episode 3

asan na ba ang asungot na yun?.
kanina pa ako nag hihintay dito..  magiinterview ba kami o hindi? ang sabi nya kasi may pupuntahan lang daw sya bago kami magsimula..kaya ayun.. iniwan ako ditong mag isa at nag-aantay sa kanya.. pag hindi talaga ako makatiis, ititigil ko na to..

" hey." napatingin ako sa nagsalita..

" buti naman at dumating ka pa!"- inis na sabi ko

" sino bang nagsabing hindi ako dadating?!"- saad nya

" eh kasi ang tagal kong nag- antay sa yo dito, nakakapagod kayang mag-antay!! nakatayo pa ako!"- tinarayan ko sya..

" 2 minutes lang akong nawala at napagod ka agad?! pwede ka namang umupo kung gusto mo eh?!"-

" eh san ka ba galing?!"-

" wala ka na don!"- wala daw ah?! edi wala! kabwisit to!!

ayun na nga, dumiretso ko ng canteen.. doon kasi ang lugar na napagkasundoan namin.. ewan ko ba kung bakit ko ba to ginagawa? siguro kailabgan ko talaga tong gawin para hindi nya ako pagdudahan sa mga ginagawa ko, mahirap na baka mabuking ako..

" let's start.."- sabi nya at kinuha ko na ang ballpen at notebook ko..  actually, hindi pa ako handa sa mga itatanong ko sa kanya, hindi naman kasi sya ang sadya ko eh!!  si steve dapat... bahala na nga! kahit ano na lang ang itatanong ko sa kanya, kahit walang kwenta, ok lang!!

" so, what's your name?"- tanong ko. tinaasan nya ako ng kilay na para bang sigurado ako sa tinatanong ko.

" anong klaseng tanong yan? common sense namang kilala mo na ako diba? itatanong mo pa?"- ok! ayokong makipagtalo.. huminga ako ng malalim..

" ilang taon ka na?"-  tanong ko ulit.. mga kaek-ekan ko nga naman oh?

" kailangan pa bang  itanong ang edad ko?!"-  kunot-noong tanong nya.. ayokong mainis eh.. ok next queston, reklamador din eh tulad  ko..

" ilan kayong magkakapatid?"- wag nyang sabihing magrereklamo pa sya! ! ??  sasapakin ko na talaga sya!..

" two.."- ok.. good.. buti naman.

" pang-ilan ka?!"-

" bunso."- ok

" di halata!"- asar ko

" what do you mean??!"- he ask curiously.. ang slow masyado?

" mukha ka kasing panganay.."- sinamaan ako ng tingin.. uh- oh!

" ako ba inaasar mo?!"- oo

" nope.. i'm just telling the truth.."- mas lalo pang lumala ang tingin nya sakin...    "ok.. next question., anong pangalan ng kapatid mo?"- baka magalit sya eh..

" melanie crelain.."- ok

" father mo?"-

" gorge crelain.."-

" mother?"-

" lalain crelain.."- ok.. nginitian ko sya..

" hobbies??"-

" baka gusto mong itanong ang name ng other relatives ko?!"- saad nya..

" ayoko."-

" sige na.. tutal tinanong mo na lahat ng pangalan lubos lubosin mo na!!"-  mukhang naiinis sya..

" ayoko nga! ikaw na lang kung gusto mo! kulit mo eh!"- sabi ko..

" tsk. bahala ka!"-  bahala karin!! tse!

" hobby mo?"-

" basketball~~"-

" sus! wala na bang  iba?! nakakasawa nang marinig ang salitang basketball!"- reklamo ko

" patapusin mo muna kasi ako no?!"-  ok..    " playing an instrument, singin and dancing.."- haha

" uy! sample ka naman oh?!"- sabi ko

" ayoko nga?!"- saad nya

" sige na!!.. "- pangungulit ko..    "sample sample sample sample!!"- pangungulit ko ulit

" ayoko nga sabi! kulit?!"-  err. mainisin..

