episode 30
episode 30
"san ka pupunta?!"- muling tanong ni dean.. lupa kainin mo na ako please lang!!!..
napalunok ako muli.. kailangan kong gumawa ng palusot para makaalis..
"ahh... ano... umm...hehehe..."- nagsign peace ako..
tinaasan nya ako ng kilay kaya dumoble ang lunok ko..
ano ba naman yan..
"umm.. kasi dean, narinig mo na ba yung balita tungkol sa k-pop group na BTS??"- hoo.... kumagat ka..
naikunot nya noo nya.. "BTS?? what about them?!"- he ask..
"eh kasi nanalo sila ngayong taon na ito.. nakatanggap kaya sila ng award! hihihi ang gwapo talaga nila no? pero mas gwapo pa rin yung EXO.."- please lang maniwala ka.
"and..??"-
"nagpaparamihan ng mga fans ang dalawang grupong yun!"-
"what about you?? what are you doing here?"-
"uy! ang alam ko may consert sila ngayong susunod na buwan. dito sa manila!!"-
"yung tanong ko sagutin mo."-
"tsaka limited lang yung ticket kaya nagbabalak akong kumuha na hanggat maaga pa baka maubusan ako eh, sama ka gusto mo?!"-
"yung tanong ko muna."-
"masaya yun!! maraming fans ang pupunta don! pareserve tayong dalawa. hehehe."-
"kasey!!"-
"tsaka gawin na lang din nating date yun!! hindi pa kasi tayo nagdedate eh!"-
"yung tanong ko sagutin mo, kasey!"-
"at pagkatapos nating magdate, gusto mo bili tayo ng mga merchandise nila?"-
" answer me first."-
"magdala tayo ng mga bags baka kasi hindi natin kayanin ang mga bibitbitin natin."-
"hell i care."-
"dean, masaya don promise cross ny heart."-
"what the hell??"-
"ano sama ka?!"-
"KASEY!!!"- napakurap ako bigla ng sumigaw si dean.. ang sama ng tingin nya sakin..
pati boses nya nakakapanindig balahibo... uh-oh... mukhang galit sya.. patay.!
napanguso ako, "may nasabi ba akong mali?"- yumuko ako.
he sigh, "bakit nasa labas ka? pasok!"-
tumingala ako bigla at sinabing,
"hala! hindi pwede! may gagawin ako!"-
"at san ka nga pupunta?!"- may halong inis na sabi nya
napakamot bigla ako ng ulo,
"maglalakwatsya! teka nga, bakit ka nandito sa labas? ang alam ko nasa kwarto ka? so bakit nga ba?!"- hindi kaya may kapangyarihan ang isang to upang maging invisible?.hindi pwede yun.
"you can't fool me.. una palang, alam ko ng may balak kang lumabas kaya inunahan na kita bago ka pa man makatakas.."- wow, as in wow! ang talino..
"wala naman akong sinabing tatakas ako ah?!"- ngungusong sabi ko
"pero may binabalak kang lumabas."-
"eh kasi naman, ang damot mo!!"- asik ko na ikinaangat ng kilay nya.. mas lalo pa tuloy akong nagutom ng maalala ang mga pagkain sa isipan ko.. aish!! pano ba ako makakakatakas sa paningin ng lalaking to?
"paano naman ako naging madamot?!"-
"hindi mo alam?!"-
"magtatanong ba ako kung alam ko?!"-
seriously?? hindi nya talaga alam kung anong tinutukoy ko? akala ko ba matalino sya??..
aish!! ano ba naman yan! pagkain di nya alam?.
"tss.. nevermind."- sabi ko at hinawi sya para makaalis ako pero bago pa mangyari yun naunahan nya na ako..
ngayon nakasandal na ako sa pader at nakakulong sa mga bisig nya.. ang lapit pa ng mukha nya, mga 3 inch? 4 inch? 2 inch??.. hindi ko alam..
basta ang alam ko lang, nakatitig ako sa mga mata nya... pakshet!!! ang ganda ng mata nya!!.
yung lips nya.... parang nakakaakit.. gusto ko tuloy halikan.. shet!!! parang nagiging tomboy na ako ah?...
pero wait,,....
bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko???
anong nangyayari sakin??? may sakit ba ako?.
