episode 27
episode 27
"magaling ka ah?"- nakangising sambit nya.
"at bobo ka naman."- sagot ko na ikinawala ng ngiti nya at napalitan ng masamang tingin....
pikonin...
nakakabadtrip pa naman sya.. sarap sakalin..
"anong kailangan mo?"- seryosong tanong nya at nagtutokan parin kami ng baril..
"kailangan ko?"- mapanghamong tanong ko. "ikaw. ikaw ang kailangan ko."-
by that, tumawa sya ng malakas. kala naman nya may nakakatawa.. nakakarindi kaya boses nya.. tsk... may saltik sa ulo.
"ako?"- sabay turo sa sarili "ako ang kailangan mo? hahaha... nakakatawa ka miss beautiful!! haha"-
"at nakakabwisit naman sa lipunan ang tawa mong pasikat."- sabi ko kaya tumigil sya sa pagtawa at muling sumeryoso. ang totoo?? tao ba talaga kaharap ko ngayon??
baka kasi elien hindi ko lang alam.
"sino ka?"- he ask me seriously.
"paki mo sa pangalan ko?!"- mataray na sabi ko..
ang tagal naman pumasok ng mga kasama ko. asan na ba yun?. baka naman naliligaw na sila. tatadyakan ko talaga sila isa-isa.
"may lakas ka pa ng loob na sumagot ng ganyan huh?!"- may halong inis na sabi nya.
i rolled my eyes, "eh bakit ba? inggit ka? tsk"-
pinaningkitan nya ako ng mata.
"babae ka lang at mahina. alam mo bang kaya kitang patayin ngayon?!so, sagutin mo tanong ko ng maayos."-
"edi patayin mo. takot kasi ako. tsk.. tsaka wag mong minamaliit kakayahan namin, hindi porque babae kami ay mahina na ako,. hindi mo pa ako kilala mr.. alam mo rin bang kaya kitang patayin sa ilang segundo lang? hindi ako takot sayo!!"- mapanghamong sabi ko at nagpipigil ng galit.
"wag mo akong subukan babae."- may halong babala nya.
"pwes sinusubukan kita!."-
ngumiti sya ng may halong pagkainis, "kung ganun wala ka palang kwenta kaya papatayin na lang kita."-
sabi nya at pinutok ang gatilyo ng baril buti na lang nailagan ko yun kaya sa pader yun tumama..
i smirk,.. "magaling.!magaling!"- nakangising sabi ko na ikinaasar nya.
akmang papuputukin nya na sana ulit ang gatilyo ng baril kaya agad kong hinawakan ang baril nya at inikot kaya sa ibang deriksyon tumama ang baril..
nagulat naman sya sa ginawa ko pero ngumiti rin.. abnormal.
"malakas kang bata!"- puri nya. talaga! ikaw lang naman ang mahina eh.
i gave him a fake smile saying, "thanks.. by the way i'm here to arrest you by killing innocent people and buying illegal drugs."-
kumunot noo nya, "what? arrest? me? hahaha.. that would be crazy yet funny."- tumatawa pa ang gago. nakasinghot ba ng katol to?. psh.
"seryoso ako."-
"hahaha.. talaga??. as in?? aarestohin mo ako? "-
"mukha ba akong nagbibiro?!"- asar na sabi ko.
"hahaha... sinabi mo pa!"- aish!!. bwisit , "alam mo ms. hindi mo ako pwedeng basta-basta na lang arestohin, dahil unang-una sa lahat, wala kayong warrant of arrest, at pangalawa, wala kang ebidensya, mabibigo ka lang.."- tumawa na naman sya.
i gave him a sweet smile, "talaga?? mabibigo ako?? haha, never mangyayari yan at hindi mangyayari yang sinasabi mo."-
"pero yun ang totoo"-
"alin ang totoo? ang pagiging witness ko kanina sa transaksyong nagaganap, o ang pagtatangka mo na patayin ako?"- natigilan sya sa sinabi ko bigla kaya tinignan ko sya mata sa mata.
"walang maniniwala sa sasabihin mo."-
"talaga? pano kung meron?"- mapanghamong tanong ko
"alam mo ms. pwede ka namang sumali sa grupo namin kung-"-
"pwes hindi ako interesado. pasensya na."- bumuntong hininga sya sa sinabi ko..
