episode 5

episode 5

pauwi na ako sa condo,. wala naman akong nakuhang ebidensya dito eh!! boring lang sa university..

napatigil ako sa paglalakad dito sa hallway ng makita si steve sa di kalayuan na may kausap na lalaki, hindi studyante ang kausap nya..

nagtago ako sa may likuran ng basurahan malapit sa kinaroroonan nila.. para kasing may something sa dalawA eh. baka may makuha akong info sa kanya.. nakita kong parang may binigay na envelope si steve don sa lalaki at, ANO YUN?! pera ba yung nakita ko?! parang may something talaga sa kanila. maya maya pa ay umalis ba si steve at naiwan naman yung lalaki na nakangiti pa. mukhang masaya ang mokong. umalis din naman agad ang lalaki kaya sinundan ko sya. parang may gagawin syang masama ah, kailangan ko syang sundan baka may makuha ako sa kanya. malay ko naman diba?!

pumasok sya sa isang restaurant kaya sinundan ko..mukhang dito nya balak gumawa ng masama ah?! umupo sya sa isang table malapit sa gitna at ako naman ay sa isang sulok lang pasimpleng tinititigan ang bawat kilos nya.

siguro naman hindi nya ako mapapansing sumusunod sa kanya.  kumakain na sya kaya umorder nalang muna ako ng shake at kunyari'y nagbabasa ng magazine..

lumipas ang ilang minuto ay wala paring nangyayari dito sa restaurant.. ano ba talaga ang binabalak ng lalaking ito?! mukha pa naman syang aramado base sa itsura nya. magulo ang buhok at naka jacket..
naboboring na ako.. pano kung wala naman talaga syang masamang gagawin dito?!

maya maya pa ay lumabas sya at sinundan ko ulit.. sumakay sya ng taxi at ganun din ang ginawa ko.

bumaba sya sa isang kalsada kaya bumaba din ako.. sana naman hindi nya ako napapansin.

pumasok sya sa isang eskinita na parang shortcut.. pano ba naman kasi isang bagong highway na naman tong dinadaanan namin.. san ba talaga sya pupunta,?!tsk. nakakapagod maghabol.

ilang oras na syang naglalakad at pagod na ako sa kakasunod... ni hindi ko na nga alam kung saang lugar na ito. mukhang maliligaw ata ako nito ah?! naku naman!!

pumasok yung lalaki sa isang bahay kaya nagtaka ako..

hindi kaya bahay nya to kaya sya umuwi?! hindi kaya bahay gusto nya lang talagang magpahinga?!

diyos ko naman nagkamali ata ako ng sinundan ah?!..

patay!! hindi ko pa man din alam ang daan pabalik sa pinanggalingan ko... mukhang mahihirapan akong makabalik nito ah?! nagdidilim na pa naman at medyo wlang taong dumadaan dito..  kasi naman!!  anong lugar ba ito?! nasaan ba talaga ako?!

kung nasa magical world lang sana ako edi masaya kaso nandito parin ako sa realidad..

at isa lang ang alam ko ngayon,  NALILIGAW AKO!! err... buhay nga naman oh?! puno ng katangahan!! pati dinadaanan ko hindi ko natatandaan.. pano, nakapukos ang tingin ko don sa lalaking sinusundan ko na uuwi lang pala sa bahay nila. grabe naman!

totoo nga ang kasabihan na 'ang hindi marunong lumingon sa pinanggagalingan, hindi makakarating sa paroroonan'.. tsk.. naniniwala na ako sa kasabihan ngayon...

ilang oras nakong naglalakad dito para makabalik sa pinanggalingan ko pero mag aalas otso nalang hindi pa ako nakakauwi!!  tapos medyo kaunti lang ang mga ilaw dito at mukhang walang masyadong tao.. err..

may isang babaeng dumaan sa gilid ko kaya naisipan ko ng magtanong.. nagugutom na kasi ako at gabi na..

"umm... excuse me ate, magtatanong lang sana ako."- tinignan naman ako ng babae at nginitian..

"ano po yun?!"- nakangiting sabi nya

"umm... saan po ba ang sakayan dito ?!"- tanong ko.. ayoko namang sabihin sa kanya na naliligaw ako nakakahiya kaya yon!!