"hindi ka pwedeng umalis."- seryosong sambit ni dean na nakatitig sa mga mata ko.. oh syet!!
"h-ha??b-bakit n-naman??!"- my god!! bakit naman ako nauutal??.
"dahil bawal.."-
"s-sino namang m-may s-sabi??"- ano ba naman yan!! sira na ba ako??.
tumingin sya sa labi ko sabay ngisi, "ako.."-
napalunok ako dahil don... ramdam na ramdam ko na ang mabangong hininga nya.... parang nakakaadik.. peste..
"h-hindi pwede!! may gagawin ako!"- sinubukan kong maging matapang kahit konti na lang lalamunin na ako ng sistema nya..
sinubukan ko rin syang itulak palayo pero syete lang, ang lakas nya!
"at ano naman ang gagawin mo??"- oh my!! anong sasabihin ko??.. yung totoo o gagawa na naman ako ng kwento?? kasi kapag hindi ko sinabi ang totoo, hindi nya ako tatantanan!!
aish!! bahala na nga!.
"pupunta akong mars, sama ka?"- oh shet.. mali ata nasabi ko..
"are you kidding me??!"- iritadong sambit nito.. sabi ko nga eh..
"bakit mo nga kasi ako tinatanong eh!!"- pagmamaktol ko..
"because i have to. so san nga,?"-
huminga ako ng malalim.. tss..
"sa chowking.."-
"at anong gagawin mo don?"-
i rolled my eyes, seriously? di nya alam?.
"maglalaro ng tagu-taguan tapos hahanapin ko si chowking.."- pamimilosopo ko..
he give me a death glare,
"i'm serious."-
"seryoso?hindi mo talaga kung anong meron sa chowking?? di nga??"- imposibleng di nya alam yun no?.
"magtatanong ba ako kung alam ko?"- ay sheda!!! nasapo ko na lang ulo ko ng wala sa oras...
ano ba namang lalaking to, chowking di nya alam??..
"tss.... sumama ka na nga lang sakin, para malaman mo kung anong meron sa chowking."- sabi ko at hinila sya pero nagpumiglas ang loko.. tss.
"alam mong hindi tayo pwedeng basta-basta na lang—"-
"alam ko ok?? safe tayo don alam ko yun!! wag kang mag-alala, hindi ka naman aanuhin ni chowking eh.."- natatawang sabi ko... masyado ng praning ang isang to...
"naninigurado lang ako."-
"yeah, i know."- sabi ko at muli syang hinila palabas... at buti naman dahil hindi na sya nagreklamo dahil kung hindi, ingungudngod ko na talaga sya sa sahig.. hehehe..
*********
"what the f*ck??!"- bulalas ni dean ng makapasok kami ng chowking...
alam nyo yung mukha nya?? parang ewan lang.. sobrang epic natatawa tuloy ako...
hindi nya ba talaga alam kung anong meron sa chowking???.. langya, daig pa sya ng mga bata!!
hahaha.....
"akala ko ba maglalaro ka dito??"- kunot noong tanong ni dean ng makaupo kami sa isang table malapit sa gitna..
"tanga!! kainan to hindi laruan!"- natanga ko tuloy. hahaha...
he give me a death glare...
ang akala nya ba talaga maglalaro ako???.. nak nang!!
sa hitsura kong to?? maglalaro?? ano to??
isip bata lang ang peg??.
hindi ba nya alam na GUTOM NA GUTOM NA AKO? Tapos sasabihin nyang maglalaro ako??.. abnormal!..
"ba't di mo sinabing fastfood pala ang chowking??!"- iritang tanong ni dean.. abnormal nga. sabi ko na eh.
"eh bakit kasi di mo alam na fastfood restaurant tong chowking?? may sayad ka ba sa utak?? god dean, daig ka pa ng mga bata!!"- nasapo ko noo ko at nagpipigil ng tawa...
ang epic ng mukha nya ngayon... kala mo kakain ng tao eh.. hahahah.... pft.
"hell i care."- pfft..... ang cute ng hitsura nya ngayon!! ..
um-order na lang ako at tumahimik dahil baka makalimutan kong gutom ako dahil sa epic ng hitsura nya..
alien ata to eh.. hahaha...