"kung ganun, wala akong ibang magagawa kundi ang patayin ka."- sabi nya saka ikinasa ang gatilyo ng baril pero bago yun nangyari may tumama na sa kanyang likod na bala kaya agad akong napalingon sa pinanggalingan ng putok.
"hey kasey. miss me?"- sabay kindat ni lucas ng makapasok sila dito.. buti naman at naisipan nilang pumasok na no?.
i glared at him. "ikaw talaga kahit kailan napakahangin!! miss mo yang mukha mo!!"-
"hahaha.. aminin mo na kasi, miss mo kaya ako."- sarap talagang batukan nitong lalaking to. kanina pa sakin to.
"sorry we're late. may kalat lang kaming iniligpit sa labas.. ang dumi kasi eh..ang yabang pa."- pumasok na rin si madel na may talsik ng dugo sa damit nya..
ahh.. kaya pala natagalan eh..
"ok lang."- sabi ko, "si lucas? ano namang naitulong nya?"- i ask madel
napalingon sya kay lucas at taas kilay na bumaling sakin.. nagpacute pa si lucas ah? ang bakla tignan "yan?yang lalaking yan?? tsk. kaya nga naunang pumasok eh kasi walang naitulong.. pulis nga wala namang kwenta. tsk"-
"wow! ako pang walang kwenta??eh sino bang nagprisinta sating-"-
"ako."- madel said, cutting him off.
"tss."-
naglakad sila papalapit dito kinatatayuan ko at tinignan ang walang malay na si mr.velda..
umupo si madel at hinawakan ang pulso nito.
"he's still alive."- sabi nya tsaka muling tumayo at pinagmasdan ang paligid..
"drug addict ba sya??"- curious na tanong ni lucas habang pinapakialaman ang maletang naglalaman ng iba't ibang klase ng droga.
"obvious ba lucas?"- sabi ko..
"tss. parang nagtatanong lang."-
"may sinasabi ka?!"- nakamapewang na tanong ko.
"wala. sabi ko mayaman si mr.velda.. bagay nga kayo eh!"- may pagkasarcasm na sabi nya at muling itunuon ang tingin sa mga droga.. mga palusot ng kumag na to.. luma na. tsk
"hey, guys. sorry were late."- sabay-sabay na pumasok sina jessa at lea na may mantsa ng dugo sa gloves at pawis.. halatang napagod..
"what took you so long??!"+ iritadong sambit ni lucas dito.
binigyan sya ng matalim na tingin ni jessa, "anong what took you so long pinagsasabi mo unggoy?? alam mo bang napagod kami sa paghuli ng mga tauhan ni mr.velda tapos hindi ka man lang tumulong?! tapos magagalit ka pa?? ayos ah?. ikaw nga tong puro paporma lang ang alam sa buhay eh at walang kwentang pulis tapos what took you so long?! hambalusin kaya kita?!"-
palihim akong napangiti sa galit ni jessa.. bad trip si ate. hahaha...
buti nga kay lucas..
napakamot naman ito ng ulo tsaka lumapit kina jessa.
"hehehe... sorry na babe. promise di na mauulit.. ikaw naman selos agad."- inakbayan nya si jessa pero siniko sya..
"awts!! ang sakit nun babe ah? ganyan ba ang way mo ng paglalambing??!"- kapal ng mukha ng lucas na to.
"eiw!!! yuck kadiri ka lucas!! nakakasuka! lumayo-layo ka nga kay jessa!!"- sabat ni lea na halatang nandidiri talaga..
"hahaha!!! bakit? selos ka ba baby lea??wag kang mag alala, ikaw ang next pagkatapos kay jessa."- sabay kindat ni lucas kaya inirapan sya ni lea.
"kapal ng mukha. di naman gwapo."- sabi ni lea at lumapit sa walang malay na si mr. velda..
tawa naman ng tawa so lucas pero di na lang namin pinansin.. nabaliw na naman kasi eh..
"paparating na daw ang ibang mga pulis dito.. sila ng bahalang magligpit ng mga kalat, tara na. may pupuntahan pa ako."- sabi ni madel at tsaka naglakad palabas ng kwarto..
sumunod naman kami..