" sungit mo naman!!"- saad ko

" makulit ka naman!"- talaga! . hahaha..lalo na sayo..    "akala mo hindi ko nakakalimutan yung ginawa mo kay ericka sa canteen?!!.."-  hala!! naalala nya pa pala yun? nakalimutan ko na yun eh!  patay,.

" bakit mo ginawa yun?!"- he ask

" ang alin? yung pag samapal ko sa kanya?"- natawa ako ng maalala yung ginawa ko..    " bagay lang sa kanya yun! mayabang eh!"-

" hindi mo dapat ginawa yun!"- eh?

" eh bakit ba? pakialam mo ba?!"- sabi ko

" kasi hindi yun tama!"- tsk.

" tama po yun!, tsaka bakit mo ba sya pinagtatanggol?,"- inis na sabi ko.. kainis eh

" kasi mali nga yung ginawa mo!"-

"  tama po yung ginawa ko!"-

" mali!!"-

" tama!!!"-

" mali sabi eh!!"-

" tama nga sabi eh!!"- kulit talaga ng lalaking to eh no?!

" mali  nga!!"-

" bakit ba tayo napunta ang usapan tungkol sa babaeng iyon! nag-iinterview ako diba?!"- kainis tong nilalang na ito.. pinagtatanggol pa yung bruha na iyon.. may gusto ata sya doon eh.. tsk

" nag-iinterview ka nga, wala namang kwenta! hindi ka naman talaga inutusan ni ms.chen eh,!"- nagulat ako.. hala!! patay!!

" p-pano mo nalaman?!"- gulat na tanong ko.. patay na talaga!

" malamang kinausap ko si ms.chen.."- oh my goodee!!

" ano? akala mo hindi ko tatanongin si ms.chen?.. you're wrong.."-  lawyer nga talaga sya.. mabusisi eh,!

" ano? gulat ka no?!"- sabi pa nya

" ano naman ngayon kung nagulat ako?!"- sabi ko sabay irap sa kanya

" ok.. let's continue.."- anito.. ako naman ang gaganti..   "bakit walang nag-imbestiga tungkol sa pagkamatay ng fiancee mo?!"-  ngayon, sya naman ang nagulat sa tanong ko.. kala mo ah?

" p-pano mo nalaman?!"- gulat nyang tanong.. haha..

" malamang nagtanong ako.."- sinamaan nya ako ng tingin

" stalker ka ba?!"- iritadong tanong nya

" hindi, tsismosa ako.., stalker na rin!.."- i gave him a sweet smile..  pero sinamaan lang ako ng tingin..

" So, stalker nga talaga kita?!"-

" hindi ah?!  si steve lang ang one and only ini-stalk ko! pagdating naman sayo, nakikitsismis lang po ako!. feeling ka naman!!"-

" ako pa talaga ang feeling ngayon dito ah!?"- he said

" oo! totoo naman eh! feeling!, epal pa!"-

" aba! ako ba pinagloloko mo?!"- uh- oh! nagagalit na sya

" hindi, kinakausap kita."- pilosopong sagot ko

" napipikon na ako sayo ah?!"-

" eh pikonin ka naman talaga eh?!"-

" t-teka lang! BAKIT TAYO NAPUNTA ANG USAPAN SA PAG-AAWAY?? NAG-IINTERVIEW KA DIBA??!"-  Ay peste!!  sinisigawan nya talaga ako ah??!! my goodness!!

" oo nga!! "- IKAW LANG NAMAN ANG NAGHAHANAP NG AWAY EH!! DAMN YOU!!..     " so ano? bakit nga walang nag-imbestiga sa pagkamatay nya?!"-  nainis sya sa tinanong ko.
ayaw nya talagang sagutin tanong ko.. ayaw nya sigurong maalala ang nangyari sa kanila dati..