"so, bakit dito mo naisipang kumain?? may bahay naman.. ang arte mo.."- napalingon ako sa kanya ng magsalita sya at napatigil sa pagnguya.... ang sarap na sana ng kain ko eh. umepal pa..
"oo nga, may bahay nga pero WALANG MAKAIN.. gets??"- taaa kilay na sabi ko..
"tss... sinabihan na kitang magluto, maarte naman."- at tumingin sya sa iba.
"hindi ako maarte. sadyang madamot ka lang pagdating sa pagkain.."- sagot ko.. kainis to.
"you should expect that... kaya nga pinapaluto kita ng sayo ayaw mo naman.. masyadong tamad.."- ay bwisit!!!... grabe ah??..
sinamaan ko sya ng tingin, "eh kasalanan ko bang HINDI AKO MARUNONG MAGLUTO AH???!!!"- by that, nagulat si dean.... uh-oh... dapat pala hindi ko na lang sinabi yun!!! josko naman tong bibig ko...
"hindi ka marunong magluto??"- kunot noong tanong nya at nagpipigil ng tawa, "seriously?? nagbibiro ka ba? pffttt.."-
i swear, iuuwi ko talaga to ng patay sa kanila. asarin ba naman ako??.
"ano namang masama kung hindi ako marunong ha??!"- nakapamewang pa'ko nyan..
"pfft... nothing, its just that.... pfftt hahaha!!! kaya pala!! pfft.."-
hays,.... lord, ikaw na lang bahalang umunawa kay dean ha??.. nagiging monggoloyd na kasi sya eh!!
napailing na lang ako..
"edi turuan mo na lang akong magluto para masaya! problema ba yun?!"- nakasimangot na sabi ko.
"ayoko.."-
"edi no choice ka kundi magluto araw-araw. tapos ako naman ay kakain lang."-
"tss.. bayad ka muna.. walang libre pagdating sakin."-
"magkano ba?"- nakangiting tanong ko.. yeii... tuturuan nya na ako!!. hahaha... ano kaya lulutuin ko? pag marunong na ako?
"buhay mo ang kabayaran.."-
napalunok ako doon.. "buhay??!"-
he nod, "yeah.."-
"seriously?? buhay talaga?? diba pwedeng pera?!"- ayokong isugal buhay ko no?. aba lang!
"i have a lots of money so i didn't need it."-
"tss.. pwede bang iba na lang ang bayad, bakit buhay ko pa?? ang daya naman nun! parang sinasabi mo nang nakadepende na lang ako sayo! wag na nga lang!"- reklamo ko..
he chuckles, "edi wag.. hindi naman ako ang nangangailangan ng tulong eh."-
at sinusubukan pa akong makonsensya! ang sama talaga ng lalaking to!!
tss.. bahala na!!! mas magandang hindi na lang ako magpapaturo sa kanya kesa naman sa magkaroon ako ng UTANG NA LOOB sa kanya no?. aba ang swerte nya!!..
marami pa namang ibang paraan para matuto no?. para saan pa't nakapagtapos ako?. syempre matalino rin naman ako no?. edi gagawan ko na lang to ng paraan.. tama yun!!
"Hoy!!! can we just have a break for a moment?! Napapagod na ako!!"- sigaw ni dean habang tumatakbo... at halatang pagod na talaga sya. kanina nya pa ako hinahabol dito.. nagjojogging
kasi kaming dalawa eh pampapawis lang..
tsaka sinulit ko na rin ang pagkakakataon para makagala... boring kasi sa bahay nya!! walang ibang magagawa kundi ang tumunganga don!. mababaliw lang kami pareho pag hindi pa kami lumabas..
at talagang inis na inis na sya kasi kanina pa sya sumisigaw pero di ko parin pinapansin..
eh bakit ba, nag eenjoy pa ako eh!!
"BABAE!! NARIRINIG MO BA AKO HA?!"- pfft.... ano kayang hitsura nya ngayon??, hahaha, ayokong tumingin baka matawa lang ako sa mukha nya! hahaha...
"KINAKAUSAP KITA!! HUMINTO KA NGA MUNA!"- nilingon ko sya sa likuran habang tumatakbo parin at binigyan sya ng nakakaaasar na tingin..
pawis na pawis na sya at ang sama ng tingin sakin habang hinahabol ako...