"san lakad natin sweetheart?"- nakangising sambit ni lucas at inakbayan si madel.
"sa impyerno, sama ka?!"- biglang bumitaw sa pagkakaakbay si lucas dahil sa narinig..
"hahaha... no thanks na lang. nakalimutan kong may lakad pala ako. hehehe"- sabay kamot ulo..tignan mo tong lalaking to? may sayad sa ulo...
humagalpak naman ng tawa si jessa at lea tapos nag apir pa.
"hahaha!! ano ka ngayon? nagtanong ka pa ha?"- halakhak ni jessa..
"sumama ka na lucas para makita mo si satanas na magiging katapat mo! hahaha"- dagdag ni lea at nag apir muli ang dalawa..
"hehehe.. may tamang oras para mameet si satanas. sa ngayon, injoyin muna natin ang buhay natin lea kasama ng mga anak natin."- sabay kindat kay lea..
sinamaan sya ng tingin ni lea. "eiw... asa kang papatulan kita no? magbibigti na lang ako!"-
"ito talagang si lucas kung ano-anong kabilastugan ang ginagawa.. napakahayop talaga. sabagay gorilya ka naman pala."- sambit ni jessa na inirapan pa si lucas.. napailing na lang ako..
"kaya nga bagay tayo eh.. kasi pareho tayong hayop... hehe.. hayop sa ganda. hahaha!!"- napa 'huh?' kaming lahat sa sinabi ni lucas.. di namin gets promise...
"lucas, joke ba yun?"- curious na tanong ni lea habang pinipipit intindihin ang sinabi ni lucas.. ni ako nga walang maintindihan eh..
"hahahaha... tanga, joke yun uy,!! hahaja!! nakakatawa kaya yung joke ko! "- napakunot kaming lahat ng noo sa sinabi ni lucas... eh? joke pala yun??. di halata.
"nge??? joke pala yun?? ngayon ko lang alam ah?"- iiling na sabi ni madel
"hahaha!! oo kaya! hindi nyo ba alam??! hahaha.. ang dami kayang tumawa dahil sa joke ko hahaha..."- napailing na lang ako... hindi kami nainform don ah?
"so, tatawa na rin ba kami dahil sa banat mong hindi naman nakakatawa??"- patanong na sabi no jessa at curious parin..
"hahahaja... oo nga!! diba sabi mo gorilya ako kaya sagot ko bagay tayo kasi pareho tayong hayop. hayop sa kahandahan! hahaha... "-
napangiwi ako at tumingin sa taas para pilit intindihin ang ibig sabihin non kaso wala talaga.. ang layo!!.
"eh? teka, bat parang ang layo naman ng sinabi ko sa sagot mo.. ang sabi ko lang gorilya ka tapos bagay tayo dahil hayop sa kagandahan??! di ko gets.."- iiling na sambit ni jessa tsaka nag iisip..
"oo nga.. ang labo talaga.. pano kaya nangyari yun?? gorilya? hayop? tapos bagay?? ano konek nun??"- curious na tanong ni lea..
"hahahah di nyo talaga gets??? edi isipin nyo ng mabuti.. ako nga iniisip ang ibig sabihin nun eh..."- sabay kamot ulo ni lucas kaya sinamaan namin sya ng tingin ng mapagtantong wala naman palang sense ang sinabi nya. aish!.
"ikaw unggoy ka!! nagkanda hirap-hirap kami sa pag iisip ng ibig sabihin nung banat mo eh hindi mo rin naman pala alam ibig sabihin non!! bwisit ka talaga!!"- gigil na sambit ni jessa at hinahampas si lucas kaya tumakbo ito at naghabulan sila ni jessa..
napailing na lang ako.
"langya!! naisahan tayo ng unggoy na yun ah?? darn!!"- gigil na sabi ni lea sa tabi ko.
"bwisit na elien talaga yang si lucas. walang matinong pag iisip. dalhin kaya natin sa mental para maipagamot yang utak nya??"- komento naman ni madel habang hinimas himas ang batok nya..
