episode 25
episode 25
ilang oras na rin ang lumipas simula ng mainterview namin ang babae.....
at sa mga oras na nagsasalita sya, inantok lang ako dahil ang boring at wala man lang akong nakuhang bagong report mula sa kanya...
oo nga sinabi nya sa amin ang tungkol sa pagkakasangkot ng asawa nya sa isang gang pero hanggang doon lang ang alam nya, the rest hindi nya na alam ang ibang ginagawa ng asawa nya at palagi ring wala sa bahay nila ang asawa nito dahil may trabaho daw pero ang hindi nya alam illegal ang trabaho ng asawa nya..
galing......
tapos daw kakaiba daw ang kinikilos ng asawa nya nitong nakaraang buwan at magdadalawang linggo na daw ng umalis ang asawa nito at hindi na muling nagparamdam...
pero may mensahe daw na iniwan ang asawa nito bago umalis. yun ay ipaalam saming mga pulis na kahit anong gagawin namin hindi namin sila mahahanap... tsk..
siguradohin lang talaga nilang hindi ko sila mahahanap dahil pag nakita ko sila, ipapakain ko talaga sa kanila ang mga sinabi nila. badtrip eh!. yabang masyado? over confident?!
at mukhang alam pa ng lalaking yun na irerade namin ang bahay nila kaya sya umalis at nagtago.. aba matalino rin!!.
"ah sige ho,na una na ako."- pagpapaalam ko kina lolo at tumayo na.
"teka, san ka naman pupunta ngayon?!"- ask lucas.
"sa impyerno, sama ka?!"- taas kilay na sambit ko at nakapamewang pa.. baka nakakalimutan nyang badtrip ako sa kanya? tsk.
he gave me a death glare. "i'm serious!"-
"seryoso rin ako.. ano nga? gusto mong sumama?!"- napangiwi na lang sya at lumunok.
"no thanks, next time na lang."- and then, he smiled. ayos ah? magaling rin maglaro?! bahala sya.
tuluyan na akong umalis at dumiretso sa condo. syempre para magbihis dahil may misyon pa ako sa hidden university. galing no?!
alam ko late na ako pero wala naman akong pakialam sa pasok no?!
after kong magbihis ay dumiretso na ako sa university. ang tahimik ng hallway at halatang nasa mga kanya-kanyang klase ang mga kaibigan ko ngayon..
tinignan ko ang oras at isang oras na lang bago ang breaktime nila kaya ayun, dumiretso muna ako ng canteen para doon antayin ang mga kaibigan ko..
umurder lang ako ng juice at uminom. mangilan-ngilan lang din ang mga taong nakikita ko dito sa canteen at lahat sila mukhang low profile lang. walang pakialam sa paligid at mabuti na yun dahil walang bashers dito...
habang umiinom ng juice, hindi ko maiwasang maalala ang ginawa sakin ni dean nung gabing yun..
that was my first kiss pero sya ang nakakuha. para tuloy akong tanga dahil alam kong ilang linggo na rin yun pero hindi ko parin makalimutan. at ang masaklap pa ay hindi nya na ako pinapansin at mukhang iniiwasan nya na rin ako. si mella din ang wierd nya na... lahat sila naging wierd pagkatapos ng nangyari... ano bang nakain ng mga yun at nag-iba?!.
tapos yung deal namin ni dean tungkol sa pagpapangap hindi na natuloy.. ayos ah?!. mastalk ko nga rin sila minsan. para kasing may tinatago sila eh... tsk.
"hi."- napalingon ako sa lalaking nagsalita sa harap ko.
i gave him a smile, "hello."-
it was vinz... yung nakilala ko sa bagiou.. at nakalimutan kong sabihin na kung nagiging wierd sila dean, yun din naman ang dahilan na palagi kong nakakausap si vinz. cool no?.
minsan rin naman nagkukwentohan rin kami ni steve pero madalas si vinz ang naging kasama ko maliban sa kaibigan ko....
palagi rin kasing busy si steve eh at minsan-minsan ko lang sya nakakausap. busy rin naman si vinz pero may time parin naman sya sa pagpapahinga. at doon ko lang din nalaman na sya ang vise president.. pero sa nakikita ko, parang hindi.. eh kasi naman, parang hindi naman sila closed ni dean kahit president yun pero ang sabi ni vinz, ganun lang daw talaga sila pero magkaibigan sila hindi lang ganun ka-closed.. edi ok.