"umm... liko ka lang ta kanan at diretto ka ta may nagbibinta ng taging at kumaliwa ka tapot ayun na.."-  eh,?! ano kaya yun?! talaga may naiintindihan ako sa kanya.. err.. anak ng putek nagtanong pa ako doon pa sa isang bulol... or should i say hindi kayang bigkasin ang salitang S... pushek!! dapat pala hindi na ako nagtanong.. pero buti nalang  binigay nya sakin ang direksyon at medyo nakuha ko naman ang sinabi nya hindi nga lang ganun kalinaw.

sinunod ko ang sinabi nya at thanks to my power nakarating din ako dito sa sakayan ng mga  jeep.. hindi ko dala ang kotse ko eh.. bakit ba?!

naghahanap ako ng pwedeng masakyan papuntang cavite don kasi ako uuwi ngayon eh.. buti na lang at marami ng tao dito di tulad  ng napuntahan ko kanina na halos ako lang ang tao don. 

biglang nagsipagtakbuhan ang mga tao kaya nagtaka ako, pero saka ko lang napagtanto na kaya pala sila nagsipagtakbuhan dahil agad bumuhos ang napakalaking ulan.. err..
diyos ko naman bakit naman ngayon pa umulan,?! wala pa naman akong dalang payong!! peste!! basa na tuloy ako... hindi ko alam kung tatakbo na ba ako para maghanap ng masisilungan o mananatili na lang ako dito ma basa ng ulan..?  hindi naman kasi ininform sakin ni ulan na babasain nya ang mga tao dito!!   nagtatalo na ang isip ko sa ano ba dapat ang gawin ko ngayon..

ang malas ko naman ngayong araw!!  una naligaw ako tapos ngayon nabasa ng ulan?! anong susunod?!

holdapin ako dito?! naku subukan lang nila at matitikman nila ang bangis ng isang kasey... err..

napayakap na lang ako sa aking sarili dahil nanginginig na ako sa lamig.. basang basa na ako...

tingin ko nga, ako na lang ang nag iisang tao dito sa gilid ng highway dahil lahat sila naghanap ng masisilungan... tsk... maduga! ayaw makisama ng ulan!! kailan ka ba titigil hah?!!! naiinis na ako!

napayuko na lang ako sa sobrang lamig.. nanginginig na nga ako eh.. parang tanga na lang ako dito... mag isa lang..

maya maya pa'y naramdaman ko na lang na hindi ako  nababasa ng ulan.. ang buong akala ko ay tumila na ito ngunit mali pala ako... 

iniangat ko ang ulo ko at sa hindi inaasahang pagkakataon nakatayo na ngayon si dean sa harap ko hawak ang payong upang protektahan ako mula sa ulan...

naikunot ko noo ko... he's wearing a leather jacket na maitim at seryosong nakatingin sakin...

napatitig tuloy  ako sa  napakaganda nyang mata na ngayon ko lang napansin...  ang hot nya tignan ngayon... isama mo pang may itsura sya.. ay mali, gwapo sya..

wait nga lang, ano ba tong pinag iisip ko?! nahihibang na ata ako!! back to realidad nga!!

"anong ginagawa mo dito?!"- kunot noong tanong ko

"you? what are you doing here?!"-  tanong ko tanong nya?! ayos ah?!  "at bakit ka nagpabasa ng ulan dito?!"-

"hindi mo pa po nasagot ang tanong ko FYI.."- saad ko..  napabuntong hininga sya... grabe parang mas lalo pa atang lumakas ang ulan ah?! dumating lang ang lalaking ito,?! pangatlong kamalasan ko nga naman ngayon oh?!

"pauwi na ako sa condo pero nakita kita dito na basang basa ng ulan kaya nilapitan kita.."- kalmado nyang sagot... ok sabi mo eh..

"pauwi na rin ako pero wala akong mahanap na sasakyan kaya ayun hindi pa ako nakakauwi at sa kamalas malasan, dumagdag pa ang ulan at pinaulanan ako ng biyaya kaya tuwang tuwa ako eh!! ang saya nito!! "- sarkastikong sabi ko..

"eh bakit kasi hindi ka naghanap ng masisilungan?!"-

"eh ayaw makisama ng paa ko eh!! pagod na syang maglakad! may sarili kasi syang isip.."- inis na sabi ko kaya napabuntong hininga ulit sya....  anak ng putek nilalamig na ako!!
mukhang napansin naman ni dean na nanginginig na ako kaya hinubad nya ang jacket nya at isinuot sakin... wait lang, anong nangyayari sa kanya?!

tinaasan ko sya ng kilay,  "at ano namang ginagawa mo?!"-

"obvious ba, tinutulongan kang maibsan ang lamig.! alangan namang tinapon ko yung jacket!"- tsk... makapagtaray to daig pa babae o baka naman bakla sya?! whatever.. 