"tss. kahit dalhin mo sa mental yan hindi parin titino yan, lalala pa mismo!"- dagdag ni lea..
napangiwi na lang si madel, "sabagay.. elien nga eh.."-
"sakit talaga sa ulo yang bwisit na yan."- dagdag ko pagkalabas ng bar...
dumiretso kami sa parking lot at inayos ang mga gamit namin...
inihintay parin namin ang mga pulis na dumating para ligpitin ang mga kalat kanina..
nagpalinga-linga ako sa paligid baka may dumating na pero wala parin.. ang tagal naman dumating...
"madel, ang tagal naman nila?"- iritadong sambit ni lea na nag aantay rin..
"natraffic daw sa edsa! hahaha!!"- humagalpak ng tawa si lucas kaya sinamaan namin ng tingin.. walang kwentang dahilan..
"itikom mo nga yang bibig mo lucas kaya nagkakaroon ng global warming dahil sa mabahong hininga mo eh!"- asik ni jessa at umirap.
"hahaham. inggit kaba babe? dont worry para sayo lang tong hininga ko.."-
"kadiri. tss."-
"15 minutes nandito na sila."- sambit ni madel na sumandal sa kotse kaya magkatabi kaming lahat ngayon na nakasandal...
hinihintay ang mga pulis...
"ano ba lucas!!, wag ka ngang dikit ng dikit sakin! kainis!"- napalingon kaming lahat sa magkatabing si lea at lucas na iniinis talag si lea.. tsk... ang kulit talaga ng lalaking to.
"ano ka ba baby? bakit mo naman ako pinagbabawalan dumikit sayo? eh alam mo namang naglalambing lang ako sayo diba?"- uma-acting pa si lucas na kala mo nasasaktan.. napakabakla ng isang to.
"eiw!! ang laswa mo tignan! alis nga!!"- gigil na sabi ni lea at pinipilit itulak si lucas para lumayo sa kanya..
"alam mo lucas, kung yang pang aasar mo samin bat di mo kaya gawin yan don sa babae mong si hazel ba yun?? bat di mo kaya sya ligawan no imbis mang asar?"- komento ni madel kaya natigilan si lucas at namula pa ang mukha.. lamna..
tila gulat naman ang mukha nina jessa at lea sa narinig. halatang di nila alam...
"a-ano sabi mo?? may gustong babae si lucas?"- hindi makapaniwalang tanong ni jessa..
"oo.. at torpe pa ang isang to, tayo tuloy ang napagsiskitahang landiin imbis na si hazel."- komento ko na nakatingin lang harap..
"talaga?? hajahaja!!! kaya pala ha?? todo landi ka samin dahil pala yun sa natotorpe ka?? huli ka balbon!! hahaha!!"- humagalpak ng tawa sina jessa at lea at nag apir pa habang inaasar si lucas.
"at kaya pala medyo nagiging wierd na sya, inlove na pala ang unggoy?! buti may nagkagusto sayo no? hahaha."- dagdag ni lea na todo tawa pa..
pinaningkitan sila ng mata ni lucas lalo na si madel na syang nagbulgar..
"wala akong gusto sa bababg iyob at lalong hindi ako inlove!"< he hissed..
"hindi daw, lokohin mo lelang mo uy wag kami!!"- asar ni madel.
"shut up madel!"-
"aminin mo na kaya sa kanila lucas, tutal inamin mo na rin naman sakin eh."- singit ko at nakatitig parin sa harap...
ramdam ko sa pheripheral view ko na ang sama ng tingin sakin ni lucas.. tss..
"wala akong sinabi sayo kasey!"-
"ows? talaga? kaya pala nagseselos ka ng may kasama syang iba ah?!"- may halong pang aasar ko pa..
nagtawaan ulit ang mga kasama ko.. pinatitripan na naman nila ngayon si lucas kaya ang sama ng timpla ng mukha..
KARMA ang tawag dyan...
"uy si lucas..... inlove na~~~yieee~~"- pang aasar ni jessa..
"binata na si lover boy!! hahaha!!"- dagdag ni lea
"ang tanong, tuli na ba yan??hahaja!!!"- humagalpak ng tawa ang dalawa samantalang kulang na lang, papatay na ng tao si lucas. epic.. haha.
