episode 26
episode 26
"kasey??!"- i heard dean calling my name...
uh-oh.. patay na talaga!!... buking na!!..
anong gagawin ko??.. malas naman!!..
can somebody help me now???..
napaLunok ako at napapikit sa kaba... minsan talaga ang tanga ko.. at ngayon ko pa pinairal!!.
ayos... anong gagawin ko??.
aha!! may naisip ako!.
plan no. 1:
kunyari may tumatawag sakin sa cellphone tapos agad kong sinagot ang tawag.
"hello??.talaga?? ngayon na? as in ngayon?? emergency talaga?? oh sige papunta na ako!"-
tapos nagmadali akong lumabas.. at nakatakas na ako. haha..
edi hindi na ako nakita ni dean..
tama!! yun ang gawin ko!.
agad kong kinapa ang bulsa ko para kunin ang cellphone kaso nakalimutan kong hindi ko pala dala yun??.
aish!!. ngayon ko lang naalala!!. tanga talaga!!.
kasi naman si lucas eh kung hindi nya lang sana ako hinila kanina edi sana nadala ko pa yung cellphone ko... bwisit.
naiwan ko pala yun sa couch ng condo ko!.
pero ok lang yan.. wag susuko.. may second option pa naman ako.. fight lang!.
plan no. 2:
kunyari may tumawag sakin sa labas ng restaurant na kaibigan ko.
"hi bessty!!! kamusta na??!. uy halika dali bonding tayo!!. mamasyal tayo don sa park na pinupuntahan natin??!"-
at agad akong tumakbo palabas tapos sumama.. oh diba?? nakatakas na talaga ako. hahaha.. nice one.
ang kaso nasa realidad ako kung saan wala naman akong kaibigan na tumawag sakin.. edi palpak parin..
bakit naman kasi walang akong mga kaibigan na kumakain dito sa restaurant na to??. edi walang makakatulong sakin...
malas naman....
ano na gagawin ko??. wala na akong ibang paraan para makaalis dito!!. edi no choice talaga ako kundi ang harapin sina dean!!. ay paktay na,!! hindi pwede yun!! malalagot ako pag nagkataon.. ang hirap naman!!.
pero hindi parin ako susuko.. fight lang ng fight!!!.
tama!! fight!!.
hindi parin nawawala ang mga titig sakin ng mga tao dito kaya wala na akong ibang paraan kundi ang gawin to.. sana lang talaga um-epekto tong kalokohan kong ito..
"a-aray!! ouch!! sumasakit na naman ulo ko! ugh!!"- umaacting ako na kunyari sumasakit daw ulo ko tapos napahawak ako sa noo ko at kunyaring namimilipit sa sakit kaya nacurious ang mga tao.. ok.. best actress talaga ako
"ugh!! ang sakit ng ulo ko!! i should go to hospital now."- kunyari masakit parin ulo ko kaya pinipilit ko talagang hindi matawa dahil sa hitsura ng mga nakatingin sakin.. haha. epic fail!.
pero kailangan kong panindigan tong kalokohan ko kaya mabilis akong lumabas ng restaurant at narinig kong muling tinawag ni dean ang pangalan ko buti na lang talaga nakalabas na ako kaya hindi nya na ako makikita..
mabilis akong sumandal sa isang kotseng unang nakita ko at napapikit at bumuntong hininga..
hoo..! muntik na ako don ah??.
buti na lang talaga at magaling akong umaacting kaya gumana yung kalokohan ko kanina...
hahaha.... kasi ang epic ng mukha ng mga tao don..
grabe. napaikot ko talaga sila!!.
"hoo!! ang hirap palang umaacting na kunyari masakit ang ulo??"- sabi ko sa sarili at isinandal ang ulo sa kotse.
so ngayon, ano ng gagawin ko??.
nagpalinga-linga ako sa paligid..
wala akong dalang pera para makauwi.. aish!!.. dumagdag na naman sa katangahan ko ang pera pamasahe.. ayos..
eh kasi naman si lucas kung hindi nya sana ako hinila edu nakadala sana ako ng pera.. ayos no??.
si lucas na naman ang sinisi ko?? haha. puro nalang sya. kawawa naman.. eh kasi totoo naman eh.
nakakainis kasi ang damuhong yon..
mag iisip na lang ako ng paraan para makaalis dito at makauwi..