"hindi mo naman kailangang gawin to eh!!"- sabi ko

sinamaan nya ako ng tingin. "hindi ka man lang ba mag t-thank you?!"-

"do i have to?! at isa pa hindi ka naman gentleman no?!"- sabay irap ko

"i'm not gentleman when it comes to an ugly girl like you!"- aba loko sya ah?!

"sinong sinasabi mong ugly girl?!"- tinaasan ko sya ng kilay.  "at FYI lang ah  maka ugly ka sakin pangit ka rin naman!! kamukha mo nga si shrek!"-

sinamaan nya ulit ako ng tingin  "sa gwapo kong ito?! si shrek?! bulag ka na ata eh! o baka naman nagagwapohan ka lang sakin dahil sa gwapo talaga ako?!"- aba ang kapal din ng budhi ng lalaking to ah?! confident masyado?!..  

nilagpasan ko na lang sya at pumasok sa kotse nya.. ayoko ng makipagtalo sa kanya no?! masira beauty ko!

tinaasan nya ako ng kilay dahil pumasok ako sa kotse nya.. bakit ba wala na akong masakyan no?! at saka nandito na rin naman sya kaya  sya na ang maghahatid sakin.. walang aangal sa gusto ko!

"at sinong nagsabi sayo na pwede kang sumakay sa kotse ko?!"- seryosong tanong nya..

"ako angal ka?!"- napa 'tsk' na lang sya...

"hindi pwede! lumabas ka! youre not allowed to enter this car!"- manigas ka!

"ayoko! no choice ka rin naman dahil hindi talaga ako bababa s ayaw mo't sa gusto,dahil nadito ka rin naman, ikae na ang maghahatid sakin sa bahay! isa pa, malakas ang ulan oh?!"- sabay tingin sa labas..

tinitigan nya muna ako ng masama at bumuntong hininga na lang.. wala na talaga syang magagawa, ang magagandang tulad ko, dapat pinagsisilbihan!.

"may kapalit tong pagtulong ko sayo!"- saad nya at pinaandar ang makina..  i'm aware of that!.. hindi naman ako tanga eh! handa ako sa kung anomang kapalit na yan!

"saan ang address mo?!"- tanong nya na nakatingin lang sa harap

"cavite.."-  muntik na akong masubsob sa biglaang pag preno nya.. aba'y lintik sya!! sinamaan ko sya ng tingin..   "ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! balak mo bang isubsob ang mukha ko hah?!"- sigaw ko sa kanya.. kainis ah?! muntik na ako don!

"eh bakit naman kasi sa dinami rami ng bahay dito sa cavite mo pa naisipang umuwi?!"- inis na saad nya.

i raised my eyebrows..   "bakit?! may problema ka ba sa address ko ha?!"- sigaw ko..

" sino ba namang hindi mamomroblema eh ang layo na bahay mo! isang oras ang byahe don!!"-

"anong gusto mong gawin ko? ilipat ang bahay dito?! ang bigat kaya ng bahay! ikaw nga di mo kayang buhatin ang bahay kubo mansion pa kaya?! common sense ah common sense!!"-  diyos ko presidente ba talaga to?! mukhang hangin lang ang laman ng utak eh! badtrip!

"ayoko ko ng pumunta sa cavite. gabi na, kung gusto mo, mag commute ka na lang!"- aba?!  galing ah?!

"pano kung ayaw ko, may magagawa ka?!"- nagsamaan kami ng tingin sa isa't isa..  "kung gusto mo, hanap mo ako ng masasakyan at ako na mismo ang lalabas dito sa car mong walang  sense!!  kung wala kang mahanap, edi no choice ka kundi ang iuwi ako sa cavite or better choice, sa condo mo ako matutulog! ano?! choose one!"- haha!! as if my choice sya! wala na rin syang mahanap na sasakyan dito kasi gabi na hindi ko nga namalayan mag aalas onse na pala ng gabi sa tagal ba naman naming magbangayan dito?! haha!!

napabuntong hininga na lang sya at sinimulang paandarin ang kotse.. hehe!! ano ka ngayon?!  no choice ka!! bakit kasi lumapit ka pa sakin kanina ayan tuloy karma ka.haha!!