"kung hindi pa tuli ay tuliin na natin! nakakahiya naman baka maturn off si hazel nyang pag nalamang hindi pa tuli, ay tayo pa ang masisi!! hahahaj!!"-
"ulul!!"-
"haha.. kailan ba natin tutulian? ngayon na ba para tapos agad?? may kutsilyo naman tayong dala kaya pwede na yun!! hahah"- nag apir muli si lea at jessa..
"gago!! subukan nyo!!"-
"shhhh.... quite guys.."- seryosong sita ni madel sa kanila at seryosong nakatitig sa di kalayuan kaya napalingon rin kami sa tinitignan nya...
may mga isang grupo ng kalalakihan ang seryosong nag uusap sa di kalayuan samin at yumg iba ay may hawak na di-kalibreng baril..
madilim ang paligid dito kaya medyo di namin maaninag ang mga mukha nila pero yung isa sa kanila ay parang familiar sakin kaya mas lalo ko syang tinitigan para makumpirmang sya nga yon..
natahimik na rin ang mga kasama ko at seryoso ring nakatitig don sa grupo ng mga lalaking nag uusap...
napansin ko rin sa pheripheral view ko si lea na iiling -iling habang nakatitig doon na para bang may gusto syang maclarify..
mas lalo ko pang finucus ang tingin don sa lalaking tinititigan ko na nakikipag usap sa mga kasamahan nya..
nanlaki ang mga mata ko ng makilala yung lalaki..
p-paanong-
"si dean ba yun?"- kunot noong tanong ni madel na hindi parin mawala ang tingin doon..
"teka, anong ginagawa nya don?? bakit sya nakikipag usap sa mga lalaking mukhang armado??"- si jessa naman ang nagtanong at naguguluhan rin tulad namin..
"no-this can't be.. imposibleng-"-
"nakikipaglandian ba sya sa mga armadong lalaki??! grabe ang pangit naman ng taste ni dean.. akala ko talaga lalaki sya yun pala bakla??!"- napalingon kaming lahat sa direksyon ni lea ng magsalita ito ng di kanais- nais..
wtf??!!!
"bakla?! si dean??!"- hindi makapaniwalang tanong ni jessa na kumonot pa noo
"oo eh kasi diba seryoso syang nakipag usap don malay mo isa sa mga kausap nya ang boyfriend nya kasi nag away sila kaya gusto nyang makipag ayos?! diba?? so, bakla nga si dean.?!"-
sabay sabay naming pinitik sa noo si lea dahil sa walang kwentang sabi nya.. the hell?? ano pumasok sa utak ng babaeng to at bakla agad ang naisip?.
"aray naman!! bakit nyo naman ako pinitik??!"- asik nya at binigyan kami ng masamang tingin .
"eh kasi nananaginip ka na naman eh!! pati si dean napagkamalan mong bakla?? saang planeta ba dinala yang utak mo st mukhang naiwan pa don?!"- sermon ni madel dito dahilan para mapanguso si lea at nagpipigil naman ng tawa si lucas..
"eh kasi-"-
"bwahahaha!!! laptrip!! joker ka na ngayon lea? akala ko lang kasi spoiled brat ka. hahahah"- humagalpak na talaga ng tawa si lucas.. sira..
sinamaan sya ng tingin ni lea "seryoso ako gago!!"-
"hahahaha..... seryoso na pala tawag don?pfftt di ako nainform ah?!"-
"tumahimik ka nga unggoy! ipalamon kita sa hazel mo dyan eh. makikita mo."- sermon naman ni madel kaya tumahimik ang mokong at binigyan ng matalim na tingin si madel.. pag usapang hazel taob si kuya.. pfft..
"by the way, sino ba yang dean na yan at napagkamalang bakla ni lea??pfft..."- natatawang tanong ni lucas kaya nagsilingunan silang lahat sakin at nakaangat pa kilay.. napaatras ako.
"woah, chillax... inosente ako no?!"- komento ko na itinaas ang dalawang kamay for surrender.
"tutal kayo ang closed, ikaw magsabi sa unggoy na yan."- saad ni jessa at inismaran pa si lucas ng tumingin ito dito.
"teka, bat ako?"- angal ko.. bat kasi ako eh?.
"bakit nga ba ikaw?? kasi ang alam namin magFIANCE kayo."-inimphasize pa ni madel ang salitang fiance ah?. naalala nya pa pala yung sinabi namin? matagal na yun ah?.
