could you-"-
"patapusin mo muna ako horse!"- i cutt the girl off.. "you mr. kei.. sayang ang gwapo mo pa naman sana pero nagpakatanga ka dyan sa malanding kabayong iyan?! hindi naman kagandahan! at pinag aawayan nyo pa talaga ah?! ikaw naman elmer.. ang cool mo pa naman sana tignan at nabulag ka rin dyan sa bruhildang babaeng yan?! hindi naman sya kawalan no? at hindi rin sya maganda para pag agawan nyo!! tsk.. ang pangit ng taste ninyo.. kita nyo na ngang niloloko lang kayo ng babaeng iyan nagpapakatanga pa kayo!! no offense sa mga magkasintahan na nakikinig sakin ah pero tingin ko itong babaeng ito hindi karapatdapat pag agawan ng mga gwapong lalaki lalo na kung pangit na nga ang mukha, pangit pa ang ugali!!"- tinitigan ko yung babae. ang sama ng tingin nya sakin. "at ikaw naman babae ka, kita mo na ngang may boyfriend ka na, hindi ka pa nakuntento at naghanap ka pa ng isa pang mabibiktima mo!! sino ang susunod ha?! sabihin mo naman sa kanila para mainform sila at hindi na dito sa canteen mag away.. nakakasira ka eh!! tapos nagawa mo pang magpabuntis sa elmer na yan kuno at pagkatapos, sarap na sarap ka naman sa ginawa mo!! hindi ka talaga marunong makuntento!! kibata-bata mo pa nagpabuntis ka agad?! hindi mo na ba kayang tiisin at gusto mo na agad maging nanay?! ayos ah?! eh hindi ka pa nga sigurado kung papanagutin ba ng elmer na yan ang batang dinadala mo!! malay mo tatakasan ka ng elmer na yan at pag nangyari yon, ikaw ang kawawa!! mag isa mong palalakihin ang anak mo!! at pag lumaki ang anak mo, syempre magtatanong yan kung anong nangyari sa inyo ng elmer na yan, at anong sasabihin nyo?! 'iniwan ka ng tatay mo anak dahil hindi nya ako kayang panagutan'. yun ba yun?! syempre hindi!! alam ko na style nyo no?!tsk.. sana naman matauhan na kayo sa mga pinaggagawa ninyo!! at sana naman, pagkatapos nyong sirain ang gamit dito sa canteen maisipan nyo man lang linisin at palitan ang mga nabasag ninyo!! isaksak nyo sa utak ninyo ang lahat ng sinabi ko para magkaroon ng laman yang utak ninyo. get it?! ok bye!!!"- sabi ko at agad na hinila palabas ng canteen si bella dahil alam kong anytime papatayin na ako ng mga yon doon pag hindi pa ako umalis.. narinig ko pa ang mga hiyawan ng mga tao don bago lumabas...
hayyyysss... sa wakas! nakahinga ako ng maluwag! sa haba kasi ng sinabi ko nakalimutan ko na atang huminga.. tsk.
sana may matutunan sila sa sinabi ko. pero ano nga ba yung pinagsasabi ko?! hindi ko na maalala eh!! sa dami ba naman non!! tsk... sana lang talaga buhay pa ako bukas pagkatapos nito.. kasi naman eh. mali atang nakialam pa ako sa away, edi parang mas lalong lumala.. patay talaga.. eh kasi naman, concern lang ako sa mga gamit na nasira no?! tsk. maintindihan naman sana nila yun!!
nginisian naman ako ng bruhang katabi ko ngayon na mukhang namangha rin sa binanggit ko kanina.. ang lapad ng ngiti nya eh.. dumiretso kami dito sa library para safe..