tahimik lang kami buong byahe dahil mukhang bad mood na talaga sya.. isang patunay dyan ang mabilis nyang pagpapatakbo ng kotse nya na halos hindi ko na makita ang paligid sa sobrang bilis.. pero cool parin akong umupo dito. hindi naman ako takot no?! ilang beses na akong naka encounter ng ganito.. and take note, mabilis rin akong magpatakbo ng kotse gaya nya.. pwede na kaming magkarera dito ni dean eh sa dahil hindi ko dala kotse ko eh no choice...

tahimik pa rin sya hanggang sa makapasok kami ng condo nya.  mukhang labag nga sa kalooban nya ang pagtuloy ko dito eh. haha!..

infearness ang lawak ng condo nya ah, may chandelier pa nakasabit sa kisame na pagkaganda ganda..  marami ring frames na nakasabit sa dingding.. mga puro tanawin at mayron ding family pictures.. bata pa sya dito at apat sila kasama ang magulang nya at isang babae.. kapatid nya ata, magkamukha kasi sila eh.. ang cute nga nila tignan eh.. happy family.. kainggit much!.

"hey."- napalingon ako kay dean na may hawak ng damit at binigay sakin.  "maligo ka muna sa kwarto lang ako. call me kung may kailangan ka."- sabi nya pumasok sa kwarto. bad mood nga talaga sya..

nagpout na lang ako at tinungo ang cr nila para maligo.. and wow!! ang laki ba naman ng cr nya, grabe wala pa sa kalahati yung cr ko dito eh!! ang cool pa ng design parang nasa beach lang ako .. mapapanganga ka talaga sa ganda at laki.. bilhin ko na lang kaya to, ang ganda eh! parang gusto ko na tuloy tumira dito.. kaso bawal dahil alam kong hindi papayag yung asungot na yun.. hmmp!!!

after kong maligo sa mala beach nyang cr dumiretso ako sa sala nila at doon nakaupo sa dean na nakapajamas and nanunuod ng tv... makinuod nga..

napatingin sakin si dean ng umupo ako kaya nginitian ko na lang pero inirapan lang ako na parang bakla pero hindi sya bakla no?!

ano ba tong pinapanood nya basketball at lumipat sa ibang channel na anime.. anak ng putek ang pangit naman ng pinapanood nya!. ilipar nga natin!!

"ilipat mo nga yan, ang pangit nyan eh!"- sabi ko sa kanya

"shut up!"- saway nya  "kung hindi mo gusto eh di wag kang manood hindi naman ikaw pinapanood ko eh!"-

"arte mo!! ilipat mo na!"- bulyaw ko

"ayoko nga! may magagawa ka?!"- sinamaan ko sya ng tingin..     wala nga naman talagang akong magagawa kung hanggang daldal lang ako kaya inagaw ko agad sa kanya ang remote na ikinagulat nya at nilipat ko ng ibang channel..

"what the?! ibalik mo nga!!"- sigaw nya.. nginitian ko lang sya

"ayaw ko nga!! maganda yung palabas eh! tignan mo kasi!"- sabay turo ko.. nakita nya doon yung mukha ni gong yoo sa tv..

"whats that?! k-drama?! ang baduy! ilipat mo!"- arte nito!

"ayoko! maganda eh! panoorin mo muna kasi eh bago ka manghusga dyan! kala mo naman magaling kang umarte!"-  mas lalong sumingkit ang mata nya, parang kakainin ako ng buhay..

"give me the remote control now!"- seryoso na talaga mukha nya..

"ayoko nga! ililipat mo ng channel eh!"-

"talagang ililipat ko! akin na!"- at ayin na nga, nag agawan na kami ng remote nya..  ang lakas nya pero hindi ako papayag no? kahit masira yung remote hindi ko ibibigay sa kanya!

"ibigay mo sakin ang remote!!"- gigil na sabi nya habang nag aagawan kami dito

"ayoko ko nga!"-

"give it to me!"-

"i wont!"-

"i said give it to me!"-

"no!"-

"akin na!"-

" no!"-

"give it to me!"-

"no!"- biglang kumulo ang tyan ko.. uh-oh! nakalimutan kong hindi pa pala ako kumakain.. gutom na ako.. kakain muna ako.

"give it to me!!"- binitawan ko bigla ang remote at tumayo

"umm...  kakain muna ak——"-
nagtaka ako kung bakit sya nahulog sa sahig..