"oo nga.. pero ayoko magkwento sa lalaking yan. puro kalokohan lang alam nyan sa buhay eh.. baka mapatay ko lang sya.."- sabi ko na tinutukoy si lucas.
"ang hard mo naman bebe.."- umaarte pa unggoy na nasasaktan daw.. tsk.. baklA ata to eh.
"shut up! kilala mo narin naman sya ah? diba nga nagmeet pa kayo sa restaurant? bat ko pa sya ikekwento sayo? hindi ako tsismosa no?!"< mataray na sambit ko dito st inirapan sya.
"oo nga alam ko yun.. ang gusto kong ikwento mo sya bilang fiance mo... kung panong nangyaring naging kayo?, pano kayo nagkakilala, anong secret nyo sa isa-"-
"tama na. masyadong mabaho ang hininga mo. abot hanggang dito."- pigil ni lea sa sasabihin ni lucas.. pfft...
"hoy! wag mo nga akong umpisahan lea! baka gusto mong makita ang totong mabahong hininga?!"- asik ni lucas.
"no thanks, nakakadiri eh!"-
"eh kung halikan kaya kita para makita ang sinasabi mong mabaho hininga?"-
"sa hazel mo na gawin yan.. baka sya makayanan ang hininga mo kasi ako baka mahimatay ako sa sobrang baho. ayoko ring mahawaan ng virus mo no?!"-
napailing na lang ako sa away ng dalawa.. kahit saang lupalok nag aaway sila... hindi talaga ako matatahimik.
hindi ko na lang pinansin ang away ng mga kasama ko at muling itinuon ang atensyon sa ngayon nagkakamayang sina dean doon sa mukhang armadong lalaki...
nagtataka ako, ano bang ginagawa nila dito?? bakit sya may kausap na armado?? hindi kaya may ginagawa syang illegal?? pero imposible naman...
ang dami kong gustong malaman kay dean pero hindi ko pa nasisimulang halungkatin ang background nya dahil sa busy rin ako..
kaya napakamisteryoso parin nya sakin dahil parang may kakaiba talaga sa kanya..
natapos ang usapan nila at pumasok na sa kanya-kanyang sasakyan ang mga lalaki at ganun din si dean kaya nagmadali akong pumasok sa kotse ko para sundan sya..
"kasey where are you going?"- takang tanong ng mga kasama ko sakin..
"kayo ng bahala dito."- sabi ko at hindi sinagot ang tanong nila tsaka pinaandar ang kotse at umalis.. narinig ko pa silang may sinasabi pero hindi ko na iyon pinakinggan..
tutok lang ako sa kotse ni dean habang nagdadrive dahil ayokong mawala ang paningin ko sa kanya..
sinigurado kong hindi nya ako mapapansin para walang paltos..
ilang oras rin akong nakasunod sa kanya at hindi ko alam kung san sya pupunta.. hanggang sa lumiko sya sa isang eskinita at maya-maya'y huminto kaya huminto rin ako isang kilometro mula sa kanya.. baka kasi mapansin nya ako..
bumaba sya sa kotse nya dala ang isang brief case at nagpalinga-linga... sana hindi nya napansin ang kotse ko.
pumasok sya sa isang lumang gate kaya lumabas rin ako ng kotse at dahan dahang pumunta kung saan sya huminto..
tinignan ko ang lugar na pinasukan nya..
bodega to ah??? anong ginagawa nya sa warehouse???
dala ng curiousity ay pumasok rin ako at nagtago sa isang malaking drum ng may nakita akong dalawang lalaking may dala ng baril na nag uusap sa di kalayuan..
oh such!! anong nangyayari??.
nagpalinga-linga ako para makahanap ng lugar para makapasok sa loob ng bodega..
buti na lang ay umalis yung dalawang lalaki kaya nagkaroon ako ng chance na mapuntahan ang kinaroroonan ni dean...
nakarinig ako ng usapan kaya sinundan ko kung saan nanggaling ang boses na yun.. agad akong lumuhod para magtago ng makita ko si dean sa gitna ng bodega na seryosong kausap ang mga nasa 30's na lalaking pormal ang suot ay pinalilibutan sila ng hindi bababa sa 40 na mga armadong lalaki na may dala-dalang iba't ibang klase ng baril..