"hahaha!! oo nga babe..haha.. nakakainis talaga babe no?? agaw pansin talaga yung babae kanina. haha."- napakunot noo ko ng may narinig akong usapan.. boses ng babae yun ah??.
kaya nilibot ko paningin ko kaso wala naman akong nakikitang tao dito sa parking lot maliban sakin.. hindi kaya multo yun?.
imposible naman yun no?? nababaliw na ata ako.. hindi na lang ulit nag isip ng kung ano-ano at muling isinandal ang ulo sa kotse.
baka guni-guni ko lang yung narinig ko.
"yes babe.. just don't mind them.. masusulo parin naman natin ang sarili natin pagdating sa hotel. trust me."- napaayos ulit ako ng tayo ng makarinig na naman ako ng boses..
this time, lalaki naman ang nagsila..
hala!!. baka nga may multo dito?! wala kasing tao eh!..
nababaliw na ata ako!! kung ano-ano naririnig ko!!.
o baka naman minumulto na ako?? hindi pwede yun..
napailing na lang ako.
"talaga babe? sabi mo yan ah??. ahihih... babe nakikiliti ako!!.eihh!!."- ay pakshet!!. ano na naman yung naririnig ko? may invisible ba na tao sa harap ko?. hindi naman magic world to no??.
"babe. mamaya na lang sa hotel, doon, sure na sure ako na masosolo kita at masosolo mo ako... dont be excited."- boses lalaki na naman narinig ko.
ano ba yan!.
"eih.. sige na nga pero-hehehe. ahehe.. babe nakikiliti ako dyan.. hahaha. babe wag dyan! hijihihi. dito na lang oh?! hihihi."- boses babae ulit. ano bang nangyayari sakin?.
"oh sige. pero gusto ko dito banda eh."- lalaki naman..
halaka mama!! baliw na talaga ata ako...
wait.. kailan pa ako nagiging baliw??.
hindi ako baliw no??. kung ano-ano naiisip ko.
malamang siguro kaya ako nakakarinig ng boses dahil baka may tao talaga dito hindi ko lang nakita!.
ay bahala na nga!!. aalis na lang ako dito.. para hindi na makarinig ng kung ano-ano..
liliko na sana ako sa likod ng kotse ng magkasalubong kami ni dean kasama ang malanding babae na todo kapit sa kanya at naglalandian pa..
kaya napahinto ako at nagulat..
napahinto rin naman ang dalawa sa ginagawa nila ng mapansin ako pero napalunok talaga ako ng magtama ang mga mata namin ni dean at halatang shock din sya ng makita ako
uh-oh. this can't be.
patay na.
what to do??
.
lupa, lamunin mo na lang ako wag kainin.. ok??
pakshet!!. bakit ang malas ko ngayong araw?? pakiexplain nga!! nalilito na ako!! aish!!.
" kasey??"- gulat na banggit ni dean.. patay na talaga. wala na akong takas nito..
"what are you doing here??"- he ask curiously.. guys help me.
hindi ko alam ang sasabihin ko..
hindi namn pwedeng sabihin na— ugh. nevermind..
bahala na si batman.
"ah, h-hi?!"- bati ko habang nakangiti ng hilaw. best actress ako diba?? edi patunayan!!.
"babe, kilala mo sya??"- takang tanong ng babaeng kasama nya na ako ang tinutukoy. palihim akong napairap.. ang pangit na nga ng hitsura nya sinamahan pa ng makapal na make up at mas lalo pa syang nagmukhang kabayo, lagpas pa at nagkalat pa ang lipstick nya sa mukha..
nagmukha tuloy syang ginahasa na babae. tsk..
ang pangit naman pala ng taste ng damuhong to, pati kabayo pinatulan?.
"yes babe, i know her very well."- sagot ni dean dito na sakin lang ang tingin... nakakailang tuloy ang mga titig nya...
"oh?!"- tinignan ako ng babae from head to toe kaya ginaya ki rin sya.. hindi ako magpapatalo no??. ano sya sinuswerte??.
"diba ikaw yung babae kanina?? yung nakabasag ng baso??"- she ask me.
oh bitch.. please lang, obvious na nga diba??.
ang sarap nyang barahin.
"sinusundan mo ba kami??"- dean ask curiously.. huh!! asa!!