"what?? suko ka na?? akala ko ba matapang ka??"- pang aasar ko pa dito kaya mas lalong sumama ang timpla ng mukha nya. pfft..
"for all i know, hindi basta-basta sumusuko ang mga lalaki,.. pfft.. mahina ka pala eh.."- dagdag ko at sumingkit na mata nya.. napikon?.
"i'm not a weak!! hindi pa ako kumakain simula pa kanina at nagugutom na rin ako kaya nanghihina na ako! pagod na rin ako kaya pwede ba, magpahinga muna tayo??, tao rin ako kasey at nakakaramdam ng gutom at pagod!"-
napakagat labi ako sa sinabi nya.. oo nga pala, hindi pa sya kumakain.. nakukonsensya tuloy ako... hahaha...
pero hahamunin ko muna sya,.. syempre kailangan may pagsubok no? hahaha...
i give him a mischievous smile, "habulin mo muna ako at pag nahabol mo ako magpapahinga tayo.."-
naiangat naman nya kilay nya at nagtataka kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko...
ilang metro ang layo nya sakin eh kaya hahamonin ko sya...
kahit alam ko namang kaya nya akong habulin.. haha...
pero bigla akong nakaramdam ng kaba ng bigla syang ngumiti ng nakakatakot na nakakaasar ..
uh-oh...
somethings wrong....
at hindi ko gusto ang mga ngiti nya..
ngayon palang nagsisisi na ako sa sinabi ko sa kanya..
kasi naman!! nasa huli talaga ang pagsisisi.
napakagat labi ako.
"if that's what you want, baby."- oh gosh!
mabilis pa sa alas kwatrong kumaripas ako ng takbo dahil sa ginawa nya...
oh shete talaga!!! ang bilis nyang tumakbo yung tipong nasa isang karera kayo tapos takot kang kalabanin sya? yun ang nararamdaman ko ngayon.
muli akong lumingon sa likuran ko at ganoon na lang ang kaba ko ng malapit na sya sa'kin..
at aba nakangisi pa kumag. bwisit.
"RUN BABY RUN!!"- sigaw nya.
bwisit ka dean!.
hindi na jogging ang ginagawa namin dahil nagmumukha na akong biktimang babae na hinahabol ng masamang tao.. pakshet.
"I'M COMING!"-
Oh god. malapit na talaga sya!..
mas lalo pa akong bumwelo ng takbo dahil ilang hakbang na lang ang layo nya sakin..
"ANO? SUKO NA?!"- huh! neknek mo!
binigay ko na lahat ng makakaya ko para lang makalayo ulit sa kanya kahit sumasakit na paa ko kakatakbo..
napansin ko rin ang mga taong nagjojogging na napapahinto ng makita kami at yung iba naman ay tumitigil sa ginagawa nila at nanonood sa'min..
may nagche-cheer pa. ayos talaga.
"GO! GO! GO! KAYA NYO YAN!!"-
"GO KUYANG GWAPO!! I'LL SUPPORT YOU!!"-
"MALAPIT NA!!!! WOAH!!"-
"P*TA ANG SWEET NYO! HOO!!"-
"RUN FOR LOVE!!YOOWW!!"-
"NAKAKAKILIG AMPUTEK!!!"-
"KAYA NYO YAN!!!! HAHAHA"-
Napailing na lang ako sa mga naririnig ko.. ano bang pinagsasabi ng mga to?
mga sira ulo talaga.. mukha ba kaming lovers??. baliw..
"RUN KASEY!! MALAPIT NA AKO!"-
muli akong napalingon sa likod ko at ohmo! ayan na sya!!
muntikan nya na akong maabot kanina buti na lang nakalayo agad ako dahil kung hindi, wala na. game over ang kinalabasan ko nito at talo ako..
"i almost got you!"-
binigay ko na lahat ng makakaya ko... kahit ang sakit na ng mga paa ko at konti na lang, maa-out of balance na ako dahil sa lakas ng speed ko..
amputek...
kaya ko to!! KAYA KO TO!!
HINDI NYA AKO MAHUHULI!!
HINDI NYA AKO MAABUTAN!!!
MALAKAS AKO! TAMA!!
MALAKAS AKO!!.