"seems like youre late."- nakangiting wika nya at umupo sa harap ko.
"you dont have to state the obvious."- wika ko pero ngumiti lang sya.
"pero gusto mo naman. dahil ayaw mong mag-aral."- nakangiting sambit nya.
"at ikaw naman, diba masipag ka? at oras pa ng klase mo kaya dapat wala ka pa dito sa labas.. kaya bumalik ka na sa klase mo dahil ayoko ng may gumagaya sa pagiging pasaway ko."- sambit ko..
"hahaha... ang hard mo naman!!"- at tinawanan lang po ako.
"seryoso ako vinz."-
"ok ok.. nag-excuse ako dahil may ginawa ako.. pero nakita kita dito kaya nilapitan,kita dahil parang malalim ang iniisip mo at may mabigat na problema, am i right?!"- tinaasan ko lang sya ng kilay..
at hindi ako nagsalita kaya nagpatuloy sya sa pagsasalita.
"nasabi sakin ni mr. rigel ang tungkol sa pagtanggi mo sa contest. bakit ayaw mong sumali?!"- wika nya kaya napabuntong hininga ako. here we go again. ilang beses ko bang sasabihin sa matandang yun na AYOKO?!, kabadtrip naman!!..
"kasey?,bakit ayaw mong sumali?!"- he ask again.
"simple, because i dont sing."- tinaas nya kilay nya na parang hindi naniniwala.
"weh? ikaw? hindi marunong? imposible."- natatawang sambit nya at inaasar pa ako. tsk.
"basta, ayoko. and thats my final decision. "-
"sayang ka."- sabay iling nya kaya nikunot ko noo ko.
"paano ako naging sayang? eh hindi talaga ako interesado no?!"- sabay irap ko. bakit ba kasi nila pinipilit na isali ako eh ayaw ko talaga? ang kulit naman ng mga budhi nito. aish!! sasakit ulo ko talaga!.
"sige, kung ayaw mo wala naman akong magagawa, desisyon mo yan eh."- he gave me a smile. napabuntong hininga na lang ako.. wala talaga silang magagawa, dahil kahit anong gawin nila ay hindi ako sasali. wala na akong hilig kumanta sa entablado ngayon...
and thats a final decision...
***********
"teka lucas, san mo ba talaga ako balak dalhin ha? nakakapagod maglakad no?!"- reklamo ko dito sa kasama ko.. eh kasi kanina pa kami lakad ng lakad dito dahil daw may sinusundan sya at iwan ko ba sa lalaking to at ako pa ang nadamay sa kalokohan nya!! nakakapagod kayang maglakad! tapos hindi ko man lang kilala kung sino o ano yung sinusundan nya! malay ko bang multo yung sinusundan nya at tanging sya lang ang nakakakita?! bwisit na lalaki to.
"eh naku! wag ka ngang magreklamo! basta samahan mo lang ako!!"- wika nya habang may sinisilip sa di kalayuan at hindi ko alam kung saan. galing diba?!.
maya-maya pa ay hinila ulit ako ni lucas papasok sa isang restaurant kaya wala na akong nagawa. nakakapagod din kasing magreklamo lalo na kung wala ka namang makukuhang matinong kausap, diba?! tsk..
nakasuot ng cap si lucas na para bang nagdidisguise para hindi makilala ang mukha nya. samantalang ako pinapasuot nya ng wig para hindi daw ako makilala ng sinusundan nya na obvious namang hindi ko alam kung sino. may tililing din ata to sa pag-iisip si lucas eh. baliw talaga. akala nya siguro ay nagmeet na kami ng sinusundan nya ngayon kung sino man yun.. tsk...
umupo agad kami ni lucas sa bandang dulo kung saan hindi masyadong maingay..
nagpalinga-linga si lucas na parang may hinahanap at ng makita nya siguro ang hinahanap nya ay nakahinga sya ng maluwag.. ano bang nangyayari sa lalaking to?
bakit parang ang laki ng problema nya?! tsk.