'ako? sinusundan ka?? sigurado ka? kapal ng mukha mo manwhore! ASA ka!'
gusto ko sanang sabihin sa kanya yung mga nasabi ko sa isip ko kaso baka mapahiya sya. wag nalang. may awa pa naman ako kahit papano.
"ah, may pinuntahan lang ako."-totoo naman diba?.
" pero ikaw yung tinatawag ko kanina..bakit di ka man lang lumingon?"- paktay na.. anong sasabihin ko??. anong ipapalusot ko?. aish!.
"ah, ano.. y-yung kanina ba??.. ah.. hehe.. kasi..."- sasabihin ko ba ang totoo o gagawa na naman ako ng panibagong storya?.
ay bahala na si batman!.
"ahh... yun.. yung ano kasi.. yung paa ko makati! tama! makati!!. kinagat ng langgam eh!. hehe."- tapos kunyari nga makati yung paa ko kaya kinati ko.... wala akong masabi eh..
nakunot naman noo ni dean dahil sa ginagawa ko..
"hindi yun ang sagot sa tanong ko."- seryosong wika nya kaya tumayo ako ng maayos.. sino bang nagsabi na yun ang sagot ko??. abnormal talaga amputek!.
"ah.. oo... ano kasi yun...baka hindi naman ako yung nakita mo.. baka naman namamalik mata ka lang.. galing kaya ako sa park.. kakadating ko nga lang dito eh. hehe."- kumagat ka please lang..
"ahh.. kaya naman pala magkapareho kayo ng kulay ng suot ng babae kanina?."- hala!! alam nya talaga na ako yun!!. jos mayo. wala talaga akong kawala.. pahamak na damit to. bwisit.. sunogin ko tong damit na to mamaya eh, pinahamak ako?.
nginitian ko sya ng hilaw.. "hehe.. ah ganun ba??."- kamot ulo tayo dyan. "ahh.. masakit talaga ulo ko nun eh tapos marami akong iniisip kaya hindi kita napansin."- parang awa mo na, kumagat ka na ngayon!.
"kaya naman pala umalingawngaw sa buong restaurant ang boses ko tapos di mo pa narinig."- err.... wala na!! give up na ako! peste.. wala talaga akong kawala!!. ang galing nyang maghanap ng ebidensya!.. naisahan ako don ah?.
"hindi talaga!. sa dami dami ng iniisip tingin mo mapapansin ko yung nangyayari sa loob? hindi kaya!."- ito na, pag pumalpak ulit to, tatalon na talaga ako sa building. de joke lang.
"ano naman ang iniisip mo?"-
"ikaw! ay este kung pano ka patayin!"- napatakip ako ng bibig. hala!!. anong sinabi ko??. ang tanga ng bibig ko!.
uh-oh.
mas lalong kumunot noo nya dahilan para mapalunok ako.
"ako?? papatayin mo??"- he ask.
oh-my-god. isip ka ng paraan kasey. isip..
"kasi, hehe.. joke lang. ito naman di na mabiro.. syempre hindi no?. bakit naman kita papatayin?. tanga ka talaga!."- pero mas tanga ako ngayon. ngayon lang ah?. bukas hindi na.
"so, ano talaga ang iniisip mo?."- he ask again. bakit naman curious syang malaman kung anong iniisip ko?. baliw.
"bakit gusto mong malaman?."- mapanghamong tanong ko..
natigilan sya at bumuntong hininga. "nevermind."-
hahaha... kala nya ah??. buti nakalusot ako..
magaling. magaling.
"babe, tara?"- girl ask him to leave. takte. babe??. as in babe?. tsk. ang baduy!!. hindi naman sya as in baduy. kaso hindi bagay sa kanilang dalawa ang tawagan na babe.
ang laswa pakinggan. pwe!.
tinignan lang ni dean ang babaeng kasama at hindi umalis..
"babe, diba may usapan pa tayo na susuluhin na tin ang isat isa sa hotel??"- she ask again...
at ngayon ko lang po napatunayan sa sarili ko na silang dalawa yung boses na naririnig ko kanina. so, hindi pala talaga ako nababaliw.. totoo yun.
"later. ok?"- sabi ni dean dito at muling lumingon sakin.
"pero babe, i want now. excited na ako eh.."- pagmamaktol ng babae. kaya sa isipan ko, minumura ko na sya.