KAYANG KAYA KO TO!!
KAYANG-KAYA K—
*booghs*
oh shet na malagkit!!!
ang sakit ng ulo ko to the point bibiyakin na!!.
ang lakas kami ng impak ng pagkabagok ko sa damuhan..
shete!!..
ano bang nangyari??..
sa bilis ng pangyayari hindi ko alam ang nangyari..
"oh crap!"- i groaned..
nagulat na lang ako ng makitang nakapatong sa dibdib ko si dean at 1 inched na lang ang layo ng mukha namin sa isa't isa..
nakangisi pa sya..
hala!!
"gotcha!!"- sabi nya..
oh god.. bakit ang gwapo nya parin kahit basa sya ng pawis?
bakit ang ang bango parin nya kahit naliligo na sya sa pawis??.
tapos ang mas lalo syang naging hot dahil sa tumatagaktak na pawis nya mula sa buhok..
parang naging slowmo ang nangyayari..
ang bilis din ng tibok ng puso ko.. oh no!
hindi pwede to!..
nahuli nya ako!! natalo ako!!!
kasi naman!!
"enjoying the view?"- nabalik ako sa ulirat ng magsalita sya kaya mabilis ko syang tinulak palayo tsaka tumayo at pinagpagan ko abg sarili..
tawa naman sya ng tawa na parang baliw kaya binigyan ko sya ng matalim ng tingin.
"ang tinawa-tawa mo dyan ha?!"- nakapamewang pa'ko nyan.
"wala.pfft."-
"eh bakit ka tumatawa? nagmumukha kang baliw!"-
"eh kasi~pfft... hahaha... sorry can't help it! pfft.."-
amfufu!!.. napanguso nalang ako at iniwan syang mag-isa na tumatawa..
kainis.. baliw talaga!! tawa ng tawa wala namang nakakatawa!
may sayas sa ulo!!
porke naabutan nya ako ay tatawanan nya na ako??.
aba lang!!
umupo na lang ako sa isang bench at uminom ng tubig.. grabe nakakauhaw yung ginawa namin kanina!
parang nawala lahat ng dugo ko kakatakbo.. that was epic!.
pati ata paghinga nakalimutan ko..
"uy! diba ikaw yung girl kanina?"- may lumapit na grupo ng mga bakla at tinanong Pa ako...
"ah, oo hehe..("- napakamot ulo ako.. eh malay ko ba kung ano yung tinutukoy nila?.
"grabe ka girl nakakalerke yung ginawa nyo kanina ah?."- komento naman ng isa nilang kasamahan..
"ah, hehe.. ganun ba?"- wala akong masabi..
teka, ba't ba ako kinakausap ng mga to? closed ba kami?.
"uy, sa'n na yung gwapong oppa na kasama mo kanina? bakit di mo sya kanina?."- they ask again..
alam na... mukhang may pagnanasa sila kay dean ah?. hmmm.... may naisip akong pakulo.. haha.
tignan lang natin kung sino ang uto-uto.
"ah, ano kasi..... nasa CR sya,..hehehe.. alam mo na.. diba??. tawag ng kalikasan.."- pfft....
ang epic ng hitsura nila ngayon.. may nagtataka, may napanganga at yung iba hindi ko malaman kung ano..
"tawag ng kalikasan??"- hindi makapaniwalang tanong ng isa.
"yup."-
"why? may ano ba sya? yung.. alam mo na.. LBM."-
Pfft.. ano kayang gagawin sa'kin ni dean kung nandito sya?. naiisip ko palang ang mukha nya matatawa na siguro ako. malamang kakainin ako ng buhay non.
"o..kay..???"-
"by the way, what's his name?? do you have his number?? can i get it??"- sunod na tanong nila.
i give them a polite smile,
"adrian.. adrian is the name.."- sagot ko, hindi ko ibibigay full name nya no?
"and here.. number nya.."- sabi ko at sinulat ang no. ni dean..
lumapad naman ang ngiti nila kala mo nanalo sa loto. pfft..
"thank you.."- sabi nila
"always welcome."- sabi ko..