"what the hell!! urgh!!"- galit sya.. namimilipit sa sakit ng braso nya

naikunot ko noo ko  "anong ginagawa mo dyan?! nag eexcercise ka ba?!"-

"tinatanong mo pa talaga kung anong ginagawa ko dito?!"- inis na sambit nya.. namimilipit sa sakit

"magtatanong ba ako kung alam ko ang ginagawa mo?!"- kainis to.

""ugh! dahil lang naman sayo kaya ako nahulog dito!"- wow?! kasalanan ko pa?!

"bakit?! ano namang ginawa ko?!"-

"damn you! binitawan mo lang naman po yung remote kaya ako nawalan ng balanse at nahulog dito! ano masaya ka na?!"-  ay! oo nga pala no?! hehe.. sorreeyyy... hindi ko sinasadya.. gutom ako eh.

"shet! ang sakit ng braso ko!"- tumayo sya at umupo sa sofa. hinilot hilot nya yung braso nya.
nabali ko ata! patay!

"gusto mo hilotin ko braso mo?!"- magalang na sabi ko.

"wag na!!"- bulyaw nya.. EDI WAG!! di kita pinipilit!! tse! maiba nga ng usapan!

"umm... pwede ba akong kumain?!"- nakangiting saad ko

"wag mo lang ubusin ang cake ko!"-

"paborito mo rin pala ang cake?! ok."- nakangiting tinungo ko ang  kitchen nila and as expected malaki rin ito at may pabilog na lamesa sa gitna.. babasagin pa talaga mga gamit nila dito..

binuksan ko ang dambuhalang ref. at bumungad sakin ang sandamakmak na mga pagkain.. wow!! as in wow!!  ang dami!! hindi talaga sya nauubusan ng pagkain!!!  ang sasarap pa! my goodness!!  pwede na akong mamatay.. di joke lang!! hehe..

mukhang heaven...

kumuha ako ng chocolate cake at kung anu ano pang pagkain dito.. ang sarap nito promise!

habang kumakain, napansin kong parang may tao sa likod ko pero hindi ko pinansin dahil alam kong si dean lang naman yun,. tatakutin nya pa ako eh hindi naman ako natatakot. haha..

"alam mo dean, hindi mo ako matatakot no?!"- sabi ko habang kumukuha pa ng pagkain..

but hindi man lang sya sumagot sa likod ko.. parang  papalapit sya sakin na  hindi ko maintindihan.. ngayon sigurado na ako. hindi si dean to..  parang kakaiba nararamdaman ko ngayon kaya hinanda ko sarili ko.. naging alerto ako.. pinakinggan ko ng maigi ang mga foot step nya..

agad akong lumingon sa likuran ko at sa kamalas malasan bigla akong hinagisan ng kutsilyo buti nalang nakailag agad ako.. shet! muntik na ako don ah?!

isang  nakamask na lalaki ang kaharap ko ngayon.. nakaitim lahat ng damit nya.. my goodness.. mapapalaban ako nito ng wala sa oras!!

"sino ka?!"- tanong ko pero hindi nya ako sinagot bagkus  sumugod sya sakin kaya naglaban kaming dalawa.. sinuntok  ko sya pero nailagan nya yun  kaya naman tinadyakan ko sya at sumalpok sya sa kabinet.. agad naman syang tumayo at sumugod ulit sakin. nagpakawala sya ng suntok at tadyak ngunit lahat ng yun nailagan ko..

sinuntok ko sya sa tiyan at sinampal sa mukha  dahilan para mapaurong sya at nasanggi nya ang lamesa dahilan para magkaroon ng ingay na maririnig sa labas.

"hey?! anong ingay yan?!"- sigaw ni dean sa labas..
sumugod ang lalaki at agad ko syang hinawakan sa magkabilang kamay

"w-wala!!  nasanggi ko lang yung pinggan!!"- sabi ko. sinipa ako ng lalaki at sinuntok sa tiyan pero ginantihan ko rin sya. tinadyakan ko sya kaya napahiga sya sa sahig kaya agad kong kinuha ang kutsilyo at tinutok sa leeg nya. umupo ako sa dibdib nya.

"sino ka?!"- tanong ko sa lalaki

"nandito ako para tapusin si dean hindi para makipagkilala sayo!;"- aba! pilosopo to ah?! diniinan ko pa ang kutsilyo sa kanya..