"i said later."- seryosong wika ni dean na sakin lang ang tingin.. umm... whats up guys??... ang awkward na ba?.
"ahh sige, una na ako."- nag aalinlangang sagot ko at akmang aalis na ng may narinig akong tumawag sa pangalan ko.
"kasey!!"- napalingon kaming lahat sa pinanggalingan ng boses.. oh thanks god lucas, dumating ka!.
lumapit ito samin, sakin dala ang isang ngiti. pagkatapos ay umakbay at lumingon kina dean na ngayo'y naguguluhan.. sige lang. manghula ka na.
"so, whats up?. i'm lucas by the way."- nakangiting pagpapakilala ni lucas sa kanila.
dean raised his left eyebrow.
"diba ikaw yung guy na lumapit sa table namin kanina at nanggulo?."- girl ask.. curious daw sya.
"yep. ako nga yun.. and i just wanna say sorry for intterupting
you guys."- lucas said.
"i see."- dean
"so lets go?"- nakangiting wika ni lucas sakin kaya naikunot ko noo ko.
"huh?. san tayo pupunta?."- i ask curiously.
"basta. tara.,"- sabi nya sabay hila sakin palayo kina dean. "nice meeting you guys!!"- pahabol nya kina dean bago kami tuluyang nakawala.
anyare sa lalaking to??.
*******
"lo, kailangan talaga naming gawin yun??!"- reklamo ko kay lolo... nandito kaming apat na magkakaibigan kasama si lucas sa headquarters dahil may panibagong misyong pinapagawa samin si lolo at kailangan teamwork dahil makapangyarihang tao ang huhulihin namin.. kaso may isang bagay ang labag sa kalooban ko.
"hija, wala kang ibang choice kundi ang magpanggap na bayarang babae. yun lang ang tanging paraan para mahuli si mr.velda.."- lolo explain.. ehh... ayoko ko talagang gawin yun!! hindi ako bayarang babae no?. at kailan pa ako nagiging pokpok?. aish!.
"lo ang daya naman! sila jessa isang waitress at body guard samantalang ako gagawin mong bayarang babae?. pwede mo naman ako gawing bartender ng bar o kaya naman janitress. kailangan talaga ganun?."- reklamo ko.. kainis naman.
"si lea ang janitress ok?."- lolo said.
"pwede bang palit na lang kami ng posisyon?."- parang awa mo na.
"hindi pwede, ikaw ang huhuli kaya dapat ikaw ang gagawa non.. magsisilbing bantay lamang ang mga kaibigan mo at back up..ok?"- unfair talaga, as in!.
"sus! wag ka ng maarte kasey! kaya nga ikaw ang inasign kasi sayo nagfifit ang kaso.. tsk."- komento ni lea sabay irap.. napaka bait talaga ng bruhang to.
"wag ka ng maarte. gawin na lang natin para matapos na."- dagdag naman ni jessa. ayos.
"kahit kailan talaga kasey napamareklamador mo.. gagawin mo rin naman. tsk."- isa pa tong madel na to eh..
napabuntong hininga na lang ako. "time is running girls. bilisan nyo na. alas singko na at 7 ng gabi magsisimula ang transaksyon. baka mahuli kayo. maghahanda pa kayo."- paalala ni lolo kaya nagsitayuan ang mga kasama ko..
hayss ano pa nga bang magagawa ko? lagi namang ganito diba?. ang hirap talaga maging pulis.. lagi mong nakakaharap si kamatayan..
buti na lang talaga buhay pa ako. aish!.
tumayo na lang din ako padabog na lumabas ng office na sinundan naman ng mga kasama ko..
"so, whats the plan girls?"- nakangiting wika ni lucas habang palabas kami ng building.
"patayin ka. yun. yung ang plano."- sarkastikong sambit ko habang nagpatuloy sa paglalakad.
ngumiti naman ng nakakaloko si lucas, "woah... relax swettie... high blood ka masyado. hahaha."- he try to tease me. tsk.
"oo.. high blood ako kaya kung ayaw mong mapagbuntongan ng galit ko pwede manahimik ka na lang?! bwisit."- sabi ko at umirap sa kanya..
lihim naman napangiti ng nakakaloka ang tatlong babae kasama ko.. tsk.
"walang nakakatawa."- sabi ko sa kanila.