"sige bye.. thank you ulit ah?."- pahabol nila at tuluyan ng umalis na may kilig pang nalalaman..
asus!! as if naman papansinin sila ni dean no?.
at mukhang pinag-aagawan pa nila ang cellphone no. ni dean..
tumawa tuloy ako.. wala silang kaalam- alam na pekeng no. ang binigay ko..
sira ulo talaga!!. hahha..
syempre hindi ko ibibigay ang no. ni dean no? baka mamaya mabuking ako sa'kin pa ituon ang galit ni dean.. naku-naku lang!!
"why did you left me??"- speaking of.. nandito na sya sa harap ko at ang sama pa ng titig sa'kin to the point kakainin ako ng buhay. pfft..
uh-oh..
"oh, hi! nandyan kana pala! oh, tubig gusto mo?."- nakangiting sambit ko at inofferan sya ng tubig...
instead tanggapin ito umupo lang sya sa tabi ko at ang sama parin ng titig..
"hindi mo sinagot tanong ko."- sabi nya
"eh bakit ba kasi kailangan pa kitang sagutin eh alam mo rin naman ang dahilan kung bakit kita iniwan eh!"-
"tss.."-
"move on na okay? past is past never come back."- sabi ko na ikaangat ng kilay nya.
"so.???"-
"gusto mo kumain na tayo? gutom ka na diba?"- pag iiba ko ng usapan.. bad trip kasi sya eh, nagmumukha tuloy akong may kasalanan sa kanya..
"pa'no tayo kakain kung hindi ka naman marunong magluto?.useless"- at tumingin sya sa malayo..
i pout, "eh kasi naman, hindi mo naman ako tuturuan eh!"-
"i'm willing to help you but you won't.."-
"eh kasi naman ginawa mo pang kapalit ang buhay ko. sira ulo ka ba? malay ko bang may gagawin ka sa'king masama?. naniniguro lang ako no?"-
"tingin mo talaga may mangyayaring masama sayo?. tss."-
"eh bakit kasi di nalang pera ang kapalit? may pa-buhay-buhay ka pang nalalaman!"-
he glared. "eh gusto ko eh bakit ba?. and one more thing, i have a lots of money so i don't need it."-
"tss. bahala na nga!! marami pa namang way dyan para matuto eh!"-
"and that is being my wife.."- he reply.
pinandilatan ko sya ng mata..
"huh!! ASA!"- sabi ko.. kapal nya!! hindi mangyayari yun!
"tss.. hard to get pa, alam ko namang type mo'ko."- aba't talaga!!.
"magbibigti na lang ako uy! kapal mo!"-
"ows?? kaya mong magbigti?"- he tried to teased me., no, he already did it.
"bahala ka nga dyan!!"- sabi ko at umiwas mg tingin.. nakacross arm pa'ko nyan..
"okay.."- sabi niya at pumikit..
aba ang galing.. tutulogan lang ako ng damuhong ito??. ayos ah?..
grave talaga!!
magaling as in magaling!! tss.
bahala nga sya dyan!.
"pre, sige na... lapitan mo na.."-
"oo nga pre... kaya mo yan.."-
nabaling ang atensyon ko sa mga magbabarkadang lalaki na panay ang tingin sa direksyon ko at tinulak-tulak pa ang isa nilang kaibigan na para bang may gustong ipagawa dito....
"wag na kaya? nakakahiya naman eh."- sabi nito sa kanila.
"sige na kaya mo yan.."-
"ngayon ka pa nahiya."-
ano bang pinag-uusapan nila?
napalingon akong muli sa katabi kong natutulog tsaka ulit don sa magbabarkada..
lingon sila ng lingon sa gawi ko..
"pagkakakataon mo na pre, ayan na oh tinitignan kana. lapitan mo na! "-
"hinihintay ka na nyang lumapit pre, sige na wag totorpe-torpe. pfft..,"-
"gago! hindi ako torpe!"-
sino ba talaga yung babaeng tinutukoy nila??..
napalingon ako sa likuran ko baka sakaling nandoon yung babaeng tinutukoy nila pero wala naman eh...
wala namang babae sa likuran ko... maliban sakin..
hindi kaya.....????
oh no....
ako yung tinutukoy nila??.
"ah, hi."- napakurap ako ng makitang nasa harapan ko na ang lalaki kanina na nakatayo.. grabe ang tangkad niya pala??
nilingon ko ang likuran nya kung saan nakatayo doon ang mga kaibigan nya na nakangiti pa ng malapad at kumaway sakin..
wierd..