" do i have to answer your question?!"-  iritadong saad nya

" oh yeah!!"- haha

" tsk.. ayoko!"- eh? nasasaktan ka lang tuwing naaalala mo yun eh,! whhaaaa... kawawa ka naman!!!  bitter masyado eh??!! haha

" ok.."- sabi ko na lang

" may itatanong ka pa?!"-  tanong nya

" wala na akong maisip eh!"- sabi ko

"so, ako naman ang magtatanong ngayon.. "- he said, "why are you always walking in the hallway during the class??!!"- patay!

" kailangan pa bang sagutin yan??"-  reklamo ko,,   " nagka-cutting ako! tinatamad eh!"-

bumuntong hininga sya.. nakakatawa..

" hindi ka dapat nagka-cutting!!"- wow? concern!? tsk..

" sino ka ba para pagsabihan ako??!!"-

" i am the president.. "- pilosopo lang ang peg?,   "and as the president, tungkulin ko na pagsabihan ang mga taong tamad mag-aral.."- ok.. no one cares...

" ah ganun ba?? sorry naman! but you have nothing to do about it! ganun talaga ako eh?!!"- medyi nadismaya sya sa sinabi ko.. concern masyado??

xxxxxxx

nandito na naman ako sa ilalim este sa likod ng mabahong basurahan, natatago na naman at tinitiis ang mabahong amoy ng busura matawagan lang si lolo.... dinial ko na yun no. ni lolo may mahalaga akong saaabihin eh..

"[ hello?]"- sabi ni lolo sa  kabilang linya

" hi lolo! musta na? may maganda po akong ibabalita  sa inyo, sigurado po akong matutuwa kayo!!"-

"[ ano yun?? siguradohin mo lang na maiintindihan ko yang sasabihin mo ah??!]"-

" opo!!"- nagpalinga-linga muna ako baka may nagmamasid sakin ..  "  lolo, may nagreport po ba sa inyo tungkol sa pagkamatay ng nagngangalang julian ganstien?!"-

"[ julian ganstien?! wait lang hija ah, familiar sakin ang pangalang yan, bakit? ano bang meron sa kanya?]"-

" kasi po, sya daw po yung dating fiancee ni dean adrian crelain na pinatay isanf taon na ang nakakalipas at ang brutal daw po ng pagkamatay nya! pero wala naman pong nag-imbestiga sa pagkamatay nya... nakakapagtaka po yun! at tingin ko po, isa sya sa mga biktimang pinatay po.. ah lo, pwede po bang hanapin nyo yung pangalang julian ganstien baka may record po kayo tungkol sa kanya, pupuntahan ko na lang po kayo dyan.."-

"[ ah sige apo..  hahanapin ko.. pero hija, may ipapaalala lang ako sayo ah?!]"-

" ano po yun,?"- tanong ko sa kabilang linya

"[ alam mo namang hindi nila pwedeng malaman ang tunay mong pagkatao diba?, kaya pwede baguhin mo yang ugali mo?. makipagplastikan ka na kung kinakailangan basta baguhin mo yang ugali mo!]"- hala sya?! anong gusto nyang gawin ko? maging mabait? bakit? mabait naman ako ah? konti lang...

" lo ano po bang ~~~~"-

" favorite mo talagang magtago sa likod ng mabahong basurahan  ano?!"- ay diyos ko!!! nabitawan ko ng wala sa oran yung cellphone ko dahil sa gulat at agad napatayo ng mabilis na hinarap agad yung taong nagsalita..

what i saw is.......

" ikaw na naman?!"- gulat na tanong ko.. grabeng lalaking to.. sya ata stalker dito eh,?!.
  hindi nya sana narinig yung pinag-usapan namin ni lolo.. patay talaga!!