"hehehe.. napansin ko lang kasi, ang cute nyo pala tignan ni lucas pag nagbabangayan?."- napahinto ako sa paglalakad at hinarap si lea na nagsalita..
sinamaan ko sya ng tingin.
"mandiri ka nga sa mga pinagsasabi mong bruha ka!"- asik ko at muling naglakad...
rinig na rinig ko talaga ang mga tawanan nila sa likod ko.. tanga talaga... wala namang nakakatawa. mga abnormal....
inaasar pa ako. tsk.
"hey girl. ano na ba talaga plano mo mamaya? para matapos na."- si madel naman ang nagtanong sa tabi ko.
"wala."- tipid kong sagot.
she arc her eyebrow, "anong wala? baliw ka ba?. delikadong misyon ang haharapin mo tapos wala kang plano?!"- actually, rinig na rinig sa buong hallway ang boses ni madel kaya napapikit ako.. mga boses talaga nito nakakasakit sa tenga. aish!.
"pwede ba madel hinaan mo yang boses mo? nakakarindi."- iritadong sambit ko kaya binigyan nya ako ng matalim na tingin.
"seryoso ako kasey."-
"seryoso rin ako! kung hindi mo hihinaan yang boses mo mamamatay kaming lahat dito! tsk. pare-pareho kayo ni jessa. magsama nga kayong dalawa!"- agad namang lumapit si jessa sa tabi ko at nakangiti pa ang bruha..
"cute kaya boses ko"- sabi nya kaya nagtawanan sina lucas at lea sa likuran namin..
"hahajhha.. cute daw?! hahaha!!. grabe.. ang galing!! haha! cute pala?!"- tawa ng tawa si lea. napailing na lang ako.. baliw.
"hahaha!! kailan pa naging cute boses mo jessa? haha sabihin mo naman sakin di ako nainform eh!"- isa pa tong lucas, kung makatawa parang wala ng bukas..
sinamaan ng tingin ni jessa ang dalawa. "tsk. inggit lang kayo!"-
"haha!! bat naman kami maiingit? mas pipiliin pa naming maging ganitong boses kesa sa boses mong nakakamatay! hahaha... magbestfriend talaga kayo ni madel! hahaha."- binatukan nga ni madel si lucas.. ingay eh.
"tumahimik ka ungas!! daldal ka ng daldal dyan eh nakakasira rin naman yang bunganga mong malaki. kasya na ata kaming apat dyan eh!"- mas lalong humagalpak ng tawa ang dalawa at nakisali na rin si jessa..
"inggit ka lang... kissable lips kaya ako. hindi mo ba alam, maraming nagkakandarapa sa mga labi ko!"- pagmamayabang ni lucas...
"ows...?? talaga?!"- taas kilay na sabi ni madel.
"aba syempre!"-
"so ibig sabihin lips mo lang pala ang habol sayo ng mga chicks mo hindi mukha?. hahaha. kawawa naman,!"- pang aasar ni lea.
"hahaha. oo nga no??. grabe, lalo ka na palang pumangit lucas? patingin nga ng mukha mo?"- lumapit si jessa kay lucas at tinignan nga ang mukha. sira ulo. napatakip sya ng bibig ng napagtanto ang isang bagay, "oh my!! hala lucas!! ngayon ko lang napansin, nagmukha ka ng gurang! naku!! ito na nga ba sinasabi ko! wag ka na kasing dikit ng dikit kay lolo, yan tuloy nahawa ka sa kanya. tignan mo mukha mo oh? halos magkalapit na lang mukha nyo! aish!."-
pffftt.... baliw tong si jessa.. may saltik talaga sa ulo...
sinamaan naman sya ng tingin ni lucas, "hoy, hindi pa ako matanda no?. sa gwapo kong ito?? haha!! bulag ka ata. baby face kaya to!"- sabay turo sa mukha nya.
"pfftt... "- nagpipigil ng tawa si madel..
si lea naman hindi nakayanan at ayun, tawa ng tawa...
ang galing talaga mang asar...
"sabi ko naman sa inyo eh, mas lalong pumapangit si lucas sa paglipas ng panahon.."- pasimpleng sabi ko at pinipigilang wag matawa sa hitsura ni lucas.. epic fail.
nacurious naman si lea sa sinabi ko at napakunot noong nag iisip..