"uy dahan-dahan lang sa pagkapraning, hindi ka tatakasan nun!"- sambit ko dito kaya napalingon sya sa direksyon ko at bumuntong hininga. eh?.
may dumating na isang waiter at nagtanong kung ano ang order namin..
nagsalita ako, "gusto ko ng pizza, maccaroni salad na maanghang, tapos sofdrinks na fit n' right tsaka samahan mo na rin ng presto na biscuit at chicharon ni mang juan na junkfoods ok?!"-
laglag pangang napatingin sakin ang waitress at si lucas na para bang hindi makapaniwala sa sinasabi ko or ano. hindi ko maintindihan.
"what?!"- taas kilay na sagot ko.
"anong klaseng pagkain yun?!"- hindi makapaniwalang sambit ni lucas. i rolled my eyes at him.
"ghod lucas!! pangalan ng pagkain di mo alam? tanga ka ba ha?! or hindi marunong bumasa?! tsk."- inis na sambit ko.
"ahh ma'am, wala po kaming ganung klase ng pagkain dito... restaurant po to."- sabi ng waitress kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"anong tingin mo sakin? hindi alam kung anong pinasokan ko? tanga!! ang sinabi ko ay bigyan mo ako ng mga ganoong pagkain! bilis nagugutom na ako!"- iritadong sambit ko na ikinalunok nya. napansin ko ang lihim na pagngiti ni lucas pero di ko pinansin yun.
"wala po talaga kaming ganoong pagkain. mga ulam at rice lang po ang inihandan namin. hindi po kami nagbebenta ng mga junkfoods o kung ano pa maliban lang sa dessert."- geez.
"then make one.. ibili mo ako ng ganoong pagkain sa labas at kung gusto mo, um-order ka para sakin. basta yun ang gusto ko! bilis!!"- ang ayoko sa lahat ang pinapahintay ako eh. bwisit.
"pero ma'am, hindi po pwede. nagtatrabaho po ako dito at hindi ko po pwedeng iwan ang restaurant dahil marami pa po akong inaassist na tao. pasenya na po."- nagtiim-bagang ako sa mga sinabi nya. err... pambihirang waitress to, sobrang arte!! kainis!!
"kasey, wala talaga dito ang lahat ng gusto mong i-order!"- natatawang sambit ni lucas kaya sinamaan ko sya ng tingin. epal.
"eih!!! o sige na nga!! bigyan mo na lang ako ng ice cream na maanghang at flavor ay apple, bilis!"- iritadong sambit ko pero napakamot lang ng ulo yung waitress.. ano pang tinatayo-tayo nya dito? aish!!.
"hahahah.. kasey walang ice cream na apple ang flavor! naglilihi ka ba?! hahaha!!! para kang buntis!"- binigyan ko ng matalim na tingin si lucas pero mas lalo nya lang akong tinawanan. aba!! kainis tong damuhong ito!.
"ay!!! bahala na nga kayo dyan! bwisit!!"- inis na sambit ko at tumingin sa malayo.
napailing na lang si lucas at nagkibit balikat. "ahh, bigyan mo na lang kami ng chocolate ice cream at isang tubig. yun lang."- sya na ang nagsalita at agad namang umalis ang waitress habang ako naman ay tinignan sya ng nakakunot ang noo..
"what?!"- he ask
"wala."- nasabi ko na lang. ayoko nang sabihin sa kanya kung bakit yun lang ang inorder namin dahil mapupunta sa walang kwenta ang pag uusap namin.
"by the way, sino ba talaga yung tao o alien o kung ano mang nilalang ang sinusundan mo?!"- i ask curiously.
napalingon sya sa likuran ko at ngumuso para ituro yung lalaking may kadate ata na babae na masayang nag-uusap..
"ayun oh!"- sabi nya kaya kunot noong nilingon ko sya.
"yung lalaking yun?! sya yung sinusundan mo?!;"- hindi makapaniwalang sambit ko..
"seriously lucas??! may kailangan ba akong malaman tungkol sa pagkatao mo?! may gusto ka ba sa lalaking yun? hoy ano? wag mong sabihing..........BAKLA KA??!!"- ooopsss mukhang nasobrahan ako sa pagkabigla ah? kasi naman napatingin samin ang mga tao kaya nagsing peace na lang ako at muling tumingin kay lucas na shock na shock sa sinabi ko kaya nang magsink in sa utak nya ang mga sinabi ko ay sinamaan nya ako ng tingin....
"tang*na!! anong bakla pinagsasabi mo uy??!"- gulat na tanong nya.. paktay.. maling akala.. hahaha... heto na naman ako sa maling akala.