"umm... hello..??"- alanganin akong ngumiti..
"ahh,"- napakamot sya ng ulo na parang hindi alam ang sasabihin kaya lumingon sya sa likod nya na para bang may sinasabi sa kaibigan through eyes..
" i'm von.."- pagpapakilala nya, "and you are..??"-
"its kasey.."- i reply..
"oh, please to meet you kasey.."- nilahad nya kamay nya for shake hands
"yeah.."- simpleng sagot ko at tinanggap ang kamay nya.. ano kayang kailangan nya?.
"nakita kita kaninang nagjojogging dito, ang bilis mo palang tumakbo?"- manghang tanong nya kaya ngumiti ulit ako..
"hindi naman pero salamat.."-
"araw-araw ka bang nagjojogging dito??"- he ask again..
"hindi eh, minsan lang.."-
napakamot ulo sya, "ah ganun ba?? hehehe... ako kasi tuwing sunday kami nagjojogging.. kasama mga kaibigan ko.."-
"ah ganun ba??"- amfufu... anong nangyayari??.
"can i get your number??"- napataas kilay ko sa tanong nya..
uh-oh... iba na to ah??..
napalingon ako sa katabi kong tulog parin..
napangiti ako sa naisip ko..
sana tumalab... alam ko naman kasing nagtulog-tulogan lang to eh at alam ko ring nakikinig to ngayon.. hahaha
"oh sige.."- sabi ko kay von at binigay ang number ko.. syempre yung luma at hindi ko na ginagamit na number ang binigay ko no para masaya..
mas lalo pang lumapad ang ngiti nya ng ibigay ko ang number ko...
"may tanong lang ako,"-
"what is it?"- i ask
"do you have a boyfriend?"- nagtataka man ako sa tinanong nya ay ngumiti parin ako.
"umm... wala.. NBSB Ako eh."-
parang hindi sya makapaniwala sa sagot ko.
"t-talaga?? NBSB ka??weh?? maniwala??.. sa ganda mong yan??.."-
hala!! totoo naman ah?? wala talaga akong naging boyfriend no?.
"hehehe.. wala talaga eh, sorry."-
napakagat labi sya, "ahh.. what about crush??"-
"umm.. meron, marami.. kaso hindi sya taga philippines eh."-
"you mean, foriegner??."-
"yup.."- i reply "isang korean ang crush ko.. k-pop group sila.. ang gwapo kasi nila, ang cute pa at ang hot pa tignan.. nakakainlove talaga sila. hehehe.. kaya crush ko sila.. nangangarap nga akong sana isa sa kanila makadate ko kahit sa panaginip lang.."-
ilang minuto ang lumipas ngunit walang nagsalita.. anyare??
"pfft... hahahahah!!!! takte!!"-
"grabe hindi ako makapaniwala!! isang koreano pala ang type pre!! taob tayo dyan!! pfft.."-
"wala ka pa sa kalingkingan ng mga type nya pre.. back out na tayo! pfft"-
"hahaha!!!! taena ngayon palang busted kana von"-
"pfft... magparetoke ka na lang pre para maging koreano hahaha!!"-
"ang laswa nun!! iniisip ko palang na singkit ang mga ni von nasusuka na ako hahahaha!!"-
"balik ka na lang sa tyan ng nanay mo pre tapos sabihin mong mag asawa ng koreano para koreano ka narin pffft..."-
"talo ka na pre.. back out na uy!!!! pfftt hahaha."-
"gago!! tumahimik nga kayo!!"- singhal ni von sa mga kaibigan kaya todo tawa ang mga kaibigan at ako naman natatawa na lang din sa asal nila.. hHaha
"wag mo silang pansinin, may sayad sa utak mga yun eh."-
"ah ok.."- pfftt... nakakahiyang pagtawanan sya..
"so, kasey, c-can i court you??"- nagulat ako sa sinabi nya na para bang hirap akong isink-in sa utak ko ang mga sinabi nya kaya hindi agad ako makapagsalita...
"huh?"- oh shet.