" anong ginagawa mo dito? dito ka talaga tumatambay ano?!"-

" ah....  h-hindi ah?! m-minsan lang!!.. "- bakit pa palagi syang sumusulpot sa harap ko kahit nasaan ako?! nakakagulat!!    " a-anong ginagawa mo dito?? s-sinusundan mo ba ako?! huh?!"-

" ahuh!!  ang wierd mo kasi kaya sinusundan kita.. "-

" trip mo talagang sundan ako no? stalker ba kita?"-

" no... i'm not your stalker!.. kaya lang kita sinusundan kasi gusto kong malaman kung anong rason bakit ganyan ang kinikilos at ugali ng mga may sayad sa ulo.."- aba!! loko sya ah?? ako ba tinutukoy nya huh?! at mukha ba kaming nagbibiruan dito ah?!

" bakit, mukha ba akong may sayad sa ulo huh?!"- naiinis na sambit ko..

" oh yeah.. ang weird mo talaga kasi eh!. nagtatago ka dyan sa mabahong basurahan? diba nakakapagtaka yon? mga baliw lang ang may kayang magtagal sa mabagong basurahan.!"- inaasar nya ba ako o iniinsulto?!  kainis ah?!..

" so., baliw pala ako para sayo? yun bang nais mong sabihin?!"- sambit ko

" ikaw lang ang nakakaalam sa sarili mo. at ayoko ring humusga lalo na kung wala naman akong ebidensya!! pero sa tingin ko, at sa nakikita ko sayo, mukhang kailangan mo ng dalhin sa mental hospital para magamot yang utak mo..."-  haha!! nakakatawa!! sa sobrang tuwa ko parang gusto ko ng patayin ang lalaking ito ngayon.. kainiiissss!!!!  ang galing,!!  lawyer talaga!! bilib na akooooo!!!! tsk!

" ah, for you to~~~~~"-

"[ hello kasey,? andyan ka pa ba?!]"-  pareho kaming napatingin sa cellphone..  patay! lagot ako!!  hindi pa pala in,- end ni lolo yung cellphone? lagot talaga! nakaloudspeaker pa yun ah?! what to do?!!!! pahamak talagang lolo to oh?!! err..

" may kausap ka sa cellphone??"- nagtatakang tanong ni dean. patay.. mukhang may balak syang kunin yung cellphone!  nasa malapit nya pa naman nakalatag yung cellphone ko!! pambihira naman!!

" [ hello kasey?! hello?!"- patay kang kasey ka!!

" sino kausap mo?!"- kunot noong tanong ni dean.. he still curious!!
akmang kukunin  nya na sana yung cellphone pero buti na lang napigilan ko..

" t-teka lang! h-huwag mong kukunin yung cellphone ko,.."- sabi ko sa kanya na dahilan para mas lalong kumunot ang noo nya..

" sino ba talaga kausap  mo,?"- tanong nya.  kailangan kong maf-isip nf strategy para makalusot sa kanya..

" ah,.. k-kausap ko yung....  B-BOYFRIEND KO!!"- Patay na!! nagulat sya..  diyos ko naman! ano ba tong pinagsasabi ko?? puro kabaliwan!! papalpak na naman ako neto promise!!  lahat na lang ng sinasabi ko kasinungalingan!!

" BOYFRIEND MO?!!"- gulat nya

" ah eh.. oo.. hehe!!"- hala patay!! kamot ulo tayo ngayon kasey!! ngayon palang parang gusto ko ng  tumakbo palayo. lord, help me please!!

" may boyfriend ka?! diba may gusto ka kay steve tapos ngayon may boyfriend ka pala?!"- uh- oh! ang masasabi ko lang ay 'ANG HIRAP NG SITWASYON KO!!'

" k-kasi ah, t-tama ka! may gusto ako kay steve tapos tumawag yung boyfriend ko para makipagbreak sakin!"- hoo,!