"uummm.... k-kasi ano.... i-ikaw naman kasi eh. tinuro mo yung lalaking yun kaya napagkamalan tuloy kitang bakla. pero buti naman hindi.. hehehe"- kamot ulo tayo dyan. kasi naman!! yung bibig ko kasi!! hahaha. pero bagay naman kay lucas na maging bakla eh.. mukha kasi syang bakla.
"what the fvck kasey. i'm not a gay!! at mas lalong wala akong gusto sa lalaking yon!!"- he hissed..
i rolled my eyes, "eh bakit naman kasi tinuro mo yung lalaking yun! yan tuloy, napagkamalan kitang bakla! tsk."-
he gave me a death glare, "sabing hindi ako bakla!, gusto mo bang ipakita ko pa sayo abs ko para maniwalang hindi ako bakla?!"-
"no thanks. hindi ako interesado sa abs mo. baka masuka lang ako kapag nakita yan... pero sige na, iexplain mo na sakin kung bakit natin sila sinusundan."- iritadong sambit ko kaya napakagat labi sya at muling lumingon sa table ng magcouple i guess.
"sinusundan ko si hazel."- i raised my eyebrow.
"who's hazel?!"- i ask.
"yung babaeng kadate ng lalaking napagkamalan mong gusto ko. pwe!! kadiri ka!"- tsk... oa?. haha... bagay naman sa kanya magiging bakka ah?!..
"ahh.... so, gusto mo sya."- hindi yun isang tanong pero sapat na para matigilan si lucas at mapalunok.. sabi ko na eh.
"anong gusto pinagsasabi mo? nababaliw ka na ata."- kunot noong sambit nya kaya nginitian ko ng may halong pang aasar.
"eh bakit mo sya sinusundan?"- i try to tease him.
he gulped. "w-wala. trip ko lang bakit ba?"- sus kunyare pa!
"talaga trip mo lang? kaya pala ganun na lang ang pagkaladkad mo sakin kanina na parang wala kang pakialam sa daing ko dahil sa kakastalk mo. tapos kung makatingin ka sa kanila, parang papatay kana ng tao anytime. at baka ako pa pagbalingan ng selos mo. tsk.. aminin mo na kasi, may gusto ka sa kanya no?"- panunuya ko.
umiwas sya ng tingin. "wala. never. and will never be."-
"sus lucas. lokohin mo lelang mong panot wag ako uy!! halata na nga sa mga kilos at mukha mo tinatanggi mo pa! tsk."- binigyan nya ako ng matalim na tingin.
"wala sabi akong gusto sa kanya. kulit?!"-
"eh bakit parang defensive ka?"- pang aasar ko.
"dahil totoo sinasabi ko."- mariing sambit nya
"ahh talaga?! totoo?pano naman yung mga titig mo kay lea ba yun? parang nagseselos ka talaga eh. tsk. aminin mo na kasi! ako lang naman makakaalam eh!!"- naiirita na ako.
napansin ko namang napasulyap ulit si lucas doon sa table nina lea saka tumingin ulit sakin. this time namumula na ang mukha at tenga nya. huli ka balbon!! hahahha.
"wala akong gusto sa kanya. thats it!"-
"wala daw?. sus lucas!! tignan mo kaya yung mukha mo., daig pang make up ng babae sa pagka-blush!. tsk.. aminin mo na na gusto mo sya."- sinamaan nya ako ng tingin
"sabing wala akong gusto sa kanya. ang kulit mo talaga babae ka!"-
"kapag hindi mo inamin sakin na gusto mo sya hinding-hindi kita lulubayan hanggat hindi mo inaamin na gusto mo sya. kaya kung ako sayo lucas , aminin mo na sakin.."- saad ko dahilan para mapasinghap sya
"wala akong aaminin dahil wala naman talaga akong gusto don!"- aish!! sige tanggihan tayo dito kahit masyado ng obvious.