"anong meron?"- tanong ko sa sarili ko..
"tinupad ko ang usapan kaya tuparin nyo rin ang gusto ko.."- sabi ni dean sa kausap.
"wag kang mag alala bata, mangyayari din yan."- mayabang na sagot naman ng kausap nya.
"tss... hindi nyo ako maloloko, nasaan na sya?? ipakita nyo na sya sakin.."- nagpipigil na sabi ni dean.
"bakit ba atat na ata kang makilala sya?"-
"ano bang paki mo?"- sagot ni dean..
tumawa lang ang lalaking kausap nya tsaka inayos ang buhok.
"alam mo kasi, hindi sya basta-bastang nagpapakita lang lalo na sa mga ordinaryong tulad mo.. hahahaha.... kaya nga ako ang inutusan nyang magpakilala sayo eh.."-
eh??. sino bang pinag uusapan nila?. di ko gets..
bakit may dalang brief case si dean?? ohmy!! hindi kaya may kinidnap for ransom yung lalaki at yung brief case na dala ni dean ay pera para makuha yung kinidnap ng lalaki??. halaaaa.....
ngayon ko lang naisip yun ah?.
pero bakit parang iba naman ang pinag uusapan nila?? code ba gamit nila??!.
"hindi talaga kayo marunong tumupad sa usapan."- seryosong sambit ni dean dito..
"hahaha... dapat inasahan mo ng nakaset up lahat ng pagkikita natin.. at dahil nandito karin naman, napagdesisyonan ko ng patayin ka para hindi na sagabal sa plano namin.. hahaha!!"- saad ng lalaki at mabilis pa sa alas kwatrong tinutukan si dean sa baril kaya nagulat ako at the same time kinakabahan rin sa pwedeng mangyari.. oh no..
si dean naman parang wala lang sa kanya.. ni hindi nga sya kinabahan at nagulat sa ginawa ng lalaki eh.. mukhang inasahan nyang mangyayari to ah??..
pero isa lang ang gusto kong mangyari..... hindi sya pwedeng mamatay!!!. hindi pwedeng mamatay si dean dito!!. marami pa kaya akong malaman sa kanya no??.
kailangan kong gumawa ng paraan para iligtas si dean.. tama!! tutulongan ko si dean!!..
tumayo ako lumabas sa pinagtataguan ko at akmang susugod na sana sa kanila ng may maramdaman akong malamig na metal sa gilid ng noo ko...
patay na...
napakagat labi ako ng may magsalita sa likuran ko..
"sino ka?!"- bulong nito sakin... uh-oh...
baril na pala ang nakatutok sakin?.
"ahh... ano..."- oh my!! anong sasabihin ko?? ayoko pang mamatay no??..
kailangan kong mag isip ng palusot..
"sumagot ka."- gigil na sabi nya
"ah ano.. n-napadaan lang.. hehehe.."- oh please kumagat ka..
"alam mo bang tress passing ang ginagawa mo?"- seryosong sambit nito..
"ha?? ahh.. eh... hehehe... ganun ba? hindi ko alam eh.. s-sige una na ako.."- kinakabahang sabi ko at akmang maglalakad na sana paalis kaso hinila nya buhok ko at nakatutok parin ang baril sa ulo ko.. wag mo akong patayin please.
"alam mo bang walang nakakalabas ng buhay dito?!"- seryosong sambit nya kaya napakagat labi ako sa sakit ng pagkahatak ng buhok nya sakin.
"alam ko.. kaya nga papatayin mo ako eh..tanga ka pala."- sinubukan kong maging matapang kahit alam kong nasa panganib ako...
"seryoso ako, sino ka at pano ka nakapasok dito?!-"- napalunok ako ng mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa buhok ko. shit..
"malamang dumaan ako sa pinto. pano kaya ako makakapasok dito kung walang pintuan, tanga talaga!"- sambit ko. tinatanong pa kung pano ako nakapasok eh obvious namang sa pintuan diba?? ang bobo naman nito..
"ako ba pinagloloko mo ah?!"- gigil na sambit nya...
"eh ako kaya ang niloloko mo! sira ulo ka ba?"- sagot ko.