"[ hello kasey?? ANO BA?!  andyan ka pa ba huh?!"- muling napatingin si dean sa cellphone at kinuha ito eh sa kinabahan ako kaya agad kong inagaw sa kanya ang cellphone.. nagulat sya sa ginawa ko.. bahala na si batman!!

" ano yun?!"- anito

" h-hello?!"- sabi ko sa kabilang linya.,,   "s-sabi mo diba b-break na tayo?!  bakit? anong dahilan?! wag mo akong hiwalayan!!  mahal na mahal kita!!  parang awa mo na!!"- sabi ko at in-end yung call

" nakipagbreak sya sayo? tapos nasasaktan sya?!"- takang tanong nya..

" umm.. oo break na kami! hehe.."-

" at nasasaktan ka tapos masaya ka pa? nagawa mo pa talagang 
tumawa ah?! ang labo mo!"- eh?! oo nga pala! nakalimutan kong umiyak..tsk.

" ah, nasasaktan ako! ANG SAKIT-SAKIT SA PUSHO!! HHUHUHUHU!!!"- iyak-effect pa ako hindi naman bagay sakin..di rin tumatalab! diyos ko luha! lumabas ka na! magpakita ka na luha! please lang! diyos ko , patawarin mo sana ako sa mga sinabi ko!  hindi po yun totoo!

" huhuhu!! nakikipagbreak na sya sakin!! two years kaming nagsama tapos ngayon hihiwalayan nya ako?! ang sakit! huhuhu!!"- parang awa mo na luha . lumabas ka na sa mata ko!! kailangan kong um-acting!!

" ang sakit hiwalayan ng boyfriend no?!"- sabi pa neto.. nang-aasar ba sya o naaawa?! tsk.

" huhuhu,! hindi ko kayang mawala sya sa buhay  ko!! huhuhu!!"- pesteeee!! wala talagang luha ang lumabas!! err.

"  umiiyak ka tapos wala namang luha ang lumalabas sa mata mo, umiiyak ka ba talaga o um- acting ka lang?! ang gulo mo!!"- nahalata nya?!  talino!!

" ah hindi ah?! umiiyak kaya ako! may luha namang talagang lumabas sa mata ko, hindi mo lang nakikita kasi  invisible nga luha ko!! huhuhu!!  magic kasi eh!! huhuhu!!"- parang gusto kong tumawa sa mga pinaggagawa ko.. nawiwierdohan tuloy si dean.. haha.. kulit ko!!

" ang gulo mo kausap!! para ka talagang may sayad sa utak!"- aba loko talaga sya ah?! at iniwan pa talaga  ako?! dito? as in?!  grabe talaga sila sakin!! mukha ba akong baliw ah?! ay may sayad sa ulo?! sa utak?! ugh!! ayoko na!! magku-quit na ako!! ginagawa akong baliw sa trabaho ko eh!! magwawala talaga ako!! err...







pagkatapos ng klase ko ay dumiretso ako sa headquarters para kausapin si lolo.. ayoko kong mag aksaya ng panahon no?

pagdating ko, nadatnan ko agad sila lolo at yung babae nya na nakaupo sa lap nya..

nagulat tuloy ako!!

naku si lolo talaga oh? kahit matanda na babaero pa rin! diyos ko naman!!

dito pa talaga sila sa headquarter naglalandian....

agawin ko muna atensyon nila...

" ahem.. ahem..."- sabi ko at napatigil naman sila sa ginagawa nila at napalingon sa direksyon ko..

" oh hija?! nandyan ka na pala!"- saad ni lolo

" ay hindi, nasa labas  pa ako,!"- pamimilosopo ko.. msy something na binulong si lolo sa babaeng mukhang  bayarang babae na ang ikli pa ng damit.. ay sorry.
mukha na syang nakatibak..! tsk..

maya maya'y lumabas ang babae at umupo naman ako sa harap ni lolo...

i gave him a smile.