"alam mo lucas, kilala na kita matagal na, kaya alam na alam ko yang mga kilos mo pagdating sa mga ganito. hindi mo ako maloloko. sa pang-stalk pa nga lang kanina halata na eh, ngayon pa kayang obvious na? at kita na sa mukha mo?!"- sambit ko. kaya napakagat labi sya
"wala akong gusto sa babaeng yon, hindi ko sya type no?!"- aish! sasakit ulo ko sa lalaking to
"sige, pag di mo inamin sakin, ipagkakalat ko talagang may gusto ka sa babaeng yan ngayon dito mismo. sige ka. malalaman ng babaeng yan na sinusundan mo sya kapag di mo inamin."- maangas na sambit ko at naghand gesture pa.
sumingkit mata nya "youre blackmailing me."- sambit nya
"of coursed. at gagawin ko talaga yun kapag hindi ka pa umamin sakin.. kilala mo ko lucas? may isang salita ako."- and i smile devilishly.... akala nya ah?.
"tsk. bwisit."- he murmured.
"ano sabi mo?"- taas kilay na sambit ko.
"wala!."- at tumingin sa malayo.
"ano? aamin ka o hindi? choose one."- nakangising sambit ko kaya napalunok na lang sya.
"hindi ko alam.. hindi naman sya yung tipo kong mga babae pero kapag palagi ko syang nakakasama, iba ang nararamdaman ko. pero kapag nakikita ko syang may ibang kasama, nagdidilim ang paningin ko at hindi ko maintindihan kung anong mero basta... ayokong may laging lalaking umaaligid sa kanya... pero hindi ko parin maipaliwanag kung anong nararamdaman ko... may parte sa pagkatao ko na crush ko sya, meron namang nagsasabing higit pa doon ang nararamdaman ko.. basta. hindi ko talaga alam... hindi.. at hindi pwede."- napabuntong hininga sya matapos magbanggit... hahaha.... sa wakas nagsalita.... buti naman... sabi ko na nga ba eh.. msy something... hahaha..
i smile, "dahil mahal mo na sya lucas."- by that, napalingon sakin si lucas na para bang nabigla sa sinabi ko at naguguluhan. o baka naman bago lang sa pandinig nya ang mga sinabi ko sa kanya.. sabagay, hindi naman ako interesado pagdating sa mga ganito kaya magugulat talaga sya..
hindi sya nagsalita kaya nagpatuloy ako, "you love her unintentionally.."-
"how do you say so? naranasan mo na rin ba ang ganitong sitwasyon?!"- he ask in unbelief "wow! kung makapagsalita ka parang expert ka na ah?!"- naasar??. pfftt....
"syempre kahit hindi ko pa nararamdaman ang ganyang sitwasyon ay may alam din naman ako pagdating sa pag ibig eh..."- sambit ko. "tsaka alam mo lucas, halata naman sa mga mata mo eh na gusto mo sya... sabi mo nga diba naiinis ka kapag nakikitang may kasamang ibang lalaki yung lea'ng yun? edi selos na ang tawag don.. pero normal lang naman yun lucas ang magselos lalo na't mahal mo ang isang tao... at isa pa, kahit hindi ko pa naramdaman ang mainlove sa isang tao ay may pakiramdam din naman ako no?. hindi porque't sinabihan kita na mahal mo sya at nagseselos ka ay naranasan ko na yan.. sabi nga nila, kung sino pa yung single at walang boyfriend, sila pa yung nagbibigay ng matinong advice doon sa mga taong naguguluhan, nasasaktan at nagseselos na tao... kaya heto ako ngayon, nagsasabi ng totoo sayo tungkol sa totoong nararamdaman mo kay lea... lucas, mahal mo si lea kaso hindi mo lang alam dahil natatakot ka at hindi mo kayang tanggapin sa sarili mo na mahal mo sya..."-
wow. as in wow. nagiging love adviser na ako ah? galing... pero pwede na ako. pwede ng tumakbo palayo dito dahil baka mapatay ako ni lucas sa inis. de joke lang. hehehe...
as if namang takot ako kay lucas no? hahaha....
pero ok naman yung advice ko diva?? totoo naman lahat ng sinabi ko diba??!
ang kaso hindi naman talaga ako expert pagdating sa mga ganito.
napansin kong nag angat ng kilay si lucas, "maniniwala na ba ako?!"-
"aba syempre dapat lang no??! sa hinaba-haba ng sinabi ko yan lang ang sasabihin mo? ang masaklap pa ay ayaw mong maniwala! napakamanhid mo pala eh, at torpe pa."- asik ko.
"hindi ako manhid lalo na hindi ako torpe!!bwisit!"- inis na sambit nya at kinuyom pa kamao.. kaya sinasabi ko sa isip ko, humanda na sa pagtakbo. hahaha. pikonin si kuya?