"oh bakit ganyan ka makatingin sakin?!"- iritadong tanong ko
ngumisi na naman po sya. "wala lang, eh kasi hindi lang talaga ako makapaniwala sa ginawa mo kanina!! akalain mo yun, nagawa mong agawin yung dialog na dapat si dean ang magsasabi?!"-
eh? namangha pa talaga sya ah_?! samantalang ako parang nagsisi.. "teka, pano mo naman nalaman na inagaw ko yung dialog nw dapat kay dean?! ano to?! movie?! kailangan ng scrip?! tsk.. ni hindi ko na nga maalala yung ibang sinabi ko eh!!"-
"alam mo, okay lang yan!! atleast nagawa mong sermonan yung dalawang yun! tama ka naman kasi, masyado silang bulag sa babaeng iyon! mukha pa nga lang hindi na kapani paniwalang totoo eh!"- inakbayan nya ako
"eh?! ano kaya yun?!"- nasabi ko na lang
"wag mo ng isipin yun, ang isipin mo na lang, si dean.. ano kayang sasabihin non sayo pagkatapos ng nangyari.. lahat sila napanganga sa ginawa mo eh!!"-
wow! proud pa sya.. "sa buong buhay ko, ngayon lang ako nakakita ng isang babaeng matapang at may lakas ng loob para makisali sa gulo dito sa university!! kapag kasi may ganitong nangyayari, si dean lang talaga ang may kayang makisali at kagaya mo, sinesermonan nya rin!! proud ako sayo best!!!"- haysss..
napangiti na lang din ako.. may punto ata naman sya no?! "pano kung mali yung ginawa ko?! masyado na ata akong nakialam sa buhay ng iba!! nagpadala kasi ako sa inis ko eh!!"-
"wag mo ng isipin yan... ay teka, magkaibigan ba kayo ni dean?!"- nagulat ako sa tanong nya. "i mean, magkaibigan na ba kayo?! kasi kanina, nung nakisingit kayo sa gulo, parang pansin ko lang na medyo close ka sa kanya..tapos mukhang hindi sya naiilang sayo...uy aminin!!!!"-
i raised my eyebrow?! "hoy!! nanaginip ka ba ng gising?! pano ko kaya magiging kaibigan yun eh ang layo ng ugali namin sa isa't isa, tsaka masyadong mayanang ang lalaking yun para maging kaibigan no?!"- babaeng ito!! sa lahat ng pwedeng pag usapan yung dean pa na yun!! tsk.. as if maging kaibigan ko yun!! hindi naman kami close no?!
"ang lapit kaya ng ugali nyo!!"- inaasar nya talaga ako no?! "alam mo, ngayon ko lang napansin, halos magkapareho lang kayo ng ugali.. sya, masungit tska laging bad mood.. ikaw naman, sadista na amazona at medyo mabait din naman na makulit!!"- wow?! pupurihin nya na nga lang ako, isinali nya pa ang salitang amazona at sadista?! bilib na ako sa babaeng ito, magaling mag- obserba..
"eh, ano naman ngayon?!"- nasabi ko na lang
"bagay kayong maging magpartner!! i mean, pwede ka nyang gawing secretary or vice.. mamili ka na lang don!! yung ay kung kukunin ka nya!!"- nang aasar na talaga sya!! grabeng babaeng ito. mapapangiti na lang ako sa mga pinagsasabi nya. haha...
hey hey you you i want to be your girlfriend...
phones ringing...
sino ba tong tumatawag?! kinuha ko na lang at sinagot..
"hello?! who's this?!"- i ask..
["hey swetiee... its me your mom..."-] oh?! si mommy?!
"mom?!"- really?! tumatawag ang mommy ko?! wow!! its been two years ng huli ko syang makausap.. sa state na kasi silang lahat eh. except me kaya nakakagulat..
["hi anak!! how are you?! its been two years ng huli kitang makausap!!]"-
"im fine mom... nasaan po kayo!? nasa pilipinas po ba kayo?!"- i ask..muli kong naramdaman ang pagka miss ko kay mommy... matagal na kaming hindi nagkikita eh!! namimiss ko na talaga sya.. mabait kasi sya unlike my dad.. parang laging my period, daig pang babae sa high blood...
"nasa pilipinas nga ako anak, and i want to see you... i have something to tell you, are you free now?!"-]
"ahh.... wala naman po akong gagawin... ok po... ano po ba yung pag uusapan natin?!"- out of curiousity, naitanong ko. bakit ba?!
["its a surprise... meet at 1 o'clock in restaurant.. see ya... love you bunso!!!"-] she hang up the phone.. .. tinignan ko ang relo ko. 12:30 na pala....
kaya agad akong tumayo at nagpaalam kay bella na may pupuntahan lang ako... may klase pa ako ngayon pero hindi ako aatend.. tinamad na ako eh...
sumakay ako sa kotse at tinungo ang restaurant na sinasabi ni mommy.. pero, nagtataka parin ako..
ano kayang sasabihin ni mommy?! mukhang importante.... kinabahan tuloy ako bigla....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top