" naku lolo! gurang ka na nga, nagawa mo pang mambabae!! grabe ka!! "- pang-iintriga ko pa dahilan para mapangiti sya

" ganun talaga ang buhay hija , walang personalan!.."- napangiti ako...

" at saang bar mo naman nakuha ang impaktita't hinayupak na babaeng iyon?!"-

" hahaha.. ikaw talaga hija oh?! kontrabida ka tlaga sa mga chicks ko.."- sambit pa nya.. eh?! tsk.. sumbong kita kay lola eh. pasalamat ka nasa abroad sya.. hehe.


" by the way, yung sinabi ko po sa inyo, nagawa nyo na po ba?! nahanap nyo na po,?!"- tanong ko.. may kinuha syang isang documento at invelope na binigay sakin.. binuksan ko iyon at tiningnan ang picture ng isang babaeng naliligo sa sariling dugo.. what the heck?! nakakadiri naman to,!!

tinignan ko yung isang ID ng babae..

" ito na po ba si julian  ganstien?!"- i ask lolo.. infearness ang ganda ng fiancee ni dean ah?! kawawa lang pinatay eh!!

" sya na nga hija., magkatugma yung pagkamatay nya sa mga biktimang napatay.. may nakalagay din sa braso nya na 'BG'  at yung ID nya naman ay nakatago sa sapatos..  ang hindi ko alam ay kung bakit sa sapatos or sa loob ng sapatos nila itinatago ang kanilang ID.. tingin ko ay iisang tao lang din ang pumatay sa kanya.. or.. she's also a victim...."-

" eh lo, wala po bang nag-imbestiga sa pagkamatay nya? as in?! bakit po ganun?!"-

" iyon na nga hija, walang nag-imbestiga kasi ayaw ng mga magulang pa-imbestigahan.
pero merong isang tao ang sumuko.. ang sabi nang taong iyon, sya daw ang pumatay kay julian dahil daw galit sya dito. pero inamin nya rin ang totoo na hindi naman daw sya ang pumatay . e dahil sa pabago-bago sya ng statement kaya nakulong sya ng 6 months pero pinakawalan din sya pagkatapos.. sa kadahilanang wala naman talaga syang kasalanan at hindi naman daw talaga sya ang pumatay kay julian... pero nong tinanong daw sya kung sino talaga ang pumatay ay hindi nya daw alam.. ang gulo ng kaso.. pati ako hindi ko maintindihan!"-

" teka lang lo, parang may hindi tama eh, pano naman sya sumuko kung hindi nya naman kilala ang pamilya ganstien?! diba?! hindi kaya may nagbayad sa kanya para kunyari'y sya yung pumatay kay julian?! na ang totoo'y hindi naman talaga?! o baka naman may alam sya tungkol sa pagkamatay ni julian .. at baka alam nya kung sino ang pumatay!"-

" tingin ko nga rin.."-  napaisip kami pareho ni lolo

" ah lo, alam nyo po ba kung nasaan na yung lalaking iyon ngayon?! alam nyo kung saan na sya nakatira?!"-

" ang sabi ay nasa zambales na sya nakatira..,"-

" lo, pwede ko po ba syang puntahan?! "-

" no hija, dito ka lang.. dahil may misyon ka pa dito.. wag kang mag-alala, may inutusan na akong pumunta sa  zambales..."- sabi ko na nga ba hindi nya ako papayagan eh!

" mukhang pagod ka kasey, sige na, umuwi ka na at ako ng bahala dito.
magpahinga ka muna, kailangan mong mag-ipon ng lakas.."-  tama si lolo.. kailangan kong mag-ipon ng lakas.. haaysss.. nakakatamad ding pumunta sa zambales no?! buti na lang may pumunta na..
haha...

tumayo na ako..


" sige po lo, aalis na po ako.."-

" teka lang hija, tandaan mo muna tong sasabihin ko sayo, baguhin mo yang ugali mo!."- eh?!!