"lucas, kahit frienemies kita, concern parin ako sayo.. kaya kung ako sayo, wag mo ng pigilan ang nararamdaman mo dahil masasaktan ka lang sa dulo.."- nakangiting sambit ko with worried eyes.
he sigh. "i know.. at hindi mo na kailangan pang ipaalala. alam ko ang ginagawa ko kasey, no need for your opinions."-
"i'm not giving you an opinions, i'm giving you an advice."- puna ko.
"tsk.. napakaalamero mo talagang babae ka. pati love life ko pinapakialaman mo."- komento nya at nagkagat labi.
i arc my eyebrows "pakialamero?? wow lucas ah?? imbis na thank you ang sasabihin mo dahil tinulungan kita nainis ka pa.. grabe. hustisya naman sa mga concern na tao.!"-
"eh nakikialam ka kasi tungkol sa ginagawa ko eh!"- reklamo nya.. eh??
"nakikialam?? sira ulo ka ba?? binibigyan lang kita ng advice!!"+ asik ko. kabwisit to!
"nakikialam na rin tawag don!!"- asik nya. bwisit.. as in.
"wow!! ako pang may mali ngayon!!! ayos ah?!"- napasinghap ako sa inis.
"eh kasi naman ang daldal mo eh!"-
"madaldal?? wow ah?? pagkatapos mo akong idamay sa kabaliwan mo at pandadamay sa pang i-stalk mo sa babae mo, sasabihin mo lang madaldal ako? wow!! thank you ah?? kung hindi mo na lang sana ako sinama mo edi sana walang nangingialam sayo!! bwisit ka!! ikaw na nga tinutulungan, ikaw pa may ganang magalit??!"- naiinis na talaga ako, pigilan nyo ako.. masasapak ko na talaga tong lalaking to ngayon!! bwisit.!!
"eh bakit ka naman pumayag na isama kita dito?? kasalanan mo rin yun uy!!"- aba talagang ginagago ako ng damuhong to??
"eh kung hindi mo kinaladkad kanina? edi sana hindi ako napilitang sumama!!"- sigaw ko.. napansin kong napapalingon sa min ang ibang mga tao. uh-oh.
"eh kung nagpumiglas ka sana!! edi hindi sana kita naisama,!!"- ay pakshet na lalaking to!! ako pa talaga may kasalanan?
"eh kung hindi ka sana lumapit sakin at kinausap ako, edi hindi sana nabulabog ang pang i-stalk mo sa kanya! bwisit!!"-
nagsukatan kami ng tingin.. hindi ako magpapatalo sa lalaking to no?? ano sya? aba hoy!!
"edi umalis kana!! bwisit ka rin!!"- asik nya
"talaga!! aalis talaga ako dito no?? hindi ka kawalan, at mas lalong bwisit ka!! peste!! makaalis na nga baka makapatay pa ako ng tao dito!!"- inis na sambit ko at tumayo saka tumalikod na at nagsimulang maglakad palabas ng restaurant pero bago pa ako makaalis ay nakita ko si dean kasama ang isang babae na makapal ang make up, maiksi ang damit at parang kita na kaluluwa na malanding nakadikit sa mga bisig ni dean na papasok dito sa restaurant kaya nagulat ako at agad tumalikod pabalik..
oh holy gosh mother!!! anong ginagawa nila dito?? at bakit may kasama syang babaeng malandi na parang kinuha nya lang sa isang bar na bayarang babae?? aish!!.
hindi niya ako pwedeng makita dito!! hindi nya pwedeng makita ako kasama si lucas baka kung ano pang isipin ng lalaking yun!! at baka isipin nyang nagdedate kami ni lucas!! no way high way!!!
eh ilang linggo na nga kami hindi nag uusap eh!. ay pakshet!!! . what a malas day nga naman!!. panira talaga!!.
nagmadali akong naglakad pabalik sa kinauupuan ko kanina ng marinig ang boses ni dean at ng babae na papalapit sa direksyon namin...
tila nagulat naman si lucas ng bumalik ako kaya nagtanong.,
"akala ko ba aalis ka na? bat ka pa bumalik??"- he ask curiously.. napalunok ako at nagkagat labi.