"teka, wala naman akong naalalang sinabi mo sa amin na pangit si lucas ah??"- tumingin sya kay lucas tapos sakin sabay kamot ulo, "hehehe... makakalimutin talaga ako... kailan mo nga yun sinabi kasey? nakalimutan ko na eh."- painosente pa ang bruha...
humagalpak ng tawa sina madel at jessa dahil sa kanya. "tanga!! hindi mo talaga maalala na sinabi ni kasey yun dahil hindi nya naman sinabi! hahaha!!"- tapos nag apir ang dalawa.... lang hiya nilaglag pa ako?.
"ah ganun ba?? hehehe.. kala ko meron eh,.. buti na lang.. sinungaling ka talaga kasey."- napailing na lang ako dahil sa inakto ni lea na parang nagiging isip bata na sya.. tsk...
naglakad na lang ulit ako dahil umAlingawngaw sa buong hallway ang tawanan nila at asaran... kaibigan ko ba talaga sila?? pinapahiya ako eh..
********
"mouthpiece check... earpiece check...dress check, face check—oh.. madel.. your face is so ugly... you look like mon—"-
"shut up janitress... linisin mo rin yang mukha mo!!"-
"hahaha... pati ba naman sa kabilang linya nag aayaw kayo??.pfft..."-
"isa ka pa lucas!! sapakin kita eh bwisit!!"-
"kung kaya mo madel hahaha!!"-
"talaga!! halika lapit ka sakin para masapak!"-
"hahaha.. ikaw ang sasapak kaya dapat ikaw ang lumapit sakin!!!
pero wag na lang, guard ako ngayon eh.."-
"correction, pekeng guard."-
"hahaha!!, sino bang nagsabing totoong guard ako?."-
"ugh!! bwisit kinana ka pa ah?"-
"hahah. pikon si ateng??!"-
"mamaya ka sakin bwisit!! humanda ka talaga pag nakita kita!!"-
"hehehe.. edi hindi na lang ako magpapakita."-
napailing na lang ako sa bangayan ng dalawa... kahit talaga malayo kami sa isa't isa nag aaway parin.. sakit talaga sa mga ulo.... aish...
hindi ko na lang pinansin ang bangayan nila at nagpatuloy sa ginagawa ko... ano pa nga bang ginagawa ko? edi ang umupo dito sa isang table sa loob ng bar habang hinihintay ko ang pagdating ni mr.velda, ang huhulihin ko na nagbebenta ng illegal na droga.. kaya ito ako ngayon, bagot na bagot na nakaupo dito at hinihintay ang pagdating nila...
ang mga kasamahan ko naman, ginagawa ang mga tungkolin nila....
muli akong napatingin sa suot ko.. tsk.. nakakainis.. gawin ba naman akong bayaran na babae?? tapos ang ikli pa ng suot ko.. yung short kong sobrang ikli na nakakainis tapos dagdag pa tong damit ko na punit-punit ang desenyo ng laylayan at kulang na lang ay magmukha na syang bra sa sobrang ikli.. tsk...
lang hiya talaga si lea.. kung bakit ito pa kasi ang pinasuot sakin??. nakakainis talaga ang bruhang yon!..
"hey guys, any update?"- boses ni jessa ang narinig ko mula sa reciever..
"anong update gusto mo jessa?? tungkol ba sa mukha mo? naku maniwala ka sakin, outdated na mukha mo! hahaha."- boses naman ni lucas ang narinig ko.kung magkasama lang sila ni jessa, kanina bugbog sarado si lucas..
"manahimik ka unggoy! hindi ikaw kausap ko!"-
"hahaha. oo nga pero naririnig ko naman!"-
"pwede bang manihimik na lang kayong dalawa kung wala naman kayong matinong sasabihin?? ang daldal nyo kainis!! magconcentrate nga kayo sa trabaho nyo!!"- this time, boses naman ni lea ang naririnig ko. halatang galit sya.
"eh bwisit kasi si lucas eh kani—"-
"shh.. nandito na sila."- inayos ko ang sarili ko ng magsalita si lucas mula sa reciever... ok this is it pancit.. wala ng urungan to!
tumayo ako at nagpalinga-linga sa paligid..
at ayun na nga, nakita kong ang mga lalaking pormal ang suot na pinapagitnaan ng isang lalaking medyo may edad na...
napalingon ako sa gawi ni jessa na nagpapanggap bilang bartender.. nag nod sya meaning gawin ko na ang plano...
huminga ako ng malalim bago tumayo at naglakad papalapit kina mr.velda..
nagmadali akong naglakad at bigla ko syang nababangga...
nagulat naman sa sya bilis ng pangyayari pero hindi ako..