"pag hindi mo sinagot ang tanong ko, papatayin kita!"- banta ko

"kahit naman sagutin kita papatayin mo rin naman ako eh!"-   aba matalino!!

"what do you want from him?!"-  seryosong tanong ko

"i'm here ko kill him!!"-  nagtaka ako bigla.

"sinong nagpadala sayo dito para patayin sya?!"- i ask

"ba't ko sasabihin sayo?! binabayaran mo ba ako?!"- aba talaga! may gana pa talaga syang magsalita kahit nasa panganib ang buhay nya?!

"SABIHIN MO SAKIN!!"- nanggigigil na ako!

tumawa sya.  "interesado ka talagang malaman ah?!"-

"ano ba talagang kailangan mo?!"- naiinis na ako!

pinakita nya sakin ang braso nyang may tatak na 'BG'. nagulat ako bigla... naalala ko bigla ang pagkamatay ng biktima.. no.. this can't be.... this can't be.....hindi....

"so, base on your reaction, kilala mo ang gang name namin!!"-   nanlumo ako bigla.. walang hiya!! sila pala ang pumapatay!!! urgh!! huli ka ngayon!!

"bakit nyo ginagawa to?!"- gigil kong tanong

he laugh again.  "trip namin!!!  ang blue gang or in short BG, ay isang gang na walang sinasanto! once na naapakan mo kami, patay ka!!! kaya humanda ka ngayon, dahil ikaw ang next! pero, palalagpasin ko muna ang ginawa mo sakin.!"-

mas lalo ko pang diniinan ang kutsilyo... nanggigigil ako sa kanya..

"mga hayop kayo!! bakit nyo ba ginagawa ang pumatay?!"- gusto ko syang patayin ngayon pero hindi ko kaya.

"trip namin eh, bakit ba?! at ngayon, si dean ang next victim namin pero dahil umepal ka dalawa kayo ang papatayin ko ngayon!"- humalakhak sya kahit diin na diin yung kutsilyo sa kanya.. pag hindi ako makapagtimpi dito tutuloyan ko na to!

"humanda ka dahil kataposan mo na!"-  bigla akong tumilapon ng may sumipa sakin sa likuran dahilan para magkaroon na naman ng ingay.

"hoy kasey! ano bang nangyayari dyan?!"- sabi ni dean sa labas. nagdududa na sya.

"wala! nahulog lang yung baso ko!! nag eexcercise kasi ako eh,!"- dahilan ko.  tinitigan ko ang mga kalaban ko na ngayon ay dalawa na.. ang sama pa ng titig nila sakin at tila ba sabik silang patayin ako.  ang duga naman nito!! ako lang mag isa tapos dalawa silang nagkakampi! babae pa man din ako!.. 

2 vs. 1 girl..

napangiti ako.. sumugod sila sakin  at umilag ilag lang ako at sinuntok sa mukha yung isang lalaki at hinawakan ang damit nya para masipa yung isa nyang kasamahan sa mukha. sabay ko silang tinadyakan para tumilapon sila sa pintuan at nagkaroon ulit ng ingay..

" nagdududa na ako kasey ah? ano ba talagang nangyayari dyan?! may ibang tao ba dyan?!"- hala patay!!

muntik ko ng masabing oo..  "wala!!"-

"papasok ako dyan!"- anito

"wag!!"- sigaw ko at sinuntok ang dalawang kalaban pagkatapos ay sinipa  ang isa at tumakbo ako papuntang pintuan para harangan si dean dito na makapasok.. pilit na tinulak ni dean ang pintuan.. sumugod ulit ang dalawa sinipa sipa ko lang sila para hindi makalapit.

"ano ba kasey?! papasokin mo ako!!"-  pilir na tinulak ni dean ang pinto... grabe naman ang lakas nya!!

"hindi pwede!"- sinuntok ko yung dalawa sa tyan at tinadyakan.. kumuha ako ng upuan pangharang sa pintuan..

"bakit hindi?!"- kulit ng budhi nya!!

"k-kasi medyo sensitive!!"- kinuha ko yung pinggan at binato sa dalawa ngunit nailagan nila

"ANONG SENSITIVE PINAGSASABI MO?! PAPASOKIN MO AKO!! ALAM KONG MAY KAKAIBANG NANGYAYARI DYAN!!"-  Hinarangan ko ulit ang pintuan pero ang lakas nya talaga idagdag mo pa tong dalawang unggoy na gorilya  na kinakalaban ko ngayon. ang hirap ng sitwasyon ko!!

nagkaroon ng hiwang ang pintuan dahil sa lakas ni dean kaya binato ko yung upuan sa dalawang  kalaban at sumilip sa pintuan.