"shut up."- mahinang sambit ko...
pero para akong isang taong baliw dito dahil sa taranta ng makita sina dean na umupo sa harap ng table namin na likuran naman ni lucas.. gets nyo?? likuran na table ni lucas at dahil nakaharap ako ay makikita nila ako, at hindi pwedeng mangyari yun!!.
kaya naman sa sobrang taranta ko ay napatakip ako ng mukha ko na ikinataka ni lucas...
oh my gosh!!. bakit ba ako natataranta?? dammit...
"hoy!! anong nangyayari sayo??!"- takang tanong ni lucas pero instead na sagutin ang tanong nya ay nagpalinga-linga na lang ako at naghahanap ng bagay na pwedeng pantakip sakin..
and thanks god dahil may nakita ako..
isang matandang lalaki sa di kalayuan samin ang nagbabasa ng isang magazine kaya pagkakataon ko na para isalba ang buhay ko.. ..
pakapalan na lang ng mukha to...
mabilis akong tumayo at takip mukhang lumapit sa table ng lalaki para di makita ni dean.. aish!! nakakahiya ang ginagawa ko!!.
"umm... excuse me."- sabi ko sa lalaki. lumingon naman ito sakin
.. ok this is it!!.
"what??!"- he ask.
"uummm... ano.. ehh.. kasi.... hehe.."- kamot ulo.. ano ba yan!! nahihiya ako.. .
"ummm.... ano... p-pwede ko po bang hiramin yung magazing hawak nyo?? k-kasi ano umm... idol ko po kasi yung babaeng yan oh tsaka crush ko yung lalaking katabi nya hehehe."- sabi ko sabay turo don sa babaeng model na nakasuot ng swimsuit tapos yung lalaking nakabrief lang... uh-oh....
bat kasi sa dinami-rami ng picture yan pang halos kita na kaluluwa yung nakabuklat! peste... no choice tuloy ako.. aish!!
napatitig naman yung lalaki don sa tinuro ko tapos lumingon sakin na may pagtataka, "sigurado ka hija na idol mo tong mga to??"- hindi makapaniwalang sambit nya.. bakit?? may problema sya don??
"ahh.. opo.. hehe ... idol ko po talaga sila.. ang ganda kasi."- lunok laway.. ganda ng palusot ko no?. ayos..
napansin kong ngumiti ang lalaki.. hala!! problema nito??..
"ah, bat po kayo ngumingiti??" takang tanong ko. wala kayang nakakatawa sa paghiram ng magazine. baliw!!
napailing naman sya, "nothing,.. hindi lang talaga kasi ako makapaniwala na may fans ang dalawang nasa picture.."- wika nya... eh??
"ahh, ano naman pong problema don?"- i ask curiously.
"hindi ako makapaniwala na magkakaroon ng fans tong mga kapatid ko.. puro bashers kasi ang nakakasalamuha nila eh. hehe.."- eh??... so, kapatid nya pala yung dalawang nasa picture.. kaya pala mukhang magkamukha sila eh. kapatid nya pala yun??. eh ano namang paki ko?? eh hindi rin ako fans ng mga yan.. pero kailangan ko ang magazine nya!!
"ahh, sige po, ok lang naman sakin na wag nyong ipahiram yung magazine—"-
"oh sige.. ito oh... marami naman kami nyan sa bahay.. sayo na lang yan.. regalo ko na lang bilang pasasalamat dahil fans ka nila.."- nakangiting sambit nya at binigay sakin ang magazine na inabot ko naman.. hahaha.....
sucess!!.. thanks god!!.
"thank you po!! "- masayang bati ko at takip-magazine na bumalik sa kinauupuan ko...
hoo!! buti na lang talaga busy sa paglalandian sina dean at ang mukhang bayaran ang babae kundi patay ako.. haha...
napasin ko na nakakunot ang noo ni lucas habang nakatitig sakin..
"hey, you ok?? seems like youre hiding.."- lucas blurted out..
"oh shut up lucas.."- i said, rolling my eyes..
mula sa pagkakatakip ng mukha ay sinilip kong muli yung table nina dean kung saan nagmemake out session na ang dalawa...
geez.... of all places, why here???..
grabe naman tong pagkamanwhore ng bwisit na to.. kahit saang lugar na lang nakikita ko siyang may kalampungang babae.. bwisit naman...
pwede bang sa hotel na nila gawin yang ginagawa nila?? restaurant po itong pinuntahan nila no?? o baka naman lasing na sila at ang inakalang hotel ay restaurant pala??. tsk...
napalingon si lucas doon sa tinitignan ko at bumalik sakin..
he raised his eyebrow, "kilala mo sila."- hindi yun isang tanong pero sapat na para matigilan ako..
bakit sa lahat ng pwedeng sabihin ni lucas, hindi man lang nagtanong?? dineretso pa sa sagot... nagskip lang sya no??. ayos..