"i said, can i court you??"- oh my.. ang bilis naman kumilos ng lalaking to.. kakakilala ko lang sa kanya ligaw agad ang nasa isip?.
napaisip ako bigla... hahahahah....
at dahil may plano ako sasakyan ko trip nito.. pfft....
ano kayang magiging reaksyon ni dean kapag narinig nya sasabihin ko??.. pfft...
"of course why n—"-
"NO!"- lahat kami napalingon kay dean na ngayon ay nakadilat na ang mga mata at masama ang tingin kay von..
pfft... sabi ko na nga ba eh.. lamna..haha
nagulat naman si von..
"i won't allow you to court her. thats a final decision."- mariing sambit ni dean kaya naikunot ni von ang noo nya at kinikilatis ng maigi si dean bago nagsalita..
"and who are you to say that??"-
"i am dean... her husband.."- gulat at pagkabigla ang naging reaksyon ng lahat sa nalaman..
sabi na eh, sabi na!!!! pfftt..
success ako.. hahaha..
ang sama ng titig nila sa isa't isa.. yung tipong kakainin na nila ang isa't isa sa mga titig.. pftt
i smell something fishy here.. hahaha
"i don't believe you.. wala nga syang boyfriend husband pa kaya?? are you kidding me??"- sambit ni von at muling tumingin sakin tapos kay dean..
" hindi ako nagbibiro."-
"tss.."- tumingin sa'kin si von. "is that true?"- seryosong tanong sakin.
napalunok akong lumingon kay dean..
hala!! anong sasabihin ko??..
eh totoo namang hindi ko asawa si dean no??.. ano ako hilo??
pero baka magalit si dean eh!! aish!.
ngumiti na lang ako ng hilaw sa kanila, "hehehe.. kasi.. ano.."-
"wife!"- may pagbabantang sambit ni dean.. ano daw??? wife??? did he just call me wife?? ohmo!!
"kasey, answer me."-
napalunok na lang ako... kawawa naman si von...
"v-von s—aww!!!"-
"lets go!"- marahas akong hinila ni dean palayo kina von.. at grabe lang ah, ang sakit ng pagkakahila nya sa'kin!!
may galit ba sya sa'kin ha??.. abnormal talaga!!
muli akong napalingon sa pinanggalingan at nakitang nasa ganoong posisyon parin sila von..
nashock ata.. sorreyy...
eh kasi naman!!..
"shet naman dean!! may galit ka ba sa'kin ha??!!"- ang higpit kasi ng pagkakahawak nya sa braso ko to the point babaliin nya..
mukhang nagselos sya.. hahaha...
maya-maya pa'y binitawan nya ako at ang sama ng tingin nya sa'kin.. pfft
sabi na eh..
"don't do that again."- sabi nya
"do what?"- i ask..
he glared at me.. " flirting with strangers.."-
a smiled, "i'm not."-
"yes you are.."-
huli ka balbon!
"are you jealous??"- i teased him.. then tada..!!! nagulat sya.. pfft..
"i'm not."-
"ows??? talaga??.. di halata.."- pfft... yung tenga nya namumula,!!
he give me a death glared, "aware ka naman siguro sa mga naghahabol sa'tin no?. at kung ayaw mong mapahamak, wag kang basta-basta kakausap ng di mo kakilala.."-
"ok.. kunyari yun ang dahilan mo..pfdt"-
"kasey!"-
"oo na oo na!!! pfft.. sorry, okay? di na mauulit.. hahaha.. pfft.."- halatang nagpapalusot lang ang mokong eh.. kunyari pa.. ang sarap nya palang asarin?? hahaha..
"stop laughing its not funny anymore."-
"ok.. pfft... pfft.. hehehe.."-
death glared, "kasey!!"-
uh-oh.. galit na sya.. hahaha
"sabi ko nga diba?? pfft.. haha sorry can't help it pfft.."- sakit ng tyan ko kakatawa.. sobrang epic ng mukha nya ngayon. hahaha
napakamot sya ng ulo sa inis. "aish!!! bahala ka nga dyan!!"-
at nagwalk out sya.. pfft... asar talo!! hahaha...
oh wait, baka iwan nya rin ako, hindi pwede yun!!
"hey!! wait for me!!! "- sigaw ko at tumakbo papunta sa kanya..
grabe ang suplado talaga ng isang to!!
away patalo eh.. hahaha..
***
unedited.....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top