" lo naman! mabait naman po ako ah?! medyo lang!! pero mabait talaga ako! as in! pero konti lang... hehe.."-  aalis na sana ako ng may naalala ako..

" ah lo, "-

" bakit?! ano na naman yun?!"--

" ah, nung tumawag po ako sa inyo, naalala nyo po ba yung huli kong sinabi bago ko binaba yung cellphone?!"- sana hindi.. napaisip sya.

" umm.. alin don?!"-

" ah wala po.. sige po alis na ako.. bye!!"- tuluyan na akong lumabas.. buti naman at hindi nya naalala yon!! haha.. nakakahiya talaga yung ginawa ko!! nakipagbreak daw kuno ako sa boyfriend  ko?! nakakasuka!!





nagising ako ng maaga kaya  maaga rin akong nakapasok ng university... ewan pero parang sinipag akong pumasok ngayon.
dati kasi, nagmamaktol pa ako dahil ang aga mag alarm ng alarm clock ko..

nandito ako ngayon sa university i mean sa labas pala ng university.
papasok na sana ako ng makasalubong ang limang lalaking may dalang pamalo.. ilabg metro ang layo nila sakin...  shet!! may kaaway ba sila?! napatingin ako sa likuran ko pero wala namang tao dito maliban sakin.. patay!! mukhang ako ang sadya nito!! umagang-umaga at mukhang mapapalaban pa ako ah?! eh wla ako sa mood para makipagtalo ngayon..
  

papalapit na sila sakin at kung hindi ko sila lalabanan ay ako abg mabubugbog dito!! shet this shit!!! dann  it!!

napakuyom na lang ako ng palad.. ang malas na araw ko ngayon ah?!

eh wala pa naman akong naalalang may ginawa akong kasalanan!! takte!!!

" i think sya na yun!!"- sabi ng isa sa kanila na tinutukoy ako..

nagkatitigan muna kaming lahat at maya- maya pa ay sumugod sila sakin dala ang bakal ng pamalo...

hahampasin na sana ako ng isa sa kanila pero sa pader tumama ang pamalo kaya nagulat ako.. i mean, kaming lahat!! 

napalingon ako sa tabi ko.. imbis na ako ang makipag laban ay isang babae ang umagaw ng  role ko dito.. sya na ngayon ang nakikipaglaban imbis na ako!!!

the heck?!!

anong nangyayari?! di kaya sya talaga yung sadya ng lima at akala ko lang  na ako yun?! pero imposible yun no dahil ngayon lang sya sumulpot!!

grabe can't believe it!! nililigtas nya ba ako o nagpapasikat lang sya?! woah?! ayo ah?!

pero ok na rin sya ang magagalusan hindi ako.. haha...  thanks to her na lang!!

parang tanga lang ako dito na nakatayo at pinapanood lang silang maglaban.. ako yata yung audience nila eh?!

ang galing ng babae!! parang sanay na syang makipaglaban eh,! ang hot nya rin tuwing umiilag mula sa pamalo ng lima.
tapos nag ligthing kick padol pa sya at upper cutt... ang galing no? para syang hollywood superstar!! ang galing nyang makipagbakbakan sinamahan pa ng kasek-sihan nya.. putek na yan oh?! daig pa ako ah?! nakakamangha sya tignan!!

sa isang iglap lang, napatulog nya lahat ng kaaway!! woah!!   grabe ang cool nun ah?! palakpakan naman dyan!! nakakabilib!!

lumapit naman sya sakin at nginitian ako..

" hi! "- bati nya..

" hello!!"- balik ko..

" i'm kelly dizon,"-  nginitian nya ako, sinuklian ko naman..

" please to meet you..,"- nilahad nya kamay nya. tinanggap ko naman..

" thank you"- sabi ko at agad na umalis.. ayoko muna makipag usap sa kanya, busy ako eh..

mmm.... kelly huh?! magaling syang makipaglaban..

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top