"kasey, kinakausap kita.. kilala mo sila no??"- he repeated.
"sino?!"- patay malisyang tanong ko.. ok lang kahit di kumagat
"tss.. sino pa ba edi yung lalaking yun na may kahalikang babae. tanga!"- wow!! natanga pa ako!!
"paki mo?? inggit ka?? edi halikan mo rin si lea.."- i tried to change the topic.
he glared at me, "thats not what i mean..."-
"whatever it is."- sabi ko at muling lumingon kina dean...
ohh... pano ba ako makakalabas dito??? lord help me please!!.
hindi ako basta-bastang makakalabas dahil madadaanan
ko ang table nina dean at kapag nangyari yun, malamang makikita nya ako na hindi pwedeng mangyari!!..
aish!!! pano ba to???. anong gagawin ko?? kasalanan to ni lucas eh, kung hindi sana kami pumunta dito eh hindi sana ako mamomroblema nito!!
nakakainis!!!!..
"selos ka no??"-natauhan ako ng magsalita si lucas.. nakangiti oa sya ng pang aasar..
"selos?? ako??"- hindi makapaniwalang tanong ko habang tinuturo ang sarili..
"ay hindi, sila.. sila yung nagseselos."- pamimilosopo nya.. i glared at him..
"nakakatawa."- sarkastikong sabi ko.
"ano nga?? sino ba yang mga yan?? bat ganyan ka makatingin sa kanila??"- iritadong sambit nya..
"basta.. kilala ko sila.. tsaka walang dahilan para magselos ako no? obvious ba?? kita mo na ngang nagtatago ako tapos sasabihin mong nagseselos ako? hello??"- minsan talaga ang tanga ng lalaking to.
"eh malay ko ba!!. pero bakit ka naman nagtatago?!"- god!!.. tinatanong nya pa.
"used your common sense lucas!! pulis ka pa naman!"- asik ko.
"pulis ako kasey hindi manghuhula!!"-
i rolled my eyes.. "tsk.. basta!! tulungan mo na lang kaya akong makatakas dito?? gusto ko ng lumabas!!"-
muli syang lumingon kina dean tapos sakin.. "idistrack mo kaya??"- he suggested.. napaisip ako.. oo nga no?? great idea.. hahaha...
"ganito gawin mo lucas, agawin mo atensyon nilang dalawa tapos makakatakas na ako nun!"- nakangiting sambit ko
"ano ka? sinuswerte??"-
"eih.. gawin mo na lang lucas!! madali lang naman yun eh.. kausapin mo lang sila at makakaalis na ako. tapos.. sige na! wag ka ng maarte dyan!"- asik ko.
sinamaan nya ako ng tingin, "siguradohin mo lang na may kapalit to."- napangiti ako dahil don.. haha.. buti naman.
"oo sige.. bigyan pa kita ng mga chicks eh."- nakangiting sambit ko at nagsimula namang tumayo si lucas st lumapit kina dean.. ginawa nya nga. haha..
napatigil naman sina dean sa ginagawa nila at galit na tinignan si lucas.. patay tayo dyan..
pero kaya yan ni lucas, sya pa ba??.
nakita kong naggesture yung kamay ni lucas na oras na para umalis ako.. kaya madali akong tumayo at tumatakbong lumabas ng restaurant pero bago pa ako makalabas ay may nasangga akong isang baso dahilan para magkaroon ng ingay at maagaw ko ang atensyon ng mga tao..
uh-oh.. patay... palpak.. katapusan ko na...
hindi ako makagalaw.... ayokong kumilos dahil alam kong sa mga oras na to nakatingin na rin sakin sina dean sa likuran ko..
what to do??..
help...
"kasey??!"- i heard the voice of dean calling my name..
uh-oh.. patay na talaga...
lupa lamunin mo na ako please....
minsan na nga lang akong maging tanga, ngayon pa!!
malas ko nga naman oh???.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top