"ah, s-sorry."- sabi ko at yumuko para magbigay galang. syempre matandan na sya kaya kailangan galangin. hahaha.. nagbiro pa ako.
"ah, no its ok."- sabi nya habang tinignan ako mula ulo hanggang paa. ayos. manyakis nga....
tapos napatitig sya sa maganda kong mukha, ay mali! sa labi ko pala.. mukha magtatagumpay ang plano ah?.
"ah, you ok sir?"- mapang akit na tanong ko.
"ah, yeah.."- tapos ngumiti sya.
"are you free tonight?"- he ask
napangiti ako.. hindi. bwisit ka!! "yes.."-
"pwede ba kitang—"-
"sure!! why not?"- i cut him off.. and look at him seductively.
he smile at me and then pulled me into his arm...
inakbayan nya ako tsaka nagsimulang maglakad papunta sa isang kwarto..
kung hindi ko lang ginagawa ang misyon ko kanina ko pa to binugbog sa mukha sa inis.. wala pang gumawa sakin ng ganito ah??.
"mag enjoy tayo mamaya."- he whispered.. i fake a smile.. gago!
"woah.. galing ni kasey!! pwede na!! hahaha!"- boses ni lucas ang narinig ko mula sa reciever..
kung nandito lang sya sa harap ko, kanina ko pa to pinagsusuntok..
"success ang unang plano..next na tayo."- boses ni madel.
"kasey mag ingat ka, may mga dala silang baril.."- boses naman ni lea narinig ko. asan na kaya ang babaeng yun..
alam ko naman yun.
"hahaha!! parang sinasabi mo namang walang utak si kasey lea. hahaha.. sabagay minsan hindi nya ginagamit ang utak nya."- boses ni lucas. ay bwisit..
"manahimik ka unggoy!! isa ka rin naman!!"- sagot ni lea.
hindi ko nalang pinansin ang usapan ng kaibigan ko at pumasok sa isang kwarto..
yayamanin din ah?
umupo kami sa isang sofa at inalok nya ako ng isang wine...
tumabi si mr. velda sa tabi ko at inakbayan ako.. psh.. kainis! kadiri!.
"anong gusto mo baby?"- he ask me sweetly.
"hehe.. ikaw. ikaw ang gusto ko."- mapang akit na sagot ko. ugh!! bwisit!! gusto ko ng masuka! kaso planado to eh.
"pfftt. hahaha.. type mo na pala mga gurang ngayon kasey?"- rinig kong sambit ni lucas mula sa reciever... peste. isa pa to eh.. sarap talaga sapakin.
"tumahimik ka unggoy!! ikaw nga torpe eh! tapos masyado pang feeling!"- this time. boses naman ni madel
"hahaha... selos ka lang eh,din wag kang mag aalala, liligawan kita promis!"-
"wag na! kapal mo uy!! asa kang sagutin kita!"-
"sus!! kunyari pa. gusto mo rin naman ako eh!"-
"magbibigti na lang ako kung maging tayo man! kadiri!"-
hanggang sa trabaho ang daldal ng mga to... baka masira lang plano namin dahil sa kagaguhan ng dalawa, aish!. sakit sa ulo... parang gusto ko tuloy tanggalin earpiece ko kaso hindi pwede.. tiis muna ako ngayon..
napalingon kami bigla sa pintuan ng may pumasok na limang mayayabang na lalaki na nakapormal attire na akala mo galing sa patay.. parang gusto ko tuloy silang patayin.
sa gitna naman yung lalaking mga kasing edad lang ni mr. velda at umupo sa harap namin..
pwede ko bang hulihin ang dalawang to?.
may dala kasi silang mga baril eh at kala mo may papatayin ngayon.. ayos.. ang tanong, legal ba ang baril na dala nila?
"good evening"- bati nya samin tsaka may binulong sa lalaking kasama nya..