"gusto mo na bang mamatay ngayon ah? sabihin mo lang!"-
"tanga! sino bang taong gustong mamatay sa ganitong paraan? baliw ka-aray!! shit!! ano ba!!! wag mo namang bunutin buhok ko!! ang sakit kaya! paksyet!!"- kainis talaga. kanina pa nya sabunot ng sabunot sa buhok ko ang sakit kaya!! bwisit.
"hindi ako nakikipagbiruan sa bata!"- inis na sambit nya.
"tingin mo nakikipagbiruan ako dito? bobo!! ang sakit ng buhok ko tapos sasabihin mong nakikipagbiruan ako? asan ba utak mo uy?!"- asik ko.. kainis talaga.. kung wala lang sya sa likuran ko kanina ko pa sya sinampal.. ang bobi ng tanong eh.. nakapag aral ba to? tsk.
"sumasagot-sagot ka pa sakin ng ganyan ah?!"- asar na sabi nya.
"eh ano bang gusto mong isagot ko? tanga!"-
"gusto mo talagang mamatay ngayon ah?!"-
"pakyu!!"-
"TUMAHIMIK KA!!"- asar na sabi nya.. uh-oh.. galit na talaga sya.. patay.. kasi tong bibig ko eh pahamak.. ayoko ko pang mamatay no?.
"kung papatayin mo ako edi gawin mo na! wag ka ng daming satsat dyan!!"- sinusubukan kong maging matapang kahit konti na lang aatakihin ako sa sobrang kaba. aish!
tumawa sya kahit wala namang nakakatawa sa sinabi ko.. baliw lang ang peg??!.
"whahaha!!! wag kang masyadong excited mamatay.. mas maganda kasi may trill kaya papahirapan muna kita bago patayin.."- mas lalo akong kinabahan sa binitawang salita nya.
"what do you mean??!"+ naguguluhang tanong ko.
"did you see them??"- sabi nya sabay turo kung saan sina dean at yung lalaki ay nakatayo at nagpapakiramdaman.. nakatutok parin ang baril sa kanya ng lalaki.. oh my!!.
wag nyang sabihing-
"mukhang alam mo na ang binabalak ko."- nakangiting sambit nya.. urgh!! pahamak!!
"anong gagawin mo??!"+ kinakabahang tanong ko.. hindi pwedeng mangyari to.
"just watch."- nakangising sambit nya at hinila ako papalapit kina dean na nakatutok parin ang baril sa ulo ko...
"boss.. may gustong sumali sa laro.."- so, boss pala tawag nila sa lalaking kausap ni dean??.
oh shet... napapikit na lang ako ng mapansin ang gulat na mukha ni dean at nakangising boss daw nila sakin..
patay na....
mukhang ako ang magiging sagabal sa mangyayari ngayon ah??! what to do??!. kailangan kong makaisip ng paraan para makatakas dito. pero pano??!. aish!!..
siguro kailangan kong panindigan tong ginagawa ko dito!!.
"oh?! may bisita pala tayo??"- nakangising sambit ng boss nila kay dean na ako ang tinutukoy..
napatingin ako kay dean na gulat parin hanggang ngayon... sorry..
dean look at me saying 'what are you doing here?' look..
sasabihin ko sanang 'sinusundan kita' kaso hindi pwede!!.
nginitian ko na lang sya na may halong kaba...
kinaladkad naman ako ng lalaki papunta sa kinatatayuan ng boss nila tsaka pinosasan.. peste naman..
tinitigan ako ng malagkit ng boss nila tsaka hinimas ang mukha ko.. bwisit na lalaking to.. manyak!
"what a beautiful young lady."- puna nya. "whats your name?"-
"paki mo sa pangalan ko?!"- inis na sambit ko at binigyan sya ng matalim na tingin ng inilapit nya ang mukha sa mukha ko.. ngayon ko lang napatunayang ang pangit pala ng lalaking to sa malapitan?? hindi na rin nakakapagtataka kung bakit ang pangit nya rin sa malayuan..
hindi bagay sa kanya ang maging boss.
tsk.. ang pangit.. manyak pa....
aat higit sa lahat,
bastos!!!.
///////////
unedited.......
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top