"kasey! ano ba?! ano bang nangyayari dyan?! bakit pawis na pawis  yung mukha mo?!"- saad nya.. sumugod ulit yung dalawa kaya tinadyakan ko.

"wala!"-

"anong wala?! ang ingay dyan sa loob! papasukin mo nga ako?!"-

"h-hindi pwede!!"- sabi ko at binato sa dalawa ang basurahan sa tabi ko

"hoy ano ba?!"-

"hindi ako pwedeng pumasok kasi naghuhubad ako!!"- ano ba tong pinagsasabi ko?! nagtaka tuloy sya.

"ano?! papasokin mo nga ako?!"-

"h-hindi nga pwede!"- sinipa ko yung dalawa,  "kasi wala akong suot na damit!! b-baka makita mo ang katawan ko!! sexy pa naman ako , baka pagnasaan mo ako eh!! ayokong makuha ang virginity no?!"-

"wag mo nga akong lukuhin, papasokin mo ako!!"-   shet!!  may hawak na kutsilyo yung dalawa at muntikan na akong masaksak sa ulo buti na lang nakailag ako. pero tinadyakan ako ng isa pa kaya tumilapon ako at sa kasamaang palad, tuluyang nabuksan ang pintuan at gulat ns gulat si dean.. patay na!!

"a-anong——"- sasaksakin sana sya nung isang lalaki  pero buti na lang nakailag sya.. holly shet!! silang tatlo na ang naglalaban...

tumakbo ako palabas ng pintuan at tinitigan si dean.. nagtataka ako sa kanya.. anh galing nyang makipaglaban at parang sanay na sanay na sya.. gigil na gigil pa... ang hot nya tuloy tignan.. parang may sekreto si dean ah?! isang sipa lang nagsipagliparan agad ang dalawa...  kahit hinang hina na yung dalawa ay nagawa pa nilang sugurin si dean.. at para matapos na to ay kailangan kong tulongan si dean..

kumuha ako ng flower vase at hinagis don sa isa dahilan para mawalan na sya ng malay.. sinuntok ni dean yung isa at pinatulog din..

hoo!! nakakapagod!! nanghina ako don ah,?!

agad akong sinamaan ng tingin ni dean dahilan para mapalunok laway ako.. uh-oh!! kakainin nya ata ako ng buhay..

"sinong mga taong iyon?!"- seryosong tanong nya

"ako dapat magtanong sayo nyan!! anong kailangan nila sayo?!"-  naikunot nya noo nya

"anong ibig mong sabihin?!"- naguguluhang tanong nya..

"sabi nila ikaw ang next victim.. mukhang may galit sayo ang mga unggoy na yun ah?! and worsed nadamay pa ako!! malas mo naman, nadamay ako sa kamalasan mo!!"- saad ko at kunyari'y walang alam sa nangyayari..   huminga sya ng malalim at lumapit sakin...

"ok ka lang ba?!"- kalmadong tanong nya... bakit parang hindi naman sya nagpapanic sa mga sinabi kong papatayin sya ng mga yon?! gusto nya bang matupad yon?! abnormal ata to eh?! oh baka naman inaasahan nyang mangyari yon?!  bahala nga sya!!

"san natutunan makipaglaban?!"- he ask curious na walang pakialam sa dalawang nagbanta ng buhay nya.. grabe , ang totoo?! ayaw nya naman mamatay diba?! o gusto nya lang sumunod kay julian nya?! tsk!!  mukhang may kailangan akong malaman sa pagkatao ni dean ah?! he's a new mystery to me..

"ahh... black belter ako nung high school."- sabi ko na lang..

"wag mo na lang ipagkalat ang nangyari ngayong gabi.. for security.."- saad nya at umupo sa sofa..

naikunot ko noo ko  "bakit naman?!"-

"kung gusto mo pang mabuhay sundin mo na lang ako.. at wag ka ng magreport sa pulis dahil kahit anong gawin nila, hindi nila mahuhuli ang mga nagpautos nito!"-

tumango na lang ako..
ok.
sabi nya eh... sekreto na lang namin to...

but still,  who are you really mr. dean adrian crelain?!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top