"wag kang mag alala, sandali lang to at pagkatapos tayong dalawa naman ang—"-
"ok."- i cutt him off.. hindi ko masikmura ang mga kalaswaang gagawin ng bwisit na to..
may inilapag na isang maliit na maleta ang kabilang kampo at tsaka iyon binuksan..
hindi na ako nagulat ng makitang iba't ibang klase ng droga ang bumungad dahil inasahan ko na to....
"nandyan na lahat ng kailangan mo.."- nakangiting sambit ng lalaki tsaka ako saglit na tinignan..
"very good.. seguradohin nyong hindi peke to."- sabi naman ni mr. velda...
"lahat ng produkto namin hindi peke, marunong kami lumaban ng patas."- sagot ng isa.. huh??. teka, hindi ko maintindihan ang mga sinasabi nila....
"ayos yan.."- sagot ng katabi ko tapos hinimas-himas pa buhok ko, kadiri sya!. ang tagal naman kasi matapos eh para makaalis na ako dito. bwisit..
"gusto ko lang sanang kamustahin si B.. hindi ko pa nakikita ang hitsura nya.."- sabi ni mr. velda kaya medyo naikunot ko noo ko pero hindi ko yun pinahalata dahil malilintikan ako.. pero B? WEH?. di nga??.
"masaya naman si mr.B. at gaya ng sinasabi ko, hindi sya basta-basta nagpapakita.."- nakangising sagot ng isa pero alam mo yung ngiting nakakatakot?. sya yun. pero may gumugulo sa isip ko.. B?. ang alam ko, sya yung boss ng
Blue gang..
hindi kaya......???? hala!! tama!! ibig sabihin, ang lalaking to ay kanang kamay ni B?.
kailangan malaman to ni lolo.
"ok."- sambit naman ni mr. velda at hinalikan ako sa leeg. pestee...... ugh!!. kadiri!!.
"by the way, i have to go now. may gagawin pa ako."- umalis kasama ng mga tauhan yung lalaki.... hala! nakalimutan ko ang pangalan nya!!. pano ko sya makikilala??. hindi ko alam ang pangalan nya!.
"kasey, ano pangalan ng lalaking yun?"- rinig kong tanong ni madel sa reciever... miski naman ako hindi alam no?.
"cheers??"- ask mr velda.. i gave him a fake smile..
"cheers."- sagot ko tapos inimon yung wine...
ito na, ito na ang oras para hulihin ang lalaking to...
tumayo naman sya at inalok ako ng sayaw..
tinanggap ko yun tapos nagsayaw kami.. ang tagal naman ng mga kasama ko.. ang usapan pag natapos ang transaksyon lulusubin nila tong kwarto eh..
pinaalis naman agad ni mr. velda ang mga tauhan nya kaya kami na lang dalawang ang nandito sa loob...
"hoy lucas, jessa! asan na ba kayo? nandito na kami ni lea!"- boses naman ni madel ang narinig ko at halatang naiinip na. oh please, bilisan nyo.
"coming."- lucas
at dahil hindi ko na masikmura ang ginagawa naming pagsasayaw dito ay kailangan ko ng gumawa moves.. ayokong magtagal no?.
"umm..... wow. ang ganda naman ng mga flowers dito.."- sabi ko at lumayo mula sa kanya tapos pinagmamasdan ko pa ang mga bulaklak. hindi naman talaga kagandahan ang bulaklak pero kailangan kong gawin to para makaalis na..
"you like that?"- he ask.. kahit nakatalikod ako nararamdaman ko pa rin ang papalit sya dito..
"of course!. i love flowers."- sabi ko.. at pasimpleng kinuha ang baril ko sa ilalim ng damit ko.. syempre ayokong pumalya no?.
"then i'll buy you one."- he said. "but before that, you just have to answer me first."-
nagtaka ako sa sinabi nya kaya agad kong binunot ang isa pang baril tsaka mabilis pa alas kwatrong nakatutok na sa ulo nya ang baril..pero nakatutok na rin pala sa ulo ko ang baril na hawak nya...
edi paunahan nalang kung sino ang unang kalalabit ng gatilyo...
napangisi naman sya sa ginawa namin sa isa't isa...
kalahating dipa ang layo namin..
"magaling ka ha?!"- nakangising sabi nya..
"at bobo ka naman."- sagot ko kaya nawala ang ngiti sa mga labi nya. napalitan iyon ng masamang tingin..
pikon???..
*****
unedited...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top